Share

Chapter One

01 – Party

“Happy birthday, Kambal!” pagbati ko sa kanila saka sila niyakap at hinalikan sa pisngi.

Ang cute ni Sage dahil nahihiya pa siya nang halikan ko dahil nasa malapit lang ang girlfriend niya. Ngumiti naman ako sa girlfriend nito nang magtama ang tingin namin. Napatingin ako sa kaniya dahil sa paglingon ni Sage matapos ko siyang i-kiss.

“Kuya, hiya ka pa d’yan, parang dati nagtatampo ka pa kapag ’di ka kinikiss ni Ate,” wika ni Mint sa kapatid na siya namang ikinasama nang tingin ni Sage sa kaniya.

“’Wag mo nang inisin, Mint. Binata na siya e, ayaw na niya sa’kin.” Kunwaring tampong wika ko at umiwas nang tingin sa kaniya.

“Ate Lex!” wika ni Sage at nang lingunin ko ay nakasimangot na ito habang sumasama ang tingin kapag natitingin kay Mint. Pinigilan ko ang pagtawa ko baka magwala na rito eh.

“Biro lang sige na, puntahan mo na girlfriend mo. Baka bumulagta na lang ako dahil pasama na ang tingin sa’kin,” wika ko. Mas sumimangot ang mukha niya na ikinahagalpak namin ng tawa ni Mint.

“Cute talaga ng kakambal mo mainis,” wika ko habang natatawa.

Yumakap naman muli si Mint sa akin at inaya na niya akong pumunta sa garden kung saan gaganapin ang birthday nila.

Ang ganda.

It's her debut party. Magkaiba sila ng debut dahil nga sa lalaki ’yong kambal niya pero ang gara pa rin nito.

The autumn theme is so amazing. Wala akong gaanong alam sa ganito pero alam ko parin naman ang maganda sa hindi.

Mostly the colors that standout in her motif is red. Most of the flowers and decorations are red even the lightning. May iilang puti at kulay orange pero mas lamang pa rin ang pula. May pa-chandelier pa siya at red carpet. Her debut is blazing red.

Hindi pa siya tapos ayusan pero may mga bisita na siya. Mamaya pang 8:00 pm ang start ng party at nasa 6:00 pm pa lang ngayon. Hindi parin nakaayos si Mint sa gown na susuotin niya. May enough time pa naman siya para makapag-ayos kaya't sinamahan ko na siyang magtungo sa kwarto niya.

Binati ko narin sina Tita na biglang pumait ang mukha nang makita ako pero nginitian ko na lang din sila bago kami umalis sa garden.

Nagtungo na kami sa kwarto niya dahil doon siya aayusan. Namangha ako sa ganda ng mga damit na susuotin niya.

Tatlong klase ng damit ang nandito sa kwarto. Meron ’yong isa na pinakamahaba na susuotin niya ata kapag nasa peak na ng event o para sa 18 roses niya. It's a Burgundy Quinceanera dress with Sequins Applique off the shoulder. It's really pretty. Habang ’yong isa naman ay black knee length dress and the last one is that maroon satin strapless long dress. Lahat ng damit ay kita ang balikat.

“Hindi ako na-inform na hubadera kana Mint,” wika ko habang nakatingin pa rin sa mga damit niya.

Lumingin ako sa gawi ni Mint nang makarinig ako nang mahihinang hagikgik mula sa roon. Kunot noo ko silang tinitigan. Sila, dahil kasama na niya ang kambal nito.Hindi ko napansin na nandito na pala siya. Baka sumunod din agad matapos magpaalam sa kasintahan nito.

“Ate naman! Grabe ka sa hubadera ah, gusto mo ba sayawan kita?” Ngingisi-ngising tanong nito sa akin na ikinatawa ko na rin. Siraulo talaga ng isang ito kahit kailan.

“Hindi ka lang nakausap niyan Ate nang isang buwan naging hubadera na nga.” Pagsingit naman ni Sage sa usapan. Halatang inaasar ang kambal niya pero natatawa lang si Mint sa kaniya. I don’t why but when the two of them teasing each other they’re cute, isama mo pa kapag nand’yan na ’yong kapatid ko. Para silang triplets, and that’s too much cuteness for me to take.

“Sabihin mo nga ulit Sage ’yong ‘hubadera’,” asar ko rito. Simangot ang mukha niya matapos marinig mula sa akin ang mga sinabi ko. Maybe he didn’t expect me to tease him.

Hindi ko maiwasan talaga ang hindi asarin si Sage ang cute kasi niya. Namumula ang tenga kapag nahihiya ta’s iiiwas ang tingin sa'kin. Tell me, is he not cute with that?

“Mang-aasar ka pa kase e.” Tumatawang wika ni Mint bago umupo para maayusan na siya.

Sinimulan na naman siyang ayusan, habang ako ay nakatingin lang sa ginagawa maging sa kaniya. Lumabas na rin si Sage nang simulang ayusan ‘yong kambal niya. H*****k pa muna ito sa pisngi ko bago umalis nang nakasimangot.

Lumipas ang ilang minutong nakatingin lang sa pag-aayos sa kanya at pag-iikot dito sa kwarto nang mapagdesisyunan kong magpaalam na lang muna at lumabas. Madami na rin akong nakuhang litrato gamit ang sarili kong DSLR. May sarili naman siyang photographer pero mas gusto kong ako kukuha ng pictures na ilalagay ko sa album namin. Pangdagdag sa collection ko.

“Sa labas muna ako, Mint.” Pagpapaalam ko.

Hindi ko siya narinig sumagot kaya lumabas na lang ako. Nagtungo ako sa garden para roon naman kumuha ng mga litrato, para na rin makuhanan ang kabuuan ng venue bago magsidating ang mga bisita niya.

Mas gumanda ito, hindi gaya kanina na wala pang ayos ang mga lamesa at upuan. Ang bawat upuan ay napapalibutan ng pulang bulaklak liban sa inuupuan at sinasandalan, may iilan rin autum leaves ang nakalagay. Siguro kung uupo ka roon para kang umupo sa mga bulaklak. I’m not good in explaining things but it’s really pretty and amazing. The autumn vibes is really kicking.

Ang gaga may pa red carpet pa.

Nang matapos kuhanan ng litrato ang bawat pwesto ay nagtungo naman ako sa mga paparating ng bisita. Sa pagtingin ko sa orasan ay medyo nagulat pa ako dahil sa 7:30pm na. Hindi ko namalayan ang oras. It’s almost time for her debut party.

Kukuha na lang siguro ako nang iilang litrato mula sa mga bisita niya tapos ay mauupo na muna ako sa pwesto ni Sage. Muli kong itinapat ang mata sa viewfinder eyespiece para makakuha na. gumawi ako malapit sa labasan para sa’kin ang una nilang tingin bago sila makarating sa mismong photographer ni Mint. The organizer agreed with me to be here.

Dahil wala pang ga’nong bisita ay tiningnan ko muna ang mga pictures. Hindi pa man nakikita lahat nang makarinig ng yapak ay agad kong itinapat ang mata sa viewfinder. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa harap ng camera. Napindot ko ito nang biglaan dahil sa gulat. Agad-agad kong inalis sa pagkakatapat ang camera at tumingin sa kaniya, hindi ko alam na dahil sa biglaang pagpindot na ‘yon ay humarap siya sa akin.

Our eyes meet.

“L-Lexus?” Napaatras ako nang tawagin niya ang pangalan ko, “Is that you, Lex?”

Agad agad akong tumalikod at nagbalak umalis but that’s rude. Ayoko namang magmukhang bastos sa harapan niya. Huminga ako nang malalim bago humarap sa kaniya ulit. Nakatingin pa rin ito sa akin nang humarap ako. Baka akala niya ang weird ko kasi bigla akong tumalikod sa kaniya.

“Hi, Kenzo,” nakangiting wika ko rito.

Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa gulat at ang patikhim nito para makabawi sa pagkakagulat. Isang ngiti na ang kita ko ngayon sa mukha niya.

“It’s been a long time, how are you?” tanong niya matapos gumilid paalis sa daanan dahil dumarami na ang dumarating na bisita.

“Yeah, it’s been a long time. Ayos lang naman, ikaw? Musta kana?” Pagtatanong ko pabalik sa kaniya. Inaya ko siyang maupo sa hindi kalayuang bench dito sa garden din nila Mint para naman hindi kami nakaharang sa mga dumarating. Tumingala ako para ang ganda ng langit.

“Ayos lang din naman.” He paused for a second. “Hindi ko inaasahang makikita kita ngayon dito,” he said with a bit of joy.

Sa paraan nang pagsasalita niya ay napatingin ako sa gawi niya. Nakatingala ito habang pinagmamasdan ang kalangitan. Ibinalik ko na lang rin ang tingin sa langit, baka mali lang ang pagkakaintindi ko sa paraan nang pagsasalita niya.

This feel like déjà vu. Here sitting with him under the sky full of stars.

“Akala ko nasa ibang bansa ka pa rin, kaya nagulat akong makita ka ngayon dito,” dagdag pa niya. I can feel his gaze. He’s looking at me.

Ngumiti ako nang hindi tumitingin sa kaniya bago sumagot, “Hindi ko naman gustong wala ako sa special day ng pinsan ko, alam mo namang parang kapatid na ang turing ko sa kanila.”

“’yon din ang naisip ko kaya nagpunta ako rito.”

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya pero nanatili lang siyang nakatingin sa langit habang may ngiti sa labi. He’s avoiding my eyes.

Hindi ko namalayang napatagal ang titig ko sa kaniya kaya’t nang lumingon ito sa akin ay nagtama ang tingin naming dalawa. Ngumiti ito na siyang ikinaiwas ko nang tingin at tumayo.

“Tara na sa loob, mags-start na.”

Sakto naman ang pagsasalita nang Emcee para ipakilala ang mga bisita at acknowledgement for her parents kaya tumayo na rin siya. Sinabayan niya ako sa paglalakad papunta sa loob.

“Nga pala, namiss kita,” wika niya na siyang dahilan kaya napahinto ako sa paglalakad at tumitig sa kaniya habang naglalakad pa rin palayo sa pwesto ko.

What?!

:)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status