Share

37 - Honest

37

Bored na bored na ako. Buti pa nga noong nasa isla ako ay nagagawa ko pang magluto, maghugas ng pinggan at minsan nandiyan si Yrony na ang sarap asarin.

"It seems like you are not happy to be here," napasulyap ako sa gilid ko. Si Ivo.

Nasa pool ako ngayon habang nakatampisaw ang paa ko, sa gilid ko ay may mga kasambahay na naghihintay sa kung anong iuutos ko. Gusto kong mapag-isa, pero utos daw ni lolo na bantayan ako kahit dito.

Hindi ko siya sinagot at napatitig na lang sa tubig. Ilang araw na silang pabalik balik ng ama niya rito, at hindi naman ako ganoon katanga para hindi mapansin na pinaglalapit kaming dalawa. Wala pa namang sinasabi tungkol sa kasal, pero sa pinapakita nila, pakiramdam ko kunting panahon lang ay sasabihin na sa'kin.

Sinusubukan din naman niya akong kausapin, pero saka ko lang talaga siya kinakausap kapag nakatingin sila Lolo.

****

Nasa isang hotel kami ngayon. Ang narinig ko ay ito ang pinakamatayog na hotel dito sa manila. Halos mawalan ako ng lakas nang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status