Share

Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos
Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos
Author: NovelistLove

Chapter 1

Author: NovelistLove
last update Last Updated: 2021-06-16 08:16:46

"Hindi ko na yata maipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo bert." Malungkot na saad ni Melisa sa kanyang kababata habang naka upo sila sa tabi ng maliit na punong manga.

"Oh bakit? Susukuan mo na agad ang pangarap mo?" Baling na tanong nito.

 

"Wala din kasi akong magawa, hindi na ako kayang pag-aralin nila tatay at nanay. Simula kasi na nagkasakit si itay ako na ang tumutulong kay inay para sa aming gastusin sa araw araw."

Si Melisa ay nag iisang anak ni mang Jose at aling Marta. Malaki ang pangarap nila sa nag iisa nilang anak na makapagtapos ito ng pag-aaral ngunit sa hindi sinasadya ay nagkaroon ng sakit ang ama nito na dahilan upang hindi makapag patuloy sa unang taon sa kolehiyo si Melisa. Gustuhin man ng mag-asawa na maipatuloy ang pag-aaral ngunit si Melisa na ang nag lakas loob na hindi na ito mag-papatuloy, dahil naiintindihan nya ang kanilang sitwasyon. At umaasa sya sa Diyos na balang araw makakapag tapos din sya. Hindi pa sa ngayon.

 

Kaya naintindihan naman agad iyon ni Albert.

Si Albert ang nag iisa nyang matalik na kaibigan sa barangay nila. Mula pa kasi noong bata pa sila ay halos sila na ang magkasama kahit saan. Si Albert ay isang lalaking masiyahin ayaw niyang nakikita si Melisa na nalulungkot kaya siya lagi ang gumagawa ng paraan upang maging masaya muli ang kaibigan.

 

"Buti ka pa nga andiyan ang kuya mo na mag papa-aral sayo." Dugtong pa ni Melisa sa kaibigan.

 

"Tiwala lang Lis, kung ako nga lang ang masusunod ayukong lumuwas ng manila dahil alam ko na maiiwan kita dito." Lungkot na saad ni Albert habang hinahagod nito ang likod ni Melisa.

"Sige lang Bert para naman iyan sa future mo, para matupad mo ang dream house mo kapag guminhawa na buhay mo diba?"

 

"Dream house natin iyon hindi lang akin." Sabay tawa ng binata.

 

"Nagbibiro kana naman eh, hoy hindi po tayo pwede magsama sa isang bahay, may dream house din ako nuh." Ngiting ganti ni Melisa dito.

 

Buong hapon silang nagkwentuhan at maya maya pa nang magdapit-hapon ay naisipan na nilang umuwi. Medyo may kalayuan lang ang bahay nila Melisa at Albert kaya nang maihatid na nya ang dalaga ay umuwi na din ito.

 

 

"Oh asan ka namang lungga galing Albert?"

Tanong ng ina nito. Habang nagsasandok ng kanin.

 

"Kay Melisa ma, naawa nga ako sa kanya kasi hindi na nya maipagpapatuloy pag-aaral niya sa kolehiyo." Agad mag mano sa ina nito.

 

"Siguro dahil noong nagkasakit yung tatay niya, sayang matalinong bata pa naman yang si Melisa." Panghihinayang na sagot ng ina ni Albert.

"Dagdag pa ng lungkot ko kapag pinaluwas na ako ni kuya sa manila, mag-isa na lang sya dito ma." Tulala si Albert habang naka tingin sa kanyang plato.

 

" Eh kung kaya lang sana ng kuya mo na pag-aralin kayong dalawa bakit hindi, hindi na kasi iba sa atin si Melisa kaya kung may maitutulong sana ako sa kanya kaso wala din ako anak." Dagdag pa ng ina nito. At mag simula na sila maghapunan.

 

Pag tapos ng hapunan ay agad pumasok si Albert sa kanyang kwarto. Magpapahinga na sana ng biglang kumatok ang ina nito.

 

"Ma bakit po? tanong nito.

"Kausapin mo kuya mo." sabay abot ng maliit at lumang cellphone.

 

"Kuya bakit po?"

--Huh? ngayon na ?bakit po biglaan kuya ?

 

Tumagal ng ilang minuto ang pag-uusap nila. Makikita sa mukha ni Albert ang lungkot at pagkabalisa ng matapos ang pag-uusap nila.

 

 

Umaga palang ay hinanda na ni Melisa ang mga gamit sa pag titinda nila ng isda medyo madami kasing isda ang nahuli ng mga kasamahan ng tatay niya kaya napag pasyahan ni Melisa na tutulong sya sa pag lako nito. Mga alas dos ng hapon nang naka uwi silang mag ina, masaya sila dahil naubos ang isdang inilako nila, naka bili na rin ng bigas at ulam para sa susunod nilang kakainin. Nagpahinga lang saglit si Melisa dahil alam niyang mga alas kwatro ng hapon ay andon nang naghihintay si Albert sa kanilang tagpuan. Lalo siyang na excite dahil may binili siyang pagkain na kanilang paborito ang mainit na puto at bibingka.

 

Nang makarating sa tagpuan, ay wala doon si Albert.

"Hoyy unggoy! Lumabas kana diyan, alam kong nagtatago ka, tinaguan mo na ako noon kaya alam kong nagtatago ka ulit." pawang masayang pang-aasar ng dalaga.

Inilabas ni Melisa ang dala nito baka sakaling lumabas nga si Albert, ngunit sa ilang minuto nyang paghihintay ay ni anino ay wala syang nakita. Lumilinga-linga sa likod si Melisa ngunit tahimik ang paligid. Napa-ismid ito na parang nagtatampo sa binata.

Pero maya maya ay umalis ito upang sadyain sa kanilang bahay.

Mahingal-hingal siyang naka rating sa bahay nila.Bumungad sa kanya ang ina ni Albert.

 

"Melisa? Kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong ni Aling Belen sa dalaga ng makita niya ito sa bintana.

 

"Kararating ko pa lang po nay Belen, si Albert po?" Tanong agad nito.

Pinapasok muna sya ng matanda upang makapag pahinga.

 

"A-ano kaso ehh, si Albert ay pinaluwas na ng kuya niya kagabi sa manila biglaan nga eh ayaw pa nga nya sana umalis kasi nga gusto pa niyang magpaalam sa iyo, ang kaso nga eeh baka maiwanan sya ng barko pag dumaan pa sayo." Alangan na paliwanag ni aling Belen habang kumakamot sa kaniyang batok.

 

"Hooo? U-umalis na po s-si Albert?" Gulat na tanong nito.

 

"Pero nag iwan sya ng sulat teka at kukunin ko." Pagkabalik ay agad niyang inabot ito kay Melisa.

 

"Babalik pa po ba sya nay Belen?" Tanong nito na may kasamang namumuong luha sa mga mata.

 

Pinahiran ito ni aling Belen." Huwag kang mag-alala babalikan ka  nya.Hindi ko pa alam kung kelan pero kilala natin sya may isang salita iyon." pang-aalo nito sa dalaga.

 

Hindi nag tagal si Melisa sa bahay nila at nag pasya itong uuwi nalang.Bakat sa mukha nito ang labis labis na lungkot.Tumakbo ito ng mabilis habang umiiyak.

Nang makarating sa bahay ay agad itong pumasok sa kanyang silid. Umiyak ito ng umiyak.

 

Lumipas ang ilang araw hindi na nya binasa ang sulat ni Albert inipit nya lang ito sa libro.

Lalo lang kasi sya malulungkot pag ganun.Ginugol na nya lang ang kanyang oras sa pag titinda ng mga isda.Halos iyon na lang ang natatanging paraan upang hindi nya maala-ala si Albert.

 

Isang gabi habang nasa labas si Melisa naka tunghaw sa mga bituin.Muling bumalik tanaw sa  kanya ang mga masasayang alaala nila ni Albert.

 

"Melisa may dala ako oh, niluto ni mama na suman tara tikman natin." Masayang tinungo ni Albert ang kaibigan na naghihintay sa kanilang tagpuan.

 

"Wow mukhang masarap iyan Albert." Agad pinagpagan ni Melisa ang kamay upang makakuha ito ng suman.

 

Patango-tango pa ang kanilang mga ulo habang kumain ang mga ito. 

 

Pagkatapos ay gumuhit si Melisa ng bahay sa lupang kinatatayuan nila.

 

"Aahh dream house mo iyan diba?" Patawang tanong ni Albert sa ginawa ni Melisa.

 

"Oo gusto ko dito ko ipapatayo ang Dream House ko. Kaso wala akong pera eh." Kahit na naging malungkot ay nagawa pa din niyang tumawa.

 

Nagtawanan na lamang ang magkaibigan. At nagpagpasyahan nilang maghabulan at manghuli ng tutubi. Dahil sa mga bata pa sila noon ay hindi alintana sa kanila ang mga problemabg dumarating.

 

Nang nag edad na si Melisa ng 18 years old ay lumabas ang kanyang tunay na alindog.

Hindi naman ito mataba pero malulusog ang mga hita at balakang. May kurba ang katawan nito. Nagdagdag pa sa kanyang kaseksihan ang malulusog na mga dibdib. Kaya marami ang nagkakagusto sa dalaga ngunit laging naka-antabay si Albert sa kanya.

 

Si Albert naman ay namana niya ang dugong kastila ng kanyang lola ng lola niya. Matikis amg pangangatawan, maputi, ang kagwapuhan niya ay hindi nakakasawang titigan. Lalo na ang mapupungay na mata at sa katangusan ng ilong amg nagdadala ng appeal sa kanya.

 

"Balang araw magiging palasyo itong tagpuan natin Lis, papagawa ko ito ng dream house mo." Biglang pasimplinh sulyap sa dalaga.

 

"Hahahaha dream house ko? eh bakit wala ka bang dream house?"

 

"Kung ano yung sa iyo,ganun din sakin. At tutuparin ko yan nuhh."

 

"Ang yabang mo talaga nuh, sabagay walang imposible. Siguro yung sayo maniniwala pa akong magagawa mo pero sakin, wala yatang pag-asa bert." Mahinang sagot nito. 

 

"Assusss ikaw na nga nag sabi diba na walang imposible?" Sabay gulo ng buhok nito kay Melisa.

 

"Basta Lis, sabay natin aabutin to, sakali mang magkalayo tayo, patuloy pa rin ang pangarap ko. At sa ating dalawa." 

 

Napa lingon si Melisa sa narinig "SA AMING DALAWA?" tanong ng isip nito sa narinig. Medyo natuwa na kinilig ang dalaga pero winaksi nya agad ito. Dahil alam nya sa sarili nya na hanggang magkaibigan lang sila. At ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa ilusyong iyon.

 

"Huyyy kilig kaba?" tanong ng binata dahil nahalata itong namahimik.

 

"Hhah? Wala nohh alam ko namang binibiro mo lang ako eh." Alibay na sagot ni Melisa. Kahit iyon naman ang totoo.

 

"6years from now, matutupad nga iyon." Sabay taas ng kaliwang kamay ni Albert patunay na sumusumpa ito sa pangako.

 

Napangiti na lamang si Melisa sa akto ng binata.

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jwbs Lily
bagong koleksyon na aabangan araw araw...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 70

    Hindi din nakatanggi si Melisa nang lagyan ang kanyang baso ng kuya ni Anthony. Sabay nilang itinaas ito at sabay sigaw ng "Cheers!" Sabay inum nila.Pinilit na lamang na lunukin iyon ni Melisa ngunit imbes na mapaitan ay mas lalo pa siyang nasarapan sa lasa nito.Naka masid lang ang mga mata ni Albert kay Melisa dahil ang alam ni Albert ay hindi umiinum ng alak ang kaibigan. Pero dahil isa itong Reunion ay isinantabi muna iyon ni Albert. Hindi nalang niya wawalain sa kanyang paningin si Melisa at baka kung ano ang gawin ni Anthony sa kanya kapag ito'y malasing. Makakatikim talaga ng magkabilaang suntok si Anthony kung ano ang gawin sa kaibigan! "Don't you ever Boy!" Ani pa niya.Ilang sandali pa'y bumulong si Fernando kay Albert. Tumango lang ang binata sa mga sinasabi nito. Gusto na yatang matulog dahil hindi naman kasi siya pwede sa inuman. Agad naman niyang inalalayan ito palabas. Ngunit bigla niyang sininyasan si Paulo na tutukan muna si Melisa. Agad namang sumang-ayon ang kaibi

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 69

    Hindi malaman ni Melisa kung saan na siya lulugar. Para na kasi siyang hinahati sa dalawa. Naninimbang sa dalawang lalaki. "Masyado naman yata akong gumanda kaya't nagkandarapa ang mga 'to sa'kin." Nakuha nalang niyang biruin ang sarili. At upang hindi na mainis si Anthony inaya na niya itong kumain. Bahala nalang din kung ano ang sasabihin ni Albert sa kanyang binigay sa kanya. Dahil nga sa paborito niya itong pagkain kaya't kinain nalang niya kahit bigay iyon ni Albert.Kumain ng bahagya si Anthony habang kinakausap siya ng kanyang kuya about mamaya sa pag announced ng kanilang project. Mas nawindang pa nga siya nung siya pala ang mag-eescort kay Anthony sa stage. Pilit siyang ngumiti kahit gusto niyang tumanggi rito. Hindi niya kaya! Pero paano?Matapos ang ilang sandali ay hinanda na muli nina Melisa at Anthony ang kanilang sarili. Nag paalam saglit si Melisa kay Anthony upang mag tungo sa comfort room upang mag make over na. "Wait sasamahan kita." Habol pa ni Anthony."Uy 'wag n

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 68

    Doon at napanatag na ang utak ni Anthony dahil napaniwala niya agad si Melisa. Sa wakas ay hindi na ito lumilingon sa kaliwa't kanan. Dahil maging siya ay hindi rin mapakali dahil baka makita na naman ni Albert si Melisa at tuluyan nang maagaw ito sa kanya.Nag simula na ang awardings kaya't ang bawat taong naroroon ay pawang mga excited. Naging maingay ang buong area na iyon dahil sa hiyawan at palakpakan. Ngunit si Melisa ay nakikimatyag pa rin. Aminin man niya sa hindi ay talagang physically present, mentally absent talaga ang pakiramdam niya. Napapansin niya ring panay ang sulyap sa kanya ni Anthony. Upang hindi mahalata na kinakabahan, inayos niya muna sandali ang kanyang pagkakaupo at bahagyang itinaas ang noo upang kunwari'y kampante na siya.Hanggang sa tinawag ang pangalan ni Albert.Laking gulat niya nang sa kabilang lamesa lang pala ang grupo nila Albert. Halos magka dikit lang. Pero bakit hindi niya iyon napansin? Taka ng isip niya.Naghiyawan ang halos karamihan na nando

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 67

    NAGPAALAM na muna saglit si Fernando kay Devina. Nagmamadali na nga ito at baka mahuli na siya sa meeting. Total ay nauna na si Albert doon kaya may sasalo sa kanya sakaling ma-late ito ng kaunti."Paki subaybayan mo nalang si Albert doon pa, baka kung sino na naman ang pumulupot doon." Pahabol pa ni Devina.Tumango nalang si Fernando upang wala nang maraming satsat pa ang anak. Nang makasakay na sa kanyang sasakyan muli siyang sumenyas sa anak na aalis na ito.Ngunit tinitigan lang siya nito ni Devina."Maiba lang ako sir, bakit parang mas lalong umiiba ang trato sa'yo ni ma'am Devina kesa nung una?" Agad na naitanong ng driver ni Fernando."Buntis kasi siya Jun, gan'yan kapag mga buntis, masyadong mainisin. Kaya iniintindi ko nalang kesa patulan." Mabagal na sagot ni Fernando sa kanya."Ahh kaya po pala. Pati nga sa asawa niyang pogi inaaway din niya." Patawang dugtong ni Jun."Hindi niya 'yun asawa. Ama lang siya ng mga magiging apo ko." Pagko-korek lang nito.Tumango-tango lang si

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 66

    Natapos ang kanilang pananghalian, ngunit nanatili pa ding naka upo sa lamesa si Melisa. Mukhang bitin na bitin kasi ang kanyang pamamalagi sa bahay nila kasama ang mga magulang. Pero sabi naman ni Anthony after ng Reunion ay pwede ulit siyang bumalik dito."Anak, iwan muna kita huh, may ililigpit lang ako sa taas, si itay mo sa hapon pa yata 'yun uuwi baka busy sa poultry niya." Singit ni aling Marta sa anak."Sige 'nay, papasok na din naman ako maya-maya sa kwarto." Magalang na sagot ni Melisa.At nang mapag-isa muli, agad niyang binalikan ang kanyang topic kanina. Iniisip niya kung saan na naman niya pwedeng mamasyal kapag bumalik ulit siya dito. Biglang nakaramdam na naman si Melisa ng pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kasi hindi niya kayang iwasan ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung sino dapat ang sisisihin sa mga nangyari. Kung ang sarili ba niya dahil bakit pumunta pa kasi siya sa ibang bansa 'di sana walang namagitan kina Albert at Devina noon. O kung si Albert ang

  • Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos   Chapter 65

    "So aalis ka nu'n pa? Sino ang makakasama ko dito." Agad natanong ni Devina."Baka pwede mong pakiusapan si Dona anak. Mga tatlong araw lang naman ako doon." Ani ni Fernando.Biglang napa ngiti si Devina sa kanyang naisip. "Bakit si Dona, eh pwede namang si Albert.""Kasama din siya sa Reunion, siya ang representative ng mga Architect sa America branch. Hindi pwedeng hindi siya kasama." Diretsyong sabi ng ama.Napaismid ng tuluyan si Devina. "Naku malamang maraming mga babae din doon, at baka maka kita na naman siya. Malalagot talaga sila kapag landiin nila si Albert." Paniningkit ng mga mata nito."Trabaho ang punta namin doon, at iba si Albert sa lahat ng lalaki na nakilala mo. Marami na siyang naipundar na mga gamit at lupa dahil seryoso siya sa kanyang trabaho." Ani lang ni Fernando baka sakaling matamaan si Devina. Dahil kung tutuusin ay marami na sanang naipundar si Devina sa dati niyang trabaho noon paman maging sa kanyang business. Ngunit sa hindi siya marunong humawak ng pera

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status