Share

KPL 1.1

Third Person's POV

"Ahhhh!" sigaw ng isang babaeng nakaratay sa stretcher habang dinadala na patungo sa operating room ng ospital. Nakasunod naman sa kanya ang mga nurse at ang kanyang madrasta na abala sa pagtingin ng hitsura sa salamin.

Manganganak na ang babae! Mukhang hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman mula sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng lakas at nais nang bumagsak ng mga talukap ng kanyang mata ngunit pinipilit niyang manatiling gising para sa kanyang anak.

"Manahimik ka nga d'yan, Trixie! People are looking at us! Tingnan mo naman ang hitsura ko, talagang ginising mo pa 'ko para lang sa walang kwentang bata na 'yan! Puro kahihiyan na lang talaga ang binibigay mo sa pamilya ko!" sermon naman ng kanyang madrasta sa kanya.

Hindi na alintana ni Trixie ang masasakit na salitang narinig mula sa madrasta at ang tanging gusto na lamang ay mailuwal ang kanyang anak. Hinimas niya ang kanyang tiyan habang pilit pinapakalma ang sarili.

Maya-maya lamang ay pinasok na sa operating room ang babae kaya hinarang na ng mga nurse ang madrasta niyang nakasuot ng night wear at tsinelas. 

"Hanggang dito na lang po kayo," wika ng babaeng nurse at sinarado na ang pintuan bago pumasok.

"Oh, thank God!" Umupo ang madrasta sa upuan na nasa gilid ng pintuan. Todo tingin pa din ito sa repleksyon sa salamin at inaayos ang nagulo niyang buhok. 

Ayaw na ayaw niya na magulo ang maikli at kulot niyang buhok lalo na kung makikita siya ng maraming tao. Wala naman siyang pakielam sa babae o kahit sa magiging anak nito dahil hindi naman niya ito anak. 

Sa loob ng operating room ay abala ang mga doktor sa pagsalba ng buhay ng sanggol. Nauna kasi ang paa niyang lumabas kaya delikado ang kalagayan nito. Patuloy lamang sa pag-iri ang babae at pinagpapawisan na. 

Matapos ang ilang iri ay nailabas na ang sanggol. Para bang nakahinga nang maluwag si Trixie nang madinig ang iyak ng kanyang anak. Ang luhang lumalabas sa mga mata niya kanina dala ng sakit ay napalitan na ng kasiyahan dahil ligtas ang kanyang anak. 

Ngunit para bang unti-unting bumabagal ang pagtibok ng kanyang puso at bumibigat ang bawat paghinga niya. Umiikot na ang kanyang paligid.

"Babae! Babae ang anak mo!" 

Ito ang huling mga salitang kanyang nadinig mula sa babaeng doktor bago na siya mawalan ng malay. 

—————

Tumatakbo si Fernando sa hallway ng ospital patungo sa operating room. Nakasuot pa ito ng itim na polo at pantalon. Maputi na ang ilan sa mga buhok nito at nakasuot na din siya ng salamin. Pauwi na siya galing sa trabaho nang makatanggap ng tawag mula sa ospital na manganganak na daw ang anak nito.

Nadatnan niya ang asawa na nakaupo sa gilid ng pintuan ng OR habang nakadekwatro at magkakrus ang mga braso. Nakakuyom ang kamao ni Fernando na lumapit dito.

"Martha!" galit nitong tawag sa asawa.

Napatingin naman sa kanya ang babae at saka napatayo mula sa kinauupuan. Ang nagtataray na ekspresyon nito kani-kanina lamang ay napalitan ng pag-aalala.

"Bakit mo pinabayaan ang anak ko?!" Mahigpit ang pagkakahawak ni Fernando sa magkabilang balikat ni Martha na nabigla sa ginawa ng asawa. 

"Fernando! Nasasaktan ako!" sigaw ng babae at pinipilit makawala sa pagkakahawak ng asawa.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka sa pamamahay ko!"

"Fernando, h-hindi ko pinabayaan ang anak mo. S-sa totoo nga n'yan ay mahimbing akong natutulog nang marinig ko ang sigaw ni Trixie. K-kahit inaantok na ako ay p-pinilit kong bumangon para lang madala agad siya sa ospital. A-alam mo namang mahal na mahal ko si Trixie at para ko na din siyang anak kaya nag-aalala din ako sa kalagayan niya." Nang bitawan siya ng asawa ay yumakap ito kay Fernando at nagpanggap na umiiyak. 

Pareho silang napatingin sa pintuan nang lumabas dito ang natatarantang nurse kaya naman hinarang ito ni Fernando.

"Anong nangyayari?" 

"Maayos naman po ang lagay ng sanggol ngunit ang anak niyo po ay kritikal ang kalagayan."

"Wala akong pakielam sa sanggol! Ang anak ko! Anong nangyari sa anak ko?!" 

"Sir, pasensya na po pero makikiraan po muna ako, maraming dugo ang nawala sa anak niyo kaya kung hindi ito kaagad maaagapan ay maaaring mamatay ang anak niyo!" 

Dahil sa narinig ay natulala si Fernando at nabangga pa siya ng natatarantang nurse. Sa mga oras na ito ay parang nawala sa sarili ang ama ni Trixie. Pumunta sa kanyang harapan ang asawa at saka hinawakan ang magkabilang balikat nito.

"Magiging maayos din si Trixie, 'wag mo na siyang alalahanin," malambing na wika nito at niyakap ang asawa. 

Napangiti si Martha dahil sa narinig mula sa nurse. Ang totoo ay natutuwa pa itong nasa panganib ang anak ng asawa. Kahit naman mamatay ang sanggol ay wala itong pakielam. Gusto na niyang mawala sa landas niya si Trixie at ang anak nito upang masolo na niya ang kayamanan ng asawa. 

"Doc, need po ng dugo ng pasyente sa OR," saad ng nurse sa kausap na doktor na lalaki.

"Wala na tayong stock ng dugo. Bukas pa ng umaga ang dating ng bags ng mga dugo galing sa mga blood donation," sagot naman ng doktor na kausap niya.

"Pero kailangan na ng pasyente! Naku! Paano na 'yan?" Napaupo na lamang ang nurse sa isang upuan habang namomroblema kung paano sasabihin sa mga kasamahan ang nangyari.

"Excuse me?"

Napalingon siya sa likuran nang may humawak ng kanyang balikat. Si Fernando pala ito, ang ama ng pasyente nila. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin.

"S-sir! M-may kailangan po ba kayo?"

Nagpakawala ng buntong hininga si Fernando bago sumagot sa tanong ng nurse.

"Magdo-donate ako ng dugo para sa anak ko."

—————

Nasa isang private room na ngayon si Trixie at mahimbing ang tulog. Nasa tabi naman niya ang kanyang ama na hawak ang kamay nito. Masaya siyang maayos na ang lagay ng kanyang anak. Namatayan na nga siya ng asawa noon at hindi na niya kakayanin pang mawalan pa ng anak ngayon. 

"Fernando, hindi pa ba tayo uuwi? It's already twelve twenty-five in the morning. May pasok ka pa bukas," wika ni Martha na pumupungay na ang mga mata.

"Kung gusto mo, ikaw na lang ang umuwi ngayong gabi. Hihintayin kong magising si Trixie, hindi ko iiwan ang anak ko."

Napairap na lang ang asawa niya dahil sa narinig. Hindi sila biniyayaan ng anak dahil walang kakayahang magbuntis si Martha. Kaya maswerte pa din siya na hindi siya iniiwan ng asawa kahit wala silang anak. Pakiramdam niya tuloy ay may kaagaw siya sa asawa dahil nasa anak lamang nito palagi ang atensyon.

Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok doon. Ito ang doktor na nagpaanak kay Trixie kanina.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mulan
umpisa pa lang intense na agad...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status