Lexus is a loving sister and daughter. She’s living happily with her family and with her lover. One day, in an unexpected time, her lover had an affair with another girl. When she found out, she made a decision to leave his side and left the country with someone she barely knew. Upon going back to the country, everything turned into chaos when she met her ex-lover and the man she spent her life with in other country came back. With her feelings interfering to her decision, how can Lexus handle this roller coaster situation and where those kaleidoscope of memories lead her?
view more00
“I’m sorry,” wika niya kaya’t lumingon ako sa kaniya ng may ngiti sa labi kahit pa ang mga mata ko ay walang tigil sa pagluha. Kanina pa sila walang tigil sa pagpatakan.
“Does it will change anything?” Mahinahon at mahinang tanong ko sa kaniya pero sapat na para marinig nito. Para bang wala na akong lakas pa para lakasan ang boses ko dahil masakit na rin ang lalamunan ko sa pagpigil ko nang hikbi.
Hindi siya tumingin sa akin pero kita ko ang pagpatak ng mga luha niya habang nakatingala at pinagmamasdan ang samu’t saring kulay ng ilaw sa langit. Pilit kong inaaninag ang mukha nito kahit pa natatabunan ng luha ang aking mga mata. Walang pagbabago ang reaksyon na nakita ko sa kaniyang mukha at alam kong pareho kami ngayon.
Lungkot.
Ang mga luha niyang kumikinang dulot ng liwanag na nagmumula sa mga fireworks sa kalangitan, maging ang mahihina at pilit niyang pagpigil sa paghikbi ay para bang dinudurog ako. Mas nakakadagdag pa sa bigat ng nararamdaman ko ang nakikita ko siyang ganito.
Ba’t umabot sa ganito?
“I love you,” wika nito na naging dahilan para mas nagpatakan ang mga luha ko. Hindi ako lumingon o kung ano, nakatingin lang ako sa itaas. Halos hindi ko na talaga nakikita ang maliwanag na langit dahil sa sobra-sobra na ang luha sa mata.
“A-Alam ko.”
Huling wika ko bago kami balutin muli nang katahimikan. Hikbi at ingay lang ng fireworks ang maririnig ko sa paligid. Alam kong gano’n din ang naririnig niya.
Seeing him crying beside me right now despite the fact na may nagawa siya para umiyak kami nang ganito ay hindi pa rin maiwasan na makaramdam na parang may sumasaksak sa puso ko sa pagluha niya.
Ilang minuto na kaming nakaupo rito at umiiyak. Natapos na rin ang fireworks display na plinano naming dalawa para sana maging masaya pero hindi ko inaasahan na ngayon pa bubuhos ang luha namin ng sobra and the reason is something that we can’t change. A reason for us to break-up even though we love each other so much. That’s insane knowing you can’t change it even if you want it.
“We need to end it here, to where we started.” Mahina ngunit may pait na wika ko matapos kong pumasan ang mga luha at ayusin ang sarili makalipas ang ilang minuto.
Maga ang mga mata niya nang tumingin sa akin. Bahagya pa itong tumulala habang nakatingin sa’kin at may kumawala na namang luha sa mga mata niyo kaya’t hindi ko mapigilan na iiwas ang tingin sa kaniya dahil nagbabadya na naman ang akin.
Ilang minuto na naman ang lumipas at binalot muli nang katahimikan ang buo naming paligid.
“If shooting stars allow me to meet you again, I’ll make everything’s right,” wika niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. Napatingan ako sa langit nang maaninag sa gilid ng mata ko ang liwanag mula rito.
‘Ah meteor shower. Oo nga pala, ngayong araw ’yon.’
Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at ginawa kong ’yon ay nagtama ang tingin namin. Sa muling pagkakataon ay ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung masaya ba ang lumabas sa ngiti ko o lungkot na naman.
“If shooting stars allow us to meet again, we both know we can’t go back to the way we used to.” Isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Ngayon sure na akong malungkot talaga ang ibinigay kong ngiti dahil hindi umabot sa mata. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig niya kahit pa bahagya itong nakaawang. Para bang may gusto siyang sabihin pero walang tunog na lumalabas. Walang tamang salita siyang masagot sa sinabi ko
Lumapit ako sa kaniya at hiwakan ang dalawa nitong pisngi. Ipinantay ko sa lebel ng mukha niya ang mukha ko para matitigan siya at makipagtitigan sa kaniya.
Umiiyak na naman siya. I smile bitterly.
You did it. Whether you want it or not, you can’t change what happened. All we can do is accept, rdyou know it too well more than anybody else.
Humigpit ang hawak ko sa mukha niya at pinunasan ang luha sa mata nito gamit ang hinlalaking daliri, “Don’t do anything stupid, okay?” I said and gave him my best smile. Tumigil na sa pagluha ang mga mata ko pero ramdam ko ang bigat at hapdi mula roon.
Tumitig ako sa kaniya, “Maybe this timeframe is not ours,” I smile again as I slowly occupying the gap between our lips. I gave him my final kiss, “Goodbye.” wika ko saka tumalikod at sinimulang maglakad papalayo sa kaniya.
Huminto ako habang naglalakad at lumingon mula sa pinanggalingan ko.
‘Congrats. You made it, Engineer.’
Isang malawak ngunit malungkot na ngiti muli ang siyang lumarawan sa mukha ko. Napahigpit rin ang hawak sa dala kong maleta.
Wala na talagang atrasan ‘to. Sana sa pagbalik ko, okay na ang lahat kahit na hindi na ako.
Inikot ko ang tingin sa buong airport. Ang daming tao at samu't saring ingay ang maririnig mula rito. Mga iyak, sigawan, tunog mula sa mga maleta at ang ingay mula sa labas saka kung anu-ano pa.
Ilang minuto pa akong nakatayo habang nakatingin sa entrance na pinanggalingan ko. Hindi na ako aasang may hahabol na Kenzo na siyang pipigil sa akin sa pag-alis ko pero may kakaunting hiling sa isip ko na sana dumating siya.
Nang magsawa ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kung saan ang pwesto ng flight at naupo sa mga benches doon para maghintay. Hindi pa nag-iinit ang upuan ko ay narinig ko nang tinawag ang lugar kung saan ako pupunta.
Agad akong tumayo at nang sisimulan ng humakbang ay napahinto ako nang mapansin ang sintas kong hindi maayos. I am wearing white wedge rubber shoes kapares ng button down long sleeves and jeans ko. Yumukod ako para maabot ang sintas para maayos ito. Sa pag-aayos ay napaangat ang tingin ko nang mapansin ang paghinto nang dalawang sapatos sa tapat ko.
Mukha niyang ngiting-ngiti ang unang bumungad sa’kin. The heart-shaped lips smile.
Nandito na rin pala siya.
Inayos ko nang mabuti ang sintas at tumayo. Ngumiti ako sa kaniya at tinugunan niya lang din ng ngiti ang akin. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa labas nang airport bago iabot sa kaniya ang mga kamay ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Let’s go,” he said and drag me to the way to our flight.
Goodbye, Kenzo.
…:)
13 — Again, My Heart Beats Maliwanag na, halos hindi ko namalayan na inabot na ako ng umaga. Gising na gising pa rin ang diwa ko kahit pa pagod na pagod na ang katawan sa mga bagay-bagay na ginawa ko kahapon— sa opening na ginawa kahapon para sa shop na itinayo ko at kung anu-ano pa. Maraming nangyari mula nang umuwi ako. Hindi ko na nga lang sana papansinin kaso nagkukusa pa rin silang bumalik para ipaalala sa akin ang mga nangyari. Kahit anong pilit kong patulugin ang sarili ay ayaw naman ng isip ko dahil hindi ko rin naman maawat ang sarili kong magnilay-nilay. Hindi lingid sa kaalaman ko na inabot na pala ako ng umaga. Tuluyan nang hindi ako nakatulog dahil sa mga bagay na bumabangabag sa akin magdamag. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan sila sa ganoong ayos hanggang sa lumipas ang ilang minuto. Saglit pa akong tumulala at tumingin sa kisame bago ako tuluyang bumangon. Ganap nang ala-sais na ng umaga. Kahit na ayaw ko pang kumilos ay hindi pwede dahil nakalimut
Sensation of the Past Dahan-dahan kong tinapik ang balikat niya para gisingin na dahil nga nasa tapat na kami ng bahay nila. Nang masiguradong gising na ay binawi ko na ang kamay na tumatapik sa balikat niya. Naghintay pa muna ako nang ilang sandali bago nito tuluyang buksan ang mga mata at pupungay-pungay na tumitig sa akin. Sinabayan ko ang ginagawang pagtitig niya sa mga mata ko. Hindi ito kumukurap at hindi rin nag-iiba ang paraan nang pagtitig na ginagawa niya ngayon sa harapan ko. Walang pagbabago sa reaksyon na meron siya mula kaninang idilat nito ang mga mata. Ang mapupungay niyang mga mata ay hindi maalis ang tingin sa akin. Walang nagsasalita dahil nakatitig lang talaga ito sa mga mata ko. Hindi rin ako kumikilos ng kakaiba dahil gusto kong makita ang gagawin nito. Sinabayan ko ang pagtitig na ginagawa niya.Sa pagkurap nito ay kasabay ang mariin na pagpikit niya at pag-ayos ng upo. Pinagmamasdan ko ang ginagawa niya mula noong ibinaling niya ang tingin sa bintana na nasa
11 – Familiar Feelings I arched my eyebrows and bow my head. After a couple of minutes na nakayuko ay napag-desisyunan kong inaangat na ang tingin. Nakangiti akong nakaharap sa kanila habang hawak nang mahigpit ang gunting na inabot sa akin kanina. Hindi ko maiwasang manggilid ang luha ko habang nakatingin sa mga nakangiti nilang mukha. I can see my parents’ face smiling, looking at me with their proud face. Sa pagkurap ko ay nawala rin sila pero pinalitan naman ito nang nakangiting mukha ni Nexus. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko nang tuluyang putulin ang ribbon na nasa harapan ko. Kasabay nito ay ang pagsabog ng confetti at pag-click ng camera. “Congratulation, Ate!” wika ni Mint nang makalapit sa akin at niyakap pa ako nito. Ganun din ang ginawa ni Sage at ni Nexus. Humarap ako sa karatulang nakasabit sa harapan nitong
10 – Warm embrace Ilang minuto pa kaming nasa gano’ng ayos hanggang sa makarinig kami nang pagkatok sa pinto at ang marahang pagbukas nito. Lumingon ako para makita kung sino ba ang nando’n at iniluwa nito si Liev. May dala itong baso na may lamang tubig. Agad siyang lumapit sa gawi namin at inabot sa akin ang hawak niya. I gave it to Nexus and watch him drink it. Bumalik ang tingin ko kay Liev at ngumiti sa kaniya. “Thank you.” Sa muling pagkakataon ay sumilay sa bibig nito ang hugis puso niyang labi. His lips are really pretty and its shape especially when he’s smiling. “You’re always welcome, Fria.” Ngumiti rin ako habang dinadama ang marahang pagtapik nito sa ulo ko. Para akong aso sa ginagawa niya pero I found it comforting kaya hinahayaan ko lang siya hanggang sa lumipas ang ilang minuto at inalis na niya ang kamay niya. &nb
09 — Reminiscence 'n' Feelings All eyes on him dahil nakaiwas ang tingin nito sa'min. Lumipas ang ilang minuto bago niya iangat ang tingin kasabay nang paglalagay niya ng Tupperware sa lamesang pinagkakainan namin. “Hindi na, I brought food,” wika niya at dahan-dahang itinulak palapit sa akin ang lalagyan. Hindi pa nabubuksan ang lalagyan ay amoy na amoy ko na ang laman nito. Nang mahawakan ko ay agad ko itong binuksan. Para bang nagningning ang mga mata ko dahil tama nga ang naamoy ko. “Sisig!” masayang wika ko habang ang mga mata ay ibinaling ko kay Kenzo. He's staring at me and slowly nodding his head. Para bang nawala sa isip ko ang awkward na sitwasyon na meron kami ngayon. “Pinadala ni Mama.” “Really? Say my thanks to her.” Iniiwas ko na ang tingin sa kaniya dahil sa iba na nabaling ang pansin ko, sa pagkain n
08 — Turning Red“Ate, sino ’yang nasa likuran mo?” bungad na tanong ng kapatid ko matapos buksan ang pinto. Nilingon ko ang taong bahagyang naka-bend sa likuran ko. “Anong ginagawa mo?”Imbis na sumagot ay inilarawan niya sa mukha nito ang ngiti. Umayos na rin siya nang tayo at ibinaling ang tingin sa kapatid ko. Gumawi na rin siya sa tabi ko. “Hi, Nexus,” wika nito habang hindi naaalis ang ngiti sa labi niya. “Kuya Liev!” wika naman ng kapatid ko at nakipag fist bump pa siya rito. “Pasok na kayo.” pahabol pa na wika niya matapos buksan ang pinto nang malawak para makapasok na kami. Habang papasok ay nag-uusap lang silang dalawa at ako naman ay nakatingin lang sa likuran nila. Halos kauuwi ko lang galing kina Machi. Nasa daan na ako pauwi nang tumawag itong si Liev na gusto niya raw makita si Nexus kaya dinaanan ko na lang din pau
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments