Share

Chapter 38

Papadilim na nang marating namin ang isla. Tanaw mula sa aming kinaroroonan ang nag-iisang bahay na nakatayo roon. Malayo ang naturang isla and it's still a remote area. Mukhang pinaplano pang palaguin o di kaya ay gawin lang bakasyunan. Tumunog ulit ang cellphone ni Lysander at sinagot naman nito ang tawag. 

"We're already here, sir. Nakapwesto na ang lahat," sabi ng nasa kabilang linya. 

"Kakarating lang din namin. Wala muna kayong gagawin. I don't want to take a risk. My daughter's life is at stake here."

"Copy, sir."

Nagpatiuna na si Lysander sa pagbaba sa bangka na inarkila namin bago niya nilingon ang gawi ko. 

"Dito ka muna. Hayaan mo munang malaman ko ang sitwasyon sa loob bago ka sumunod. Baka mapahamak ka," ma-awtoridad nitong ani. 

Tumalikod na ito pagkasabi niyon saka marahang tinungo ang bahay. Dumoble ang kaba ko nang marating ni Lysander ang pinto at binuksan iyon. Hindi ako nakatiis at sumunod ako sa kanya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status