LOGINIliana POVHindi puwedeng dalhin sa ospital si Zariyah kasi baka doon na siya tuluyang patayin ng mga kalabanan. Kaya naman nagpagtawag si Mama Davina ng mga private doctor at nurse para dito na lang gamutin si Zariyah. Agad din nilang hinanda ang lahat ng kakailanganing gamit para magamot at maligtas ang buhay niya.Kinailangang salinan ng dugo si Zariyah sabi ng doctor. Mabuti na lang at magka-blood type sila ni Vandolf. Siya na ang nagsabing sasalinan niya ng dugo si Zariyah. Lahat ng kailanganing gamit ay pinabili aga ni Mama Davina para masagawa agad ang paggagamot kay Zariyah. Gaya ko, malaki rin talaga ang utang na loob ni Mama sa kaniya kaya gusto nitong bumawi. Kung hindi kasi dahil kay Zariyah, hindi siya makakawala sa kamay nila Tito Harry at Tita Venice.Pagkatapos ng lahat, sa wakas ay nagpapagaling na lang si Zariyah. Naroon na ito sa clinic na ginawa na rin dito sa mansion. Ito ay para kapag may nasugatan din na iba sa amin, mayroon na kaming sariling gamutan dito sa ba
Iliana POV“Anong nangyayari? B-bakit kailangan naming sumama sa inyo? Bakit sinasabi mong kami ang pakay nung dalawang assassin na iyon?” sunod-sunod na tanong ni Hendrix nung aminin na namin ni Kuki sa kaniya ang lahat-lahat.Lumapit si Kuki sa kaniya. “Hendrix, puwede bang doon na tayo mag-usap nang mabuti sa mansion nila Iliana? Mabuti pa’y sumama na muna kayo ni Ariyah sa amin. Doon na rin kayo magkikita at mag-uusap ni Zariyah. Susunod siya sa atin.”Napatitig na lang si Hendrix sa amin. Parang nagdadalawang-isip kung sasama ba siya o hindi. Kaya doon ko na ginamit ang susi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko pinakita ang video ni Zariyah. “Panuorin mo ‘to, Hendrix,” sabi ko sa kaniya.Tinanggap niya ang cellphone ko. Nang ma-play niya ang video, seryoso niya itong pinanuod.“Hendrix, asawa ko, patawad sa mga ginagawa kong hindi mo pa alam hanggang ngayon. Pero saka na ako magpapaliwanag. Mas mabuti kung sumama na muna kayo kina Iliana. Doon tayo magkita-kita sa bahay nila
Iliana POVHuli na para hindi kami magpakita. At hindi rin naman ubrang umalis na lang bigla dahil mission naming makuha sina Hendrix at Ariyah. Hindi naming puwedeng pabayaan ang mag-ama ni Zariyah. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya, kaya gagawin ko rin ang lahat para maprotektahan at maligtas ang mga mahal sa buhay ni Zariyha. Ngayon ako babawi sa kaniya.“Ang lakas ng loob n’yo,” sabi ni Portia, habang iniikot ang leeg niya. Bumaba na kasi kami ni Kuki sa sasakyan para magpakita sa kanila.“Sinasabi na nga ba’t taksil na si Zariyah,” dagdag ni Raica, habang nanlilisik ang mga mata niya sa amin ni Kuki.Wala na, tuluyan na nilang nalaman ang sikreto namin ni Zariyah. Pero parang ganoon na rin kasi balak na rin nilang kunin ang mag-ama ni Zariyah. Siguro ay para mahawakan sa leeg si Zariyah, na hindi namin hahayaang mangyari.Kulang pa man ako sa mga totoong battle, pero mukhang ngayong umaga, mararanasan ko na ang isa sa mga matinding totoong laban sa mga walangyang assassin na
Kuki POVNag-message si Zariyah kay Iliana. Ang sabi nito, tignan at protektahan ang asawa at anak niya. Ito ay dahil naghihinala na sa kaniya sina Harry at Venice. Kaya anumang oras daw ngayon ay pupuwede siyang tumakbo at umalis sa kanila.Malaki ang utang na loob sa kaniya ni Iliana kaya agad-agad ay aasikasuhin namin ang sinabi nito.Madaling-araw ngayon, heto, kasama si Iliana, umalis kami para puntahan ang asawa at anak ni Zariyah. Gamit-gamit ang isang van. Kailangan kasi naming ilayo ang pamilya niya.“Kuki, gusto ko ng kape?” inaantok na sabi ni Iliana. Katabi ko siya rito sa harap. Ako ang nagda-drive. Alas tres ng madaling-araw nung tumawag sa kaniya si Zariyah. At kahit inaantok at pagod dahil sa battle niya kagabi, heto, nagawa niyang bumangon pa rin para tulungan naman si Zariyah.“Sige, dadaan tayo sa coffee shop,” sagot ko habang naghahanap na malapit na madadaanang kapihan. “Gusto ko rin kasi ng cake, o kahit anong matamis, need ko ng energy dahil kulang na kulang ang
Iliana POVMas lalong lumalakas ang loob namin ni Kuki, lalo na’t dumating na ang iba pang tauhan nila Mama Davina. Nagulat pa kami ni Kuki nung makita naming halos bato-bato ang katawan ng mga farmers na mandirigma na iyon. Sabi ni Mama Davina, sila ang itatapat sa mga higanteng lalaking tauhan nila Tito Harry at Tita Venice.May dala-dala pa silang buntis na babae. Ewan ko kung anong plano ni mama doon. Pero mukhang mahalaga ito sa kaniya.“Anong plano mo ngayong araw?” tanong ni Kuki habang papunta kami sa training field.“Battle ulit. This time, si Nomad naman ang susubukan kong labanan,” sagot ko sa kaniya habang diretsyong nakatingin sa daan.“Sigurado ka?” tanong niya, habang dahan-dahan niyang iniikot ang hawak niyang balisong.Ang talim nito ay kitang-kita ang kislap dahil sa sikat ng araw. Nakaisip tuloy ako bigla ng gagamitin ko. Kinuha ko na rin tuloy ang balisong na nakita ko dito sa training field.“Tara, gumamit tayo ng armas, Nomad,” aya ko sa kaniya pagharap ko sa gru
Davina POVPAGLABAS namin sa kubo, naisip kong maglakad-lakad sa ubusan. Naisip ko ring mamitas ng mga fresh na ubas. Si Braxton kasi ay humiwalay sa akin, doon siya pumunta sa winery. Sisilipin daw niya ang mga loob noon at nakaka-miss daw kasi talaga.Habang nag-iikot ako sa gitna ng ubasan, napansin ko ang isang pamilyar na mukha ng isang babae.Nung tignan niya ako, bigla siyang umiwas ng tingin. Nahabag naman agad ang loob ko. Natatandaan ko siya. Siya si Elena. Siya ‘yung isa sa mga matagal na rin naming tagapitas ng mga ubas dito. Natatandaan ko rin na palagi ko siyang sinasaktan at binu-bully noon kapag lasing na lasing ako palagi at napupunta ako rito. Si Elena ang madalas kong paglaruan kapag badmood ako. Si Elena ang madalas kong sinasampal, sinasabunutan kapag napapagalitan ako nila Mama Daryl at Papa Harvy. Kaya nung makita niya ako ngayon, heto, parang nagbalik ang takot niya.Pero this time, hihingi na ako ng tawad sa kaniya.“Elena,” tawag ko sa kaniya.“Ma’am Davina,”
Ilaria POVTumalikod siya sandali, kumuha ng towel at pinunas sa mukha niya.Then he turned to me again.Brown ang mata niya. Sharp. Seryoso niya akong tinignan. Parang sinusuri ako. Nagtama ang paningin namin. Gusto ko sanang umiwas pero hindi ko magawa.“Who are you?” tanong niya. Grabe, ang laki
Ilaria POVPAGLABAS NIYA NG BANYO, inalalayan ko ulit siya papunta sa kama niya. Jusko, paglabas niya, latang-lata lalo. Lasing na kasi, nagpakawala pa ng lakas. At hindi lang ‘yon, nakakaloka dahil wala pa rin siyang saplot paglabas. Literal na, nakita ko na talaga ang lahat-lahat sa kaniya. Para
Ilaria POVMuli siyang humiga sa bench press. Kinuha niya ang barbell at nagsimulang magbuhat ulit.Sa bawat pag-angat ng barbell, sumisigaw ang mga ugat sa braso niya. Ang pawis niya, tumutulo sa sahig. Pero ni minsan, hindi siya umangal o parang nahihirapan, sanay na sanay na siya. Tahimik lang s
Ilaria POVSimula nung mahuli ako ni Sir keilys na tinitignan ko ang underwear niya, aba, hindi na ito lumabas sa kuwarto niya. Hindi rin ito nag-uutos, tila natulog naman after makapag-gym.Kaya ang ginawa ko, namahinga rin muna sa kuwarto ko, tutunog naman ang cellphone o telepono kapag may utos







