Share

75 - Break up

74

Ilang beses kong kinurot ang sarili ko nang kaming dalawa na lang ang natira rito sa pool. Subra akong kinakabahan ngayon lalo na at kaming dalawa na lang. Gusto ko ng magsalita. Gusto ko na siyang kausapin ngayon, pero natatakot ako. Takot na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ngayon.

Subrang tahimik ng paligid at hindi ko alam kung paano magsisimula. Kanina lang ay hindi na ako makapaghintay para kausapin siya, pero ngayon, para akong napipi. Napatitig ako sa likod niya. Hindi niya ba ako matignan nakita ko iyong kanina? Gusto ko siyang yakapin at hayaan ang sariling ubusin ang oras para makasama siya.

Naglakad ako papalapit sa kanya at alam kong narinig niya ang bawat yapak ko papalapit sa kanya. Hinawakan ko ng mariin ang bag ko para magkalakas ng loob para magsalita.

“Harapin mo naman ako,” sambit ko at parang tangang pinasaya ang boses ko dahil nanginig din naman iyon sa huli. Hinintay ko siyang harapin ako, pero hindi siya humarap o nagsalita man lang.

“Yrony,” tawag ko
cas_airen

2 or 3 chapters na lang. Hmmm... Happy ending?

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Krist
Miss author sana hindi sila maikasal sa iba sana sila ang magpakasal dahil sila ang nagmamahal an.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status