Share

Chapter 22

Kahit puyat ay maagang nagising si Leilani nang Linggong iyon. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw at kalat pa ang dilim sa paligid pero minabuti niya na bumangon na sa pagkakahiga. Ang totoo'y walang partikular na dahilan para siya bumangon ng ganoon kaaga. Dati-rati ay inaabot siya ng alas diyes sa higaan ngunit iba ngayon. Marahil ay dahil ito sa pamimigat ng kanyang pakiramdam at dagdagan pa sa nakikita niyang malaking eyebags pagharap niya sa salamin dahil sa kaiiyak niya kagabi. Kung hahayaan niya lang ang sarili na magmukmok ay baka lagnatin pa siya 'pag nagkataon. 

Pawisan at humihingal siyang pumasok sa condo at diretsong tinungo ang kusina para magsalin ng tubig sa baso at inisang lagok lang 'yon. Kagagaling niya lang sa pag-jogging sa labas. Kahit paano'y umayos ng kunti ang kanyang pakiramdam dahil na rin sa malamig na hangin na kanyang nalanghap. Nang papunta na siya sa sariling kwarto ay saglit niyang dinaanan ang kwarto ng anak. Maingat niy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status