4
Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko, pero parang nakitaan ko ng ngiti ang labi niya, pero pansamantala lang iyon dahil naging seryoso lang ulit siya at napatikhim.
Tumayo siya bigla at tumalikod na. Nataranta ako kaya mabilis ko siyang tinawag.
"Yrony!" Natigilan siya, pero nakatalikod pa rin.
"Pakawalan mo na ako, please. Kidnapping 'to. Sige na, pakawalan mo na ako, hindi na kita kikidnapin ulit!" Sambit ko kahit alam ko naman na umaasa ako sa wala. Sinong kriminal ang palalayain dahil lang sa sinabi niyang hindi na siya uulit.
Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ako naandito. Pwedeng-pwede niya akong iwan sa mga pulis, pero—
"Hindi kita papakawalan hanggang hindi nahuhuli ang pinuno ng sindikato na kinabibilangan mo, and yes, I am kidnapping you," mariin na sabi niya.
Ano? Kailan kaya 'yun?! Ni hindi ko nga alam kung sino ang pinakapinuno namin!
"P-Pero bakit kailangang kidnapin ako? Haller! Yung mga kasamahan ko nasa pulis station—Hoi!" Nagsimula itong maglakad papalapit sa pinto kaya mas lalo kong nilakas ang boses ko.
"Teka lang naman! Huwag ka muna umalis! Nangangalay na ako, pwede bang ibang posisyon naman?!" Nakasimangot kong tanong sa kanya gamit ang malakas na boses.
Ngumiti ako nang makitang sumulyap siya sa'kin. irita siya at parang mas lalo siyang nairita sa ngiti ko. Nakangiti lang ako habang papalapit siya, pero halos malukot ang buong mukha ko at nawala ang ngiti sa labi ko dahil mali ang akala ko na tatanggalin niya ang tali ng kamay ko.
May kinuha siyang panyo sa bulsa niya tinakpan ang bibig ko. Dahil tinatali na niya ang panyo sa likod ng ulo ko ay amoy na amoy ko ang pabango niya. Subrang bango niya talaga— Ghad, Azaylie? Talaga ba? Nakatali ka na nga at lahat yung mabangong amoy pa niya ang napansin mo.
"Hmmm!" Sinubukan kong gumalaw para huwag niyang matali ng maayos, pero huli na para gawin yun dahil natali na niya.
"Ang ingay-ingay mo ba iyon?" Sambit nito sa'kin at binaba ang tingin para magkalevel ang mata namin.
Hindi ko na tuloy maiwasang tignan siya ng masama, pero kumunot ang noo ko nang mapansin na medyo umangat ang labi niya. Teka? Nakangiti siya? Pero bakit? Napakurap ako, pero nang imulat ko at seryoso na ang expression niya.
"Dito ka lang at magpapadala ako ng pagkain," sambit nito at tuluyan nang umalis.
Pagod akong napabuntong hininga at walang nagawa. Nakakainis! Hindi ko alam kung anong oras na. Nakatulog ako kanina, pero nagising din dahil hirap na hirap na ako sa posisyon ko. Naiihi na rin talaga ako.
Hindi ko rin alam kung umaga na ba o gabi na. Pagod akong tumingin sa dingding.
Ilang sandali ay may babaeng naghatid sa'kin ng pagkain at damit. Kasama na nito ang lalake kanina. Napansin ko ang pag-awang ng labi ng babae nang makita ako. Hindi ko alam kung tama ba ako, pero nakitaan ko siya ng pag-aalala.
Mahaba ang buhok nito, naka dress at maputi. Hindi siya mukhang kasambahay.
Habang ang kasama nitong lalake ay wala man lang ka emos-emosyon. Seryoso lang ito nang lumapit siya at tinaggal ang panyong pinantakip ni Yrony sa bibig ko. Gusto kong magdiwang nang sunod ay ang tali sa kamay ko ang tinanggal niya, pero napasimangot din ako dahil binalik din agad niya.
Akala ko ay tuluyang tatanggalin ang tali ko para makakain ako, pero mali ako. Ayoko sana, pero choosy pa ba ako?
Kailangan ko ng lakas. Kailangan kong makatakas dito kaya magpapalakas ako. Hindi muna ako tatakas, pero kapag nagkalakas na ako ay tatakas talaga ako!
Ngumunguya ako habang nakasimangot, pero naging dahan-dahan ang pagnguya ko nang mapansin ang pagtitig sa'kin ng babae. Hindi talaga siya mukhang katulong o ano. Sa totoo lang ang ganda niya. Makinis ang balat at medyo pareho sila ng mata ng Yrony na iyon.
"Miss, naiihi kasi ako. Pwedeng patanggal ng tali?" Tanong ko. Siya na lang mag-isa rito at hindi ko alam kung nasaan yung Yrony na iyon at yung lalaki.
Napansin ko ang pagsulyap nito sa pinto.
"Miss, sige na. Hindi ako tatakas, promise," sambit ko at tinignan siya gamit ang nagmamakaawang tingin.
"Per—"
"Promise, Miss. Naiihi lang talaga ako tapos sa tingin mo paano ako makakapagpalit ng damit kung nakatali ako? Sige na, Miss," pagmamakaawa ko.
"Pero hindi ka pa tapos kumain—"
"Busog na ako," mabilis na sambit ko at totoo iyon.
Nakagat nito ang labi at napabuntong hininga. Halos mapangiti ako nang binaba niya ang kutsara at lumapit sa likod ko.
"Huwag na huwag kang tatakas. Ang utos sa'kin ay tatanggalin saglit ang tali para makapagpalit ka, pero saglit lang talaga, pero sige. Basta huwag kang tatakas, alanganing sambit niya.
"Promise," sambit ko dahil kailangan ko pang magpalakas bago tumakas. Hindi muna ngayon.
Mabilis ang paglakad ko para pumasok sa isang pintuan na paniguradong comfort room o basta ewan. Gagi! Naiihi na talaga ako.
"Miss, Maligo ka na rin muna." Kumatok yung babae habang sinasabi iyon. Kaya pagkatapos kong umihi ay sinilip ko siya.
Nakangiti ito habang iniaabot ang damit.
"Salamat," sinserong sambit ko.
"Bilisan mo na lang, please. Baka makita ka na hindi nakatali, ako ang mapapagalitan," nag-aalalang sambit niya.
Tumango ako sa kanya. Mabait siya sa'kin kaya hindi na ako magiging pasaway. Tatakas ako, pero siguro yung hindi siya masisisi. Baka mamaya siya yung paputukan ng baril ni Yrony, hindi naman iyon kakayanin ng konsensya ko.
Naligo ako gaya ng sabi niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng bathroom. May bathtub, may shower at malaking salamin.
Nang matapos ay lumabas agad ako. Isang puting bistida ang binigay niya sa'kin. Pagkalabas ko ay tinignan niya agad ako. Umawang ang labi niya at napakurap-kurap.
"Ah. Thank you pala," sambit ko sa kanya rason ng pagtango niya. Napakurap-kurap pa siya na animo'y nawala siya sa sarili.
"W-Wala 'yun. Gusto ko pa sanang huwag kang itali, pero baka lang bigla silang pumasok," napapakamot na sambit nito.
Bagsak ang balikat ko na bumalik sa kama at hinayaan siyang itali ako. Umalis siya pagkatapos non.
Nakaupo na ako ngayon at hindi na nakahiga habang nakatali, medyo komportable na dahil kanina ay halos hindi ako makagalaw.
Napabuntong hininga ako at napatulala na lamang doon ng halos isang oras. Walang kasama si papa sa hospital. Ang tanga-tanga mo, Zay! Mas lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sa pinasukan mo.
Sino na lang ang titingin kay Papa sa hospital? Sumikip ang dibdib ko. Gusto kong punasan ang mata ko nang manlabo iyon dahil sa luha, pero hindi ko magawa dahil sa nakataling kamay ko.
Naubos ang oras ko sa kakaiyak at kakaisip kay Papa. Ang sabi ko hindi muna ako tatakas at magpapalakas muna ako, pero ang isiping walang kasama si Papa ay nagpapasikip ng dibdib ko. Dapat kailangan ko ng makatakas ngayon. Si papa. Baka bigla siyang magising tapos wala ako sa tabi niya.
Sinubukan kong igalaw ang kamay ko na may tali, at halos umawang ang labi ko nang maramdamang lumuwag iyon. Napasulyap ako sa likod ko at nalaglag ang panga nang tuluyan iyong natanggal.
Shit! Pero mabilis akong bumalik sa pagkakaupo at sinubukang ilagay ang tali sa kamay ko nang gumalaw ang doorknob. Pumasok si Yrony at huli na nang mapagtanto kong hindi ko pa napupunasan ang luha sa mata ko, paniguradong may bakas pa ng luha ang mata ko ngayon.
Binaling ko sa kabila ang tingin ko. Makapal na kurtina iyon na black kaya hindi ko alam kung umaga na ba talaga o gabi na.
Narinig ko ang buntong hininga niya at lumapit sa kurtina. Halos napapikit ako nang buksan niya iyon at hindi maiwasang nabigla ang mata ko sa biglaang pagliwanag ng buong paligid.
"You cried?" Tanong nito kaya napamulat ako. Nakaharap na ito ngayon sa'kin.
"Alangan namang tumawa ako," sarkastiko kong sambit sa kanya. Shit! Umayos ka, Azaylie, baka biglang paputukan ka ng bala niyan.
Napatikhim ako bago muling magsalita.
"Anong oras na?"
"What do you want for lunch?" Pabalik na tanong niya.
"Wow? May menu ba?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.
"Just tell me what do you want," masungit na sambit niya sa'kin, pero imbes na sabihin ay nagkunwari akong nakakatihan.
Sinubukan ko ang lahat para matakpan ang kamay ko na natatabunan lang ng tali habang nagkukunwaring nakakatihan sa bandang balikad.
"Ah. Yrony, p-pwedeng pa kamot? Makati kasi yung balikat ko," malambing kong pakiusap.
Umigting ang panga niya at talagang kitang-kita na hindi siya naniniwala.
"You are doing it again to seduce me," seryoso niyang sambit na para bang siguradong-sigurado siya.
Napairap ako.
"Puro ka seduce! Kung ayaw mo, ipatawag mo na lang yung si yung kasama mo kanina. Yung gwapong kasama mong pumunta rito. Kung ayaw mong kamutin, siya na lang ang kakamot—"
"Saan!?" Iritang tanong niya.
Natigilan ako at nalaglag ang panga ko nang lumapit siya ay kinamot ang balikat ko. Hindi ko maiwasang matawa habang nakatingin sa kanya dahil kitang-kita ko na labag na labag sa loob niyang sundin ako.
Masungit pa rin ang mukha niya at masama ang titig niya sa balikat ko habang kinakamot iyon. Kakaibang kuryente ang naramdaman ko sa paglapat ng daliri niya sa balikat ko. Kinagat ko ang labi ko at napansin ko ang pagsulyap nito roon.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinabi nito sa bar. Napasulyap ako sa labi niya at naalala ko kung paano ako non inangkin.
"Paano ba kasi yung tamang paghalik? Sabi mo kasi tuturuan mo ako," wala sa sariling sambit ko sa kanya habang nakatingin sa labi niya. Pakiramdam ko nahihinoptismo ako ngayon ng labi niya.
Miss Kidnapper Has A Secret (Kidnapping Miss Kidnapper Book2) Blurb She left; she married Ivo, but she has a secret that wants her to just keep it secret no matter what. It’s already Affeya, not Azaylie. She comes back, but gets kidnapped again. He loves her. He wants to protect her, so when she came back, he kidnapped her again. He seduces her, even though he knows that she is already married. He can play dirty to get her back, even though there’s only 1% to make her his again, but that secret and a lie made everything change.
WAKASI sign and let my body rest in my swivel chair. I want to go there and see her, but I'm guilty. I don't know how to face her after this, after what I did. My conscience is eating me. I don't remember anything, but because I woke up next to her with no clothes, I couldn't help but believe that something had happened. Wala akong maalala, pero wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit nandoon kaming dalawa.“You should rest, son. Hindi ka raw lumabas sa opisina mo maghapon. You don’t even eat at bakit nasa opisina ka pa hanggang ngayon?” Mama said on the phone.I sign. “I’m fine, Ma,” walang kalakas lakas na ani ko at pinikit na lang ang mata."But your voice says the other way. What is it? Do you have a problem? You can tell me and I can listen," she said softly, but I didn't speak and the phone remained on my desk, now on loudspeaker.Nasa opisina pa lang ako at halos lahat ng empleyado ay wala na. Pinatay ko ang ilaw at pinanatili ang kadiliman sa paligid ko.Narinig ko ang
76Yrony’s POVI really don't want to do this, but if this is what Zay wants, then fine. I'll do it because that's what she wants. Nakakatanga man na makipagdate gayong may girlfriend ako, pero gagawin ko. I gave Daisy a serious look when I found out she was my blind date."Yrony? Wow! I love Don Alvarez from now on," she said with a smile when we were both sitting at a table in a well-known restaurant.Tsk. Di naman mukhang nagulat. Does she really think she can play me?"I never thought that you were my date right now," she said again, then took the wine in front of her and sipped on it."I have a girlfriend," I immediately said to her, so she stopped sipping her wine and raised an eyebrow at me.Kumunot ang noo ko. I can't see any shock in her, but she didn't speak immediately. She just put down the wine glass and focused her full attention on me.I make my expression more serious, so she can see that I am serious about what I said. I want her to know that I already have a girlfrien
74Ilang beses kong kinurot ang sarili ko nang kaming dalawa na lang ang natira rito sa pool. Subra akong kinakabahan ngayon lalo na at kaming dalawa na lang. Gusto ko ng magsalita. Gusto ko na siyang kausapin ngayon, pero natatakot ako. Takot na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ngayon.Subrang tahimik ng paligid at hindi ko alam kung paano magsisimula. Kanina lang ay hindi na ako makapaghintay para kausapin siya, pero ngayon, para akong napipi. Napatitig ako sa likod niya. Hindi niya ba ako matignan nakita ko iyong kanina? Gusto ko siyang yakapin at hayaan ang sariling ubusin ang oras para makasama siya.Naglakad ako papalapit sa kanya at alam kong narinig niya ang bawat yapak ko papalapit sa kanya. Hinawakan ko ng mariin ang bag ko para magkalakas ng loob para magsalita.“Harapin mo naman ako,” sambit ko at parang tangang pinasaya ang boses ko dahil nanginig din naman iyon sa huli. Hinintay ko siyang harapin ako, pero hindi siya humarap o nagsalita man lang.“Yrony,” tawag ko
74Muli kong tinignan ang pwesto nila at nang makita ko na wala na siyang kausap ay tinapangan ko ang sarili para tumayo at lapitan siya. Napasulyap sa’kin si Lolo at magsasalita sana, pero mukhang naalala nito ang usapan namin kaya nag-iwas din naman ng tingin, lalo na nang tignan ko siya ng seryoso, pero natigilan na ako sa paglalakad papalapit sa kinaroroonan ni Yrony nang marinig ko ang usapan sa kabilang lamesa."They are good together. I have a feeling that the engagement will be next. High school sweetheart really has something, huh?” Sambit ng isa sa nasa mesa kaya napasulyap ako roon. Saka ko lang napansin na iyong mga kaibigan pala ni Janica iyon.They are good together. Pang-ilang beses ko na ba iyon narinig mula noong dumating ako rito?“Sana nga. Our family is really a close friend at kung may engagement na magaganap, edi mabuti. Tiyak magsasaya ang dalawang pamilya kung nagkataon,” si Janica na nakatalikod sa’kin kaya hindi niya nakikita na nandito ako sa likod niya.“I
73"Just like what I want you to say, I want you to marry him. If you don't marry Ivo, I will use my influence to get your father out of the hospital, but if you say yes about marrying Ivo, then I promise to take care of everything about him. You and Ivo will get married abroad, and I will also agree if you ever want to take him with us abroad. I will promise to put him in one of the good hospitals there." seryosong dugtong pa niya.Hindi ako nagsalita at parang napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko.Mahal ko si Yrony, pero mas mahal ko si papa. Kahit na sinasabi nilang lantang gulay na si papa at hinihintay na lang ang pasya ko kung isusuko ko na ba siya o hindi, ang sagot ko lang ay hindi. Walang pagdadalawang isip kong sasabihin na hindi ko siya isusuko kahit na katiting na lang na tyansa ang kakapit ko. Hinding-hindi ko siya isusuko kasi siya ang papa ko.Mahal ko si Yrony at kaya ko siyang ipaglaban, kaya-kaya kong panindigan ang kung anong meron kami kasi mahal na mahal ko siy