Share

Chapter 2

Naputol ang pag mumuni-muni ni Melisa ng biglang bumuhos ang ulan, tumakbo sya pabalik sa kanilang bahay.

Pumasok na ito sa kanyang silid upang matulog.

 

 

Isang taon ang lumipas.

 

Nagkaroon ng pagkakataong makapag aral si Melisa sa kolehiyo sa tulong ng isang kapatid ng tatay nya sa abroad. Subra syang  natuwa sa offer ng tiyahin nya at dahil doon ay nabuhay muli ang kanyang pag-asang makatapos ng pag-aaral. Sa isang taon na lumipas ni isang sulat galing kay Albert ay wala din syang natanggap, wala na syang balita pa tungkol sa kanya dahil pati si aling Belen ay lumuwas na din ng Manila. Nawalan na din sya ng gana na isipin pa muli ang lahat ng pangako ng kaibigan.

Nag focus na ito sa pag-aaral.

 

"Nay, andito na po ako." Katok ni Melisa sa kanilang bahay.

Simula kasi na nag-aral na si Melisa doon na sya nag s-stay sa bayan, umuuwi lang sya sa baryo kada araw ng sabado upang makita din ang mga magulang.

 

"Abay kay ganda ganda namang dalaga ito ahh." Bungad ng nanay nito. Na masayang pinagmamasdan ang Anak.

 

" Nay naman ehh pangit po ba ako noon?" Pangusong tanong nito.

 

"Baby ka pa lang anak maganda kana." Sabat ng tatay nya na nag kakape sa may bintana. Nilapitan nya ito at nag mano.

 

Nakaramdam ng kapayapaan ang puso at isip ni Melisa ng muling humiga sa kanyang higaan. Malaya na ba sya sa kalungkutan?

"Hindi ko na nga maalala ang mukha ni Albert eh, kaya ok na ako." sagot nya sa sarili nya. Hanggang sa ito'y makatulog na.

 

Mabilis lumipas ang taon kaya sa araw ng pagtatapos ni Melisa ay subrang umaapaw ito sa kagalakan lalong-lalo na ng makita nya sa mga mata ng kanyang mga magulang ang labis-labis na pag iyak sa kaligayahan na kanyang natamo. GLORY TO GOD! tanging sigaw nito habang hawak hawak ang medalya at Certificate.

 

Isang linggo ang lumipas hindi na sya mapakali na makaluwas ng Manila dahil may trabaho na syang naghihintay doon.

"Kay bilis bilis ng panahon,ito na ako hahakbangan na muli ang next journey ng buhay ko." tulala habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran nila.

 

At ang araw nyang hinihintay ay dumating na.

"Pangarap pa rin ba ito?" bulong nya sa sarili na may kasamang ngiti sa labi. Habang nagliligpit nag mga gamit sa malaking bag.

Mga ilang minuto pa ay inihatid na siya ng kanyang magulang sa peir. Niyakap niya muli iyon bago tumalikod.

 

Mga ilang oras ang nakalipas ay wakas ay nakarating na siya.

"Ganito pala ang pakiramdam sa manila, ang dami mong tao ang makakasalamuha. At himala ng makikita ko pa sya dito." Sino si Albert? "Diba wala na sya? Diba hindi kana non kilala? Tanging bulong sa sarili habang naka upo sa paghihintay sa pinsan niya.

 

"Welcome home Melisa !!! " Pag bati ng mga pinsan nito sa kanya.

 

"Ang siponin na bata noon ngayon pang Miss Universe na! ." Sigaw ng pinaka panganay sa mag pipinsan sa kanila na si Jhoan.

Sabay tawa ng lahat.

 

Natawa na lamang si Melisa dahil totoo namin iyon.

 

"Huli nating kita noon, is yung nag karoon  ng family reunion diba? kaso bata pa noon si Melisa eh." Sabat ni Bernadet na kapatid ni Jhoan.

 

"Natatandaan ko pa po yun mga ate, kaso hindi na po klaro yung mga mukha nyo noon. Ang natandaan ko lang po yung tinulak ako ni kuya Bravo sa malaking cake." Patawa-tawang kwento ni Melisa. Na agad namang ikinatuwa ng mga tao sa loob ng bahay.

 

Anim sila lahat na mag pipinsan,bunso si Melisa sa kanilang lahat kaya kung ituring sya ay parang baby pa din nila ito. Magaan sa loob ni Melisa na makakasama nya ang mga pinsan at tiyahin nya.Madali silang pakisamahan. Kaya alam nyang magkakasundo sila lahat.

 

Bagamat naiilang pa dahil hindi sanay si Melisa sa mararaming tao lalo na sa loob ng bahay. Pero dahil dapat nyang sanayin ang kanyang sarili na nasa lungsod na sya ng Manila at hindi sa baryo.

May sariling kwarto si Melisa kaya makaka pag relax sya ng maigi. Dahil sa susunod na linggo ay makakapag umpisa na ito mag trabaho.

Isa syang supervisor sa kilalang Hotel sa lugar ng Makati, dahil Manager  ang ate Jhoan nya doon, kaya ipinapasok sya rito.

Masaya sya sa mga nangyayari sa buhay nya sinubok man ng kahirapan pero pasasan at giginhawa na din.

 

"Ohh ayan Lisa, excited kaba?" Wag kang kakabahan Huhh i-tetraining ka palang naman then pag ok na masasanay kana din." pag che-cheer ng ate Jhoan nya.

 

"Kaya ko po ate." Kahit medyo kinakabahan ay nagawa pa niyang ngumiti dito.

 

Ginantihan rin siya ng ngiti ng pinsan at maya-maya ay umalis na sila ng bahay.

 

Hindi pinapahalata ni Melisa na medyo kinakabahan ito. Lalo na at tinawag sya ng naka asign na mag i-interview sa kanya. Ramdam nyang pinapawisan ng malamig ang kanyang paa at kamay.

Ilang minuto palang ay naka hinga na ng malalim ang dalaga pagkalabas sa Office Room.

 

"Madaming pasikot-sikot dito para alam mo na ang galawan sa loob dito para kahit saan ka itapon may alam ka, at alam ko namang kaya mo ito." Paliwanag ni Jhoan. Habang iniikot ang buong Hotel.

 

Ngumiti lamang ang dalaga dahil isa iyon sa nagpapagaan ng loob para mawala ang kaba nito. Mas lalo tuloy syang na excite sa first day of training nya para bukas.

 

Nang makarating sa bahay ay agad sya nitong kinamusta ng pinsan nyang si kuya Bravo.

 

"Ok naman po kuya, medyo may kalayuan din po pala iyon. Tinuruan din ako ni ate Jhoan kung ano ang sasakyan ko papunta at pabalik. Para sakaling day off daw ni ate Jho eeh marunong na ako kahit wala sya." Tuwa na sagot nito.

 

"Ayannn bilis mo pala turuan, pero mag iingat ka lang sa mga kasabayan mo huh, alam mo namang maraming loko loko dito.

 

Tumango tango lamang ang dalaga habang naka ngiti sa kuya nya.

 

 

Lumipas ang isang buwan at halos sisiw na lang kay Melisa ang routine ng buhay nya. Trabaho bahay lang. "Kunting adjust pa Melisa" Bulong pa nito sa sarili habang nakatingin sa salamin.

 

Mabilis ngang lumipas ang taon, naging mabuti-buti na  nag buhay nina Melisa, natulungan na nya ang kanyang mga magulang na maiayos ang kanilang bahay sa lugar nila, buwan buwan ring nagpapadala ito para sa kanilang gastusin.

 

"Ang bilis nga ng taon, 6 years na simula noong nang iwan si Albert, at hanggang ngayon ay hindi na kami nag kita pa." Malungkot na sambit nito habang naka upo sa tabi ng bintana. Hindi nya rin maintindihan kung bakit alas kwatro ng madaling araw palang ay gising na gising ang diwa nito. Binigyan sya ng 2 weeks leave para naman ay makapag relax rin daw sya ayon sa kanyang manager na labis nyang ikinatuwa.

Muling naalala nga ang sulat na iniabot noon ng ina ni Albert. Hinanap nya ito at marahang binasa.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status