Share

Chapter 11

>xi<

Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko. 

"Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto. 

"Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko. 

Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No, para siyang dyosa. 

Nakaupo siya malapit sa hospital bed ko at nakangiti sa akin. Hospital bed? Yes, I'm perfectly aware na nasa ospital ako, sa amoy pa lang naman at kulay puting paligid na namulatan ko, surely, ospital ito at hindi na din ako nagtaka kung bakit ako nandito dahil rumagasa agad sa ala-ala ko ang nangyari at ang napala ko sa katangahan ang nagdala sa akin dito. 

"Sino ka?" usisa ko sa babaeng nakatunghay sa akin. 

Hindi ko yata matandaang may ibang babae sa lugar na iyon bukod sa akin, tatlo lang naman kami dun. Ako, yung holdaper at si Marione. Bigla akong natigilan sa naisip. Teka nga, nandun si Marione? Imposible. Agad kong nilibot ng tingin ang buong kwarto, nagbabakasakali na nandoon ito.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko ng hindi ko siya makita sa kwarto. Hindi na lang yata braso ko ang kumikirot ngayon. Hindi siguro totoo na sya ang nagligtas sa akin, baka nagha-hallucinate lang ako. Tama! Dinadaya lang ako ng mga mata ko. Grabe, muntik na nga akong mapatay dun, sya pa ang naiisip ko. 

Did I just think that he'll come and save me? I groaned in frustration. Sa fairytales at movies lang yun. Ugh, this is hopeless. 

"May masakit ba sayo?" atubiling dumulog sa akin ang dyosang nasa tabi ko. 

Oo nga pala, may kasama nga pala ako. Siya siguro ang tumulong sakin. Ipinilig ko ang ulo ko, baka sakaling malinawan, kung saan-saan na naman kasi nakakarating. 

Umiling ako. "A, hindi. Okay lang ako. Thank you nga pala sa pagliligtas mo sakin," sabi ko na sinamahan pa ng matamis na ngiti. 

"Oh, no. I'm not the one who saved you last night," nakangiti pa din nitong turan. "Lumabas lang sya, may aasikasuhin lang daw. Pinabantayan ka muna nya sa akin baka daw kasi bigla kang magising."

Napatango nalang ako kahit na medyo naguluhan sa sinabi nito. Hindi daw siya ang nagligtas sa akin. Kung sa bagay ay lalaki ang nakita kong kapambuno ng holdaper. 

Ibinaling kong muli ang tingin sa babaeng nagbantay sa akin. Nakaka-intimidate ang kagandahang taglay nitong kaharap ko. Nakakahiya tuloy dumikit. 

"Anyway, I'm Sarrina Eldritch. Pinsan ko yung nagligtas sayo," she said brightly. "Kasama nya ako nung nakita ka namin na na-hold up. You’re so brave back then, hindi ka ba natakot?"

Napamaang ako bigla habang naaalala ang mga nangyari. Ang tapang ko ba? Takot na takot nga ako, kaso sabi ng instinct ko, lumaban daw ako. Hay, thank you Lord, di mo pa ako kinuha. 

"Natakot syempre pero marahil ay instinct na rin. Nasa bag kasi yung mga importanteng papeles ko kaya siguro nagawa ko ring lumaban," pagpapaliwanag ko. 

"Damnit!" 

Halos mapabangon ako sa kinahihigaan ng marinig ko ang biglang pagsigaw kasabay ng pagbagsak ng pinto. Gulat ding napalingon doon ang katabi ko. 

"To hell with those stupid stuffs! You almost got yourself killed."

Umalingawngaw sa buong silid ang sigaw ng lalaking hindi namin namalayang nakapasok na pala sa loob. Literal na nanigas ako sa higaan pagkakita sa kanya. Hindi ko na kailangang alamin kung sino iyon pero hindi ko pa din mapigilan na sulyapan dahil baka pinepeke na naman ako ng mga mata ko. 

There in his full glory, striding towards me, with his blazing eyes laced with fury and.... fear? Pero bakit? Hindi ba at kinasuklaman niya ako noong huli naming pagkikita?

Pigil ang hiningang napatitig lang ako sa maamo niyang mukha na gwapo pa din kahit halos magbuga na ng apoy sa kung ano mang dahilan na ikinagagalit niya. Pakiramdam ko ay biglang bumagal sa pag-ikot ang mundo. Juice colored! Muntik pa akong mapahawak sa dibdib ko. Ang puso ko kasi, bigla nalang nagwala. He still looked devilishly handsome in his white long sleeve polo shirt. Teka, ito din yung suot nya kagabi. Umaga na hindi ba? Hindi pa rin ba siya umuuwi? Nandito siya buong magdamag? Pero bakit? At ano ba ang ikinagagalit niya? Kung makasigaw pa akala mo hari. Akala siguro ng ungas na ito nakalimutan ko na ang pangmamaliit nya sakin sa party. Pero.... Siya ang nagligtas sa akin. Kung ganoon ay hindi nga ako nililinlang ng mga mata ko. 

"Ano ba ang pumasok sa isip mo at nanlaban ka duon sa snatcher na iyon?" walang kaabog-abog na singhal niya ulit sa akin. “Hindi ka ba nag-iisip?”

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Natulala pa ako sa kanya pagkadinig sa dire-diretso niyang pananagalog. Akala ko hindi ko na ito maririnig na managalog. Palibhasa, mayaman kaya matatas sa english. Pero sa kabila ng pagsigaw niya ay wala akong ibang mahimigan doon kundi pag-aalala. Sana lang ay hindi ako nililinlang ng aking pandinig.

Tila nabigla din si Sarri sa outburst ng pinsan kaya napatayo at pinigilan si Marione na makalapit sa akin. Agad niya itong hinarang at hinawakan sa magkabilang braso.

"Alistair, stop it," pigil nito sa pinsan na may halong pagkalito. "Why are you shouting at her? Do you know her?"

Pero hindi naman sya pinansin ng Greek God na ito sa halip ay hinawi lang sya nito at lalo pang lumapit sakin. His eyes still settled on me, penetrating through my very soul. Siete! Imbis na magalit ako dahil sa paninigaw sa akin, heto at tulala pa sa kagwapuhan ng ungas na ito. Parang nanghipnotismo ang abuhin niyang mga mata. Oh, how I longed to see those crystal gray eyes once again. I even dreamed of it every now and then. 

"Sarri, you can go home now. I'll take care of this," utos ng hari habang hindi pa din natitinag sa pagkakatitig sa akin. Goodness! Stop staring at me already. Nalulusaw na ako.

Teka lang! Uuwi? Maiiwan kaming dalawa? Natauhan ako bigla sa sinabi nya. Kaagad ang kabang dumaloy sa buong katawan ko. Nagwala yatang lalo si heart sa ideyang mapagsosolo kami ng hari. Hindi pwede yun. Hindi naman sa iniisip kong may masama syang gagawin dahil alam kong hindi niya ako sasaktan pero to think na kami lang dalawa? Iniisip ko pa lang, gusto ko ng kumaripas ng takbo. Kakaibang kabog sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Kabog na may halong tuwa at kaba. Ngunit agad ding nabahiran ng takot ang kabog na iyon ng maalala ko ang nangyari sa charity ball.

"H-hindi pwede," atubili kong sabi na siyang ikinalingon agad sa akin ng dalawa. Lalo namang kumunot ang noo ni Marione. Ayokong mapag-isa kasama siya. Pero may kung ano din sa loob ko na gustong makasama ang lalaking ito. Parang gusto ko ng sapakin ang sarili ko dahil hindi ko na rin maintidihan ang nararamdaman ko.

"I can take care of this, Sarri, just go home. Don't tell anybody my whereabouts," malumanay ngunit may awtoridad na utos nitong hindi man lang pinansin ang pagtutol ko. 

Ilang sandali pang nakipagtitigan si Sarri dito bago bumuntong hininga tanda ng pagsuko. Nasa mukha niya ang pagtataka pero hindi na nagtanong pa sa halip ay humarap siya sa akin at ngumiti ulit. 

"Well, I gotta go, missy," sabi niya ng nakangiti pa rin. Ramdam ko ang sinseridad ng mga ngiti nya. Abot-abot ang pagpipigil ko wag lamang siyang pigilan pero hindi ko magawa. "I haven't got your name."

"A... Do-Dominique," halos magkandautal kong sagot sa kanya. Pero hindi iyon ang gusto kong sabihin. 

"Bye Dominique. Nice meeting you. Please bear with my hard headed cousin. He can be a pain in the ass most of the times," may bahid ng kapilyahang turan nito na sinabayan pa ng kindat. 

"Sarrina.." suway ng hari ng may pagbababala. Humagikgik naman ang dyosa saka agad na tinungo ang pinto. Kumaway muna sya sa akin bago tuluyang isara ang pinto. 

Nalunok ko na yata pati ang dila ko nang sa wakas ay mapag-isa na kami sa kwarto. May aircon naman ngunit bakit pakiramdam ko ay biglang uminit. Agad kong inilingap ang mga mata para maghagilap ng ibang mapapagtuunan ng pansin at hindi ko siya matignan pero useless. 

Akala ko ay malulusaw na ako ng biglang syang umupo sa kama katabi ko. Habang magkaharap kami ay nakatitig lang sya na parang ayaw na nya akong mawala sa paningin nya. Parang mawawala ako kapag kumurap sya. Gusto ko man ding salubungin siya ng tingin, hindi ko magawa. Natatakot kasi ako. Natatakot akong masalubong ang malamig nyang tingin tulad ng nakita ko noon sa party. Kapag naaalala ko yon, nakakaramdam ako ng sakit. Sakit na ayoko ng alamin kung bakit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status