Share

Chapter 3

Today is my first day as Mr. Valderma's secretary. Sadyang maaga akong pumasok ayaw ko kasi mapagalitan sa first day ko.

Biglaan ang pag-uwi ni Miss Belle kasi sinugod daw sa ospital ang tatay niya. Dati palang family driver nila Boss ang papa ni Miss Belle kaya parang wala lang sa kanya kung tinutupak si Boss. Kabisado na niya ang ugali ng amo namin.

Always daw talaga beast mode si Boss kaya parang normal na kay Miss Belle ang mood nito. Iniintindi niya nalang din dahil sa dami ng responsibilad na  nakaatang sa balikat nito. Si Boss ang panganay sa kanilang magkakapatid. Sa kanya pinagkatiwala ng Daddy nila halos lahat ng negosyo nila. 

Bago umalis si Miss Belle sinigurado nitong naituro niya sa akin ang mga dapat at di dapat kong gawin. Naintindihan ko naman lahat. Strikto si Boss pagdating sa trabaho na niintindihan ko naman dahil siya ang pinaka-amo ng lahat. Hindi pwedeng magkamali.

Kabilin bilinan din ni Miss Belle na huwag magpapasok kahit sino kung walang appointment kay Boss, lalo na kung babae maliban kay Mrs. Valderama na ina nito at ang kapatid nitong si Chrystelle Veronica  ang bunso nila.

May isa pang kapatid si Boss, si Sir Vin Derick. Kaso nasa ibang bansa daw tinatapos ang Masteral niya. He's an architect and VP of the company. Panganay si Boss, he is already 28. Maaga siyang na train ng papa niya sa pagmamanage ng negosyo nila kaya tinaguriang ruthless siya in terms of handling their business.

Itong Valderama Construction and Land Developments Corporation ay isa lang sa malalaking negosyo ng pamilya Vaderama. They also owned chained of Hotels and resorts inside and outside of the country. 

In my days as her secretary I can say that I'm doing well. Hindi niya pa ako nabulyawan. Boss Hendrick is so professional. May isa lang akong problema, yun ay ang mga babae niya.

Araw-araw  may tumatawag  o di kaya nagwawalang babae sa lobby dahil gustong kausapin si Boss pero deadma lang ang huli sa mga ito. Kaya pala ilang inulit binilin sa akin ni Miss Belle ang parteng yun. Kasi kung siya daw, sanay na siya na araw-araw may tumatalak o di kaya umiiyak na babae sa kanya.

Sino ba kasing hindi maghahabol sa isang Van Hendrick Valderama? Sikat,  gwapo, maimpluwensiya at higit sa lahat mayaman. Halos lahat na katangiang hanap ng babae nasa kanya na. Kaya hindi ko rin sila masisi. Kahit nga mga empleyedo niya marami ding nag-aabang na masilayan niya ngunit mailap si Boss. Hindi lang mailap kundi masungit pa. 

Nung minsan ginoggle ko siya. Nakita ko doon  na maraming magaganda at mayayamang babae ang mga nali link sa kanya. May mga model, artista, beauty queen. Pero ni isa wala naman itong inaming girlfriend niya. In short babae ang Boss ko. 

Fifteen minutes before 9:00 ng tumunog ang alarm ko kasabay nun ay ang pagtunog din ng elevator. Hudyat na may paparating at hindi nga ako nagkamali dahil pag-angat ko ng tingin, bumungad sa akin ang kulay abong mga mata ng amo ko, ang nag-isang Van Hendrick Valderama.

He's wearing dark blue dress shirt, sleeves folded into his forearms exposing his strong and veiny arms. He paired it with black slacks and black shoes. Ang coat niya ay nasa kaliwang kamay niya at sa kanan naman ay ang kanyang bag. 

His hair is neatly brushed up.  Walang ibang palamuti sa katawan kundi tanging kagwapuhan lang. He looks so dashing na parang modelong wala man lang ka-effort effort dahil di na kailangan. Natural na lumalabas ang angking kagandahan. 

Naway lahat! 

Malayo palang amoy ko na ang panlalaking pabango niya na agad kumalat sa loob ng opisina. Sobrang bango ni Boss na feeling ko pinapaligo niya na ang buong perfume sa katawan niya. Like super bango and  I swear first time kong naka-meet ng lalaking ganito kabango. Yung tipong amoy pa lang parang nahahalina ka na. 

His manly scent is so addictive. Hindi ako mahilig sa pabango pero ngayon itong pabango ni Boss ay mukhang magiging paborito ko na. 

"G- good Morning S-si---" pero agad naputol ang aking pagbati.  

"Prepare my coffee." Walang kangiti-ngiti nitong sabi kaya nahihiya kong binawi ang ngiting pinakita ko sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko hanggang sa aking damit. Pagkatapos kinunutan ako ng noon saka tumalikod at pabalibag na sinara ang pintuan.

Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Napalakas lang ba ang pagkasara niya o sinadya niya itong binagsak. 

"Anong ganap? Ke-aga aga nagsusungit na agad" bulong ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ko sa salamin. Wala naman akong makitang mali doon. Naglagay lang naman ako ng kaunting blush on at lipstick. Ang mahaba at makapal kong pilik mata ay pina-curl ko lang at nilagyan ng mascara. May binigay kasi na pampaganda si Miss Belle sa akin at kabilin bilinan niyang gamitin ko  ang mga 'to kapag nagsimula na ako dito sa trabaho ko bilang sekretarya ni Sir Hendrick. 

 My hair is neatly tied into pony tail. I'm wearing a simple white fitted three fourth blouse and paired it with knee high pencil-cut skirt, a little bit showing my curves. Wala na kasi akong ibang masuot na disenteng damit dahil wala naman akong pera pambili ng mga gamit. Sa ukay ko nga lang to nabili. Hindi ito terno na mamahalin kagaya ng suot ng ibang mga trabahante dito pero maayos ko namang naisusuot. 

"Baka may problema lang si Sir kaya masungit." ako na lang din ang nagkonsula sa sarili ko. At bago pa ako mabulyawan ni amo dali-dali na akong pumunta sa pantry para ihanda ang kape niya. Black coffee, no sugar. 

Dadalhin ko na sana ang kape sa opisina niya ng maalala kong may niluto pala akong turon. Paano kaya kung bibigyan ko siya? Kakainin niya kaya? Nagdadalawang isip pa ako kung bibigyan ko siya o hindi pero pinili ko ang una.  Bahala na kung kainin niya o hindi atleast nagbigay ako.

Kumatok muna ako ng tatlong beses. Isa ito sa bilin ni Miss Belle sa akin ang kumatok or else "get out!" ang sasalubong sa akin. Hinintay ko muna ang sagot niya dahil ayaw kong masigawan ng labas. Lalo at mainit ang ulo nito ngayon.

"Put it down." di man lang sumulyap sa akin. Sobrang ilag na akala mo naman may dala akong sakit. Wala naman akong sore eyes Sir, kung makaiwas ka naman sa mga mata ko. Over!

Nilapag ko ang tray na may kape at tatlong pirasong turon sa harapan niya. Pero di man lang niya sinulyapan. Nakita niya kaya sa periperal vision niya ang tatlong turon? Yes tatlo binigay ko dahil maliliit lang naman yun, walang ibang kahulugan,w wag kayong eme. 

"What's my schedule for today?" sabi niya habang nasa laptop pa rin ang mga mata.

"You have a meeting with Mr. Lopez Sir at 10:00 and then later this afternoon around 4:00 for Contreras Realty with Mr. Luke Contreras po."

"Okay. You may leave." Yun lang wala man lang pa-thank you. Sungit talaga. Aalis na sana ako pero bigla akong may naalalang tumawag kanina. Babaeng m*****a, tinalaka ako sa telepono kanina.

"Ah by the way Sir, a certain Pamela Miranda called." I saw him frownd after I mentioned the name. He glance at me with one brow shut. "She wants to set an appointment with you. She said she'd been calling you but you are not answering her call. Kapag di niyo daw siya harapin magwawala siya dito sa opisina mo."

Nakakunot ang noong tumingin siya sa akin na parang may mali akong nasabi. Anong mali doon eh sinabi ko lang naman ang sinabi nung babaeng m*****a. Walang labis, walang kulang. Baka kasi kung di ko sinabi sa kanya at totohanin nung babae ako ang malilintikan niya. Mabuti na yung naniniguro diba?

"Sorry Sir, sinabi ko lang ang sabi ni Miss Miranda baka kasi..." I heard him chuckled and shook his head. 

 "Don't entertain her and next time she'll call tell her,  Get Lost!" 

"P-po?" Naguguluhan kong tanong. Seryoso siyang sabihan kong get lost? Magtatanong pa sana ako pero nung nakita kong nakasimangot na siya ulit tumango na lang ako at saka nagpaalam nang lumabas.

"Seryoso yun talaga sasabihin ko?" Bastos din to si Sir eh ipapahamak pa ako. Paano kung biglang dumating yun mga babae dito?  E di nasabunutan pa ako.." bulong bulong ko habang pabalik sa pwesto.

Pambihirang trabaho to. Hindi ako nahihirapan sa totoong trabaho pero pagdating sa mga chicks ni Boss mukhang doon pa ako madadale.

Goodluck sayo at sa buhok mo Ava Margaux. I handa mo nalang ang sarili at baka masabunutan ka nalang ng hindi mo alam.

Bago nagtanghali dumating si Sir Ethan. As usual nakangiti naman ito. Lalong gumgwapo si Sir Ethan kasi palagi itong nakangiti, palaging maaliwalas ang mukha. Halos magkasingtangkad lang sila ni Boss Hendrick. Magkasing laki lang din ang katawan nila, halatang mga alagang gym. 

"Hi Ava! How are you here?" nakangiting bati nito, labas ang mapuputing ngipin. 

Bat kaya di to nagmodelo, papasang model ng toothpaste eh. Pero teka! Anong tawag niya sa akin? Ava? He never calls me with my first name. He always address me with my family name.

Sasagot na sana ako kay Sir Ethan pero bago ko pa nagawa yun may naunan ng magsalita sa akin. Paglingon ko ang masungit na mukha ni Boss ang aking nakita. 

"What are you doing here, Dominguez?" si Boss na salubong ang kilay. "It's office time."

"Oh hi Brute! Dyan ka pala. Hmmm, I'm here to visit... you?" pero sa akin ito nakatingin. " Bakit bawal na ba akong pumunta dito? Dito ang pinaka magaling kong trainee ah. " sabay kindat ni Sir sa akin. Nahihiya akong tumungo, baka kasi magalit si Boss at feeling close ako kay Sir Ethan.

"Shut up, Dominguez or else I will throw you out." aniya sabay talikod sa amin.

"Tsk! Tsk! Shut up, Dominguez or else I will throw you out " panggagaya ni Sir Ethan kaya mahina akong natawa sa kanya.  "I'll  go ahead bago pa magbeast mode ang amo mo at ipatapon ako palabas." nakangising sabi ni Sir Ethan at nagmmadali na itong naglakad papunta sa opisina ni Boss.  "Don't forget your lunch, kumain kana." pahabol pa nito bago pumasok. Di ko tuloy maiwasang mapangiti sa kanya. Ang kulit din eh. Di ko akalaing may ganung side pala si Sir Ethan.

Ang swerte nang babaeng maibigan ni Sir Ethan. Gwapo na mabait pa. But wait at bakit naman pumasok sa isipan ko yun? Ano bang alam ko sa mga bagay na ganyan eh wala pa nga akong boyriend. 

Gutom lang siguro to kaya kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Saktong alas dose pagtingin ko sa orasan. May one-hour break kami. Bago ako bumaba sa cafeteria dinaanan ko muna si Jana sa Accounting Department para sabay na kaming managhalian.

"Hi Ava! Kumusta?" bati ni Billy sa akin,gumanti ako ng ngiti sa kanya. Isa siya sa mga employee dito na mabait sa akin kaya siya tinutukso ni Jana sa akin. Actually lahat naman sila mabait sa akin parang bunso daw kasi nila ako. Si Billy lang yung extra ang pagiging mabait. 

"Hello po Kuya Billy!" ganting bati ko sa kanya, sumimangot ito na parang bata. Ayaw iya kasing tinatawag ko siyang kuya, five years lang daw ang tanda niya sa akin at saka baby face din daw siya.

In fairnes kay Billy gwapo at matangkad din ito. Parang isa ata sa requirement ng kumpanyang to ang pagiging maganda at gwapo eh. Halos lahat na empleyado mapababae man o lalaki ang gugwapo't gaganda.

"Day! sigaw ni Jana." excited itong lumapit sa akin. "Tara na day tom-jones(gutom) na ako." sabay hila sa akin palabas ng opisina nila.

Diritso kaming cafeteria ni Jana. Mahaba ang pila kasi yong ibang empleyado dito din kumakain. Minsan lang kami kumakain ni Jana dito dahil madalas kami nagbabaon  para mas makatipid. Pero ngayon wala kaming baon, late kasi kami natulog kagabi at nagmamadali kami kaninang umaga. Nag MMK kasi si Jana kagabi tungkol sa first heartbreak niya ang ending nganga kami ngayon at heto nakapila sa cafeteria.

Matipid din si Jana, siya daw kasi ang nagpapaaral sa dalawang nakababatang kapatid niya sa Cebu. Siya daw ang bread winner ng pamilya nila. May sakit pa ang papa nila at di raw sapat ang kinikita ng mama nila sa maliit nilang carenderia. 

Pagkatapos kumain bumalik din kami agad ni Jana sa taas. Pagdating ko sa opisina, kinuha ko lang yung toothbrush ko at tsaka dumiritso na sa washroom. Sinuklay ko lang ang buhok ko at naglagay ulit ng liptint na siya ring ginamit ko bilang blush-on. Kahit papano natuto na rin ako konti mag ayos ng sarili. 

Sabi kasi ni Jana dapat masanay akong mag-ayos kasi nasa corporate world ako. Tatlong taon lang ang tanda ni Jana sa akin pero sanay siya maglagay ng make-up. College pa lang daw siya natuto na siyang maglagay ng make-up. Masyadong kikay si Jana. Maganda din naman siya at maputi, nasa 5'5" ang height niya. 

Tinutulungan niya din ako sa pagpili ng mga dapat suotin, sayang daw ang ganda ko kung di ako magdamit ng maayos.

May sahod ako sa aking OJT at sabi pa ng HR pag nagustuhan ng amo ang trabaho ko may posibilida na kunin nila ako after kong gumraduate. Kaya sa katapusan, bibili kami ng damit ni Jana para may maayos naman akong gamit lalo na ngayon at secretary akong Big Boss. May chance din kasi na isama ako ni Boss pag may meeting siya outside office sabi ni Miss Belle.

Huminto muna ako pansamantala sa cafe na pinapasukan ko kasi di na kaya ng schedule ko. Minsan may overtime kami sa opisina lalo na pag may mga urgent work na dapat ipasa kinabukasan. Pumayag naman ang may-ari ng cafe naiintindihan niya raw ako lalo't last year ko na sa college at paniguradong maging busy ako.

Bandang alas tres hinanda ko na ang conference room para sa meeting ni Boss with Mr. Contreras. Iniiwasan ko talagang magkamali kasi yun ang bilin sa akin ni Miss Belle. Strikto at perfectionist si Boss pagdating sa trabaho kaya make sure that everything is ready before the meeting will start.

Nag-aayos ako ng mga files ng tumunog ang elevator hudyat na may dumating. Pag-angat ko ng aking ulo nakangiting lalaki ang nakatingin sa akin kasama ang isa pang lalaki na sa palagay ko ay secretary niya.

"Good Afternoon, Sirs. How May I help you?" Magalang kong tanong sa kanila.

"Hi! I'm Luke Contreras from Contrera's Realty. I'm here to meet Mr. Valderama " pormal na pagpapakilala niya sa akin..

"Oh!" Napasinghap ako nang marealize na ito pala ang ka meeting ni Sir ngayon. Akala ko matanda ang ka-meeting ni Boss yun pala halos magkasing edad lang sila. He's tall, looking professional with a gentlemanly smile plastered on his face.

"This way to the conference room Sir. " I guided him towards the conference room. "Pasensiya na po di ko kayo nakilala. Naka-leave kasi si Miss Belle kaya ako muna ang pumalit"

"It's fine, no problem with that. By the way, what's your name if you don't mind?" tanong niya sa akin, andun pa rin ang palakaibigang ngiti sa kanyang labi. 

"I'm Ava Clemente po".pagpapakilala ko kasi mukhang mabait naman to si Mr. Contreras.

"New employee?" he asked.

"Nope po. I'm doing my OJT here po.".

"Please stop the po, bata pa naman ako,  just call me Luke." Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na tawagin ko lang si Boss.

I was expecting na isasama ako ni Sir Hendrick sa meeting niya like he always does but to my surprise he said that I will just stay in my table. Hindi na rin ako komontra at baka mapagalitan pa ako. 

Mahigit dalawang oras na akong naghihitay sa labas, tapos na oras ng trabaho pero di pa tapos ang meeting nila Boss. Ayaw ko din naman umuwi baka kasi may importante pang ipagawa si Boss sa akin. Tahimik lang akong naghihintay kung kelan sila lalabas ng conference room. Bandang alas siyete nang sa wakas ay natapos din ang meeting nila. 

Malayo palang nakangiti na sa akin si Mr. Contreras, gaganti sana ako ng ngiti sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ng makita kong nakasimangot ang masungit kong Boss.

"Oh Ava, you're still here." sabi ni Mr. Contreras na feeling close sa akin. Nahihiya akong tumango at tumingin sa direksyon ni Sir. Nakakahiya baka isipan ni Sir na nagfi-flirt ako kay Mr. Contreras.

"Ahmm, Mr. Valderama is it okay if I invite this beautiful lady for dinner? Tapos naman na ang office hour so baka pwede--" 

"No." Boss answered coldly and went his way to his office. Pero bago siya pumasok sa opisina niya, tiningnan niya pa ako na parang sinasabing "you better behave or else"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Mr. Contreras. Hindi na ito nagpumilit pa at nagpaalam na lang may next time pa naman daw.

Di din nagtagal lumabas din si Boss sa opisina niya. He just give me some instruction for tomorrow then sabay na kaming bumaba.

Tahimik lang ako sa loob ng elevator. Diritso lang ang tingin ko sa mga numerong nagpapalipat-lipat dahil pakiramdam ko nakatitig sa akin si Boss. Pero ayoko din naman siyang lingunin. There's an akward silence between us. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya mas pinili ko nalang ang tumahimik.  

"Where's your place?"

Matagal pa bago na-process ng utak ko ang tanong niya na kailangan niya pang ulitin yun sa akin. Sasagot na sana ako pero tumunog na ang elevator. Pagtingin ko nasa basement parking na kami. 

Magtatanong pa sana ako pero bago ko nagawa yun nahila na ni Boss ang kamay ko palabas ng elevator. 

"Come with me." 

"Po?" Anong come with me? Saan niya ako dadalhin? 

Kung ano-anong senaryo ang pumasok sa utak ko. Hindi niya ako sinagot, patuloy lang ito sa paglakad papunta sa sasakyan niya. Hawak niya ang kamay ko habang ako naman ay nagpapahila sa kanya. 

"Saan niyo po ako dadalhin Sir?" medyo kinakabahan kong tanong pero wala pa rin akong narinig na sagot. Kinakabahan ako lalo at hindi ko naman kabisado tong Maynila kahit ilang taon na ako dito. Bahay, school, trabaho at simabahan lang ang routine ko. 

"Sir, saan po tayo p-pupunta?"

Hindi siya sumagot sa akin pero huminto na kami sa gilid ng sasakyan niya. Mataman niyang tinitigan ang aking mata bago niya ako pinagbuksan ng pintuan. 

"We'll have our dinner first, before I drop you home."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay umpisa na yan Ava nagpaparamdam na sayo ang big boss mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status