Share

Kidnapping Miss Kidnapper
Kidnapping Miss Kidnapper
Author: cas_airen

1 - Kidnapper

1

Binuga ko ang usok ng sigarilyo sa bibig ko habang nakatitig sa taong kikidnapin namin ngayong gabi. Isang buwan na namin pinaplano ito at ngayon ang tamang panahon para isagawa. Napasulyap ako kay Warren na nasa kabilang banda, siya ang isa sa kasamahan ko.

“Titignan ko kung may nagbabantay sa kanya,” rinig kong sambit ni Warren sa earpeace na suot ko.

Wala sa isip ko ang kumidnap ng tao, pero talagang ginipit ako ng tadhana. Kailangang maoperahan ang papa ko at nangangailanga ako ng malaking halaga. Ayokong gumawa ng ganito, pero kailangan na kailangan ko. Muli akong humithit sa sigarilyo ko nang mapansin na napasulyap sa’kin ang target.

Kinakahaban ako kaya ako naninigarilyo ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin. Sinusubukan ako ng mga kasamahan ko kung talagang kaya kung gumawa ng labag sa batas kaya ako ang nilagay nila sa trabahong 'to.

Nasa bar kami ngayon at ang plano ay aakitin ko ang lalakeng binabantayan namin ngayon. Aakitin ko siya hanggang sa gusto niyang mapag-isa at pumunta sa isang lugar na kami lang, saka namin gagawin ang planong kidnapin siya.

Nagsuot ako ngayon ng maiksing damit na hiniram ko lang sa kaibigan kong si Anna na kapitbahay ko rin. Backless iyon at dahil mas matangkad ako kaysa sa kay Anna ay talagang subrang iksi non. Kinulot niya rin ang mahaba kong buhok kaya nagmukha akong mas matanda kaysa sa edad ko. 19 lang ako, pero nagmukha ako 22 sa ayos ko.

Tinuruan ako ni Anna mang-akit. Si Anna ay nagtatrabaho sa isang bar kaya marami itong alam tungkol sa pang-aakit. Tinuruan niya ako, pero ang sabi ko lang sa kanya ay gusto ko lang magkaroon ng kaalaman tungkol doon. Tinuruan niya ako dahil akala niya ay may boyfriend na ako, hindi niya alam na gagamitin ko ang natutunan ko sa kanya para mangidnap ng mayamang lalake.

“Nakatingin siya sayo,” napasulyap ulit ako sa kinaroroonan ni Yryno Dela Zardo, ang lalakeng bilyonaryo. Walang alam gawin kung hindi ang mambabae.

Napaayos ako sa pagtayo nang mapansing nakatitig nga siya sa’kin. Nakaupo ito sa sofa habang may hawak na alak sa isang kamay niya. Madilim ang titig nito sa’kin at napansin ko kaagad ang paghagod ng tingin niya sa'kin mula ulo hanggang paa. Mukhang tama si Warren, kayang-kaya kong kunin ang atensyon niya kahit wala akong ginagawa. Si Warren ang nagsabi na kaya ko, kaya talagang tinanggap ko 'to.

Napatitig ako sa kanta at hindi maiwasang sumang-ayon sa mga usap-usapan tungkol sa kanya.

Gwapo nga ito at subrang lakas rin ng dating niya, paniguradong maraming babae. Muli akong himithit sa sigarilyong hawak ko at pinakita ko sa kanya ang pagbuga ko rito. Kinindatan ko rin siya at halos magdiwang ako nang mapansin ang paglunok niya. Napatingala siya at kitang-kita ko ang kanyang adams apple na nagtaas-baba.

Hot.

At nang muli siyang tumingin sa’kin ay nag-iwas ako ng tingin. Pinatay ko ang sigarilyo sa ashtray na nasa gilid ko at naglakad na papunta sa dancefloor. May naglakad na waiter malapit sa’kin kaya mabilis akong kumuha roon. Ininom ko iyon at halos mapapikit sa subrang sama ng lasa kaya noong may isang waiter na naglakad ulit ay nilapag ko iyon doon.

“Nakatitig talaga siya sayo. Sayaw, Zay,” rinig kong sambit ni Warren sa’kin sa earpeace na suot ko kaya mas lumapit ako sa mas maraming tao, pero sinigurado kong hindi matatabunan ang pwesto kung nasaan si Yrony.

Tinaas ko ang kamay ko at sinimulang umindayog. Ang nakataas na kamay ay dahan-dahan kong binababa at hinahaplos ang katawan ko. Nakapikit ako dahil ayaw kong makita ang nasa paligid ko. Natatakot akong may mga taong nakatingin sa’kin at mahiya na lang bigla.

Napamulat lang ako nang may lumapit sa’kin sa harap ko. Akala ko ay tuluyan na siyang lumapit sa’kin, pero mali ako. Ibang lalake ang lumapit sa’kin. Itutulak ko na sana siya, pero halos matigil ako at mapako ang paa sa kinatatayuan ko nang maramdamang may humawak sa bewang ko galing sa likod. Hinaplos niya iyon. Natigilan naman ang lalakeng nasa harap ko at tuluyang umalis.

Nanoot din sa ilong ko ang paniguradong mamahaling pabango niya. Ang bango niya. Nakaramdam din ako ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nang maramdaman ang paglapit ng mukha niya sa leeg ko. Gusto kong tanggalin ang kamay ng sino mang lalakeng nasa likuran ko ngayon, pero masyado akong nanghihina sa haplos at sa lapit niya sa’kin.

Heto ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganoon dahil lang sa haplos.

“Now, dance,” bulong nito at naramdaman ko na ang hininga at ang dulo ng ilong sa leeg ko. Ang mabango nitong hininga ay siya namang bumalot sa paghinga ko.

“Bitaw. Pwede kitang kasuhan ng sexual harrasment,” sambit ko ng mariin sa kanya, pero narinig ko ang mahinang tawa niya.

Sino ba ito? Alam kong hindi makakapagsalita ngayon si Warren dahil baka kapag magsasalita siya ay marinig ng lalakeng nasa likuran ko. Sa subrang lapit niya ay paniguradong maririnig niya ito.

“But you winkes at me a while ago, Miss,” bulong nito kaya hindi ko maiwasang manlaki ang mata at hinara siya. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

Kinagat nito ang labi habang ang ngiti au namumutawi sa labi niya.

“Now. I want you to show me your moves,” sambit niya at muli akong hinawakan sa bewang at nilapit sa kanya. Mabilis ko naman naiharang ang kamay ko sa dibdib niya para magkaroon kami ng kaunting distansya.

Kinakagat ko ng mariin ang labi ko, at napansin ko ang pagbaba ng tingin niya roon. Ang plano, Azaylie! Medyo nanginginig man, pero sinimulan kong gumiling sa harap niya. Napansin ko ang pag-aapoy ng mata niya habang bumababa ang tingin niya sa katawan ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko para tumalikod sa kanya, pero nagawa niya iyong ibalik at nagawa pa niyang igiya ang katawan ko sa pagging.

"So what can you say about my move, sir? Did I turn you on?" Punong-puno ng pang-aakit na tanong ko habang magkalapit ang buong katawan namin habang nakatalikod ako sa kanya.

Binaba ko pa ang sarili at medyo sinagi ang pagkalalake niya. Ramdam kong nanigas siya. Napangiti ako nang mapansin na kaya ko siyang bigyan ng ganoong pakiramdam, pero halos mawala ang kaluluwa sa buong katawan ko nang isang hila sa kamay ko ay napatayo ako ng mabuti. Sa isang iglap, inaangkin na niya ang labi ko.

Hindi ako marunong humalik! Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanlalaki ang mata ko habang siya ay inaangkin ang buong labi ko na para bang sa kanya talaga iyon. Hindi ko naitago ang gulat sa mata ko nang lumayo siya ng kaunti sa’kin. Nakita ko ang pagngisi niya ulir habang nakatitig sa’kin.

“You’re good at dancing; it’s fucking and making me turn on, but I think you still need to train how to kiss," panunuyo niya at hinawakan ang baba ko papalapit sa kanya.

“Want me to train you? Saan mo gusto? 5 star hotel? Or just In my place?” Heto iyon.

Kinagat ko ang labi at dahan-dahang tumango. Alam kong naririnig na iyon ni Warren. Naglalakad na kami papunta sa parking lot habang ang kamay ay nanatili sa bewang ko. May mga kasamahan kami sa parking lot na naghihintay sa'min.

Pasakay na kami nang lumabas sila Warren na may takip ang mga mukha. May hawak din silang mga baril. Nakita ko na naging seryoso si Yrayno habang nakatitig kila Warren.

“Sino kayo?” Tanong nito.

“Taas ang kamay,” seryosong sambit ni Warren.

“If you need me, leave the girl here,” sambit nito kaya napasulyap ako sa kanya,

“Woahh!” Si Warren at sabay tawa, nasundan ng ilan naming kasamahan ang pagtawa ni Wendell.

"Ang galing mo, Zay. Wala pang isang oras. Salute," pabirong sambit ni Warren sa'kin.

Kumunot ang noo ni Yrony sa sinabi ni Warren at napatingin sa'kin.

Naglabas si Wendell ng baril at biglang hinagis sa’kin. Napapikit ako ng mariin nang senyasan niya ako na itutok ag baril kay Yrony.

Napatitig sa’kin si Yrony sunod ay sarkastikong natawa nang itutok ko nga sa kanya ang baril na bigay ni Warren. Lumapit sa kanya ang isa at tinulak papunta sa van na puti sa gilid namin, pero sa isang iglap ay inagaw niya ang baril ng tumutulak sa kanya at pinaputukan ang mga paa ng mga kasamahan ko. Napatili ako sa gulat.

Laglag ang panga ko nang makita kong silang lahat ay nakahandusay na sa sahig at lahat ay subrang lakas ng d***g dahil sa nabaril nilang mga paa. Nanginginig ang kamay ko at nahulog ang baril sa sahig. Pupulutin ko sana, pero tinutok nito sa’kin ang baril.

Nakangisi ito at biglang tinuro ang kotse niya sa gilid.

“Huh?” Takang tanong ko.

“Shit! Huwag kang sasama. Takbo, Zay!” Nahihirapang sambit ni Warren. Napansin ko ang pagsulyap ni Yrony sa kanya at natawa ito.

“Bro, mas mabilis ba siyang tumakbo kaysa sa baril?” Sarkastikong sambit ni Yrony kay Warren at tinignan ulit ako.

“Pasok o pasok?” Seryoso na nitong sambit sa’kin at biglang pinaputok ang baril sa gilid ko, kung nasaan ang gulong ng van na sinakyan namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status