Share

Kabanata 25

"AT ANO naman ang ginagawa mo rito? Nilalandi mo na naman ba si Clyden ko? Tumabi ka nga! Clyd, babe?"

Sinundan niya si Arianne ng pumasok ito sa bahay at nagsisigaw.

"Pwede bang tumahimik ka? Kay aga-aga nambubulabog ka na. Wala ka bang kahihiyan?" Nanliit ang mga mata nito na binalingan siya. And of course, tinapatan niya rin ang titig nito.

"At sino ka para sabihan ako ng walang kahihiyan? Ipapaunawa ko lang ha! Ex-wife ka lang. Ako, girlfriend na—"

"Na dating ex-girlfriend rin," ikinuros niya ang mga braso. At ibinalandra niya talaga ang damit ni Clyden na suot niya ngayon. Arianne towered a gaze on her shirt. Gotcha! Mamatay ka sa inggit.

"...maaaring ex-wife niya lang ako pero nasa akin pa rin ang alas. Nasa akin pa rin ang legal na dokumento at mas may karapatan. E ikaw?" Hinagod niya ito ng tingin pababa. "Saang disyerto ka nagmula at ano ang ipapakita mo sa'king katibayan?"

"Piste ka ah!" Lumapit ito para sabunutan siya. "Ah! Ah! Hindi mo magagawa 'yan sa'kin dahil... buntis
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status