Accueil / Romance / Kiss Me Before It Burns / Chapter 2 — The Girl Who Ruined Her Own Engagement

Partager

Chapter 2 — The Girl Who Ruined Her Own Engagement

Auteur: Lady Goulding
last update Date de publication: 2026-11-18 14:58:13

Kaia's POV

“Then tell me what happened seven years ago.”

Diretso akong nakatingin kay Bianca habang nakatayo siya sa tabi ni Enzo.

Kanina lang, halos hindi ako makapaniwalang nahuli ko silang naghahalikan sa private lounge. Ngayon, parang mas malala pa ang kailangan kong intindihin.

“Kaia, please,” mahina niyang sabi. “Hindi ko dapat sinabi 'yon.”

Napatawa ako.

“Wow, Bianca. So okay lang na makipaglandian ka sa fiancé ko, pero bawal mong sabihin kung anong sikreto ng pamilya natin?”

“Hindi mo naiintindihan.”

“Then explain it to me!”

Napatingin siya kay Enzo.

Ay, wow.

Kailangan pa ng permission?

“Babe, calm down,” singit ni Enzo.

Napalingon ako sa kanya.

“Babe?”

“Kaia—”

“Don't babe me, Enzo. Kanina lang, babe rin ang tawag mo sa pinsan ko. Ano 'yan, buy one, take one?”

“Can you stop being dramatic?”

“Can you stop being a walking STD risk?”

Namula siya.

Okay. Medyo below the belt.

Pero deserve.

“Kaia, makinig ka muna,” sabi ni Bianca. “Hindi lahat ng narinig mo, gano'n kasimple.”

“Really? Kasi ang simple lang ng nakita ko. Nakikipaghalikan ka sa lalaking gusto akong pakasalan, tapos pareho ninyong pinag-uusapan kung paano kukunin ang shares ko.”

“Hindi namin kukunin—”

“Ah, sorry. Control lang pala. Very professional.”

Huminga nang malalim si Enzo.

“Look, we can discuss this privately.”

Tinitigan ko siya.

Privately.

Favorite word talaga ng mga mayayamang may tinatagong kalokohan.

Kapag may scandal, private.

Kapag may kabit, private.

Kapag may questionable business transaction, confidential.

Pero kapag engagement ko, kailangan i-announce sa harap ng buong Pilipinas.

Amazing.

“You know what?” sabi ko habang inilalagay ang phone ko sa clutch. “You're right.”

Bahagyang lumuwag ang mukha ni Enzo.

“We should handle this properly,” dagdag ko.

“Exactly.”

Ngumiti ako.

“Publicly.”

Nawala ang ngiti niya.

“Kaia, don't.”

Pero nakatalikod na ako.

At habang naglalakad palabas ng lounge, isang bagay lang ang sigurado ko.

Kung gusto nilang gawing business announcement ang buhay ko, edi bibigyan ko sila ng announcement na hindi nila makakalimutan.

“Kaia! Sandali!”

Narinig ko ang boses ni Kuya Bash pagbalik ko sa ballroom.

Lumapit siya sa akin, halatang nag-aalala.

“Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ni Dad.”

“Good. Sabihin mo, hinahanap ko rin siya.”

“Why?”

“Para tanungin kung magkano ba talaga ang market value ko bilang anak.”

Napakunot ang noo niya.

“What happened?”

“Kuya, quick question. Kapag ba may fiancé kang nahuling may kabit, automatic bang void ang engagement? Or kailangan pa ng board approval?”

“Wait. What?”

“Enzo. Bianca. Private lounge. Kissing. Corporate conspiracy. Very productive evening.”

Natigilan siya.

“Bianca?”

“Yup.”

“Our Bianca?”

“Unless may ibang Bianca Ledesma na pinsan natin at hobby ang makipaghalikan sa fiancé ng iba.”

“Son of a—”

“Exactly.”

Napahawak siya sa noo.

“Okay. Let's go somewhere quiet. Pag-usapan natin 'to.”

“No.”

“Kaia.”

“Kuya, pagod na akong makipag-usap nang patago. Lahat na lang ng problema sa pamilya natin, kailangang itago para hindi masira ang image.”

“I'm not asking you to hide anything.”

“Then don't stop me.”

Tinitigan niya ako.

At doon ko napansin na iba ang expression niya.

Hindi lang siya galit kay Enzo.

Parang may ibang iniisip.

“Kuya,” mahina kong tanong, “may alam ka ba tungkol sa Velasco resort?”

Biglang nawala ang kulay ng mukha niya.

“Bakit mo tinatanong?”

“Because apparently, may kinalaman daw 'yon sa engagement ko.”

“Who told you that?”

Napahinto ako.

Interesting.

Hindi niya tinanong kung anong resort.

Hindi rin niya sinabing wala siyang alam.

Ang una niyang tanong, kung sino ang nagsabi sa akin.

“Kuya, anong nangyari seven years ago?”

“Kaia, not here.”

“Then where?”

“Please. Trust me.”

Napatawa ako nang mahina.

“Funny. 'Yan din ang sinabi ni Bianca sa akin bago ko siyang mahuling may kasamang ibang lalaki.”

Nasaktan ang expression niya.

“I'm not Bianca.”

“Then stop acting like you have something to hide.”

Hindi siya sumagot.

At bago pa ako makapagtanong ulit, narinig namin ang boses ni Daddy.

“Kaia! There you are.”

Napalingon kami.

Papalapit si Daddy kasama ang mga magulang ni Enzo.

Si Senator Augusto Villacorta at ang asawa nitong si Helena.

Ngiting-ngiti silang lahat.

Parang walang nangyaring kalokohan.

“Darling!” bati ni Tita Helena. “Congratulations! We're so happy you're finally joining the family.”

Napangiti ako.

“Thank you, Tita. I'm actually very excited.”

Napatingin sa akin si Kuya Bash.

Alam niya ang ibig sabihin ng ngiting 'yon.

Danger.

“Wonderful!” sabi ni Tita Helena. “We should start discussing the wedding preparations.”

“Of course. Pero may konting announcement lang po muna ako.”

Daddy frowned.

“What announcement?”

“Small correction lang, Daddy.”

“Kaia—”

“Don't worry. Quick lang.”

At bago pa nila ako mapigilan, dumiretso na ako sa stage.

“Good evening, everyone!”

Napatingin sa akin ang mga bisita.

May mga nakangiti.

May mga nagtaas ng champagne glass.

May ilang aunties na mukhang ready nang magtanong kung kailan ako mag-aanak.

Kaloka.

Hindi pa nga ako pumapayag ikasal, may imaginary apo na agad sila.

“First of all, thank you so much for coming tonight,” sabi ko sa microphone. “And thank you for supporting the Ledesma Foundation.”

Palakpakan.

Ngumiti ako.

“Also, thank you sa lahat ng nag-congratulate sa engagement ko.”

Mas lumakas ang palakpakan.

Nakita kong nakatayo si Daddy malapit sa stage.

Ngiting-ngiti.

For now.

“Actually, gusto ko lang mag-clarify ng isang bagay.”

Tumahimik ang lahat.

“Apparently, engaged na pala ako.”

May ilang natawa.

“Which is surprising, kasi ako mismo, hindi informed.”

Unti-unting nawala ang tawanan.

“Seriously. I came here expecting a charity gala. Hindi ko alam na may surprise wedding announcement pala. Sana man lang may calendar invite.”

May ilang bisitang napatawa ulit.

Nakita kong napapikit si Kuya Bash.

Sorry, Kuya.

Too late.

“Anyway, since public announcement ang engagement, I think fair lang na public din ang cancellation.”

Biglang nagbulungan ang mga tao.

Sa gilid ng ballroom, nakita kong huminto si Enzo.

Kasunod niya si Bianca.

Perfect timing.

“Just to be clear,” pagpapatuloy ko, “I'm not marrying Enzo Villacorta.”

May malakas na gasp mula sa isang table.

“And before anyone asks, no, hindi ako nagkaroon ng cold feet.”

Huminga ako nang malalim.

“It's just that I recently discovered na may girlfriend na pala ang fiancé ko.”

Tahimik ang ballroom.

“As in, ibang girlfriend.”

Napatingin ang mga tao kay Enzo.

“At mas exciting pa,” dagdag ko, “pinsan ko pa.”

“Kaia!” sigaw ni Daddy.

Pero hindi ako tumigil.

“Bianca, sweetheart, since nandito ka naman, maybe you'd like to explain?”

Nakita kong namutla si Bianca.

May ilang bisitang agad naglabas ng phones.

Wonderful.

Welcome to the Ledesma Family Circus.

“Kaia, stop this nonsense!” sigaw ni Enzo.

Tiningnan ko siya.

“Why? Hindi ba totoo?”

“That's not what happened!”

“Really? So hindi kayo naghahalikan sa private lounge?”

Hindi siya sumagot.

“Hindi mo rin sinabi na kapag kasal na tayo, mas madali mong makokontrol ang voting shares ko?”

Mas lumakas ang bulungan.

Nakita kong nag-iba ang mukha ni Senator Villacorta.

“Enzo,” mahina niyang sabi.

“Dad, I can explain.”

“Please do,” sabi ko. “We're all listening.”

Walang sumagot.

I smiled.

“See? Ang hirap talaga kapag walang script.”

Lumapit si Daddy sa stage.

“Give me the microphone.”

“Daddy, I'm almost done.”

“Now.”

Tinitigan ko siya.

For a second, gusto kong umatras.

Hindi dahil natatakot ako sa mga tao.

Kundi dahil kilala ko ang ama ko.

Alam kong may kapalit ang ginagawa ko.

Pero naalala ko ang sinabi ni Enzo.

Once we're married, the voting shares under her name become easier to control.

At biglang nawala ang takot ko.

“I'm sorry, Daddy,” sabi ko sa microphone. “But I'm not going to marry someone just because it's good for business.”

Tumingin ako sa mga bisita.

“Thank you, everyone. Enjoy the rest of the evening.”

Ibinalik ko ang microphone sa host.

At bumaba ako ng stage.

Hindi ako lumingon.

Pero narinig ko ang gulo sa likod ko.

Mga bulungan.

Mga tanong.

Mga camera shutter.

At ang galit na galit na boses ng ama ko.

“KAIA ELISE LEDESMA!”

Ay.

Full name.

Level ten na ang galit.

“Have you completely lost your mind?!”

Pagkasara pa lang ng p***o ng executive suite, sumabog na si Daddy.

Nakatayo ako sa harap niya habang nakaupo sa sofa sina Enzo, Bianca, at ang mga magulang nila.

Si Kuya Bash naman, nasa tabi ko.

“Daddy, please. Ang lakas ng boses mo.”

“You embarrassed this family!”

“No, Daddy. Enzo embarrassed this family. I just explained what happened.”

“Do you have any idea what you've done?”

“Actually, yes. I cancelled an engagement I never agreed to.”

“Kaia!”

“Daddy!”

Napahinto siya.

Okay.

Hindi ko dapat ginaya ang tono niya.

Pero pagod na talaga ako.

“Can we please stop pretending na ako ang may kasalanan dito?” tanong ko. “Enzo cheated. Bianca betrayed me. And apparently, may plano pa silang gamitin ang marriage para makuha ang shares ko.”

“That is a very serious accusation,” singit ni Senator Villacorta.

“Good thing may recording ako.”

Biglang tumahimik ang lahat.

Kinuha ko ang phone ko.

“Would you like to hear it?”

“Kaia,” babala ni Enzo.

“Relax. Hindi ko naman ipopost sa T****k. Yet.”

Pinindot ko ang play.

Once we're married, the voting shares under her name become easier to control.

Boses ni Enzo.

Clear as day.

Nakita kong napapikit si Tita Helena.

Si Bianca naman, nakayuko.

Pero si Daddy?

Hindi siya mukhang nagulat.

Mas mukha siyang naiinis dahil nalaman ko.

Pinatay ko ang recording bago umabot sa usapan tungkol sa resort.

“Now,” sabi ko, “can someone explain why my marriage is being treated like a corporate acquisition?”

Daddy glared at me.

“You recorded a private conversation?”

Napakurap ako.

“Wait. That's your concern?”

“You had no right to—”

“Daddy, they were literally discussing how to manipulate my inheritance!”

“Those shares belong to the family!”

“Grandpa left them to me!”

“And you don't even know how to manage them!”

Napatahimik ako.

Ouch.

Hindi dahil hindi ko alam na mas magaling siya sa business.

Pero dahil parang kasalanan ko pang pinili kong maging doktor.

“I don't want to manage your company,” sabi ko. “I want to become a surgeon.”

“Then stop interfering with matters you don't understand.”

“I'm not interfering. You're the one trying to marry me off!”

“Enough!”

Napaatras ako nang bahagya nang hampasin niya ang mesa.

Agad lumapit si Kuya Bash.

“Dad. That's enough.”

“Stay out of this, Sebastian.”

“No. Kaia has every right to refuse.”

Napatingin ako sa kanya.

“Thank you.”

Pero hindi pa tapos si Daddy.

“Fine,” malamig niyang sabi. “If you want to make your own decisions, then you can start paying for them.”

Napakunot ang noo ko.

“What?”

“Your condominium. Your car. Your credit cards. Everything.”

Nanlamig ang kamay ko.

“Daddy…”

“Starting tomorrow, you're on your own.”

Tahimik ang lahat.

Alam kong hindi sapat ang hospital salary ko para sa lifestyle na nakasanayan ko.

Alam ko ring hindi ko kayang bayaran ang maintenance fees ng condo ko sa Rockwell.

At alam iyon ni Daddy.

Kaya niya ginagawa ito.

Para matakot ako.

Para bumalik ako sa kanya at sabihing, Okay, Daddy. I'll marry Enzo.

Tinitigan ko siya.

“Are you seriously cutting me off because I refused to marry a cheater?”

“I'm teaching you responsibility.”

“No, Daddy. You're teaching me that your love comes with conditions.”

Saglit siyang natahimik.

Pero hindi siya umatras.

“Make your choice, Kaia.”

Huminga ako nang malalim.

Then I nodded.

“Okay.”

Bahagyang lumuwag ang mukha niya.

“Good.”

“Cancel everything.”

Nawala ang ngiti niya.

“What?”

“The car. The condo. The cards. Whatever.”

“Don't be ridiculous.”

“I'm serious.”

“Hindi mo kakayanin.”

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.

Masakit.

Sobra.

Pero mas masakit kung hahayaan kong bilhin niya ang future ko.

“I'll figure it out.”

“Where will you live?”

“With me,” biglang sabi ni Kuya Bash.

Napalingon ako.

“Kuya?”

He shrugged.

“May guest room ako. Hindi ko naman ginagamit.”

“Sebastian!” sigaw ni Daddy.

“What?”

“Don't encourage her!”

“Dad, she's twenty-five. She's a doctor. She doesn't need your permission to decide who she wants to marry.”

“Hindi mo alam ang consequences nito!”

Biglang nagbago ang expression ni Kuya Bash.

“I know exactly what the consequences are.”

Napatingin ako sa kanya.

Something was off.

Hindi lang ito tungkol sa akin.

Hindi lang tungkol sa engagement.

Parang may ibang dahilan kung bakit galit na galit si Kuya sa arrangement na iyon.

“Kuya,” mahina kong sabi, “anong ibig mong sabihin?”

Hindi siya sumagot.

Pero si Enzo, biglang natawa.

“Wow. Look at you, Bash. Playing the protective brother.”

Tumingin sa kanya si Kuya.

“Shut up, Enzo.”

“Why? Afraid I'll say something?”

Nanikip ang dibdib ko.

“What are you talking about?”

Ngumisi si Enzo.

“Ask your brother.”

“Enzo,” mariing sabi ng senador.

Pero hindi siya nakinig.

“You think you're so much better than me, Bash?”

Lumapit si Kuya.

“I'm warning you.”

“Or what? You'll do what you did seven years ago?”

Biglang natahimik ang buong kuwarto.

Napatingin ako kay Daddy.

Namumutla siya.

Si Bianca naman, parang gustong maglaho sa kinauupuan niya.

At si Kuya Bash—

Hindi siya gumagalaw.

“Okay,” sabi ko. “Can someone please tell me what's going on?”

Walang sumagot.

Napatawa ako nang walang saya.

“Seriously? Lahat kayo may alam, tapos ako lang ang clueless?”

“Kaia, let's go,” sabi ni Kuya.

“No.”

“Please.”

“Not until someone explains why everyone keeps mentioning seven years ago.”

Tumingin ako kay Daddy.

“The Velasco resort. What happened there?”

Nakita kong bahagyang nanginig ang kamay niya.

“That's none of your concern.”

“Then why is my engagement connected to it?”

“Kaia, stop asking questions.”

“Why?”

“Because some things are better left alone!”

Napaatras ako.

Hindi dahil sa sigaw niya.

Kundi dahil sa takot sa mukha niya.

My father wasn't just angry.

He was scared.

And that terrified me.

Dahil si Don Emilio Ledesma, hindi basta natatakot.

Siya ang tipo ng lalaking kayang magpatawag ng board meeting sa alas-tres ng madaling-araw at walang magrereklamo.

Pero ngayon, isang lumang resort lang ang nabanggit, parang nawalan na siya ng kontrol.

“Daddy,” mahina kong sabi, “what are you hiding?”

Hindi siya sumagot.

Pero si Enzo, lumapit sa akin.

“You really want to know?”

Agad humarang si Kuya.

“Stay away from her.”

Enzo laughed.

“Relax, Bash. I'm not going to touch your precious sister.”

“Then leave.”

“Why? Because she might finally learn the truth?”

“Enzo!”

Pero hindi na siya napigilan.

Tumingin siya sa akin.

Diretso.

At sa unang pagkakataon, wala na ang mayabang niyang ngiti.

“Ask your father why he needs this marriage so badly. It's not about our companies, Kaia. It's about what happened seven years ago.”

Nanikip ang dibdib ko.

“What happened?”

Ngumiti siya.

Pero walang saya.

“Better yet…”

Tumingin siya kay Kuya Bash.

“Ask your brother why he was the last person seen with Celeste Velasco before the resort burned down.”

Parang biglang huminto ang oras.

Napatingin ako kay Kuya.

“Kuya?”

Hindi siya sumagot.

“Please tell me he's lying.”

Nakatitig lang siya kay Enzo.

Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao.

“Kuya Bash?”

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

At doon ko nakita ang isang bagay na hindi ko pa kailanman nakita sa mukha niya.

Guilt.

Matinding guilt.

“Kaia,” mahina niyang sabi, “there are things you don't understand.”

Napailing ako.

“No. Don't do that.”

“Listen to me—”

“Just answer the question.”

Huminga siya nang malalim.

“Were you with Celeste that night?”

Matagal siyang hindi sumagot.

Then, finally—

“Yes.”

Nanlamig ang buong katawan ko.

“Were you the last person who saw her?”

Napapikit siya.

At nang muli niyang imulat ang mga mata niya, parang pitong taon siyang tumanda sa loob lang ng ilang segundo.

“Yes, Kaia.”

Hindi ako makahinga.

Pero hindi pa pala iyon ang pinakamasakit.

Dahil lumapit si Enzo at bumulong ng isang bagay na lalo pang nagpayanig sa mundo ko.

“And your brother knows exactly why Celeste never made it out of that resort.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Kiss Me Before It Burns   Chapter 6 — My Brother's Best Friend

    “Doc, bakit parang gusto mong magtago sa ilalim ng registration table?”Napatingin ako kay Nurse Trina habang kunwari ay busy akong nag-aayos ng medical supplies.“Hindi ako nagtatago. May hinahanap lang ako.”“Ano naman?”“'Yong natitira kong self-respect. Mukhang naiwan ko noong hinalikan ko ang best friend ng kuya ko.”Napahagalpak siya ng tawa.“Wait. Siya ba 'yong sinasabi mong gwapong walking red flag?”“Trina!”“Ano? Ikaw naman nagsabi no'n!”“Lower your voice! Baka marinig niya!”Biglang tumigil sa pagtawa si Trina. Tumingin siya sa likod ko, saka ngumiti nang nakakainis.“Too late, Doc.”Oh, no.Please, Lord. Kahit ngayon lang, bigyan Mo ako ng plot twist na hindi nakakahiya.“Good morning, Dr. Ledesma.”Napapikit ako.Of course.Kilala ko ang boses na iyon.Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Thiago Laurent Velasco na nakatayo ilang hakbang mula sa amin.White polo. Rolled-up sleeves. Medyo magulo ang buhok.At 'yong nakakainis niyang ngiti na parang alam niyang siya mis

  • Kiss Me Before It Burns   Chapter 5 — The Photograph He Was Hiding

    Kaia's POV“Tell me I'm hallucinating, Kaia. Because there's no way I just saw you kissing my best friend.”Napapikit ako.Lord, kung may express delivery service ka papuntang ibang planeta, ngayon ko na po kailangan.“Kuya, before you say anything—”“Were you kissing Thiago?”Napatingin ako sa kanya.“Technically, yes. Pero kung gusto mong pag-usapan ang details, medyo awkward kasi nandito pa 'yong other participant.”“Kaia!”“What? You asked!”Nakatayo si Kuya Bash sa dulo ng corridor, nakahalukipkip at halatang pinipigilan ang sarili niyang sumabog.Si Thiago naman, nasa tabi ko. Tahimik. Seryoso. At mukhang gusto na ring mag-teleport palabas ng hotel.Which was unfair.Siya itong humalik pabalik, tapos ngayon parang ako lang ang may kasalanan.“Thiago,” malamig na tawag ni Kuya.“Bash.”“Can we talk?”“Sure.”“Alone.”Napataas ang kilay ko.“Wow. Excuse me? Ako 'yong kapatid mo, pero ako ang excluded sa meeting?”“Kaia, please.”“Kuya, I'm twenty-five. Hindi ako minor na nahuling

  • Kiss Me Before It Burns   Chapter 4 — The Kiss That Wasn't Supposed to Happen

    Kaia's POV“Kung gusto ninyong magpakasal sina Enzo at Bianca, go ahead. Pero please, huwag ninyo na akong isali sa family package!”Napahinto sa paghiwa ng steak si Daddy.Si Bianca naman, muntik nang mabulunan sa iniinom niyang tubig.And Enzo?He looked offended.As if ako pa ang may kasalanan kung bakit kaming tatlo ang bida sa pinakamasamang love triangle sa history ng mga Ledesma.“Kaia, can you please behave?” malamig na sabi ni Daddy.Napatingin ako sa kanya.“Daddy, I'm literally sitting here with my cheating ex-fiancé and my cousin na kabit niya. Anong behavior po ang ine-expect ninyo? Mag-toast ako para sa anniversary nila?”“Watch your language.”“Okay. Extramarital relationship enthusiast. Better?”“Kaia!”Napahawak sa noo si Kuya Bash.“Dad, maybe we should just let her speak.”“Sebastian, don't encourage her.”I leaned back in my chair.“Thank you, Kuya. At least may isang tao rito na may common sense.”Hindi sumagot si Kuya.Pero napansin kong hindi rin siya tumitingin

  • Kiss Me Before It Burns   Chapter 3 — The Man Who Caught Her Falling

    Kaia's POV“Miss, bawal pong magtapon ng engagement ring sa basurahan.”Napapikit ako.Seriously?Sa lahat ng puwedeng mangyari ngayong gabi, may stranger pang makikialam sa pagtatapon ko ng singsing?Dahan-dahan akong lumingon.At doon ko siya nakita.Isang lalaking nakaupo sa bar stool, hawak ang isang baso ng whiskey. Nakasuot siya ng black suit na halatang mas mahal pa sa six months' salary ko bilang resident doctor. Nakabukas ang unang dalawang butones ng kanyang polo, medyo magulo ang buhok, at may mukha siyang parang sanay na sanay makuha ang lahat ng gusto niya.Unfortunately, mukha rin siyang sanay mang-asar ng mga babaeng wala sa mood.“Excuse me?” tanong ko.Itinuro niya ang basurahan sa tabi ko.“The ring. You just threw it away.”Tiningnan ko ang basurahan.Then him.Then the trash can again.“Wow. Very observant. Detective ka ba?”Umangat ang isang sulok ng labi niya.“No. But I do know that's a terrible way to dispose of something expensive.”“Good thing hindi ikaw ang

  • Kiss Me Before It Burns   Chapter 2 — The Girl Who Ruined Her Own Engagement

    Kaia's POV“Then tell me what happened seven years ago.”Diretso akong nakatingin kay Bianca habang nakatayo siya sa tabi ni Enzo.Kanina lang, halos hindi ako makapaniwalang nahuli ko silang naghahalikan sa private lounge. Ngayon, parang mas malala pa ang kailangan kong intindihin.“Kaia, please,” mahina niyang sabi. “Hindi ko dapat sinabi 'yon.”Napatawa ako.“Wow, Bianca. So okay lang na makipaglandian ka sa fiancé ko, pero bawal mong sabihin kung anong sikreto ng pamilya natin?”“Hindi mo naiintindihan.”“Then explain it to me!”Napatingin siya kay Enzo.Ay, wow.Kailangan pa ng permission?“Babe, calm down,” singit ni Enzo.Napalingon ako sa kanya.“Babe?”“Kaia—”“Don't babe me, Enzo. Kanina lang, babe rin ang tawag mo sa pinsan ko. Ano 'yan, buy one, take one?”“Can you stop being dramatic?”“Can you stop being a walking STD risk?”Namula siya.Okay. Medyo below the belt.Pero deserve.“Kaia, makinig ka muna,” sabi ni Bianca. “Hindi lahat ng narinig mo, gano'n kasimple.”“Reall

  • Kiss Me Before It Burns   Chapter 1 — The Engagement She Never Agreed To

    Kaia's POV“Congratulations, sweetheart. You're getting married.”I almost choked on my champagne.“I'm sorry, what?”Ngumiti lang si Daddy na para bang sinabi niyang may bago kaming family vacation sa Switzerland, hindi na ikakasal ang unica hija niya sa lalaking hindi man lang niya tinanong kung gusto niyang pakasalan.“Don't make that face, Kaia,” bulong niya habang inaayos ang cufflinks ng kanyang Armani suit. “The cameras are watching.”Napatingin ako sa paligid.Of course, they were.We were standing in the middle of the grand ballroom of The Aurelia Grand, one of the most exclusive luxury hotels in Bonifacio Global City. Crystal chandeliers hung from the ceiling, white orchids decorated every table, and the country's wealthiest families were gathered for the annual Ledesma Foundation Charity Gala.Politicians. Business tycoons. Celebrities. Old-money families pretending they didn't care about new money.And apparently, one very unfortunate bride-to-be.“Daddy,” I whispered thro

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status