LOGINIliana POVMaaga kaming umalis ng mansion kinabukasan.Halos kasisimula pa lang sumikat ng araw nang sumakay kami ni Kuki sa kotse ko. Kapag pala umaga ay tahimik lang siya, walang kibo, basta na lang siya nagmamaneho ng sasakyan. Ganoon din naman ako. Tahimik lang at nag-iisip na rin kung ano bang mangyayari.Hindi ako mapakali. Ngayon ko lang pupuntahan ang mismong company ng pamilya ko.Ang company na malamang ay pinapakelaman na ng mga pekeng Veron. Naisip ko nga, sino kaya ang CEO na gumaganap ngayon doon?For sure isa sa mga pekeng Veron. Baka ang Pekeng Lola Daryl ko o ang pekeng Lolo Harvy.“Kabado ka ba?” tanong ni Kuki habang nakatingin sa kalsada. Napatingin ako sa kanya. “Hindi. Aba, dati akong maldita. Sanay akong makipagtarayan. Kung maaari, kaya kong ilabas ang sungay ko noh!”Napangiti siya nang bahagya. “Dapat lang. Ayoko kasi sa duwag. Hindi pa man kita tini-train pero ngayon palang ay sasabihan na kita. Ayoko sa duwag. Gusto ko ay palagi kang matapang sa laaht ng o
Iliana POVNaaatat na ako, nabo-boring at habang tumatagal ay dumarami na ang iniisip.Sa totoo lang, kanina pa ako nag-iisip talaga.Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ng veranda ay may biglang pumasok sa isip ko.Isang bagay na matagal ko nang dapat ginawa.Napahinto ako sa gitna ng hagdan.Bakit ngayon ko lang ito naisip?Kung may gustong angkinin ang mga pekeng Veron, hindi lang naman bahay at pera ang target nila.Ang tunay na habol nila ay pati na rin ang mga negosyo ng pamilya namin. Ang mga company. Ang mga farm. Ang lahat ng pinaghirapan ng tunay kong pamilya sa loob ng maraming taon.Malaki ang chance na pinapakelaman na nila iyon. Malaki rin ang chance na marami na silang nilustay sa mga pera at ari-arian namin habang matagal na nakakulong ang mga magulang ko. Habang naghihirap din ako sa paglaki ko, sila, ayon, nangialam ng pera nang may pera at nangialam ng yaman nang may yaman.Napahawak ako sa baba ko habang nag-iisip. Kung gusto kong paliitin ang mundo nila, kailan
Kuki POVTanghali na nang umalis ako sa mansion. Hindi ako umalis para gumala. Wala pa naman akong gagawin. Ang task pa kasi ni Iliana sa ngayon ay puro exercise na magpapalakas pa sa katawan niya. Nabo-boring na rin ako. Sayang ang araw ko kung tatanga lang ako. Hindi pa naman ako sanay nang walang ginagawa sa isang araw.May mas mahalaga akong gagawin ngayon.Habang nagmamaneho ako ng kotse palabas ng gate ng mansion ay naalala ko ang mukha ni Iliana. ‘Yung hawak niyang espada niyang si Lilix.At ‘yung paraan ng pagtingin niya doon. Parang bata na nakahanap ng paborito niyang laruan.Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko akalain na sa lahat ng armas na puwedeng piliin ng isang taong gustong matuto lumaban ay espada pa talaga ang pipiliin niya.Baril ang madalas gamitin ngayon. Mas mabilis makapatay at mas praktikal.Pero ang espada?Iba iyon. Mas mahirap. Mas personal. At kung ako ang tatanungin ay mas delikado.Pero kung iyon ang gusto niya, sige. Iyon ang ihahanda ko para sa kanya.
Iliana POVNakaupo ako sa sofa sa living room habang hawak ang cellphone ko. Katatapos lang ng exercise ko kanina kasama ang Helltrace at Bloodtrace, pero kahit pagod na ang katawan ko ay hindi pa rin mapakali ang isip ko.Paulit-ulit na naman sa utak ko si Mama Davina.Nasaan na kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Okay lang kaya siya?Minsan iniisip ko, baka takot na takot na siya. Baka hinihintay niya ako. Baka umaasa siyang darating ako para iligtas siya.Patayo na ako para umakyat sa kuwarto ko nang tumunog ang cellphone o. Napatingin ako sa cellphone. May bagong message na dumating.Napakunot ang noo ko. Unknown number ang nakita ko sa screen.Pero nang buksan ko ang message ay anlaki ang mata ko.Nag-message sa akin ang pekeng Lola Daryl.Nanigas ang katawan ko. Ito talaga ang hinihintay ko nitong mga nagdaang araw. Sa wakas ay nagparamdam na ulit sila.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik na basahin ang message.“Iliana, sumuko ka na. Wala kang mapapala kung ipaglalaban mo pa ang
Iliana POVPagdating namin ni Vandall sa mansion ay halos hindi ko na maitago ang excitement ko.Hawak-hawak ko pa rin ang espada na nakabalot sa tela. Kahit mabigat ito ay hindi ko ito pinabuhat kay Vandall. Gusto ko ako mismo ang may hawak.Pakiramdam ko kasi ay parang espesyal ito. Parang may kakaibang koneksyon na agad ako sa espada.Habang naglalakad kami papasok sa malaking pintuan ng mansion ay hindi ko maiwasang ngumiti.“Miss Iliana,” sabi ni Vandall habang nakatingin sa hawak ko. “Sigurado ka talagang gusto mong gumamit ng espada?”Tumingin ako sa kanya. Kanina pa kami magkasama sa labas pero ngayon lang talaga siya nagtanong.“Oo, Vandall.”“Hindi ito biro,” sabi niya agad. Alam ko naman iyon pero alam ko rin na napagsasanayan naman ang lahat ng bagay. Lalo na ang paggamit ng espada.“Alam ko.” Nginitian ko siya para ipakitang seryoso ako. “Pero gusto ko pa rin talaga.”Hindi na siya nagsalita pa. Tumango na lang siya.Pagpasok namin sa loob ng mansion ay napansin kong tahi
Iliana POVAnong oras na, pero hindi pa rin ako makatulog. Tumingin ako sa wall clock ko dito sa kuwarto ko, halos mag-a-alas onse na ng gabi.Panira kasi ang tinimplang kape ni Kuki kanina. Nakatambay ako nung alas sais sa terrace ng mansion nung lumapit siya. Aba, nagulat na lang ako dahil may dala-dala na siyang kapeng mainit. Dalawa iyon, isa sa akin at isa sa kaniya. Ininom ko at nasarapan ako. Uwi raw niya kasi galing sa China. Pero, putek na ‘yan, heto ang epekto, hindi ako makatulog. Hinding-hindi na ako titikim ng kape niya. Daig ko pa nakapag-adik, gising na gising pa ang diwa ko hanggang ngayon.Napaupo ako sa kama at kinuha ang remote ng TV sa side table.“Manood na lang kaya ako,” bulong ko sa sarili ko.Baka sakaling antukin ako. Binuksan ko ang TV at nagsimulang mag-scroll sa mga movie channels.Romance. Drama. Comedy.Pero hindi ko alam kung bakit, hindi ako interesado sa mga iyon ngayon.Hanggang sa may napili akong isang pelikula. Action movie.Nagsisimula pa lang ka







