Share

Kabanata 1

SHE woke up feeling dizzy at nakaramdam pa rin ng pagkahilo. Hindi tuloy niya mapigilang sisihin ang sarili kung bakit nagpadala siya sa invitation ng mga sole friends niya para lang maki-join sa bandwagon ng bagong bukas na KTV bar.

Because I am really friendly kaya't hindi ko nagawang tanggihan ang imbitasyon ni Beverly kagabi.

Pero kasi...masakit pa rin ang ulo niya. Nagpagulong-gulong siya sa kama pero sa kamalas-malasang pagkakataon ay hindi niya napansin na dead end na pala 'yon kaya ang nangyari, na-tsugi siya sa mismong kagagahan.

Sapo niya ang braso at binti na napuruhan nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwal roon ang gwapong-gwapo na brother niya.

"Kuya!" Tili niya saka inangat ang magkabilang kamay. "I'm feeling dizzy, kargahin mo ako please, masakit ang braso at binti ko—"

"What are you doing down in the bed?"

"Naglalaba ako!" Pambabara niya rito pero parang bad mood yata ang kuya niya today. Nakabulsa man ang kanang kamay sa pantalon ay masasabi niya na may something else sa tonada pa lang nang pananalita nito.

Did she messed up with him last night?

"You're not funny Zephanie! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kagabi?" Oh shit! Totoong may ginawa or nagawa nga siya. But everything she remembers last night ay ang pagpasok lang nila sa mala-enchanted na KTV Bar saka naglasing, tumungga nang tumungga ng alak at...

Ibinalik niya ang tingin sa kuya niya na ngayon ay walang karea-reaksyon na minata siya.

"You do remember aren't you?"

Bigla ay dumapa siya sa sahig at parang sinaniban ng masamang espirito na umuusal ng latin. Maging siya ay hindi naiitindihan ang sinasabi pero para sagipin ang ego ng kuya niya...let Batman do the rest.

"Ano iyang pinagsasabi mo? Ako ba ay pinagloloko mo Zephanie?"

"Huhuhu! Pasensya na talaga kuya Zhared. Kung anoman ang ginawa ko kagabi please spare me at hindi ko na iyon uulitin..." Bigla ay natigilan siya. "O pwede pa rin naman pero dapat limited wines na pero as of today...sasabihin ko sa'yo, hindi ko PA uulitin please lang kuya. Huwag mo akong isumbong kina mama."

"Too bad for 'yah my dearest sister." Inangat niya ang tingin sa kapatid pero ang pag-iling nalang nito ang nadatnan niya.

Ano ang ibig sabihin ng kuya niya roon?

"Kuyaaaaa! Don't tell me alam na nila mama." Gusto niya nang maiyak. Ngayon palang ay namamatamis niya na ang napaka pak na pak na speech ng kanyang mommy para sabihin na grounded siya.

Bye Gucci, bye! Maserati SUV!

"Hindi...PA sa ngayon. Alam ko na hindi pa dumating kina mama ang kumakalat na videos mo."

Napakurap-kurap siya. Kapagkuwan ay tinuro ang sarili niya. "V-vi—videos ko?" Ano yo'n porn?

Pero wala naman siyang naalala na nakipagtsuk-tsukan siya sa lalaki kagabi ah! Bukod pa roon, hindi rin naman masakit ang pechay niya.

"Mukhang wala ka ngang ideya sa ginagawa mo. Here!" Inabot nito sa kanya ang cellphone at napansin niya pa ang pagngiwi nito. "you really will be doomed. Hindi lang sa pamilya natin kapag malalaman ito nila mama pero sa buong eskwelahan ng Javier!"

Para alamin kung ano nga ba ang tinutukoy ng kuya. Mabilis niyang binuksan ang cellphone at bumungad roon ang isang sex video no. Hindi. Isang video na kung saan nakatalikod ang lalaki habang nakayukod naman ang babae para mag-initiate ng halik. At malinaw na malinaw sa video na ang babae ang gustong humalik kasabay nang mataginting na singhapan ng mga taong nakasaksi sa kahihiyang ginawa ng babae bilang background sa cellphone ng kuya niya.

"Ang landi naman ng babaeng 'to! Sino ba 'to at nang—holy shit! Oh my God!" Nabitiwan niya ang cellphone saka inangat muli ang tingin sa kuya Zhared niya. It was her. The woman in the video who aggressively kissed the pity man.

"K-kuya..." Naipikit niya ang mga mata at bahagyang umahon sa katawan niya ang kahihiyan.

"A-ako...iyong babae...sa video?" Hindi niya mapaniwalaang bulalas kasabay nang pagtango ng kuya niya ay ang pagkadismaya rin nito sa kanya.

Oh God! P-please kill me now.

"Nahimasmasan ka na rin sa wakas. Alam mo ba kung sino ang malas na lalaking hinalikan mo kagabi?"

Oo nga! Sino nga ba ang lalaking iyon. Base sa boses ng kuya niya ay mas lalong domoble ang pagkadismaya nito sa kanya.

"Sino nga ba kuya?"

"Si Clyden Spencer Balderama lang naman. Ang lalaking higit kailanman ay kinaaayawan ang mga babaeng nagfi-first move para lang magpapansin—"

"Ahhhhh!!!!" Tili niya nang marinig iyon mula sa kuya niya and from her form to being dizzy, ay parang biglang nabuhay ang katawang lupa niya at nahimasmasan sa alak na ininom kagabi.

She doesn't want to hear anything from him pero ang traydor niyang kapatid ay hindi pa pala tapos magsalita bagkus ay tinukso-tukso pa siya.

"Wala akong sasabihin kina mama pero...hindi ako mangangako na hindi makakarating sa kanila ang karumal-dumal na video mo na 'to. For petes sake Zephanie! Ano ba ang nakain mo at ginawa mo 'yon ha? Have you lost your mind at..." Natampal nito ang noo. "—at hinalikan mo iyong si Balderama?"

Sana nga na-lost nalang ang mind niya para wala na siyang iisipin pang kahihiyan at magf-fly high butterfly lang ang gagawin.

Pero kasi...

"Kuya...tulungan mo ako please?"

"Ano ang magagawa ko? E kagabi pa lang ay nagkalat na sa buong sanlibutan ang ginawa mo and for you to know...even Clyden Spencer didn't like what you did kaya humanda ka nang makutusan ng mga fangirls niya today. Now get up!"

"Saan mo ako dadalhin?" Marahas itong napabuntong-hininga saka hinila ang kumot na itinakip niya sa katawan at pagkatapos ay umupo ito sa harapan niya. "Gusto ko mang tulungan ka dearest ugly little sis..." Hinawi nito ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "—pero kasi, mabilis ang radar ng isang iyon at alam niyang magkapatid tayo and the worst is...pinagbantaan niya ako na kung susubukan 'raw kitang itago...ako ang mananagot.

"Alam mo naman na mahal na mahal ko ang pagbabasket-ball and since team captain ko si Balderama," itinabing nito ang bangs niya at pagkatapos ay naging madilim ang mukha nito. "—you will be saving yourself alone today. I'm sorry lil'sis. Mag-disguise ka nalang para hindi makilala ng team captain ko so dapat maging convincing rin ang—"

"Kuyaaaaa!"

Nagkibit-balikat lang ito. "Wala talaga akong magagawa. Ayaw ko rin kasing matanggal sa Blue Warrior kaya pagpasensyahan na tayo kafatid."

With that, her brother leave the room not even glancing her for the last time. At sa puntong 'yon kahit ang kapatid niya ay nilaglag na rin siya.

Ano na ang gagawin ko?

Ngumawa siya nang ngumawa pero wala ring magiging silbi iyon kung magkandagutay-gutay ang katawan niya dahil sa fangirls ng Balderama na iyon.

With all her confidence, tinawagan niya si Beverly na nakadalawang ring palang ay pinatayan na siya kaagad.

Pero hindi siya sumuko. Di-nial lang niya nang de-nial ang numero ng kaibigan ng sa wakas ay sinagot na rin niyong huli.

"Hello, whose this? Alien ka ba na nag-alsaburutan ng bahay dito sa earth?"

"Beverly! Help 911!"

"Aba ay Alien nga!"

"Bev. I am damn serious, help me. Kayo nina Cris at Devon!" Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya bago nito sinigawan siya.

"You are not my friend by—"

"Bev naman huhuhu maawa ka sa pangit na mukha ko!"

Suminghap ito sa kabilang linya. "I'll be in your home at eight sharp. Isasama ko na rin iyong dalawa and let's see what we can do for you. My God Zeph. Kinikilabutan ako sa video mo na 'yon pero infairness ha? Anong lasa ng labi ni fafa CS. Masarap ba?"

Naku! Kung hindi niya lang kaibigan ito ay matagal niya nang kinutusan. Mas lalo lang tuloy dinagdagan ni Beverly ang kanyang kahihiyan.

"Ikaw ang nag-utos niyon!" Mas lalong ngumawa siya nang ngumawa, but all Beverly answered her was a laugh.

"I'm sorry Zeph. We'll see you at eight bye. Love you! Take care of CS girls." Saka siya nito pinatayan ng tawag.

Ayaw niyang mamatay nang maaga. Kilalang-kilala si Clyden Spencer Balderama at ang kakambal nito na si James Spencer na iyon dapat ang mahalikan niya.

"Ahhh! Ano na ang gagawin ko?" Napasabunot siya sa buhok saka ngali-ngaling tumayo.

Kung aabsent siya today ay mailigtas niya ang sarili niya pero kasi...."gusto ko nang tumigil sa pag-aaral!" Wala sa sariling naisaad niya bago muling bumukas ang pintuan ng kwarto niya at sa pag-aakalang si kuya Zhared niya iyon mas lalong napatili si Zephanie dahil hindi man lang siya magawang tulungan ng kapatid.

"What the hell are you saying Zeph?" Nanlaki ang mga mata niya. Huli na para bawiin niya ang sinabi dahil sure siya na narinig iyon ng mommy at daddy niya.

Naroon sa likuran nito si kuya Zhared na iminuwestra ang kamay sa leeg na parang pinaparating sa kanya na dead end na talaga.

Shit na shit talaga! Domoble pa yata ang depression niya lalo pa at nakabalik na pala ang mga magulang niya galing sa ibang bansa.

"Mommy, daddy? K-kailan lang kayo dumating?" Hindi niya napigilan ang sarili na kabahan. Bahagya pang nagkandautal-utal ang pananalita niya.

"Kanina lang anak. Nadatnan namin si kuya mo na papunta na sana sa school." Maya-maya ay nagpang-abot ang kilay nito na ibinaba ang tingin sa kanyang suot saka malalim na napabuntong-hininga. "Naku naman Zephanie. Ilang taon ka na at mukhang hindi ka pa rin marunong magdala ng sarili mo. Why don't you like to be other girls na feminine at masyadong girly? May pera naman tayo para matustusan ang—"

"Why do I change myself just to please others?" Ayan at nagsisimula na naman siyang maging madrasta sa sarili niyang ina. "This is me. I am comfortable with who I am and what I am wearing kaya please lang mommy..."

"O siya! O siya! Hindi na kita papangaralan. Pero tonight, you will be wearing a decent and formal one. May darating tayong bisita." Sinulyapan ng mommy ang daddy niya na ngumiti lang sa asawa saka ito na naman ang nagsalita.

"You should be presentable. You will going to meet your future husband tonight."

A-ano? Tama ba siya nang narinig o baka kailangan niya nang mangatuli gamit ang palakol?

Magsasalita na sana siya nang nakalabas na ang mga magulang niya. Si kuya Zhared nalang ang natira kasabay ng pag-iling nito na parang sinasabi sa kanya na wala na talaga siyang takas.

"Kuyaaaaa! H-help me!" Tinakbo niya ang distansyang nakapagitan sa kanila bago itinapon ang sarili sa kapatid para yakapin ito. "Ayoko pang magpakasal! Ayaw ko pang matali sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal. Hindi rin ako handa na magkaroon ng anak..."

"Zephanie!"

"Hmm?" Her kuya Zhared's voice is calm. Marahil ay kino-comfort siya nito hindi katulad kanina na kung makatukso sa kanya ay parang hindi siya nito kapatid. Pero ngayon...mas nararamdaman niya lalo ang pagmamahal ng kuya Zhared sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit ginagawa nila mommy at daddy iyon only for you? It's because you have grown up thinking for your own. Ayaw mong makinig sa mga sinasabi nila para sa kapakanan mo. I overheard them last time talking about you getting married pero hindi ko lang sinasabi. You're a spoiled brat despite the fact that you dressed like a goon.

"Hindi kasi dapat ganoon ang babae Zeph." Marahas itong napabuntong-hininga pero hinagod-hagod naman ang likuran niya. Maybe he wanted to feel her that for some reason, he can ease her uneasiness. "Women should be a replacement nor the outstanding clone of petite and femine woman. Siguro makakatulong ang magiging asawa mo sa—"

"Kuya..."

"Your husband will tame you for sure. Hindi ko kilala kung sino pero sigurado ako na hindi ka ipagkakasundo nila mommy at daddy sa lalaking patapon at wala kang mararating kahit na kaunti."

At talagang sa tono nito ay nalasahan niya na sang-ayon ang kuya niya sa desisyong iyon ng mga magulang niya.

Was she a bad daughter? A bad sister? Lahat naman ay sinusunod niya ah maliban na lang sa pangingialam nito sa personal niyang buhay pero ang katotohanang ikakasal siya, hindi niya magawang lusutan pa iyon.

"Just don't let your husband know that some other time, you kissed Clyden Spencer Balderama—aray!" Sinapak niya nga! Nakalimutan niya na sana iyon eh.

Ngayon ay mas lalo siyang mahihirapan kung paano niya matatakasan ang CS na iyon lalo pa at sinabi ng kuya niya na galit daw iyong lalaki.

Naku naman talaga! Kailan ba siya lilisanin ng kahihiyan?

"Hindi ka nakakatulong kuya!"

"Letting you to hug me is a big help. D'yan ka na nga. May practice pa kami nila Clyden." Kinindatan siya nito saka tinukso-tukso ang paghagod ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Hayaan mo. Sasabihan ko na lang iyong si CS na nakatakda ka nang ikasal kung kaya—"

"Kuyaaaaa!" Sinundan niya ang kapatid sa paglabas nang tumakbo ito bigla kung kaya't hawak niya ang malambot na unan para ibato rito.

Subalit nang makita sina Beverly, Devon at Cris na nakaupo sa sala ay nabaling ang kanyang atensyon sa mga kaibigan na mabilis niyang nilapitan pasan ang lahat nang sama ng loob.

Nakalimutan niya na ang inis sa kuya niya na ngayon ay nakalabas na sa bahay papuntang practice ng mga kaibigan nito doon sa Javier University.

She let her friends in her room at doon ay sinimulan niya nang i-kwento kung gaano siya ka-dismayado sa sarili dahil lang sa kumakalat na video niya ngayon where in she barely knows to herself, malambot na siyang minumura ng Clyden Spencer na 'yon dahil sa kanyang ginawa.

And the news she received na ikakasal na siya. Hindi niya rin pinalagpas. Ngayon palang kasi alam na ni Zeph na mag-aalsaburutan siya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status