Beranda / Romance / Kakaibang Tikim / Season 2 (Kabanata 0078)

Share

Season 2 (Kabanata 0078)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-20 16:16:30

Sylas POV

Pagdating namin ni Kuki sa mansiyon ng pamilyang Veron, hindi ko na kailangang mag-utos pa dahil alam na nila ang gagawin. Tahimik kaming bumaba mula sa sasakyan, kasunod ang piling-piling mga magagaling kong assassin. Lahat naka-black ops gear, sila ‘yung mga dati ko nang tauhan na sa tuwing isasabak ko sa laban, wala pang minuto, tapos agad ang mga kalaban.

“Position one, clear,” bulong ng sniper namin sa earpiece.

I looked around. Walang katao-tao sa labas pero alam ko, maraming nakaabang ng mga tauhan si Harvy.

Ang galing nga e, handa agad si Harvy, siguro, natunugan at nabalitaan niya na nawawala ang tatlong magagaling niyang assassin na pumasok sa manisyon ko, inubos ang mga tauhan ko at dinukot si Keilys, kaya ngayon, bigla siyang naghanda sa maaaring malaking labanan na magaganap.

Ngayong madaling-araw, ipaparamdam ko sa kaniya na nagkamali siya na ginulo niya ang pamilya ko.

“Execute plan,” seryoso kong utos.

Tumalon mula sa mga pader ang una naming wave ng assassin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Ruby
Nakapa intense & exciting. Ang galing napaka detalye, prang nagwa watch ako ng action movie, nkaka thrill............
goodnovel comment avatar
Rowena Albero
ay ang ganda bakbakan n ...️ update plss..
goodnovel comment avatar
Geraldine Abuyog
omgggg!!! miss author pwede ka na yata maging direktor ng movie....super duper action love it though......... more update please.....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 195)

    Ilaria POVNasa Maynila na ako bago pa man makauwi si Keilys sa Yay Town. Kahit gusto ko na siyang makausap at makita ulit, pinilit ko na lang umalis muna. Ah, basta, wala muna akong balak na makita siya ngayon. Hindi pa ngayon. Pakiramdam ko kasi, mas papagalitan niya ako sa personal. Ilang beses ko nang naranasan noon iyon. ‘Yung pagiging masungit niya palagi sa akin. Naiisip ko, mas matindi pa ang mangyayari kapag nagkita kami. Baka sungitan pa niya ako lalo at sisihin ng husto dahil sa pagkawala ng first baby girl namin. At kung tutuusin, gusto ko rin maranasan niyang masaktan kahit kaunti. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kahirap ‘yong nami-miss mo nang sobra ‘yong taong dati, ikaw ang inuuna pero sa huli, hinayaan niyang hindi makasama ng mahabang panahon. Halos mag-iisang taon din.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ang buhok ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaisip sa kaniya kagabi. Ang hirap pala. ‘Yung galit at sabik mo, nag-aagawan kung

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 194)

    Keilys POVPagdating ng kotse ko sa tapat ng villa, nasagap agad ng pandinig ko ang sariwang hangin na dumadaan sa pagitan ng mga puno sa paligid ng villa. Hindi na gano’n kalakas gaya noong mga nakaraang araw na napapanuod ko sa balita, pero ramdam pa rin ang lamig na iniwan ng bagyo. Habang binubuksan ko ang gate gamit ang remote, napangiti ako, ilang buwan ko ring hinintay ‘to. IPagpasok ko sa bakuran, bumungad agad sa akin ang mga pamilyar na mukha. Si Vandall ang unang lumapit, kasunod si Rook, Nomad, at Jink. Lahat sila parang nagmamadaling makalapit, sabay-sabay na bumati sa akin.“Boss, welcome back,” sabi ni Vandall, habang si Rook naman ay kinuha ang mga bitbit kong bag.Pero bago pa ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto ng villa at lumabas si Manang Lumen. “Ay, Keilys, hija!” halos pasigaw niyang sabi, sabay lapit at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. May halong saya at lungkot sa boses niya, parang matagal kaming hindi nagkita. “Diyos ko, salamat at ligtas kang n

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 193)

    Ilaria POVSinalubong ko ng payong si Toph sa labas. Kahit akong nakapayong, nabasa pa rin dahil sa lakas ng hangin at ulan.“Anong naisip mo at bumabagyo ka pumunta rito?” tanong ko sa kaniya nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Kapwa kami nabasa, pero mas basang-basa si Toph.Hindi siya agad nagsalita. Pinagbihis ko muna. Mabuti na lang at may dala-dala siyang damit niya. Habang nasa banyo siya, hinanda ko na ang hapunan namin at sure akong hindi pa rin siya naghahapunan. Mainit na ang nilagang baboy. Nilagay ko ang kaserola sa gitna ng lamesa. Naghiwa rin ako ng papaya para sa dessert. Baka kasi sabihin ni Toph, nilagang baboy at kanin lang talaga ang nasa lamesa.Maya maya, lumabas na ulit siya ng na naka-jacket. Nagbuhos din pala siya saglit para hindi raw matuloy sa lagnat ang eksena niya.“Nag-dinner ka na ba?” tanong ko.Umiling siya. “Nag-merienda lang ako nung umalis kanina sa Manila,” sagot niya.“Tamang-tama, halika na rito. Sumabay ka sa akin. May mainit na sabaw dito

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 192)

    Keilys POVPagmulat ko ng umagang iyon, ramdam ko agad ‘yung gaan ng paligid. Kaninang madaling araw palang, puro good news na ang nakikita ko about sa balita sa Pinas. Wala na raw ‘yung nakakabinging kulog, wala na rin daw ‘yung malakas na hangin na halos gawing tambourine ang mga bintana ng mga bahay doon.Maging sa Vietnam ay tila maaliwalas na rin.Pagbukas ko ng kurtina, sinalubong ako ng liwanag ng araw. Maganda na talaga ang panahon.Matapos ang isang araw na pagkaka-stuck dito sa Vietnam dahil sa bagyo, puwede na ulit lumipad ang private jet ko pauwi sa Pinas.Tinawagan ako ng pilot kaninang alas-siete pa lang ng umaga.“Sir Keilys, all clear. Ready to fly anytime.”At ‘yun na nga, wala nang dapat hintayin pa. Uwing-uwi na talaga ako.Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ‘yung paborito kong gray turtleneck, black coat, at relo na bigay ni Mama. Habang inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, napangiti ako. “Handa na akong umuwi, Ilaria.”Bago ako bumaba, tinawagan ko muna si

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 191)

    Ilaria POVAng lakas ng ulan. Parang walang balak tumigil. Signal number 3 na rin dito sa town namin. Kanina pa umuugong ang hangin, kumakalampag ang bubong, at halos mapuno na ng tubig ang labas ng bahay.Nasa sala ako ngayon, nakasilip sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga dahon ng puno ng mangga na halos tumiklop sa lakas ng hangin. Kawawa naman ang puno ng kapitbahay namin, mukhang mapuputol pa.Hindi kami makalabas. Hindi ko rin naman balak lumabas. Kaming dalawa na lang ulit ni Tatay Iggy dito sa bahay. Si Manang Lumen kasi, bumalik na sa villa dahil tinawagan daw ulit ng Mama Keilani ni Keilys. Ayaw pa ngang umalis ni Manang Lumen, dito nalang daw siya pero ako ang pumilit na umalis siya kasi kailangan din talaga siya ni Keilys doon.Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.Masaya ba ako?Naiinis?O parehong sabay kong nararamdaman?Wala pa rin kasing paramdam si Keilys. Kahit isang simpleng kumusta o kahit emoji lang na smile, wala.Ang alam ko lang a

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 190)

    Keilys POVNagising ako sa malakas na ugong ng makina ng jet at sa boses ng pilot sa intercom. Medyo inis pa ako dahil napaaga ang gising ko, pero nang marinig ko ang sinabi niya, agad akong natahimik.“Sir Merritt, we’re experiencing turbulence due to a super typhoon entering Philippine airspace. For safety, we’ll make an emergency landing in Vietnam.”Napamura ako nang mahina. “Seriously?”Sumilip ako sa bintana. Wala pa nga kami sa teritoryo ng Pilipinas, pero ramdam ko na ang bangis ng bagyo. Kumukulog, may mga kidlat na kumikislap sa malayo, at halos hindi na rin stable ang paglipad ng jet.“Do it,” sagot ko sa piloto. “Safety first.”Sa totoo lang, wala naman akong magagawa. Delikado kung ipipilit pa. Kaya pinilit kong kumalma, huminga nang malalim, at tinignan sa tablet ang flight tracker. Nakita kong lumilihis na ang ruta papuntang Hanoi.Pagkalipas ng halos apatnapung minuto, nag-landing kami nang maayos. Medyo mabigat ang ulan, pero hindi kasing tindi ng bagyo sa Pilipinas.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status