Share

Kabanata 3

"IKAW? Ikaw ang malas na lalaking mapapangasawa ko?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Silang dalawa nalang ulit ang natira sa loob dahil umalis na ang ama nito.

Now that she know who is the unlucky guy. Dapat niya bang sagad-sagarin na?

"Hindi ka man lang ba magrerebelde sa daddy mo? I mean...we both doesn't like this thing kaya kung ako sa'yo since lalaki ka naman, dapat sundin mo kung ano ang gusto mo—"

"Well I'm not like you." Ha? Ang bongga rin naman ng speech niyang iyon ha? At oo, kailanman ay hindi ka magiging ako. Itatak mo 'yan sa balun-balunan mo.

Sinundan niya ang lalaki nang umupo ito sa swivel chair. "So are you saying that you agreed on this marriage?" He did not respond kaya napairap nalang siya.

Gwapo ka nga e. Kaso masyadong isnabero naman kaya waepek rin.

Oo na. Aminado na siya. Gwapong lalaki ang malas na mapapangasawa niya. Tumalikod siya para tunguhin na ang labasan. "Where are you going?"

"Lalayas na. Bye!"

"Tinatanong mo ako kung bakit wala akong ginawang plano para pigilan ang kasalan na 'to diba? Then I will give you the answer."

Nilingon niya ang binata. Nakataas ang kanang kilay na parang sinasabi niya rito na tama lang ang kanyang naging desisyon. But because she is Zephanie Rodriguez, biglang umandar na naman ang pagkataklesa niya.

"You want to get revenge with your ex-girlfriend at ako ang gagamitin mo?" Marahas siyang napabuga ng hangin saka dinuro-duro ang binata. "Ang kapal rin naman ng apdo mo para—"

"Hindi ako ganoon kababaw para gawin iyang iniisip mo."

"So ano ang rason mo? At least give me one. Iyong balido kasi kung sakaling makumbinsi ako ay hindi ko na lang tatakbuhan ang kasunduang ito." As if naman! Lihim na napairap siya.

Ang totoo niyan ay planado na nga niya ang lahat para sa magaganap na family dinner mamaya. Hekhek!

"Ayaw kong bigyan nang sama ng loob si papa para lang sa kapritso ko." That's it? Iyon na 'yon? Pero hindi pa rin siya kumbinsido kung kaya't napatssk nalang siya.

Well she was sorry for him. Magkaiba sila ng dignidad at paninindigan. And based on her observations at sa paraan ng pananalita nito, masasabi ni Zephanie na mukhang ayaw nitong suwayin ang ama and for whatever reasons. Wala na siyang pakialam.

I'm sorry boy. We aren't the same.

"You have to attend in the family dinner tonight. And I am begging you to please cooperate. I don't want to disappoint my father."

"Huwag kang mag-aalala. As long as you want me to do so. Nasa akin ang salita mo." Pero tinitigan lang siya nito na parang may kakaiba sa kanyang sinabi at sa paninitig ng lalaki ay biglaang nakaramdam siya ng pagkailang.

"A-ano ba? Huwag mo nga akong titigan ng ganyan." It's her very first time being shy. Oo shy naman siya palagi, but in another situation and this one is different. Bukod kasi sa papa at kuya Zhared niya, never pa siyang nagkaroon ng mahabang interaction sa isang lalaki.

Ngayon lang. Putek!

"It's just that you seems like planning something. At para ipaalala ko lang..." Tumabingi ang ulo nito pagkatapos maitukod ang magkabilang siko sa lamesa. "You owe me a thing. That kiss last night—"

"Ahh iyon ba?" Naku! Pinaalala pa talaga. Nagmukha tuloy siyang kamatis dahil sa biglaang sumpong ng kanyang hiya. "I am just drank okay? It's no malice after all and it's not a big deal."

He only smirk na parang hindi naniniwala. Aba naman at talagang— "Si Zhared ba ang nagsundo sa'yo after you left the KTV bar?"

"Oo...ay teka nga! Bakit ba napakarami mong tanong? At bakit kailangan ko na ora-oratang mag-explain sa'yo? Private investigator ka ba? Diyan ka na nga!" Nagpapadyak siyang naglakad malapit sa pintuan ng may pahabol pang hirit ang loko.

"Don't forget to attend the family dinner, my future wife!" She only showed him her middle finger as a response at tama ba ang nakita niya? Ngumiti si Clyden Spencer pero bigla ring nawala?

Umiling siya. Right. Guni-guni niya lang iyon kaya bago pa man siya malapitan ng lalaki ay naisarado niya na ang pinto sabay takbo niya pababa.

Namataan siya ng gwardiya na siyang nagpapasok sa kanya kanina at mabilis na tumayo ito para lapitan siya. Subalit parang isang mahika na natigilan ito at kung may sinong tiningnan sa kanyang likuran. Pero wala na siyang naging pakialam.

Pinausad niya ang mga paa at pinara ang taxi na unang dumaan sa kanyang tapat.

Heh! That Clyden Spencer will really eat his braincells, esophagus at hypothalamus dahil hinding-hindi siya susulpot sa family dinner na 'yon.

Asa ka!

Nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone at si Kuya Zhared ang tumatawag.

"Hello—"

"Zeph. Please come in the Velez hospital faster!"

"Ha? Ano naman ang gagawin ko riyan at sino ang naospital?"

"Just come okay? And please don't tell mom and dad." Saka siya nito pinatayan ng tawag. Kita mo na! Siya pa itong minamadali siya pa ang pinatayan.

Kung hindi niya lang siguro iyon kapatid ay matagal niya na iyong tinanggalan ng bituka at ilipat sa bunganga para magtanda.

"Manong pakanan po. Sa Velez Hospital po tayo."

Sinunod iyon ng driver at ilang minuto pa ay nasa harapan na siya ng nasabing pagamotan.

"Nasaan ka ba kasi kuya?"

"Hanapin mo na lang ang ward 38." Aba at talagang pinapahirapan talaga siya ng kupal na kapatid niya. Hindi mapigilan ni Zephanie ang makaramdam ng iritasyon.

"Ano ba kasi ang ginawa mo riyan at may pa-VIP ka pa? Alam mo kuya demanding ka masyado..."

"Huwag ka na ngang maraming tanong Zephanie. Hindi ka ba nakakaintindi?"

"E bakit nagagalit ka?"

"Kasi napaka-engot mo. Hindi pa ba halata sa'yo na—aray! Dahan-dahan naman Chester!" Kumunot ang noo niya. Hindi niya rin mapigilang mapangiwi dahil sa narinig niyang kababuyan sa kabilang linya.

"Kuya, magsabi ka nga sa'kin ng totoo?"

"Ano na naman ba 'yan Zephanie. Pumunta ka na rito dali." Pero hindi siya nakinig at pinagpatuloy ang gusto niyang itanong.

"Bakla ka ba kuya?" Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kanila bago niya narinig ang malulutong na mura ng kapatid.

"Nagtatanong lang ako hello? I just want to hear your answer whether it's a yes or no! Anong mahirap doon?"

"Pumunta ka na rito para masapak kita!"

"Ay! Mas lalo akong hindi pupunta. Bahala ka uuwi na ako—"

"Zephanie, isa!"

"Dalawa! O ayan. Tutulungan nalang kitang magbilang. Nakakahiya naman kasi sa'yo."

"Zephanie!!!"

"Oo na nga! Pupunta na nga." This time, siya naman ang pumatay sa tawag.

At sa kamalas-malasang pagkakataon dahil sa pagmamadali. Muntik pa niyang masagi ang doctor na may hawak na syringe. Humingi nalang siya nang despensa at ang tanging naisagot nito ay ang pagpapahiya sa kanya.

The fact that she was in a hurry, pinalagpas nalang niya sa tainga ang sinasabi nito. Dahil talaga nga namang napaka-feeling amo ng kanyang kapatid.

Kukutusan talaga kita kuya... makikita mo.

"Kuya. Ano ba kasi ang—"

Natigilan si Zephanie. Maya-maya ay halos lunukin na niya ang sarili. Nang makapasok na kasi siya ay kalahati sa grupo ng blue warrior ang nandito sa loob kung kaya't nabaling ang atensyon ng mga ito sa kanya. Kaasar naman! Paano ba kasi, hindi sinabi ng kuya niya na ito pala ang naospital. At ang mga ito ang nagsisilbing bantay.

"Ano ang ginagawa ng babaeng 'yan dito? O diba ay siya ang humalik kay CS sa KTV bar kagabi."

"Ah oo tama! Well miss. Kung hanap mo ang team captain namin, wala pa siya dito."

Humalakhak ang isa pa. "Baka bagong girlfriend nga siya ni CS guys, what do you think? Baka gusto niyang pagselosin si Ariane after she cheated on him." Umiling ito. "Hay! Ang love nga naman."

Hiwalay na nga ang mga 'yon e. Bakit pakiramdam niya ay siya ang naging ugat sa hiwalayan ng dalawang lovebirds na 'yon?

"Parang hindi e. Hindi gagamit ng tao si Clyden para lang pairalin ang sariling interes." Depensa ng lalaking naka-varsity jacket ng Javier at itinukod ang braso sa hamba nang malapitan siya. "Kaano-ano mo ba ang team captain namin na si Balderama?"

As if namang sasagutin niya ito. Kaya ang nangyari, napahiyaw ang mga naroon ng biglang inirapan niya ang lalaki at tinabing pa ito para tuluyang malapitan niya na ang kapatid.

"What took you so long?"

Inirapan niya si Kuya Zhared. "Anong what took you so long?" Bumaba ang tingin niya sa paa nito na nakatali ng kung ano-ano kaya siya napangiwi. "O e anong nangyari sa'yo? Trip mo ba ang lumangoy habang nakikipag-agawan sa buhay dahil lang sa bola ninyo sa court?"

"Zhared girlfriend mo? Aba'y magkaribal pala kayo ni CS?"

"Sira! Kapatid ko 'to mga ungas!"

"Kapatid?" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito kung kaya't nilingon niya ang mga lalaki.

"Oo kapatid. Sister. Sibling. Ano pa ang hindi ninyo maintindihan roon ha?" Suplada niyang minata ang mga ito isa-isa. Well infairness. Lahat na miyembro ng blue warrior ay puro mga fafa at pak na pak!

At kailan pa siya nagkaroon ng atensyon sa mga lalaki? Syempre ngayon lang.

"Parang hindi naman." Saka gumilid ang tingin ng isa para matingnan ang kuya niya. "Anong nangyari sa kapatid mo at mukhang may sama siya ng loob sa mundo? Pinaglihi ba siya sa depresyon?"

Aba at talaga nga namang ang pananamit niya pa ang napuna ng mga ito.

"Parang nga. She's never been obsessed with trendies for today's generation kaya anong magagawa ko?" Syempre ang dakilang kuya niya iyon na hindi man lang magawang ipagtanggol siya sa mga ka-miyembro nito.

Ano pa ba ang magagawa niya e dakilang mandurugas itong kapatid niya.

"E kung pagbuhul-buhulin ko kaya iyang mga bituka ninyo para matigil kayo sa panlalait riyan?"

"See? I'm telling you guys. She's indeed scary."

"Uy wow! May bisita ka na agad Zhared." Sumipol ang lalaki na nagmula sa banyo at hayun! Hayagan na naman siyang nangangapa nang sasabihin nang makita ang lalaking kamukhang-kamukha ni...

"CJ! Bakit ang tagal mong lumabas sa banyo?"

Humalakhak ito. "Nagjajakol ako syempre. Para namang hindi kayo mga lalaki e." Maya-maya ay siya na naman ang binalingan nito. "Miss. Girlfriend ka ba nitong three pointers namin? I am Clayton James Balderama—"

"What happened to you Rodriguez at nagmukha kang kaldereta riyan sa hospital bed?"

"Team Captain! Nandito ka na pala. Mabuti naman kasi itong si Zhared ay may girlfriend na bisita."

Nilingon niya ang lalaking kadarating lang and she is extremely sorrounded by hot fafas nang makumpleto na ang pinaka-dashing sa grupo. Ang malas na lalaking mapapangasawa niya of course.

Sinulyapan siya nito. "Binisita mo na agad ang Kuya mo?"

"Hindi. Lulutuin ko siya duh? Halata naman di'ba?"

"Wait. What? Magkakilala na kayo?" Tanong ng kuya niya. Bumaling rito si Clyden. "Unfortunately, she is my fut—"

"Ahh eh!" Binusalan niya na ang bibig nito bago pa man matapos sa pagsasalita.

Tanga! Aba'y balak pang ipaalam sa ka-grupo nito na siya ang magiging asawa? Para ano? Para ipamukha sa mga fangirls na may kakaratehin na silang impakta?

And Zephanie wouldn't like the idea kaya mas mabuting patahimikin niya itong magiging asawa niya. Eeeck!

"What he meant is...the future. Yes! Maliwanag ang magiging future ninyo dahil magagaling kayong basketbolista."

Kumagat kayo please!

Pero mukhang hindi sang-ayon ang mga ito dahil walang reaksyon na tinitigan lang siya lalong-lalo na si Clayton James na may makahulugang ngiti na iginawad sa kanya.

Maya-maya ay bumaling ito sa mga kasama. Wearing the creepiest smile in the world ay katapusan na niya talaga.

"Guys I think I got what my brother meant." Hinatak siya nito palayo kay Clyden para akbayan. "Well people. Meet my future sister in law."

And from today's on. Dead end na talaga nang ka-manangan niya!

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
ganda,love this story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status