เข้าสู่ระบบIlaria POVMaganda ang panahon, maaraw pero mainit sa pakiramdam kaya nakatali lang ang buhok ko habang nagwawalis sa bakuran. Tahimik ang paligid kapag ganitong oras dahil wala pang masyadong tao o tambay sa kalsada ng street namin, mamaya pa ang labas nila kapag wala ng sikat ng araw. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin kong may tatlong lalaki sa harap ng bahay namin. Nakita ko na nakikipag-usap kay Tatay Iggy ang mga ito. Tapos, may mga dalang basket ng prutas.“Free taste po, Tatay! Matamis po ‘to, imported pa!” rinig kong sabi ng isa habang ini-aabot ang isang berdeng prutas.Nung marinig ko ang salitang free taste, mabilis kong naalala si Lorcan. Ang demonyong pumatay kay Nanay Laria dahil sa sason. Gano’n din ang ginamit niya noon. Nabitawan ko tuloy ang hawak ko.“Tatayy!” sigaw ko, sabay takbo papunta sa kanila.Nagulat silang lahat. Napatigil si Tatay Iggy sa pag-abot ng prutas habang ‘yung tatlong lalaki ay nagkatinginan, halatang hindi nila inaasahan na nandito ako. Nu
Keilys POVMadaling-araw na, siguro mga alas dos. Nagising ako nang may luha sa mga mata ko. Napanaginipan ko si Ilaria, umiiyak sa ospital habang dinudugo. Mag-isa lang siya doon, walang kasama at halos lungkot na lungkot. Kaya nung magising ako, tumutulo rin ang luha ko.Nanlalamig ako nung bumangon. Wala pala akong kumot din. Ang lakas na rin kasi ng ulan ng snow sa labas.Sumilip ako sa bintana. Puting-puti ang paligid, at ang mga ilaw sa labas ng bahay namin ay halos maglaho sa kapal ng snow na bumabagsak. Ang lamig talaga, parang nanunuot hanggang buto. Sinubukan ko pang matulog, pero hindi ko na nagawa. Naisip kong magkape na. Maaga din kasi akong nakatulog kanina. Kapag nasa bahay ng maaga si Papa Sylas, sinasadya kong matulog ng maaga para hindi siya makita at makausap. Nang maramdaman niyang malaki na ang tampong nararamdaman ko sa kaniya.Kaya bumangon ako. Isinuot ko ang hoodie ko, at bumaba sa hagdan nang dahan-dahan para pumunta sa kusina.Paglapit ko sa hagdan, may nari
Ilaria POVTinawagan ako kinabukasan ni Rica para kausapin. Nagkita kami pero sa malapit na coffee shop lang namin. Nauna akong dumating doon, pero after ng ten minutes ay dumating na rin naman siya.Sa totoo lang, alam ko na kung bakit gusto niya akong makausap. Sure akong dahil sa nangyari kahapon sa amin ni Lorcan. Pagkatapos kasi ng away namin, umuwi na ako at hindi na nagpaalam kay Rica at Ica.“Sorry kung medyo na-late,” sabi niya. Hinayaan ko muna siyang um-order ng kape at pagkain niya. Pagkatapos, saka ako nagtanong kung tungkol saan ba ang pag-uusapan namin.“So, Rica? Anong dahilan nitong pag-uusapan natin?” tanong ko, matapos kong lagukin ang kape kong mainit.Nilabas niya ang phone niya at saka pinakita ang nangyari sa CCTV sa labas ng banyo sa hotel na pinagganapan ng birthday kahapon ni Ica. “Ikaw ang kasama ng pinsan kong si Lorcan bago siya matagpuang duguan ang ulo at walang malay. Naghahanap ng footage ang mama at papa niya pero hindi ko ito binigay para sa kaligtasa
Ilaria POVAlas diyes ng umaga nang makalabas ako ng Yay town. Ang biyahe mula rito hanggang Tagaytay ay halos apat na oras, depende pa traffic. Mabuti na lang at maaliwalas ang panahon ngayon. Habang nagmamaneho ako, napapatingin ako sa tanawin ng mga bukirin, bundok at mga maliliit na karinderya sa gilid. Nakaka-relax talaga ang hangin sa probinsya dahil malamig at sariwa.Habang umaandar ang kotse, napaisip ako kung saan hihinto para mag-lunch. Hindi naman kasi puwede na tuloy-tuloy lang ang biyahe kasi nanghihina din ako kapag gutom. Pero dahil alam kong pangmalakasan ang kakainan ko sa birthday, huminto na lang ako sa may tabi-tabing kainan para lang matawid ang gutom ko. Pero silugan naman, kaya masarap pa rin.PAGDAAN ko sa boundary ng Tagaytay, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, ibang-iba sa init ng bayan namin. Mga alas dos ng hapon, eksaktong oras ng party, nakarating ako sa hotel na sinabi ni Rica.Pagbaba ko ng sasakyan, halos mapangang
Ilaria POVKakatapos ko lang maglaba. Nakita ko kasing tambak na ang mga lagayan ko ng malilibag na dami, kaya pagkagising ko kaninang umaga, go, laba na agad.Saktong alas nuebe ng umaga ay natapos na ako, kaya nagsampay na ako dito sa likod ng bahay namin. Tinulungan pa nga ako ni Manang Lumen para madali ako.Nung namamahinga na kami sa dining area at umiinom ng guyabano tea na gawa ni tatay, tumunog ang phone ko.Pagkatingin ko, nakita ko ang pangalan ni Rica Villanueva sa screen. Dali-dali kong sinagot ang tawag niya habang nasa labas ako ng bahay namin.“Hello, Rica? Napatawag ka?” bungad ko sa kaniya sa kabilang linya.“Ilaria, hello and good morning na rin! Kumusta ka na?” bungad niya, halatang excited.“Ayos naman ako. Ikaw? Ang aga mo ata tumawag.”“Naku, iniimbita kasi kita! Birthday ng anak ko bukas! Seven years old na si Ica! At siyempre, gusto ka niyang imbitahan personally. Hindi raw puwedeng wala ka doon bukas.”Si Ica talaga, hindi ako nakakalimutan. Halatang tumatak
Ilaria POVOkay, oras na para mag-focus lang sa bahay ngayon. Review day ko para sa board exam, at grabe, parang mas nakaka-pressure pa ‘to kaysa sa mga actual na duty ko sa ospital.Maaga akong nagising, mga alas-siyete pa lang. Nagkape ako sa tapat ng halamanan namin, tapos namitas ako saglit ng mga bulaklak ng gumamela para gawing tsaa mamaya sa merienda ko. Pero, ibibilad ko muna ito sa araw para medyo maging dry.Pagkatapos, pumasok na ako sa kuwarto at inayos ang review table ko. May sticky notes na puro terminolohiya, highlighters at makapal na reviewer na parang encyclopedia sa dami ng laman.Ang una kong technique na naisip ay pomodoro method. 25 minutes straight na review, tapos 5 minutes pahinga. Nakakatulong ‘to para hindi ako malunod sa daming impormasyon na pumapasok sa isip ko.Sa loob ng unang session, nag-focus ako sa fundamentals of nursing. Habang nagbabasa ako ng mga procedures, ini-imagine ko na parang nasa hospital setup ako. Parang nagra-rounds ako, nagme-medica







