Home / Romance / Kidnapped By My Possessive Husband / II: AFTER LAUGHTER COMES TEARS

Share

II: AFTER LAUGHTER COMES TEARS

last update Last Updated: 2025-11-12 15:07:35

"YOU'RE so pretty in your white wedding dress, Allona! I still can't believe you're getting married na."

Naluluhang pagpupuri ng kaibigan kong si Desiree sa akin. Since senior high school ay magkaibigan na kaming dalawa at hanggang ngayon na isa na siyang doctor at ako naman ay isang architect ay matibay pa rin ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Iiyak ka na naman, Desiree. Yung make up ko sabi eh, talaga masasayang 'to!"

Pananaway ko rito habang tumitingala dahil pinipigilan ko rin ang maluha. Parehong mababaw ang mga luha naming dalawa kaya ayaw ko itong makitang umiiyak ngayong araw ng kasal ko dahil paniguradong masisira ang make up ko.

"Hay nako, Desiree. Huwag muna nga kayong mag-iyakan dalawa at mahuhulas agad ang make up niyang si Allona. Alam mo namang isa pa 'yang balat sibuyas, sobrang bilis maiyak."

Pananaway sa aming dalawa ni Mommy at nag-abot ito ng tissue sa amin dahil patulo na talaga ang luha ko habang si Desiree naman ay gusto na atang humagulgol sa harapan ko.

"Ate, ikakasal ako ngayon, hindi ililibing kaya tantanan mo na 'yang pag-iyak!"

Pagbibiro ko kay Desiree para tumahan na ito at natawa naman ito sa akin bago nagpunas ng mga luha sa kaniyang mukha.

"Hindi kayo nakinig sa akin ni Jago kagabi, 'no?"

Bulong sa akin ni Mommy nang makalapit ito sa akin kaya naman kinakabahan akong tumawa bago sumagot dito.

"Hehe, bakit po, Mommy?"

"Susuway na nga lang kayo niyang si Jago sa akin, eh nag-iwan pa talaga kayo ng ebidensya. Mabuti na lang at magaling ang make up artist na hinire mo ngayong araw at natakpan niya 'yang mga h*ckeys mo sa leeg. Para kang pinapak ng mga malalaking lamok kagabi diyaan!"

Gigil na gigil na pagpapaalam ni Mommy sa akin at kinurot ako nito sa aking tagiliran kaya naman napanguso na lang ako rito.

"Si Jago kasi, Mommy..."

"Asus, si turo ka na naman! Eh, halatang nag-enjoy ka rin naman kagabi!"

"Mommy naman, eh!"

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Oo, nag-enjoy pero nakakahiya pa rin siyempre."

"Sus, nahihiya raw pero rinig na rinig namin sa kwarto 'yang mga halinghing mo kagabi!"

Pagbibigay alam muli ni Mommy sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakakahiya, naririnig pala nila kami kagabi?!

"Weh?! Hala, nakakahiya naman!"

"Susugod na nga sana ang Daddy mo sa room mo kagabi. Pinigilan ko lang kasi pinaalala ko rin sa kaniya kung gaano kami kapusok dati nung ka-edad niyo kami..."

Natatawang usal nito sa akin kaya naman natawa rin ako sa sinabi ni Mommy.

"May pinagmanahan naman pala ako?"

Pagbibiro ko kay Mommy kaya naman pinalo ako nito sa braso para patigilin akong magsalita.

"Okay, let's take a photo po with the bride!"

Dumating ang isang photographer at inaya nito sila Mommy at Desiree na magpa-picture sa akin. Matapos ang picture taking namin ay lumabas na ang mga ito para mauna na sa loob ng simbahan.

"Bride entrance na po, Ma'am..."

Ilang sandali pa ay tinawag na rin ako ng event organizer dahil nagsisimula na ang kasal naming dalawa ni Jago at papasok na ako sa pintuan dahil malamang ako ang bride.

"Please welcome, the beautiful bride, Allona Isla Avellino!"

Narinig kong pagpapakilala sa akin mula sa loob ng simbahan bago marahang nagbukas ang pintuan ng simbahan. Napabuga ako ng hangin dahil sa kabang nararamdaman ko bago magsimulang maglakad papasok sa loob.

"Gusto mo pa bang umatras, anak? You don't have to do this if ayaw mong pakasalan si Jago. Ako ang bahala sa'yo. Daddy will take care of everything, sabihin mo lang."

Biglang pagsasalita ni Daddy habang inaakay ako nito sa paglalakad papunta sa harap ng altar kaya naman natawa ako sa kaniya.

"Atras na ba ko, Dad? Ikaw na ba ang bahala kay Jago kapag nag-tantrums 'yan at hinanap ako?"

"Pabayaan na natin 'yang si Jago. Iwan mo na 'yan ngayon, tara na?"

Pag-aaya nito sa akin kaya naman tawang tawa ako habang naglalakad kaming dalawa palapit sa altar. Nakarating kami sa harapan ni Jago na kitang kitang kong kabado habang inaalok ang kamay niya sa akin.

Bago ko abutin ang kamay ni Jago ay yumakap muna ako kay Daddy upang magpasalamat dito. Pinigilan ko ang mga luha ko na kanina pa gustong maglandas sa mga pisngi ko.

"Hoy, huwag ka ngang umiyak, Allona! Ang panget mo na nga diyaan tapos iiyak ka pa. Huwag mong pahirapan yung mga photographer mag-edit ng mga pictures mo!"

Biglang sita sa akin ng nakatatanda kong kapatid na si Kuya Alistair kaya nama napatingin ako rito. Mabilis na tinampal ng asawa niyang si Ate Marielle ang bibig niya dahil malakas ang boses nito nang magsalita ito.

Nagtawanan ang mga bisitang nakarinig sa kaniya kaya naman lalapit na sana ako rito para patulan siya pero pinigilan ako ni Daddy kaya naman dinilaan ko na lamang ito.

"Tignan mo nga 'yan, Jago. Gusto mo ba talaga pakasalan 'yang kapatid ko? Kawawa ka diyaan! Umatras ka na habang maaga pa!"

Hirit pa nito kaya naman mas nagtawanan ang mga bisita namin kaya pumatol na ako kay Kuya Alistair.

"Ate Marielle, may kakilala akong divorce lawyer. Ire-refer na agad kita pagkatapos nitong kasal ko para hiwalayan mo na 'yang kuya ko!"

"Huy! Huwag kasi! Huwag kang makinig diyaan kay Allona, Honey!"

Biglang angal ni Kuya Alistair sa mga sinabi ko kaya naman nanahimik na ito sa kinauupuan niya. Napailing na lamang si Daddy sa aming dalawa at saka mabilis na ibinigay ang kamay ko kay Jago kaya naman napanguso ako.

"Kanina sabi mo umatras na ako, Daddy. Bakit parang binibigay mo na agad ako kay Jago ngayon?"

"Huwag ka na pala umatras sa kasal, anak. Mas mabuting si Jago na lang pala ang pumuti lahat ng buhok kakaintindi sa'yo. Best wishes to both of you."

Nagmamadaling sagot ni Daddy sa akin at napaawang na lamang ang bibig ko nang mabilis itong tumalikod sa akin. Si Jago naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang pagtawanan ako.

"Tawang tawa?"

"Sorry, baby. Tawang tawa ako kasi gusto ko nang mag-asawa."

Kaagad itong umayos nang tayo at tumigil na sa pagtawa nang punahin ko ito. Ngumuso na lamang ako at saka humarap na sa pari upang masimulan na ang kasal naming dalawa ni Jago.

"Smile na, Isla. Baka isipin ng mga tao, ayaw mo talagang maikasal sa akin ngayon."

Bulong sa akin ni Jago habang may isang magandang ngiti sa labi nito kaya naman napangiti na rin ako at nagsimula na namang maluha.

"I love you so much, Jago..."

"I love you more than you'll ever know, Isla..."

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!"

Anunsyo ng pari matapos ang seremonya kaya naman humarap ako kay Jago. Marahan at maingat nitong inangat ang white veil ko.

Ngumiti ito sa akin bago ako nito halikan nang puno ng pagmamahal. Humarap kami sa mga bisita at nagpalakpakan ang mga ito.

"I actually want to tell you something, Jago..."

"What is it, wifey?"

Malambing na tawag nito sa akin kaya naman ngumiti ako rito at inabot muli ang labi nito para halikan ulit ito.

"I'm three months pregnant."

"R-rally?"

Gulat na usal ni Jago sa akin at napahiyaw ito sa saya dahil sa nalaman niya. Sila Mommy naman ay takang taka bakit biglang napahiyaw si Jago.

"Isla is three months pregnant! We're having a baby!"

Anunsyo ni Jago sa kanila kaya naman mas lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid namin. Muling malambing na yumapos si Jago sa akin at humalik ito sa labi ko.

"Finally, we're married now, Jago..."

"I'm so happy to be with you, my wife, Isla..."

*********

AFTER FOUR MONTHS...

"Bakit ang seryoso mo naman, Desiree?"

Kinakabahang tanong ko sa kaibigan ko nang pumasok ito sa kwarto ko rito sa ospital. Si Desiree ang naging Ob-gyn ko. Nandito ang buong pamilya ko sa loob at si Jago naman ay hawak hawak ang kamay ko.

"Hindi ba at sabi mo, normal lang ang bleeding sa pagbubuntis ko dahil sa manipis ang uterus lining or endometrium ko?"

Pagtatanong ko kay Desiree pero huminga ito nang malalim at tumingin sa mga mata ko. Nakita ko ang mga naluluhang mata nito kaya naman napatulala ako sa kaniya.

"I'm sorry to tell you, Allona... Your baby is gone. You just have had a miscarriage..."

Malungkot na pagpapaalam ni Desiree sa akin at parang nabingi ang dalawang tenga ko sa sinabi nito sa akin. Nag-iyakan sila Mommy nang marinig ang balita mula kay Desiree. Humigpit ang hawak ni Jago sa mga kamay ko at niyakap ako nito para pakalmahin.

"S-si baby, Jago... A-ang baby natin... N-no..."

Paghagulgol ko sa dibdib ni Jago at nagpatuloy lamang ito sa pag-alo sa akin habang siya mismo ay hindi na rin matigil sa pag-iyak. Nilukob ng dilim at lungkot ang buong sistema ko sa balitang wala na ang anak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nanami
Hala! Nakunan si Isla gurl. Ito siguro yung kamalasan dahil nagkita sila before ng kasal? ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XIII: SUNSET

    "GANITO na lang..." Biglang pagsasalita ko para tawagin ang atensyon ni Jago at muling mapunta ito sa akin. Kaagad naman itong tumingin sa akin kaya naman kinalma ko na muna ang sarili ko bago magsalitang muli. "I will... We will both decide what to do after a whole month of staying here." Suwestyon ko kay Jago at agad naman itong tumango tango para ipakitang sang-ayon siya sa mga sinasabi ko. "That's a good idea. I think we can come up with a decision after this month..." "For now, let me just gather myself up since I'm still all over the place." Pagbibigay alam ko kay Jago at muli itong tumango tango dahil sa mga sinabi ko. "I hope we could come up with something good for both of us, Isla..." "I am hoping too, Jago." ***** "Can I go outside for a while?" Pagpapaalam ko kay Jago habang nakangiti sa kaniya dahil malapit na mag-sunset at gusto kong panoorin ito habang nakatambay ako sa harapan ng dagat. "What are you going to do outside, Isla?" Nakataas ang is

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XII: CAN'T SEEM TO LET GO OF THE PAST

    "ARE you really sure you don't need my help, Isla? I can help you with anything if you want." Pang-sampung beses na atang tanong sa akin ni Jago habang pinapanood ako nitong maghiwa ng mga rekados para sa lulutuin kong ulam kaya naman napatingin na ako sa kaniya at hininto ko muna ang paghihiwa ko sa mga gulay na gagamitin ko. "Relax ka lang, okay? Ako naman ang bahala sa tanghalian natin ngayon." Pagpapakalma ko kay Jago dahil kanina pa ito hindi mapakali sa harapan ko. Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga hinihiwa kong gulat at tinuloy ko na ulit ang paghihiwa ko. "Ako na lang kaya ang maghiwa ng mga 'yan? Baka kasi masugatan mo na naman 'yang isa sa mga daliri mo, Isla..." Pag-aalok ni Jago ng tulong sa akin kaya naman pabagsak kong inilapag ang kutsilyo sa cutting board dahil nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya kakasalita niya habang naghihiwa ako. "S-sabi ko nga, kaya mo na 'yan." "Nasugatan ko lang yung sarili ko kaninang madaling araw habang nagbabalat ak

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XI: ACTING LIKE HAVEN'T SEEN EVERYTHING

    KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil kailangan ko nang maligo. Paano ba naman ay simula pa yata nang makarating ako rito sa island ay hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan. Ano na lang ang amoy ko nito, hindi ba? "Medyo maantot na nga ang person..." Komento ko sa aking sariling amoy nang amuyin ko ang kili kili ko at doon ko nga nakumpirma na medyo maasim na nga ako. Mabuti nang maligo hangga't hindi pa gaanong malakas ang amoy at ang kili kili power dahil baka may makaamoy pa sa akin at mahirapang huminga dahil sa naaamoy niyang masangsang sa akin. "Pero si Jago lang naman ang makakaamoy sa akin dito..." Pangungumbinsi ko sa aking sarili pero kaagad akong umiling iling at hindi sumang-ayon sa sarili ko dahil gumagawa na naman ako ng dahilan para hindi maligo ngayon. Pati talaga pagligo, kinatatamaran ko na rin? Pero may point naman kasi ako. Si Jago at ako lang naman ang nandito sa buong island kaya hindi naman ako dapat ma-conscious. Wala namang ibang tao rito sa isl

  • Kidnapped By My Possessive Husband   X: WHEN WAS THE LAST TIME?

    "OH, ano naman 'yang kondisyon mo?" "Do not ever try to leave this island... Do not ever dare to leave me alone here..." Seryosong usal ni Jago sa akin kaya naman hindi ko naiwasang matawa sa kaniya dahil sa sinabi nito. "At bakit naman ako bawal umalis dito sa island, ha?" "That's what I am asking you to do, Isla. I promise you, after this month, iuuwi na kaagad kita sa Maynila..." Muling pangako ni Jago sa akin kaya naman saglit akong natigilan para makapag-isip isip bago sumagot sa kaniya. Wala rin naman akong mapapala kung hindi ako sasang-ayon sa gustong mangyari ni Jago dahil ito lang ang nakakaalam sa aming dalawa ng kabuuan ng island at kung kailan muling babalik ang pulang bangkang dumating dito sa island kanina. Kung hindi ako makikipag-cooperate sa kaniya ay mas matatagalan at mahihirapan lang akong makabalik kaagad sa pampang at makauwi na sa Maynila. Napabuntong hininga na lamang ako bago muling tumingin kay Jago na naghihintay sa magiging sagot ko sa kaniy

  • Kidnapped By My Possessive Husband   IX: THE RED BOAT

    KINAGABIHAN, mahimbing na mahimbing na ang pagkakatulog ko sa higaan matapos ang nakakabusog na kain ko sa pagkaing dinala ni Jago para sa akin kanina nang biglang maalimpungatan ako dahil sa pamilyar na tunog na naririnig ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko at saka ko pinakinggan muli nang mabuti ang tunog na naririnig ko na nagmumula sa labas dahil baka nananaginip lang naman pala ako pero mas lumakas pa ang tunog na naririnig ko kaya naman napabalikwas na ako nang tayo dahil sa pagkabigla rito. Hindi ako makapaniwala sa naririnig kong tunog ngayon kaya naman naglakad agad ako papunta sa bintana ng kwarto para tignan kung tama nga ba ang naririnig ko ngayon dahil baka nanonood lang ng tv si Jago sa kabilang kwarto at tumatagos lang ang tunog papunta rito sa kwartong tinutulugan ko ngayon. "Oh my God, T-tama ba ako nang nakikita ngayon? Tulog pa ba ako? Nananaginip pa rin ba ako ngayon?" Gulat na gulat na pagkausap ko sa aking sarili habang nanlalaki ang mga mata ko sa

  • Kidnapped By My Possessive Husband   VIII: ALL BECAUSE OF YOU

    "IBABA mo na nga ako, Jago! Isa! Nahihilo na ako rito, oh!" Inis na usal ko kay Jago dahil kahit na nasa loob na kami ng bahay ay hindi pa rin ako nito ibinababa at nakabaliktad pa rin ako sa balikat nito kaya nagsisimula na akong mahilo. Nangangamba na rin ang buong sistema ko nang bigla na namang naglakad paakyat ito sa hagdan papunta sa second floor ng bahay. "H-hoy! Ibaba mo na nga sabi kasi ako, Jago!" "I'm going to put you down, okay? Sa kwarto na kita ibababa, maghintay kang makarating tayo doon." Pagbibigay alam ni Jago sa akin kaya naman hindi na ako nagpumiglas pang muli dahil baka mawalan pa ito ng balanse sa katawan habang umaakyat sa hagdan at pareho pa kaming mahulog pababa. Nang makapasok kaming dalawa sa kwarto ay tumupad naman ito sa usapan namin at mabilis ngunit marahan akong ibinaba nito sa kama. "Don't you dare try to escape from me, Isla. I'm really serious. Huwag kang magtatangkang umalis sa isla na 'to without my knowledge." Muling pananakot n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status