(Continuation of chapter 1)
"Magandang gabi po, Mr. and Mrs. Sandoval. Maaari ko po ba kayong makausap?" wika ng doktor kaya naman tumayo agad si Fernando at lumapit sa doktor. Nakasunod naman sa kanyang likod ang asawa.
"Ano pong problema?" tanong ni Fernando.
"Wala naman pong problema. Maayos na ang kalagayan ng anak niyo at ang apo niyo naman po ay malusog. Dadalhin na lang po dito mamaya ang sanggol, nasaan po pala ang asawa ng pasyente?"
Nagtiim bagang si Fernando nang itanong ng doktor ang tungkol sa asawa ng anak.
"Iniwan na po siya ng asawa niya," sagot niya.
Nang mapansin ng doktor ang pagbabago sa ekspresyon ng ama ng pasyente ay pilit itong ngumiti at binuklat ang papeles na nasa clip board niya.
"Naiintindihan ko po. Anyway, gusto ko lang po kayong makausap about sa lumabas sa test nang kunan po kayo ng dugo kanina."
"Diretsahin niyo na po ako," kunot noong wika ni Fernando.
"Inulit po namin ang test pero ang lumalabas dito ay pareho lamang. Noong una ay akala namin nagkamali lamang ang machine pero hindi. 'Wag niyo po sanang masamain ang sasabihin ko pero… hindi po nag-match ang dugo niyo ng anak niyo."
Para bang tinakasan ng dugo si Fernando dahil sa narinig mula sa doktor. Ang kanyang asawa naman ay nakangisi lamang sa likuran nito habang nakahalukipkip, mukhang masaya itong malaman ang resulta ng test.
Dahan-dahang lumingon si Fernando sa direksyon kung saan nakahiga at nagpapahinga ang kanyang anak. Maluha-luha siyang nakatingin dito. Kung hindi nag-match ang dugo nila ng kanyang anak, ibig sabihin ay hindi niya ito totoong anak!
"H-hindi maaari."
"Fernando, kumalma ka. Umuwi ka muna para makapagpahinga, kailangan mo ng lakas para buk—"
Hindi pa man natatapos ang dapat sasabihin ni Martha nang talikuran sila ng asawa at dire-diretsong naglakad palabas ng kwarto. Nagpaalam na din ang doktor sa kanya at lumabas na din ng pinto. Nang makaalis ang lahat ng tao doon ay naglakad siya papalapit kay Trixie na walang alam sa mga nangyayari.
"Mukhang umaayon sa plano ko ang lahat. Kawawa ka naman, nawalan ka na ng ina, mawawalan ka pa ng itinuturing na ama. Alam mo dapat namatay ka na lang, eh, para kahit papaano, hindi ka masasaktan kapag nalaman mo ang totoo."
Nakita ng madrasta ang paggalaw ng kamay ni Trixie. Unti-unting namumulat ang mga mata niya at kulay puti agad ang bumungad sa kanyang paningin. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang sugat.
"Mabuti naman at gising ka na, akala ko may balak ka pang matulog hanggang kinabukasan."
"N-nasaan ang anak ko?"
Saktong pumasok sa silid ang isang nurse na dala-dala ang isang natutulog na sanggol sa kanyang bisig. Natutuwa si Trixie na makita ang anak. Nang mahawakan niya ito at maitabi sa kanyang hinihigaan ay lalo pa itong natuwa nang masilayan ang mukha ng kanyang anak. Napaka ganda nito.
"M-margaret," bulong niya.
"Iyon na po ba ang ipapangalan niyo sa kanya?" nakangiting tanong ng nurse. Tumango naman si Trixie at nagpaalam na ang nurse bago lumabas.
"Maswerte ka, hija, buhay kayo pareho ng anak mo."
"Tita Martha, pwede ba kung sesermonan niyo na naman ako 'wag muna ngayon, natutulog ang anak ko," sagot naman ni Trixie na hindi pa din nawawala ang tingin sa anak.
"Wala akong pakielam sa anak mo, at lalong-lalo na sayo! Dapat namatay ka na lang din para nagkasama na kayo ng nanay mo!"
"Tita Martha, ano ba?! Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sayo at ganyan niyo ko itrato. Ano po bang problema niyo sa akin?"
"Ikaw! Ikaw mismo ang problema ko!"
Napaiwas ng tingin si Trixie nang sigawan siya ng madrasta. Sanay na siya sa mga masasakit na salita nito dahil bata pa lamang siya ay nararanasan na niya ang mga pang-aabuso nito mula sa madrasta. Ngunit hindi niya matanggap na pati ang kanyang ina ay idadamay nito sa galit nito.
"N-nasaan po si Papa?" pag-iiba na lamang niya ng usapan.
Kahit hindi niya lingunin ang madrasta ay alam niyang ngumisi ito. Kita niya sa peripheral vision niya ang babae na pinagkrus nito ang mga braso.
"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutang sabihin sayo. Wala ka ng ama, Trixie. Nag-iisa ka na lang."
Doon na siya muling napalingon dahil sa narinig. Naguguluhan siya, hindi niya alam ang ibig sabihin ng madrasta.
"Hindi ka tunay na anak ni Fernando! Hindi nag-match ang dugo niyong dalawa kaya malinaw na malinaw na hindi ka niya anak at isa ka na lang b****a sa paningin niya!"
Naglandas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. Ang papa na lang niya ang nag-iisang kakampi niya ngunit ngayon nawala na din ito sa kanya sa isang iglap. Hindi niya alam ang isasagot.
"Kaya simula ngayon, 'wag mo na kaming guguluhin ni Fernando! 'Wag na 'wag kang hihingi ng tulong sa kanya, kayo ng anak mong katulad mong b****a!" Tinalikuran siya ni Martha at lumabas na ng kwarto niya.
Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala dahil sa nalaman. Niyakap na lamang niya ang anak habang umiiyak.
—————
"Parang-awa niyo na po, w-wala po kaming mapupuntahan ng anak ko."
"Hindi pwede, wala na po kasing magbabayad ng bills niyo. Gustuhin ko man pong tulungan kayo pero nurse lang po ako dito."
Nandito ngayon sa labas ng ospital si Trixie habang karga ang kanyang anak. Matapos ang isang buong maghapon ay wala man lang bumisita sa kanya. Ni hindi siya pinuntahan ng kanyang ama kaya naman pinapaalis na sila ng ospital ngayon.
"Pero, nurse! Sandali!"
Wala nang nagawa si Trixie nang hawakan siya ng mga guard at inilayo na siya sa entrance. Umiiyak na din ang kanyang anak ngunit sinusubukan niya itong patahanin. Naglakad siya sa lansangan habang pinagmamasdan ang kalangitan na balutin ng dilim.
"P-pasensya ka na anak, k-kailangan mong maranasan 'tong nararanasan ni mommy, ha." Hinalikan niya ang umiiyak na sanggol at napatingin siya sa kalangitan nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan.
Napaupo na lamang siya sa gilid ng kalsada habang yakap-yakap ang anak. Umiiyak siya, umiiyak siya dahil ang kaisa-isang taong inaasahan niya ay nawala na din sa buhay niya. Mahirap, pero wala siyang magawa dahil ito ang reyalidad.
Hindi na niya alam ang kahahantungan nila ng sanggol sa gitna ng ulan, wala na siyang ina, wala ng ama, wala ng pera, bahay, at pamilya. Tanging ang anak na lamang niya ang natitirang taong maaari niyang makasama sa mundong malaki ngunit pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya.
Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p
Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok
Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k
Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb
Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya
Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa