Accueil / Romance / Kidnapped by the Billionaire After Divorce / CHAPTER 162: The Passionate Kiss

Share

CHAPTER 162: The Passionate Kiss

Auteur: Rigel Star
last update Dernière mise à jour: 2024-10-15 20:06:11

MAGSIMULA NANG IWAN SIYA ng binata, matapos na sabihin nito ang laman ng isipan ay hindi niya na muling nakita pa si King sa maghapon. Maaaring umiiwas ito sa kanya nang sa ganoon ay hindi na sila magtalo pa lalo pa’t magulo ang kanyang isipan. Hindi na ito dadagdag pa sa isipin niya na magiging dahilan upang lalo pa siyang maguluhan.

Nang umagang iyon, ang nangangamoy kaagad na pagkain sa kusina ang bumati sa kanya. Sa mabangong halimuyak na dala ng nakahain, hindi na siya nagdalawang-isip na magtungo sa kusina dahil sa biglaang pagkalam ng kanyang sikmura.

Isang ginang na may edad na ang bumungad sa kanya. Kalalapag lang din nito ng bagong lutong sopas nang mapansin siya.

“Hija, gising ka na pala!” malapad ang ngiting bati nito sa kanya. “Kumusta naman ang tulog mo?”

Hindi niya na rin maiwasang huwag mahawa sa ngiti nito. Kaagad niya iyong sinuklian ng ngiti rin saka binaling ang tingin sa lamesa.

“Napakarami naman hong agahan, kayo ho lahat ang naghanda?”

“Ah… oo… sabi kase ni sir ay ipagluto kita ng mga paborito mong agahan!”

“Ganoon po ba?” hindi niya maiwasang huwag mahiya sa matanda dahil sa pang-aabala. “Magandang umaga po pala—”

“Nanay Tasing,” sabi nito sa bay lapag ng sinangag sa lamesa. “Tawagin mo akong Nanay Tasing.”

“Magandang umaga po, Nanay Tasing,” ulit niyang muli. 

“Magandang umaga rin sa ‘yo, Hija!” sambit nito. “O siya! Pumarito ka na para makapag-agahan.”

“Sumabay na ho kayo sa akin, Nay Tasing.”

Mabilis naman ang pag-iling ng matanda bilang pagtanggi. “Sa katitikim ko pa lang ay nabusog na ako, Hija! Sasamahan na lang kita rito nang hindi ka mainip.”

“Ganoon po ba?” gulat na tanong niya rito. “Matagal na po ba kayong katiwala ni King?” 

“Ang papa ni King ang una kong pinagsilbihan, Hija.”

“Kumusta naman ho na kasama ang matandang Salvantez?” 

Ganoon na lamang ang pag-iling ni Aling Tasing. “Napakakulit syempre!” mabilis na sagot nito sa kanya.

Natawa na lamang si Liberty. Inaasahan niya ng iyon ang magiging sagot sa kanya ng matanda. 

“Bakit niyo ho sa isla piniling manirahan, Nay Tasing?” 

“Tahimik kase rito, Hija. Atsaka hindi kami pinapabayaan ng mga Salvantez basta mabantayan namin ang bahay at mapanatili ang ganda ng isla. Kasama ko rin naman dito ang anak ko at ang apo ko kaya hindi kami naiinip.”

“Ganoon po ba?” napatango-tango na lang si Liberty at nagpatuloy sa pagkain.

“Nay!” 

Boses naman ng panibagong estranghera ang narinig ni Liberty. Dali-dali ang paglapit nito kay Nanay Tasing kaya sigurado si Liberty na ito ang tinutukoy ng matanda na anak.

“Iyong dinala ho pala ritong babae ni Sir King, may asawa rin! Akalain niyo ho iyon? Parang mahilig yata ang bunsong Salvantez sa mga may asawa na—”

“Ang bibig mo!” mabilis ang naging pagpalo ni Nanay Tasing sa anak nito ngunit nakasuot na sa kanyang isipan ang sinabi nito sa matanda.

“A-ano ho ang ibig sabihin ng anak ninyo, Nay Tasing?” pinipigilan niya ang pagtaas ng kilay niya nang sandaling iyon dahil sa kanyang narinig. “May dinala hong babae dito ang bunsong Salvantez dati?”

“Ano kase, Hija…”

“H-hindi naman ho kami sigurado kung karelasyon niya iyon!” mabilis na sagot ng anak ni Aling Tasing. “Wala naman ho kaseng sinabi si Sir King. Hindi naman po kase nagkikwento si sir. Pero iyong babae, opo! Sabi niya kasal daw siya kaya itinakas siya ni sir sa mapang-abuso niyang asawa—”

“Sabi ng wala tayong karapatan na panghimasukan ang buhay ng mga Salvantez!” galit na namang sambit ni Nanay Tasing. 

“A-ay! Pasensya na ho,” sambit kaagad nito bago dali-daling sumibat paalis doon. Katulad ng ginawa kaninang pagdating ng anak ni Nanay Tasing, ay nawala rin kaagad ito sa kanyang paningin ngunit ang sinabi nito ay tumatak na sa kanyang isipan.

Kahit ang matanda, hindi makatingin sa kanya nang tuwid dahil sa pagkapahiya kaya naman malapad na ngiti na lamang ang ibinigay ni Liberty dito. 

“Pasensya ka na sa anak ko, Hija,” nahihiyang sambit nito. “Pinagbawalan ko na ang bibig niyan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natututo! Palibhasa’y wala kaming kapitbahay na nakakakwentuhan kaya ganoon na lamang kaatat na magbalita sa akin kapag nabibisita rito si Sir King!” 

Bahagya na naman ang naging pag-iling Liberty bilang pakiwari dito na ayos lamang kahit ang totoo ay nababagabag na siya sa balitang iyon. Kaya ganoon na lamang din ang paglantak niya sa pagkain ng agahan sa pag-aakalang makakalimutan ang narinig. Ngunit nang matapos kumain ay ganoon na lamang din ang kanyang pagsisisi dahil sa kabusugang nararamdaman. 

Aaminin niya, natatakot siya…

Ngunit sa ilang beses na napatunayan ni King ang sarili nito sa kanya ay mas pipiliin niyang pakinggan muna ang mga sasabihin nito bago magbato ng kahit na anong konklusyon sa binata. 

Kaysa talunin ng kanyang isipan, pinili na lamang niya na abalahin ang sarili sa pamamasyal nang hapon na iyon. Dahil sa pagkalibang, hindi niya napansin na inabot na siya ng gabi. 

Ganoon na lamang din ang kanyang pagkabahala nang mapansing hindi niya na alam ang kaninang nadaanan. Ngayon tuloy na naliligaw na siya ay abot-abot ang kanyang pagkataranta at lalong hindi nakapag-isip nang mabuti.

Nang mga sandaling iyon din, dahil sa madilim na bahagi ng isla siya napunta ay hindi niya napansin na ang sumunod na tinapakan ay magiging dahilan ng kanyang pagkatalisod. Ngunit bago pa man lumagapak ang mukha niya sa sahig ay nasalo na siya ng matipunong bisig.

Heto na naman ang pagkakatinginan nila ng binata na naging dahilan upang mahuli nito ang kanyang mga mata kaya hindi na natanggal ang tingin niya rito. Tila ba’y naroon na naman ang pagkamagneto na hinihila ng mga mata neto.

“K-king…”

“Tatakas ka ba?” nag-aalalang tanong ng binata sa kanya. “Naniniwala ka ba na isa rin ako sa mga Salvantez na handa kang lokohin?”

Bakas ang kaguluhan sa mga mata ni King ngunit pinipilit pa rin nitong kumalma.

“I know that I'm not the best but I want tell you—”

Bago pa man makapagpatuloy sa sasabihin niya si King, puno ng damdamin at mabilis ang pagdampi ng labi niya sa binata.

Seryoso ang tingin niya rito habang nangungusap ang mga mata.

“Wala kang dapat na—”

Sa pagkakataong iyon, hindi niya inaasahan na ibabalik din ng binata ang paghalik sa kanya. Hindi lamang iyon bastang halik, kung hindi mapusok na halik na kahit siya ay hinayaan ang sarili mula sa pagkalunod…

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (13)
goodnovel comment avatar
Fe Li Sa
more update
goodnovel comment avatar
Arlynne Celestial
Sa mga nagdududa kung bakit nasa bahay ni King ang vigeo recorder na kinasasangkutan ni Lenard,,,dahil po c King ang lihim na tumutulong at nagbibigay ng mga ebedensya sa P I ni Liberty na sya ring P I ni King.Yan cguro ang huling ebedensyang nakalap ni King,kaso di sadyang nakita ni Liberty.
goodnovel comment avatar
Sapongen Mercy
update po please
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   Special Chapter 1: Nakaw na Saging

    “D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   EPILOGUE

    DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 224: The Little Brother

    “KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 223: She’s Giving Birth

    “KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 222: The Tragic Death 

    HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 221: Between the Two

    “A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status