Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Chapter 187)

Share

Season 3 (Chapter 187)

last update Last Updated: 2025-11-10 19:55:34

Ilaria POV

Maganda ang panahon, maaraw pero mainit sa pakiramdam kaya nakatali lang ang buhok ko habang nagwawalis sa bakuran. Tahimik ang paligid kapag ganitong oras dahil wala pang masyadong tao o tambay sa kalsada ng street namin, mamaya pa ang labas nila kapag wala ng sikat ng araw. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin kong may tatlong lalaki sa harap ng bahay namin. Nakita ko na nakikipag-usap kay Tatay Iggy ang mga ito. Tapos, may mga dalang basket ng prutas.

“Free taste po, Tatay! Matamis po ‘to, imported pa!” rinig kong sabi ng isa habang ini-aabot ang isang berdeng prutas.

Nung marinig ko ang salitang free taste, mabilis kong naalala si Lorcan. Ang demonyong pumatay kay Nanay Laria dahil sa sason. Gano’n din ang ginamit niya noon. Nabitawan ko tuloy ang hawak ko.

“Tatayy!” sigaw ko, sabay takbo papunta sa kanila.

Nagulat silang lahat. Napatigil si Tatay Iggy sa pag-abot ng prutas habang ‘yung tatlong lalaki ay nagkatinginan, halatang hindi nila inaasahan na nandito ako. Nu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Elsie Catalan
update p pls....
goodnovel comment avatar
ann
uwi k n keilys..
goodnovel comment avatar
Cherry Lyn Mejares Servito
another update po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 224)

    Ilaria POVNagpasya akong umuwi sa Yay town para tignan ang bahay. Baka kasi nalooban na kami. Si Tatay, hindi na umuwi simula nung magka-farm. Day off ko naman sa pagiging private nurse ng mama ni Lorcan.Sa mga oras na ito, alam kong masaya si Lorcan kasi hindi niya ako makikita. Hindi siya ma-stress.Habang nagmamaneho ako ng sasakyan, biglang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, si Keilys pala.“Yes, mahal?”“ILARIA, MAG-INGAT KA, MAY SUSUNOD SA IYO PARA PATAYIN KA!” pasigaw na bungad niya sa kabilang linya.“A-ano? Pa-paano mo nalaman?” Kinabahan tuloy ako. Napa-ready ako bigla ng sarili. May mga patạlim naman akong dala palagi, pero mas maganda sana kung baril.“May natanggap akong message sa hindi naka-register sa phone ko. Ayon sa nakalagay sa message, mag-uumpisa na siyang maningil. Hindi ko alam kung si Lorcan ba, pero parang hindi. Alam ni Lorcan na may hawak tayong alas, kaya hindi niya ito magagawa sa iyo. Pero, mag-ingat ka pa rin, mag-ingat ka, mahal. Pinasunod ko na ri

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 223)

    Ilaria POVSinulit agad namin ang pag-stay sa farm. Nung araw ding iyon, lahat ng mga kababayan ko, kinuha ko. ‘Yung mga gusto lang mag-work sa farm at marami-rami din sila, kaya ang sabi ni Tatay, gusto na niyang mag-stay dito. At gusto rin daw niyang isama muna si Manang Lumen. Hindi naman tumutol si Keilys. Gusto nga raw niya na may kasama pang matanda dito si Tatay.Nilagasan agad namin ang mga alaga roon. Naglitson sila ng limang manok, isang baboy at isang baka, para sa biglang blessing na rin ng farm ni Tatay Iggy. Ako ang nagpahanap ng pari na magbe-bless sa farm. Mga lima sila na nagtulong-tulong para mabasbasang mabuti ang buong farm.Pagkatapos, kainan na. Masarap ang pagkakaluto ng mga manok, baboy at baka, kasi lutong galing sa Yay Town. Iba pa naman magluto ang mga taga sa amin. Talagang walang lansa ang mga karne, malinamnam at malambot pa.“Mahal, ang galing talaga nilang magluto. Ayos ‘to, puwedeng gawing negosyo ng tatay mo ang litsong manok, baboy at baka, tiyak na

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 222)

    Ilaria POVHindi na ako nagulat nang dumating si Lorcan sa harap ko na parang asong basang-basa ng pawis.Last day na kasi ngayon ng isang linggong palugit na binigay ko sa kaniya. Pero mukhang natupad na niya, kasi sumagot na siya sa message ko.Tahimik siyang pumasok sa maliit na meeting room dito sa mansiyon nila. Naka-ayos siya, oo, pero halata ang pagod dahil sa pawis sa noo niya. Hindi siya puwedeng ‘di susunod at alam na niya kasi ang mangyayari.Hindi niya ako agad tiningnan nung una. Parang nahihiya o parang nagpipigil ng galit kasi na-stress ko siya ng isang linggo sa paghahanap niya ng lupang bibilhin para sa farm namin ni Tatay Iggy.“O–okay na,” bungad niya sa wakas, habang parang malat. “N–nabili ko na ang gusto mo.”Hindi muna ako umimik agad. Pinagmasdan ko lang muna siya. Nanginginig kasi ang mga daliri niya.“Talaga ba?” tanong ko, habang kalmado.“O–oo,” sagot niya. “S–sampung hektarya. Gaya ng sinabi mo.”Inilapag niya ang folder sa lamesa. Ang kapal nun.“Kompleto

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 221)

    Ilaria POVNgayong araw, mas malinaw na rin talaga sa akin kung sino na ang may kontrol. Natatawa ako. Hindi na lang ako basta nurse ngayon. Ako na ngayon ang dahilan kung bakit nanginginig ang mga kamay ni Lorcan Trey kahit pa isa siyang bilyonaryo o kung gaano pa siya kayaman.Pagpasok ko pa lang sa mansiyon kanina, naamoy ko agad ang tensyon ng mga kasambahay. Siguro, masama ang timpla niya dahil sa ginawa ko sa kaniya kahapon at sa mga kasambahay niya binubuhos ang galit niya.May nakita akong kasambahay na nagmamadaling mag-abot ng tubig sa kaniya. ‘Yung isa naman ay nagmamadaling mag-abot sa kaniya ng charger. Habang ‘yung isa naman ay madapa-dapa pa habang inaabot ang laptop nito.Nakita ko siya sa may sala, among-amo, pero nakakatuwa ang itsura sa dami ng band-aid sa katawan. Maga rin ang isang kaliwang mata nito at putok ang labi dahil sa pagwawala ko sa kaniya kahapon.Hangang-hanga nga si Keilys nung mapanuod niya ang video habang binubugboog ko si Lorcan. Hindi raw siya m

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 220)

    Ilaria POVBumaba na ako sa ibaba. Nasa hallway palang ako, dinig ko na agad ang boses ni Lorcan. Panay ang utos niya sa mga kasambahay nila na ipasok sa kuwarto niya ang mga gamit na uwi-uwi niya.“Camilla, juice nga ng malamig,” mayabang na utos ni Lorcan habang nakasigaw. Ganito pala siya sa bahay, among-amo ang datingan.Hindi ko binagalan ang paglalakad ko. Binilisan ko pa ang paglalakad ko para magkita na agad kami.Nung nasa hagdanan ako, nakuha ko agad ang atensyon niya. Kitang-kita ko kung paano siya natigil pag-inom ng juice niya. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.Napapailing ako. Kung titignan, guwapo at ang ganda ng katawan niya, pero may tinatago naman palang sikreto.Nakangisi ako habang patuloy na bumababa sa hagdanan. Tinitignan niya akong mabuti mula ulo hanggang paa.Hindi na niya ako tinapos pang makababa sa pinaka-ibaba ng hagdan, siya na ang kusang naglakad nang mabilis, papalapit sa akin.Hinawakan niya agad ako sa braso nang sobrang higpit. Pumiglas ako

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 219)

    Ilaria POVNung gabing iyon, kahit alas nuebe na, pinilit naming puntahan si Rica para ibalita ang nakita namin sa isang USB na nakuha namin sa taguan ni Lorcan.Pagbukas palang ng pinto ng condo niya, parang ayoko muna talagang harapin siya kasi ang bigat ng balitang dala-dala namin ni Keilys. Inakay agad ako ni Rica para makapasok sa loob. Pinaupo niya kami sa sofa sa may sala at agad na nagtanong.“Ano, may nakita ba kayo? Kaya ba kayo nagpunta ay may nakita kayo?” tanong niya, bakas sa mukha nito ang takot.Tumingin si Keilys sa akin. Siya ang nag-utos sa akin na magsalita. “Oo, Rica. May nakita kami,” pabitin kong sabi. Ayoko siya kasing biglain.“Ano? Nasaan? Anong nakita ninyo?” atat niyang tanong.“Mainam siguro kung mapapanuod mo ang nakita namin,” sabi ni Keilys at saka niya inabot kay Rica ang phone niya. Nalipat na rin kasi namin sa phone niya ang mga kuha ni Joshua at Lorcan para madali namin itong maipapakita sa kaniya.Inagaw naman agad ni Rica ang phone ng boyfriend ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status