Share

Chapter 23

Nagkasarapan sila ng kwentuhan ng doktor at hindi niya man lang namalayan ang oras. Nag-enjoy siya sa pakikipag-usap rito at pati na rin sa pagkain na ang lalaki mismo ang nag-order nang sabihin niya rito na hindi niya kabisado kung anong masarap na kainin sa pagpipilian sa menu ng restaurant.

Nakita niyang bumuka-sara ang bibig ng katapat na lalaki sa patuloy nitong pagsasalita pero bigla yata siyang pinagpawisan nang napagawi ang paningin niya sa may bukana ng pinto ng restaurant. Dalawang pares ng nakaasik na magkahalong berde at bughaw na mga mata ang ngayon ay nakatingin ng diretso sa kanilang kinauupuan. Namalayan niya na lang na napigil niya pala ang hininga nang inabutan siya ng baso ng tubig ni Dr. Aesteus. Ibinaling niya rito ang tingin kahit ang totoo ay lumilipad ngayon ang kanyang diwa. Para siyang biglang tinakasan ng kaluluwa. 

"Okay ka lang ba?" may himig pag-aalala na tanong ng binata sa kanya. Tipid siyang ngumiti rito saka marahang tumango. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maluz Dumancas Diaz Amistoso
subra nameeen...
goodnovel comment avatar
Mariacostosa Indol
yayaman ka boi promise
goodnovel comment avatar
Mariacostosa Indol
Grabe nmn author nito kung makademand ng points Ang laki! halos kalahating porsyento..wow as in wow..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status