Share

Kabanata 2

"HOW come you become an agressive woman Zephanie? Hindi ka namin pinalaking bastardo at patapon pero itong...itong..." Hindi maituloy ng mommy niya ang sasabihin dahil sa frustration.

"Mommy. That was just a bet. Walang big deal roon isa pa lasing ako no'n—"

"Whatever your reasons Zephanie. Nangyari na ang nangyari. Paano kapag nakaabot ang videos mo na 'to sa mapapangasawa mo? Will you give him the same reason you gave me today?"

"Go to your room and pack your things now." Nabaling ang kanyang tingin sa daddy niya na katulad ng mommy niya ay hindi rin maganda ang impresyon sa kumakalat niya ng videos ngayon.

Paano ba kasi nila nalaman na may porn ako? Umirap nalang siya sa ere. Kahit saan talaga ay hindi siya tinakasan ng kamalasan.

"Why would I pack my things? Magbabakasyon ba tayo abroad? Sa Boracay?"

Her father give her a sly reaction. "Wala sa dalawa. Napagdesisyonan ko na ngayon pa lang, we better put you down to settle with him."

Him?

"T-teka! Teka!" Iminuwestra pa niya ang kamay. "What will be the meaning of that?"

"Hindi pa ba obvious Zephanie? Dadalhin ka namin ngayon sa mapapangasawa mo."

Dahil sa matinding sama nang loob. Zephanie run outside with all her might. Wala na siyang pakialam kung mag-conclude ang mga magulang niya na napakabastos at napakasuwail niyang anak.

Basta ang ginawa niya. Tumakbo lang siya nang tumakbo. Masyadong mabigat ang kanyang loob. At para lang sa videos na 'yon ay ibibigay na siya ng mga magulang niya sa isang lalaki na hindi pa nga niya nakadaupang-palad?

Ano siya? Isang laruan na kung kailan napagsawaan na ay basta-basta nalang ibibigay?

She must be in a hurry. She needs to atleast escape at bahala na si batman kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Her friends can't help her today lalo at nasa Javier pa ang mga 'yon at siya bilang dakilang mag-aaral ay umabsent sa klase dahil sa isang rason.

Pumara siya ng taxi at mabilis na sinabihan ang driver na dalhin siya sa kung saan basta ilayo lang siya sa bahay nila.

"Ay naku hija. Baka kasuhan ako ng rape o di kaya ay child trafficking kapag susundin ko iyang gusto mo."

"Magbabayad ako kahit ilang halaga manong. Just please let me out of here and bring me to the safest place."

"Hindi! Ayokong makulong dahil lang sa'yo." Inihinto nito ang taxi sa harapan ng malaking building saka siya sapilitan nitong pinapababa.

"Sa susunod kung gino-goodtime mo ang tao, siguraduhin mo na hindi madedehado ang taong 'yon." Dismayado itong umiling. "Mga kabataan nga naman ngayon masyadong mataas ang sarili kaysa sa dignidad."

At talagang naiirita siya sa sinabing iyon ng mama kung kaya't naglakad siya papasok sa main entrance kung saan sinalubong siya ng gwardiya.

"Ma'am! May gate pass ka po ba? May appointment sa may-ari o baka—"

"Fiancee ako ng may-ari kaya pwede ba? Paraanin mo ako kung ayaw mong ipasisante kita sa nobyo ko?"

"F-fiancee?" Hindi makapaniwalang bulalas nito at hinagod pa siya nang tingin mula ulo hanggang paa.

Alam na naman niya na nilalait na siya ng gwardiya sa loob ng isip nito kaya para kay Zephanie, imahinasyon nalang rin niya na kunwari ay sinasakal niya ang kawawang gwardiya sa isip.

"Papapasukin mo ako o tatawagan ko ang fiancee ko ngayon para masisante ka?"

"S-sorry po ma'am. Hindi ko pa kasi alam na..."

"Na ano? Fiancee ako ng amo mo? Sa ganda kong 'to?"

"Hindi ka maganda ma'am."

"Ano ka'mo?"

"Sabi ko ay bubuksan ko na." Good. Madali ka rin palang kausap e.

"By the way? Saan ang exact way sa opisina ng amo mo?" Umarte siya na parang sumasakit ang ulo. "nagkaroon kasi ako ng problema sometimes na kung saan ay makakalimotin na ako kaya—"

"This way po ma'am." Ay! Hindi pa nga siya tapos magsalita ay pinutol agad?

Well. Better na rin 'yon since may lead na siya kung saan man hahantong itong panibagong katangahan niya.

Pero this time. Wala ng Beverly ang involved. Sariling interes niya na ang pasukin ang panibagong eskandalo kung sakali mang malalaman ito ng may-ari o kahit ng mga magulang niya.

Hay bahala na.

"Enjoy your stay ma'am." Ramdam pa rin niya ang pagdududa sa gwardiya nang pinaupo na siya nito sa loob ng opisina ng may-ari.

Infairness. Mabango. Malinis at higit sa lahat. Super manly ang amoy.

"Salamat." Pinangatawan niya na talaga ang pagiging fiancee sa may-ari ng kompanya saka nawala ang gwardiya sa kanyang harapan.

Great! Now what?

Kung tatawagan niya si kuya Zhared ay sure siya na malalaman ng parents niya kung nasaang bahagi siya ng Pilipinas napasok ngayon kaya huwag na lang.

It was her will and all her will kung bakit siya narito. Wala rin naman siyang ibang intensyon kaya siguro patatawarin siya nang may-ari dahil wala rin naman siyang ninakaw.

"Please Arianne. I don't know who that woman is and it was clear in the video that she's the one initiated the kiss."

"Don't fool me Clyden. Malinaw sa video na nagustuhan mo rin. O e bakit hindi mo tinulak aber? Dahil masarap ganoon?"

Ha? May nag-aaway ba?

Out of curiosity. Naglakad siya para hanapin kung saan nagmumula ang boses ng dalawang tao and was shock to see Clyden Spencer Balderama at ang babae na obviously girlfriend ng lalaki na parehong nakaharap sa glass wall at nagsisigawan.

Ahh no. Ang babae lang ang nagsisigaw.

So may girlfriend pala. Kaya ba ay nag-aaway ang mga ito dahil sa kanya?

Will she intrude? Ahh no hindi. Maganda tingnan ang live kaya namimihasa na rin si Zephanie para manood at magtago sa pader para hindi mapansin ng dalawang bida sa pinapanood niyang teleserye.

"I'm sorry, but we're done."

"N-no! No! Please Arianne. Don't do this to me." He was begging. Nahahalata rin sa reaksyon ng lalaki na labis na nasaktan ito kaya hindi rin mapigilan ni Zephanie na maging malungkot. Bahagya pa niyang pinahiran ang pekeng luha para kay Clyden.

"Bitiwan mo ako kung ayaw mong sasapatusin kita. Naturingan ka pa man ding team captain sa paaralan pero bakit napakatigas ng ulo mo?"

Natigilan ito. Yumuko at masasabi niya talaga na labis na nagdadalamhati ang lalaki sa mabilis na pagkabigo.

The woman walks on her way at huli na para itago ni Zephanie ang sarili dahil nakita na siya nito.

"At sino ka naman? Panibagong fling ng ex-boyfriend ko?"

Hindi pa man siya nakasagot ay umalis na ang babae. Binangga pa nito ang balikat niya which probably wanting her to revenge pero mabilis nawala ang babae sa kanyang paningin.

Ay iyon lang? Nag-eenjoy pa naman siyang panoorin ang live cast ng teleseryeng hindi niya alam kung ano ang title.

"You? What are you doing here?"

Patay!

Rinig niya ang mga yabag ni Clyden Spencer papalapit sa kanya. "Tinatanong kita kung ano ang ginagawa mo dito?"

Did he even know her? Recognized her?

Nilingon niya ang binata at hinarap ito. "Napadaan lang po. Sorry." Nag-peace sign siya, but all Clyden's reaction is non-viable kaya tumalikod siya. "Aalis na po ako."

"Do you think na hahayaan kitang makaalis after you saw everything?"

Natigilan si Zephanie. Naipikit pa niya ang mga mata dahil talaga nga namang napakamalas niya. Nilingon niya muli si Clyden at kitang-kita niya kung paano nanliit ang singkit na nitong mga mata.

Noon lang rin niya napansin na naka-varsity jacket pa ito ng Javier. Ang jacket na siyang naging dahilan kung bakit nagkamali siya nang n*******n.

"You ruin everything." His voice is calm, but she know deep inside him. Kanina pa siya nito kinakain ng buhay.

Pero dahil likas na sa kanya ang pagiging palaban. Ginaya rin niya ang paniningkit ng mata nito kapagkuwan ay nagsalita.

"Hindi ko naman kasalanan kung bakit naghiwalay kayo ah? Why don't you ask yourself? Baka kasi lacking ka bilang isang lalaki."

Great! Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil kahit nanginginig na ang tuhod niya. Nagawa pa ring makipag-cooperate ng mahiwaga niyang boses.

"You're going to pay for this." Nagulat siya nang tumalikod ito at tinungo ang intercom, "someone went inside in my office without my permission." Pause. Kitang-kita niya kung paano ito tumagilid para balingan siya and his reaction became dark as before. "Fiancee. I see. Paano kung sasabihin ko sa iyo na kawatan itong babae na 'to at modus niya lang ang magpanggap bilang—"

"Hoy! Nakarami ka na ah!" Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong pagbibintangan siya.

Nilapitan niya ang binata para bawiin ang hawak nito ngunit mabilis itong gumilid kung kaya't muntik na siyang masubsob sa sahig.

"Ah gano'n. Gusto mo pala ng giyera ha!" With all her might. Mabilis umigkas ang kanyang kamao para sana suntukin ang lalaki ngunit natigil iyon sa ere nang may tumikhim at sinabayan pa ng palakpak.

"Magkakakilala na pala kayo? Well son. It's nice to see you getting along with your future wife. Hindi na ako mahihirapang ipakilala ka sa kanya dahil literally ay mukhang magkakasundo naman yata kayong dalawa."

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
ito n ang exciting part...love the story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status