Inicio / Romance / Kidnapped By My Possessive Husband / III: IN THE HEAT OF THE MOMENT

Compartir

III: IN THE HEAT OF THE MOMENT

last update Última actualización: 2025-11-12 15:07:44

I took a sip from my glass of red wine while gazing at the star-filled night sky. I let out a sigh upon noticing the time, it is already 2 am and Jago still hasn't returned home.

Susuko na sana ako sa paghihintay sa kaniyang makauwi pero narinig ko ang pag-unlock ng main door ng bahay naming mag-asawa.

Hindi rin nagtagal ay pumasok si Jago sa loob ng bahay. He appears extremely tired and devoid of sleep. His white long-sleeved shirt is already creased, and his necktie is partly loosened.

"You reeks of alcohol."

Pagsasalita ko para mapansin nitong nasa harapan niya ako kaya naman napahinto ito at iniangat ang ulo niya para tignan ako sa mga mata.

"Ah, you’re still awake, Isla? I just had a drink... a little bit of alcohol with the client."

"Uminom ka with your client? Ano 'yang kliyente mo, babae o lalaki?"

Inis na tanong ko kay Jago at kumunot ang noo nito sa akin dahil sa naging tono ng pagtatanong ko sa kaniya.

"Calm down, Isla..."

"I'm calm, Jago. Babae ba o lalaki ang kliyente mo?"

"Lalaki."

"Walang babae sa naging inuman niyo kanina?"

Napabuntong hininga na lamang si Jago at tumingin ito sa cellphone niya kaya naman lalong napigtal ang pasensya ko rito.

"It's already 2 am, Isla. You better get some sleep. Maaga pa ang pasok natin mamayang umaga—"

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Huwag mo akong pinapaikot, Jago."

"Ano na naman bang gusto mong palabasin, Isla?"

"Wala akong gustong palabasin! Tinatanong lang kita kung may babae ba kayong kasama kanina sa inuman niyo. Masama bang itanong ko 'yon sa'yo bilang asawa mo, Jago?"

Galit na galit na bwelta ko kay Jago at napahilamos naman ito sa kaniyang mukha bago humarap muli sa akin.

"May kasamang babae yung kliyente ko kanina. Hindi ako yung may kasamang babae, Isla."

"Oh, bakit hirap na hirap kang sagutin kung hindi naman pala ikaw ang may kasamang babae kanina? Wala ka nga ba talagang kasamang babae doon?"

"Magpahinga na muna tayo, Isla. Please, I'm so tired. Gusto ko nang matulog at magpahinga muna."

"Pagod ka? Ako ba hindi? Kanina pa ako naghihintay sa'yong makauwi ka pero ano, alas dos nang madaling araw ka umuwi ngayon? T*nginang trabaho 'yan, baka ipamana na sa'yo 'yang kumpanya niyo, Engineer Jago!"

Sarkastikong usal ko kay Jago at napabuntong hininga ito bago tumingin sa mga mata ko.

"Ano bang pinalalabas mo, Isla? Parang wala ka namang alam sa field nating dalawa kung makapagsalita ka sa akin, eh."

"Ako pa ngayon ang walang alam?! Hindi ako inuumaga kasama ang mga kliyente, Jago! Sa tingin mo, kung ako ang umuwing lasing ngayon sa ating dalawa, magiging kalmado ka lang ba?"

Inis na usal ko kay Jago at nagdilim ang ekspresyon nito dahil sa naging tanong ko sa kaniya.

"Oh, bakit nagagalit ka sa tanong ko pero hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon?"

"You always start an argument with me, Isla. Can we just stop doing this? Kahit ngayong araw lang?"

"Hindi ako nakikipagtalo sa'yo, Jago. Tapatin mo nga ako. Sabihin mo nga sa akin, may iba ka na ba? M-may babae ka na ba kaya nagkakaganyan ka?"

"Stop saying stupid things, Isla! Wala akong ibang babae, I wouldn't f*cking dare to cheat on you!"

Sagot nito sa akin pero wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak sa harapan nito. Para akong mababaliw dahil sa umaapaw na emosyong nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry for raising my voice, baby..."

Paghingi ng tawad ni Jago sa akin at lalapit na sana ito sa akin para yakapin ako pero kaagad akong umatras at umiling sa kaniya.

"Y-you don't care about me anymore, Jago. Hindi mo na iniisip kung mag-aalala ba ako sa'yo... sa mga ginagawa mo lately..."

Humihikbing usal ko kay Jago pero umiwas lamang ito ng tingin sa akin at hindi na ito kumibo.

"M-mahal mo pa ba ako, Jago?"

Nanginginig na tanong ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa mga mata ko. Madilim ang ekspresyon ni Jago.

"Say all you want, Isla. But don't you dare doubt my love for you. I would f*cking do anything just to keep you beside me."

Sagot ni Jago sa akin pero umiling ako sa kaniya at pagak na natawa dahil sa mga sinabi niya.

"I-i don't think we should still be together anymore, Jago... I can't take this anymore... L-let's get divorced..."

Inihagis ko ang wedding ring ko sa harapan ni Jago at mabilis na naglakad papasok sa kwarto ko. Magmula nang mawala sa amin ang una sana naming anak ay nabago nito ang relasyon naming dalawang mag-asawa.

Hindi na kami katulad ng dati na puno ng pagmamahal at saya para sa isa't isa. Araw-araw ay palagi kaming ganito sa tuwing maaabutan namin ang isa't isa sa bahay. Magkahiwalay na rin kami ng kwarto at halos isang taon na kaming hindi sumisiping sa tabi ng isa't isa.

Inilabas ko ang maleta ko at nagsimulang mag-impake ng mga gamit ko. Sumunod si Jago papasok sa kwarto ko at inalis nito ang mga nilalagay kong gamit sa loob ng maleta ko.

"Isla, don't do this, please. Can you please calm down and let's talk this out?"

Pagkausap ni Jago sa akin pero hindi na ako sumagot dito at umiiwas na ako sa tingin nito dahil wala nang tigil sa paglandas ang mga luha sa mukha ko.

"Baby, please? You're not serious about getting a divorce, right?"

Usal ni Jago at mahigpit na yumakap mula sa likuran ko pero kaagad akong kumalas sa hawak nito.

Nagpatuloy ito sa pagtanggal ng mga gamit sa maleta ko kaya naman hindi ko na napigilang sumigaw sa kaniya.

"Ano ba?! Pati ba naman sa gamit ko, Jago?! Oh, sige! Aalis na lang ako rito nang walang dala."

Pasigaw na sambit ko kay Jago at saka tumalikod para umalis ng bahay. Nagmadali akong makaalis doon at mabuti na lamang ay nakapara kaagad ako ng isang taxi sa daan.

"Manong, dito po sana sa address na 'to."

Pagtuturo ko sa address ng bahay ng mga magulang ko at bago pa man makaandar ang sasakyan ay naabutan kami ni Jago at pinukpok nito ang bintana sa tabi ko para tumingin ako sa kaniya.

"Isla, don't leave me! Don't do this! Pag-usapan naman natin 'to! Lumabas ka muna diyaan!"

Hiyaw nito sa labas ng sasakyan pero pinakiusapan ko na ang driver na umandar na ito dahil ayaw ko nang kausapin pa si Jago.

Nakita ko pa sa side mirror na humahabol ito sa sinasakyan kong taxi kaya naman hindi ko na napigilan pang humagulgol dahil sa sakit at bigat na nararamdaman ko.

Halos isang oras din ang naging biyahe bago huminto ang taxi sa harapan ng gate namin. Doon ko lamang naalala na wala akong nadalang kahit ano at ultimo cellphone o wallet ko ay hindi ko nadampot kanina.

"Teka lang po, ah."

Lumabas ako ng sasakyan para pindutin ang doorbell ng gate namin. May camera at mic ito kaya naman nang makita ako ni Mommy ay nataranta kaagad ito.

"Who's there— Allona?! Anak, bakit nandito ka? Why are you crying?"

Bumukas ang gate namin at nawala sa screen si Mommy. Sumilip ako sa loob at nakita ko itong papalabas na agad sa main door ng bahay namin.

"Allona, anong nangyari sa'yo?!"

"Mommy..."

Naiiyak na turan ko kay Mommy pero pinigilan ko muna ang sarili kong humagulgol at itinuro ko ang taxi sa labas. Mabuti na lang at nakasunod na si Daddy kay Mommy.

"I didn't bring my wallet or cellphone with me. Can you please pay for my taxi fare?"

Tumango si Daddy sa akin at ito na ang kumausap sa taxi driver. Kami naman ni Mommy ay pumasok na sa loob ng bahay at hindi ko na napigilang humagulgol sa bisig nito.

Inalalayan ako nito paakyat sa kwarto ko at pinahiga ako nito sa kama ko. Nanatili lamang ito sa tabi ko dahil mahigpit ang pagkakayakap ko kay Mommy.

Alam kong maraming gustong itanong si Mommy at Daddy sa akin pero nanatili lamang ang mga ito sa tabi ko at hindi na muna nagtanong sa akin.

Sa kakaiyak ko ay hindi ko na namalayang napapikit na ako at nakatulog na dala ng pagod na nararamdaman ko.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XIII: SUNSET

    "GANITO na lang..." Biglang pagsasalita ko para tawagin ang atensyon ni Jago at muling mapunta ito sa akin. Kaagad naman itong tumingin sa akin kaya naman kinalma ko na muna ang sarili ko bago magsalitang muli. "I will... We will both decide what to do after a whole month of staying here." Suwestyon ko kay Jago at agad naman itong tumango tango para ipakitang sang-ayon siya sa mga sinasabi ko. "That's a good idea. I think we can come up with a decision after this month..." "For now, let me just gather myself up since I'm still all over the place." Pagbibigay alam ko kay Jago at muli itong tumango tango dahil sa mga sinabi ko. "I hope we could come up with something good for both of us, Isla..." "I am hoping too, Jago." ***** "Can I go outside for a while?" Pagpapaalam ko kay Jago habang nakangiti sa kaniya dahil malapit na mag-sunset at gusto kong panoorin ito habang nakatambay ako sa harapan ng dagat. "What are you going to do outside, Isla?" Nakataas ang is

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XII: CAN'T SEEM TO LET GO OF THE PAST

    "ARE you really sure you don't need my help, Isla? I can help you with anything if you want." Pang-sampung beses na atang tanong sa akin ni Jago habang pinapanood ako nitong maghiwa ng mga rekados para sa lulutuin kong ulam kaya naman napatingin na ako sa kaniya at hininto ko muna ang paghihiwa ko sa mga gulay na gagamitin ko. "Relax ka lang, okay? Ako naman ang bahala sa tanghalian natin ngayon." Pagpapakalma ko kay Jago dahil kanina pa ito hindi mapakali sa harapan ko. Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga hinihiwa kong gulat at tinuloy ko na ulit ang paghihiwa ko. "Ako na lang kaya ang maghiwa ng mga 'yan? Baka kasi masugatan mo na naman 'yang isa sa mga daliri mo, Isla..." Pag-aalok ni Jago ng tulong sa akin kaya naman pabagsak kong inilapag ang kutsilyo sa cutting board dahil nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya kakasalita niya habang naghihiwa ako. "S-sabi ko nga, kaya mo na 'yan." "Nasugatan ko lang yung sarili ko kaninang madaling araw habang nagbabalat ak

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XI: ACTING LIKE HAVEN'T SEEN EVERYTHING

    KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil kailangan ko nang maligo. Paano ba naman ay simula pa yata nang makarating ako rito sa island ay hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan. Ano na lang ang amoy ko nito, hindi ba? "Medyo maantot na nga ang person..." Komento ko sa aking sariling amoy nang amuyin ko ang kili kili ko at doon ko nga nakumpirma na medyo maasim na nga ako. Mabuti nang maligo hangga't hindi pa gaanong malakas ang amoy at ang kili kili power dahil baka may makaamoy pa sa akin at mahirapang huminga dahil sa naaamoy niyang masangsang sa akin. "Pero si Jago lang naman ang makakaamoy sa akin dito..." Pangungumbinsi ko sa aking sarili pero kaagad akong umiling iling at hindi sumang-ayon sa sarili ko dahil gumagawa na naman ako ng dahilan para hindi maligo ngayon. Pati talaga pagligo, kinatatamaran ko na rin? Pero may point naman kasi ako. Si Jago at ako lang naman ang nandito sa buong island kaya hindi naman ako dapat ma-conscious. Wala namang ibang tao rito sa isl

  • Kidnapped By My Possessive Husband   X: WHEN WAS THE LAST TIME?

    "OH, ano naman 'yang kondisyon mo?" "Do not ever try to leave this island... Do not ever dare to leave me alone here..." Seryosong usal ni Jago sa akin kaya naman hindi ko naiwasang matawa sa kaniya dahil sa sinabi nito. "At bakit naman ako bawal umalis dito sa island, ha?" "That's what I am asking you to do, Isla. I promise you, after this month, iuuwi na kaagad kita sa Maynila..." Muling pangako ni Jago sa akin kaya naman saglit akong natigilan para makapag-isip isip bago sumagot sa kaniya. Wala rin naman akong mapapala kung hindi ako sasang-ayon sa gustong mangyari ni Jago dahil ito lang ang nakakaalam sa aming dalawa ng kabuuan ng island at kung kailan muling babalik ang pulang bangkang dumating dito sa island kanina. Kung hindi ako makikipag-cooperate sa kaniya ay mas matatagalan at mahihirapan lang akong makabalik kaagad sa pampang at makauwi na sa Maynila. Napabuntong hininga na lamang ako bago muling tumingin kay Jago na naghihintay sa magiging sagot ko sa kaniy

  • Kidnapped By My Possessive Husband   IX: THE RED BOAT

    KINAGABIHAN, mahimbing na mahimbing na ang pagkakatulog ko sa higaan matapos ang nakakabusog na kain ko sa pagkaing dinala ni Jago para sa akin kanina nang biglang maalimpungatan ako dahil sa pamilyar na tunog na naririnig ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko at saka ko pinakinggan muli nang mabuti ang tunog na naririnig ko na nagmumula sa labas dahil baka nananaginip lang naman pala ako pero mas lumakas pa ang tunog na naririnig ko kaya naman napabalikwas na ako nang tayo dahil sa pagkabigla rito. Hindi ako makapaniwala sa naririnig kong tunog ngayon kaya naman naglakad agad ako papunta sa bintana ng kwarto para tignan kung tama nga ba ang naririnig ko ngayon dahil baka nanonood lang ng tv si Jago sa kabilang kwarto at tumatagos lang ang tunog papunta rito sa kwartong tinutulugan ko ngayon. "Oh my God, T-tama ba ako nang nakikita ngayon? Tulog pa ba ako? Nananaginip pa rin ba ako ngayon?" Gulat na gulat na pagkausap ko sa aking sarili habang nanlalaki ang mga mata ko sa

  • Kidnapped By My Possessive Husband   VIII: ALL BECAUSE OF YOU

    "IBABA mo na nga ako, Jago! Isa! Nahihilo na ako rito, oh!" Inis na usal ko kay Jago dahil kahit na nasa loob na kami ng bahay ay hindi pa rin ako nito ibinababa at nakabaliktad pa rin ako sa balikat nito kaya nagsisimula na akong mahilo. Nangangamba na rin ang buong sistema ko nang bigla na namang naglakad paakyat ito sa hagdan papunta sa second floor ng bahay. "H-hoy! Ibaba mo na nga sabi kasi ako, Jago!" "I'm going to put you down, okay? Sa kwarto na kita ibababa, maghintay kang makarating tayo doon." Pagbibigay alam ni Jago sa akin kaya naman hindi na ako nagpumiglas pang muli dahil baka mawalan pa ito ng balanse sa katawan habang umaakyat sa hagdan at pareho pa kaming mahulog pababa. Nang makapasok kaming dalawa sa kwarto ay tumupad naman ito sa usapan namin at mabilis ngunit marahan akong ibinaba nito sa kama. "Don't you dare try to escape from me, Isla. I'm really serious. Huwag kang magtatangkang umalis sa isla na 'to without my knowledge." Muling pananakot n

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status