Share

Kaleidoscope of Memories
Kaleidoscope of Memories
Author: rebeldeizs

Prologue

00

“I’m sorry,” wika niya kaya’t lumingon ako sa kaniya ng may ngiti sa labi kahit pa ang mga mata ko ay walang tigil sa pagluha. Kanina pa sila walang tigil sa pagpatakan.

“Does it will change anything?” Mahinahon at mahinang tanong ko sa kaniya pero sapat na para marinig nito. Para bang wala na akong lakas pa para lakasan ang boses ko dahil masakit na rin ang lalamunan ko sa pagpigil ko nang hikbi.

Hindi siya tumingin sa akin pero kita ko ang pagpatak ng mga luha niya habang nakatingala at pinagmamasdan ang samu’t saring kulay ng ilaw sa langit. Pilit kong inaaninag ang mukha nito kahit pa natatabunan ng luha ang aking mga mata. Walang pagbabago ang reaksyon na nakita ko sa kaniyang mukha at alam kong pareho kami ngayon.

Lungkot.

Ang mga luha niyang kumikinang dulot ng liwanag na nagmumula sa mga fireworks sa kalangitan, maging ang mahihina at pilit niyang pagpigil sa paghikbi ay para bang dinudurog ako. Mas nakakadagdag pa sa bigat ng nararamdaman ko ang nakikita ko siyang ganito.

Ba’t umabot sa ganito?

“I love you,” wika nito na naging dahilan para mas nagpatakan ang mga luha ko. Hindi ako lumingon o kung ano, nakatingin lang ako sa itaas. Halos hindi ko na talaga nakikita ang maliwanag na langit dahil sa sobra-sobra na ang luha sa mata.

“A-Alam ko.”

Huling wika ko bago kami balutin muli nang katahimikan. Hikbi at ingay lang ng fireworks ang maririnig ko sa paligid. Alam kong gano’n din ang naririnig niya.

Seeing him crying beside me right now despite the fact na may nagawa siya para umiyak kami nang ganito ay hindi pa rin maiwasan na makaramdam na parang may sumasaksak sa puso ko sa pagluha niya.

Ilang minuto na kaming nakaupo rito at umiiyak. Natapos na rin ang fireworks display na plinano naming dalawa para sana maging masaya pero hindi ko inaasahan na ngayon pa bubuhos ang luha namin ng sobra and the reason is something that we can’t change. A reason for us to break-up even though we love each other so much. That’s insane knowing you can’t change it even if you want it.

“We need to end it here, to where we started.” Mahina ngunit may pait na wika ko matapos kong pumasan ang mga luha at ayusin ang sarili makalipas ang ilang minuto.

Maga ang mga mata niya nang tumingin sa akin. Bahagya pa itong tumulala habang nakatingin sa’kin at may kumawala na namang luha sa mga mata niyo kaya’t hindi ko mapigilan na iiwas ang tingin sa kaniya dahil nagbabadya na naman ang akin.

Ilang minuto na naman ang lumipas at binalot muli nang katahimikan ang buo naming paligid.

“If shooting stars allow me to meet you again, I’ll make everything’s right,” wika niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. Napatingan ako sa langit nang maaninag sa gilid ng mata ko ang liwanag mula rito.

‘Ah meteor shower. Oo nga pala, ngayong araw ’yon.’

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at ginawa kong ’yon ay nagtama ang tingin namin. Sa muling pagkakataon ay ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung masaya ba ang lumabas sa ngiti ko o lungkot na naman.

“If shooting stars allow us to meet again, we both know we can’t go back to the way we used to.” Isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Ngayon sure na akong malungkot talaga ang ibinigay kong ngiti dahil hindi umabot sa mata. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig niya kahit pa bahagya itong nakaawang. Para bang may gusto siyang sabihin pero walang tunog na lumalabas. Walang tamang salita siyang masagot sa sinabi ko

Lumapit ako sa kaniya at hiwakan ang dalawa nitong pisngi. Ipinantay ko sa lebel ng mukha niya ang mukha ko para matitigan siya at makipagtitigan sa kaniya.

Umiiyak na naman siya. I smile bitterly.

You did it. Whether you want it or not, you can’t change what happened. All we can do is accept, rdyou know it too well more than anybody else.

Humigpit ang hawak ko sa mukha niya at pinunasan ang luha sa mata nito gamit ang hinlalaking daliri, “Don’t do anything stupid, okay?” I said and gave him my best smile. Tumigil na sa pagluha ang mga mata ko pero ramdam ko ang bigat at hapdi mula roon.

Tumitig ako sa kaniya, “Maybe this timeframe is not ours,” I smile again as I slowly occupying the gap between our lips. I gave him my final kiss, “Goodbye.” wika ko saka tumalikod at sinimulang maglakad papalayo sa kaniya.

Huminto ako habang naglalakad at lumingon mula sa pinanggalingan ko.

‘Congrats. You made it, Engineer.’

Isang malawak ngunit malungkot na ngiti muli ang siyang lumarawan sa mukha ko. Napahigpit rin ang hawak sa dala kong maleta.

Wala na talagang atrasan ‘to. Sana sa pagbalik ko, okay na ang lahat kahit na hindi na ako.

Inikot ko ang tingin sa buong airport. Ang daming tao at samu't saring ingay ang maririnig mula rito. Mga iyak, sigawan, tunog mula sa mga maleta at ang ingay mula sa labas saka kung anu-ano pa.

Ilang minuto pa akong nakatayo habang nakatingin sa entrance na pinanggalingan ko. Hindi na ako aasang may hahabol na Kenzo na siyang pipigil sa akin sa pag-alis ko pero may kakaunting hiling sa isip ko na sana dumating siya.

Nang magsawa ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kung saan ang pwesto ng flight at naupo sa mga benches doon para maghintay. Hindi pa nag-iinit ang upuan ko ay narinig ko nang tinawag ang lugar kung saan ako pupunta.

Agad akong tumayo at nang sisimulan ng humakbang ay napahinto ako nang mapansin ang sintas kong hindi maayos. I am wearing white wedge rubber shoes kapares ng button down long sleeves and jeans ko. Yumukod ako para maabot ang sintas para maayos ito. Sa pag-aayos ay napaangat ang tingin ko nang mapansin ang paghinto nang dalawang sapatos sa tapat ko.

Mukha niyang ngiting-ngiti ang unang bumungad sa’kin. The heart-shaped lips smile.

Nandito na rin pala siya.

Inayos ko nang mabuti ang sintas at tumayo. Ngumiti ako sa kaniya at tinugunan niya lang din ng ngiti ang akin. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa labas nang airport bago iabot sa kaniya ang mga kamay ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

“Let’s go,” he said and drag me to the way to our flight.

Goodbye, Kenzo.

:)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status