Share

Chapter 2

Hiyang -hiya ako sa mga empleyadong nakatingin sa akin. Mabuti nalang at mabait yung receptionist at ito na mismo ang lumapit sa akin. 

"It's okay, Ava. Masasanay ka rin."  

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan three weeks na pala akong nagte-training. Mababait ang mga kasamahan ko sa Accounting Department. They treat me as their younger colleague kahit OJT palang ako. Hanga sila sa aking determinasyong matuto at saka madali lang daw akong turuan.

Bilib din ang boss ko na si Sir Ethan, lalo na nung nalaman niyang scholar ako sa uninversity. 

Sir Ethan is the type of boss na palangiti at hindi strikto. Yung boss na tipong hindi ka matatakot pero andun pa rin yung respeto pagdating sa trabaho.

One day narinig kong usap-usapan ng mga kasamahan ko na barkada pala ni Big Boss si Sir Ethan. College buddies daw sila, mga hunk daw na magka-tropa. Puro hot, sikat at may kaya sa buhay. Mayaman din daw ang pamilya ni Sir Ethan yun nga lang mas pinili nito magtrabaho sa kumpanya ni Boss kesa pamahalaan ang business ng papa niya.

Pero kung gaano kabait si Sir Ethan, kabaliktaran naman si Sir Van na halos araw- araw may sumpong. Hindi raw marunong ngumiti kaya ilag kaming lahat sa kanya. Pasalamat nalang ako na pagkatpos nung unang araw na nasigawan niya ako hindi ko na siya nakitang muli. 

Hindi ko pa nakikita yung ibang mga kaibigan ni Boss, pero according to Jana yummyyy at oh lala daw lahat. Ganun ang pagka-describe niya sa kanila. Minsan nga natatawa na lang ako sa kanya, pano mukhang baliw kung makapag kwento tungkol sa tropa ni Boss.

Si Jana ay office mate ko at bago  kong kasama sa apartment. Lumipat siya sa apartment ko ng malaman niyang mag-isa na lang ako doon. Pumayag na din ako para makatipid din ako sa upa. Nagtitipid din daw kasi si Jana kaya tama lang. 

Taga Cebu si Jana at Davao naman ako kaya magkasundo kami. Parehas kaming bisaya kaya nakaka-relate ako sa mga jokes niya. Kahit papano, hindi na ako masyadong nalulungkot  ngayon kasi may kasama na ako. May kausap na ako sa gabi at may kasama din akong kumain. 

Sobrang lungkot ko nung ako nalang naiwan mag-isa sa apartment. Kahit na nagte-text kami ni Daphne di ko parin maiwasang malungkot lalo't nasanay akong kasama siya. 

"Alam mo Ava, kahit isa lang sa tropa ni boss ang mapasa akin hayyyy naku day wagi talaga ako! Kung makita mo lang yung ibang tropa ni Boss tulo laway ka talaga Day! Mga daks day, matagbaw jud kag hurot!" aniya sabay hagikhik. Marahan kong tinampal ang kamay niya dahil nakita kong napapatingin sa amin yung ibang empleyado. 

"Hinaan mo nga boses mo, Jana, maya marinig ka pa ng ibang kasamahan natin. Nakakahiya oras nang trabahu iba pinag-uusapan natin. " saway ko sa kanya pero parang balewala lang kay Jana. Inikot pa nito ang tingin sa paligid saka umirap. 

"Di man gyapon na sila kasabot sa ato ato Day. Bisan pag unsaon na to na silag libak."

[Hindi rin naman yan sila nakakaintidi sa atin Day. Kahit pa pag-usapan natin ang mga yan.]

"Kahit na, nakakahiya pa rin, lalo't iba naman yung topic natin."

"Totoo naman kasi yung mga sinabi ko. Sabihin mong hindi after mo silang makita, tingnan lang natin. Pero wala pa rin silang lahat kay Sis V--"

Naputol lang ang kanyang gustong sabihin ng biglang dumating si Sir Ethan. Galing ito sa taas, sa office ni Big Boss dahil may meeting sila kanina.

" Miss Clemente, please come to my office" Tawag nni Sir Ethan sa akin at pumasok na sa opisina niya.

Nagkatinginan kami ni Jana. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin ni Sir dahil seryoso ang mukha niya. Kinakabahan akong pumasok sa opisina ni Sir. Inayos ko muna ang aking sarili at saka kumatok ng tatlong beses..

"Come in" sagot ni Sir Ethan. Buong-buo ang boses niya. Hindi ko alam na kapag ganitong seryoso si Sir nakaka-kaba din pala.

" Take your seat Miss Clemente" he motioned the seat in front of his table. Agad naman akong umupo doon. 

"Miss Clemente, di na ako magpapaliguy-ligoy pa, as much as I want to train you in my Department..."  he paused and I heard him sighed. 

"I had a meeting with Mr. Valderama this morning, his secretary will be on leave starting next week and he needs someone who will do the work on her behalf. "

Yun palang ang sinasabi ni Sir Ethan gusto ko ng tumakbo palabas. Parang alam ko na kung saan papunta ang usapang ito.

"I had no one in my department available to do the work since by next week everybody will be busy for the mid-year evaluation." Malumanay na sabi ni Sir Ethan. Hindi ako nagsalita, nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kanya.

"Our big Boss need a secretary to remind him of his schedules and meetings. Wala akong ibang maisip na pwedeng ibigay sa kanya. I hope you don't mind if I will assign you to be the secretary of Mr. Valderama for the mean time. It will only be for three weeks after that you can continue your training here." " He looked at me apologetic.

Nakakahiya namang  tumanggi. Alangan naman sabihin kong ayaw ko maging secretary ni Boss. Kung gagawin ko yun  sigurado akong bukas na bukas din tapos na ang training ko dito sa kumpanya niya.

"Don't worry he's a nice Boss." 

Di po tayo sure dyan Sir Ethan. May nice bang nambubulyaw agad? Kulang na lang ata bugahan niya ng apoy ang lahat ng humaharang sa daan niya eh. 

"Don't worry I already told him about you. He's strict when it comes to work but he's a nice man. Sinabihan ko na rin yun na wag kang pahirapan. Isa pa ikaw ang napili ko dahil alam kong madali kang matuto at magawa mo yung trabaho ng maayos. Yung iba kasi hindi ako sure kung...you know." tsaka mahina itong natawa. 

Sir Ethan is so nice that I couldn't say no. Nahihiyang tumango ako kay Sir Ethan. Sa lagay na 'to mukhang siya pa ang nag-aadjust sa akin. 

"So? Ano payag ka?"

"Okay lang po sa akin Sir,  part na din po yun ng training ko. Kaso po baka mahirapan ako sa trabaho kasi next week na pala magle-leave ang secretary niya. Hindi ko pa po alam yung work niya at wala pa po akong experience sa ganung trabaho."

"Don't worry about that, after this, you may proceed to his office para maturuan ka na ng secretary niya sa mga dapat mong gawin." tumango lang ako sa kanya dahil nagsimula na akong kabahan. Makikita ko siya ulit. Natandaan niya pa kayang nasigawan niya ako?

"Don't worry hindi naman nangangagat si Mr. Valderama, relax okay?"  sabay ngisi nito nahalata niya sigurong kinakabahan ako. Tipid lang akong ngumiti at tumango sa kanya. 

"Kapag inaway ka niya magsabi ka sa akin at akong bahala gumanti para sayo. Pero mabait yun, hindi ka pahihirapan nun, takot niya lang sa akin." Doon na ako napangiti. 

"See you smile. Ganyan nga. Ngumiti ka lang palagi. Ipakita mo sa kanya yang maganda mong ngiti o di kaya turuan mo siyang ngumiti. Puro simangot lang kasi ang alam nun." 

After ng usapan namin ni Sir Ethan at konting kumustahan tungkol sa trabaho at pamilya ko lumabas na din ako ng opisina niya.

That's what I like about Sir Ethan, he cares for his colleagues, hindi lang puro trabaho. Minsan ito pa ang pumpunta sa mesa namin at nakikipagchika. 

"Oh Day bakit ganyan ang mukha mo?" salubong  ni Jana sa akin pagkalabas ko ng opisina ni Sir Ethan. Sinabi ko sa kanya ang napag-usapan namin ni Sir na magiging temporary secretary ako ng Big Boss at ganun nalang ang pagkabigla ko ng kinilig akong hinapas ni Jana na parang tuwang-tuwa pa ito sa balita ko sa kanya.

" Oww to the Emm to the Ggg Day! Ito na! Ito na yung sinasabi ko sayo. Kinikilig ako para sayo Day!" sabi ni Jana with matching yugyog pa sa akin. 

"Magpaganda ka Day. Dapat palagi kang fresh, presentable. Magsuot ka ng heels, tapos yung lipstick mo dapat red. Ngayon pa lang nakikinita ko na! Sheyt na malagket kinikilig talaga ako."

"Ano naman ang nasa isip mo Jana? Alin ang nakakakilig dun nakakatakot kaya maging secretary ni Boss.. Nakalimutan mo na ba ang first encounter namin? Baka kapag naalala niya yun,  araw-araw na akong bulyawan nun."

"Hay naku Day! Wag ka ngang mag inarte diyan. Tingnan mo yang mga kasamahan nating babae isali mo na yung sa ibang department. Lahat ng mga yan Day naghihintay ng chance para makatrabaho si Boss o kahit mapansin man lang pero waley, waley talaga. Kahit nga ang tapunan sila ng tingin di niya magawa. Kaya maswerte ka ikaw ang napili ni Sir Ethan."

Alin ang maswerte doon? Yung araw-araw kang nakikipagharap sa dragon? Ingat sa bawat kilos at baka bigla ka nalang bugahan ng apoy? 

Madami pang sinabi si Jana pero di ko na ito  pinansin. Baka lalo akong maloka sa kanya, kung anong pinagsasabi eh.

Bumalik ako sa pwesto, kinuha ko muna ang notebook at ballpen ko at saka sumakay ng elevator papuntang opisina ni Big Boss.

"GET OUT!" Yun agad ang sumalubong sa akin. "ALL OF YOU ARE FIRED!"

Dumagundong ang boses ni boss sa buong  floor ng opisina niya. Okupada ni Boss itong 24th floor. Siya at si Miss Belle na kanyang secretary lang ang nag-ookupa nito.

"I DON'T NEED INCOMPETENT  AND STUPID EMPLOYEES IN MY COMPANY. LEAVE!"

Buti nakatagal si Miss Belle sa ugali ni Boss, sabagay mabait at tsaka mukhang pasensyosa din si Miss Belle.  Kung ako siguro ganito araw-araw baka hindi ko na kinaya. Hindi ako sanay na sinisigawan. Mahirap lang kami pero mahal ako ng mga magulang ko. 

Apat na lalaki ang lumabas sa opisina ni Boss ng nakayuko at laglag ang mga balikat. 

"Badtrip! Hambug talaga yan si Mr. Valderama." bulong ng isa.

"Sinabi mo pa sarap sapakin eh kaso baka habang buhay akong di makahanap ng trabaho. " sabat naman ng isa.

Napatingin silang apat sa akin. Maliit akong ngumiti sa kanila. 

"Hi Miss,  papasok ka? Tanong nung isang naunang nagmura kanina. Tumango ako sa kanya at gumilid para bigyang daan silang apat. 

"Good luck sayo, Miss beautiful!  Mag-ingat ka dragon, ang lakas bumuga ng apoy." Nakangising sabi nung isa sabay talikod nilang apat sa akin. 

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Nagsisimula na naman akong kabahan. Tumingin  ako sa paligid napansin ko na wala si Miss Belle sa pwesto niya.

Pumasok ako dahil mas nakakahiyang doon ako sa labas maghintay sa kanya. Paupo na ako sa bakanteng sofa ng biglang may nagsalita. 

"Who are you?"nakasampok  ang kilay ni Boss na nakatingin sa akin. Isang dipa lang ang layo niya sa akin at parang hinihigop ako ng presensya niya. Bigla parang di ako makahinga sa kaba.

Biglang namawis ang kamay ko. Shit ang gwapo niya pala talaga sa malapitan. Sigaw ng utak ko. First time kong makita ng ganito kalapit si Boss. I mean nung first day ko sa Ojt, nung araw na binulyawan niya ako, di ko kasi napagmasdan yung mukha niya.

 Gray ang kulay ng mata niya na binagayan ng makapal niyang kilay at makapal at malantik na pilik mata. Matangos ang kanyang ilong na lalong nagpapagwapo sa kanya. Bumagay sa namumula niyang mga labi at nakadepinang mga panga. 

"You're here just to look at me? From which department are you." he asked, irritated.

Mabilis akong umayos ng tayo at kinalma ang sarili. 

"A-ahm S-sir ako po yung pinadala ni Sir-" pero di ko natuloy ang aking sasabihin ng biglang dumating si Miss Belle. 

"You're here Miss Clemente. Kamusta?" bati sa akin ni  Miss Belle na tila walang pakialam na nakatingin ang amo namin sa aming dalawa.

"You know what you're so pretty. Kaya pala ang daming nagka-crush sayo kasi ang ganda mo pala talaga." nag-init ang pisngi ko at pnamulahan ako ng mukha sa sinabi ni Miss Belle. Lalo pa akong nahiya dahil narinig ito ni Big Boss. "Pero wag kang magpapaligaw sa kung sino dito sa kumpanya ha. Wag kang magpapabola. Ingatan mo yang ganda mo dahil sigurado akong maraming magkakandarapa sayo."

"Belle Marie." malamig niyang tawag kay Miss Belle. 

"Oh Hi Kuya! I mean Sir Van." Oh, close pala silang dalawa. Kaya pala nakatagal si Miss Belle kahit masungit si Boss. 

"Gwapo nitong Boss ko oh."  Matamis pang ngumiti si Miss Belle kahit halos mag-isang linya na ang kilay ni Big Boss sa kanya. 

Pero bakit ganun? Bakit sobrang gwapo niya pa rin kahit nakasimangot siya? Ang unfair naman ng universe. Nung umulan ata ng kagwapuhan dito sa mundo nasalo lahat ni amo. 

Matangkad, gwapo at maganda ang katawan. Oo kahit naka business suit ito mahahalatang maalaga ito sa katawan. Sobrang bango niya pa. Yung panlalaking amoy na humalo sa natural niyang bango ay parang nanunuot sa ilong ko. Nakakahalina.

 "This is Miss Clemente siya ang pinadala ni Sir Ethan dito na papalit sa akin while I'm on leave." pagpapakilala niya sa akin. " Ang ganda niya noh? Daming gustong manligaw sa kanya hindi lang ka makaporma. Pero naghihintay lang ang mga yun kung sino ang mauna sa pila." 

"Miss Belle." mahina kong saway sa kanya. Nahihiya ako lalo't di man lang ngumiti si Boss sa kanya. Tsaka di naman totoo tong pinagsasabi ni Miss Belle. Ni halos di nga ako lumabas ng opisina namin, paano naman nila ako makikilala?

"Naku Ava wag ka nang mahiya kay Sir Van. Mukha lang naman masungit pero mabait yan." Hinawakan niya ang kamay ko. "Oh ba't ka nilalamig? Kinakabahan ka ba? Naku wag kang kabahan, hindi nangangagat si Kuya...pero di ako sure this time." 

"Belle Marie!"

"O bakit? Anong gusto mo sabihin ko? Nangangat at nangangain yan si Sir Van kaya mag-ingat ka, Margaux." may pilyang ngiti ito habang nakatingin kay Sir Hendrick na hindi ko na matingnan.

"The fuck, Saavedra? You want me to call that Brute here? You are really testing my patience, huh?"

"To naman sobrang pikon eh. Kaya wala kang lovelife eh, sobrang seryoso mo. Baka maunahan ka pa ng mga kapatid mo ha." Boss snorted, rolling his eyes. 

"I'm enjoying my life Belle Marie, just so you know."

I want to smile 'coz he looks cute with that but I have to stop myself. Baka isipin niya feeling close ako sa kanilang dalawa ni Miss Belle.

"Wee di nga?  Sabi ni Vin sadboy ka daw eh."

"What the hell? Who's sadboy? Baka gusto niyang pati siya  ipapa-ban ko dito."

Oh? May ganun siyang topak? Pinapa-ban niya yung mga kumakalaban sa kanya? Kaya pala nasabi nung empleyado kanina na baka mahirapan siyang maghaap ng trabaho kapag lumaban pa siya. Nakakatakot naman pala kalabanin itong Big Boss namin. 

"Pero lam mo, feeling ko mula ngayon di ka na sadboy."

"Because I'm not." masungit niyang sagot. "Why would you believe that jerk?"

"Oo nga bakit ba ako naniniwala sa lalaking yun. Dapat sayo lang loyalty ko eh.Ikaw kaya ang favorite Boss ko." sinundot pa ni Miss Belle ang tagiliran ni Boss. " Uy kilig tumbong mo?

"Your mouth lady!" Tumawa lang si Miss Belle sa kanya bago ito bumaling sa akin. 

" Tamo Av, mabait itong Boss natin. Lalo na ngayon..." May makahulugang ngiti si Miss Belle sa kanya. Para saan kaya yun?

"Basta Ava ha, wag kang matakot dito kay Sir Van lalo't ikaw ang papalit sa akin. Be comfortable, chill ka lang. Wag mong e-pressure ang sarili mo. Hindi ka dapat napapagod dito sa trabaho dahil may ibang bagay na dapat mong pagpaguran."

"Belle Marie!" Boss gave her a deadly stare pero kumurap lang at tumawa sa kanya si Miss Belle.

"What I mean is yung pag-aaral mo ang dapat mong pagpaguran. Lalo't aspiring for latin honors ka pala."

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Ang dami namang alam ni Belle sa akin. Mukhang nagresearch pa siya. 

"Swerte natin Sir Van at dito napili ni Ava mag-ojt. Hindi lang matalino, mabait at maganda pa." Feeling ko pulang -pula na ang mukha ko sa mga papuri niya. Nahihiya na rin ako kay Boss, baka mag-expect pa ito ng sobra.

 "Kaya di na ako magtataka kung mahaba ang pila. KSir Van noh?"umiiling-iling pa ito. 

Anong kayang pila yun? May pila pala? Para saan kaya? 

"Pero mukhang may tumapos na sa pila eh."

Huh? Natapos na agad?

Pagtingin ko kay Boss, kunot noo itong nakatingin kay Miss Belle. Parang nag-uusap ang mga mata nila, pero yung kay boss ay nagbibigay babala. 

Pagtingin ko ulit kay Miss Belle, nakangiti na ito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, marahang pinisil. Lumingon siya kay Boss na ngayon ay balik seryoso na ang mukha sabay sabi ng...

"Sana, siguraduhin muna at baka makasakit lang siya."

Комментарии (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ingat sa dragon baka makain ka belle ay baka mabugahan ka ng apoy Ava...hula ko magpinsan sila big boss at miss belle
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status