Share

KPL 2.1

last update Last Updated: 2021-09-08 10:02:45

Third Person's POV

"Puto! Puto kayo d'yan!" 

Mataas na ang sikat ng araw ngunit heto siya at dala-dala ang malaking bilao na may lamang mga puto. Maya-maya lamang ay maglalabasan na ang mga estudyante ng pampublikong paaralan sa barangay nila kaya siguradong marami na namang bibili ng tinda niya.

"Ano ba 'yan? Ang init." Pinunasan ni Trixie ang mga pawis na tumutulo sa kanyang leeg at noo gamit ang maliit na tuwalyang nakasabit sa balikat niya.

Kung wala lamang siyang sapat na lakas ay baka na-dehydrate na siya dahil sa init ng panahon. May nakasalubong siyang mga batang pulubi na nagkakakalkal sa maduming basurahan. Kaagad silang nilapitan ng babae. 

"Oh, mga bata. Ang dumi niyan, ah. Baka magkasakit kayo d'yan sa ginagawa niyo."

"Eh, Ate, wala naman po kaming pera pambili ng pagkain sa karenderya. Tinataboy nila kami ng kapatid ko dahil baka daw mawalan sila ng costumer," tugon ng matangkad na batang lalaki na sampung taong gulang. Sa tabi naman niya ay ang maliit na batang lalaki na pitong taong gulang lamang.

Nakaramdam siya ng awa dahil sa kalagayan ng dalawang batang pulubi na ito, napaka walang puso naman ng mga magulang nila dahil mukhang pinabayaan na. Ibinaba niya ang bilao na nasa ulo at saka naglagay ng sampung piraso ng puto sa plastic labo.

"Oh, heto, ito na lang ang kainin niyong dalawa, ha. Eh, pagpasensyahan niyo na, maliit lang ang kinikita ko sa pagtitinda. Atlis 'yan malinis, masustansya pa, 'wag na kayong magkalkal ng b****a." Nakangiti niyang iniabot sa panganay na lalaki ang plastic at abot tainga naman ang ngiti nilang dalawa.

"Salamat po!" magkapanabay nilang sagot at sabay na tumakbo papaalis. 

Malapit ang loob niya sa mga bata, at parang hindi niya ata kayang makakita ng mga batang nagugutom. Kaya ginagawa ni Trixie ang lahat ng sipag para lang maibigay ang pangangailangan ng anak niya, kahit mahirap ay kakayanin pa din ni Trixie.

Nagpatuloy na ang babae sa paglalako at nakarating na siya sa harap ng eskwelahan. Sakto naman at naglalabasan na ang mga estudyante. Tinanaw ni Trixie mula sa mga batang lumalabas mula sa pinto ang anak niyang babae.

"Mommy!" Tumakbo papalapit sa kanya ang munting anghel ng buhay niya. Yumakap ang bata sa bewang niya at niyakap niya naman ito pabalik.

Siya si Margaret, ang limang taong gulang niyang anak na babae. Day care pa lamang ito ngunit bibong-bibo na pagdating sa klase. 

"Kamusta naman ang araw ng maganda kong anak?"

"Okay naman po, Mommy. Look, nakakuha po ako ng tatlong stars." Ipinakita niya ang likod ng kamay na may marka ng tatlong tala.

"Aba! Napaka galing naman, dahil d'yan ibibili kita ng ice cream mamaya," saad ng ina nito habang ginugulo ang buhok niya.

Nagliwanag naman ang singkit niyang mga mata at lumabas din ang magaganda niyang ngipin dahil sa pagngiti.

"Trixie, pabili naman niyang puto mo. Magkano ba 'yan?"

Napalingon siya sa isang matandang babae na nakasuot na ng salamin. Sa tabi niya ay hawak nito ang kamay ng isang batang lakaking kulot ang buhok.

"Limang piso lang po ang isang piraso. Ilan po ang bibilhin niyo?" 

"Pabili akong apat."

Naglagay na siya sa plastic ng apat na piraso at saka na inabot sa matanda. Maya-maya lamang ay sunod-sunod na ang nagbilihan ng paninda niyang puto hanggang sa maubos na ito.

Matapos maubos ng mga paninda ko ay dumaan muna sila ng anak sa isang tindahan para bumili ng ice cream na chocolate flavor. Kahit halos mabulok na lahat ng ngipin nitong si Marga ay mahilig pa din talagang kumain ng matatamis. Matapos nito ay napagpasyahan na nilang umuwi.

"Ate Dara!" Tumakbo si Marga papunta sa kaibigan ni Trixie na si Dara na nakatayo sa pintuan ng apartment niya. Pinagmasdan niya lamang silang magkulitang dalawa.

Hanggang ngayon ay hindi pa din niya malimutan noong gabing napalayas sila sa ospital ng anak niya limang taon na ang nakakalipas. Sariwang-sariwa pa din sa ala-ala ni Trixie ang hirap na dinanas nila noon.

-Flashback-

Habang patuloy si Trixie sa paglalakad sa ulan ay bigla na lamang may tumigil na tricycle sa tapat niya kaya inaninag niya muna ang taong nasa loob nito.

"Trixie! Bakit ka nagpapaulan?! Dala mo pa 'yang anak mo, baka magkasakit kayo!" sigaw ng isang babae na naka-braid ang buhok at nakasuot ng itim na jacket.

Nakikilala niya ang babaeng ito, siya ang best friend niyang si Sandara. 

"D-dara?" halos pabulong na niyang tugon sa kanya.

Pinapasok niya ang kaawa-awang mag-ina sa loob ng tricycle at saka siya nagpahatid papunta sa maliit niyang apartment na medyo may kalayuan mula sa ospital na pinanggalingan nila Trixie at Marga.

"Bakit hindi ka tumawag sa akin, Trix?" 

Nandito na sila sa apartment ng dalaga at pinahiram niya ng damit si Trixie. Hindi naman nagkakalayo ang edad at hubog ng katawan nilang dalawa kaya sakto lamang ang mga pinahiram niyang damit ngayong gabi. Mahimbing na ding natutulog si Marga sa kama, matapos niyang palitan ng diaper kanina at pasusuhin ay nakatulog na siya.

"N-nakakahiya naman kung dito pa kami tutuloy sayo. P-pero 'wag kang mag-alala, kapag medyo kaya ko nang magtrabaho at nakaipon na 'ko ng sapat na pera ay aalis din kami agad."

Naglakad si Dara palapit sa kaibigan at umupo sa tabi nito. May bahid ng pag-aalala ang mukha niya. 

"Trix, para na din kitang kapatid kaya 'wag ka ng mahiya sa akin, ha. Lalo na ngayong may anak ka na, hindi pwedeng magpalaboy-laboy kayo sa kalsada. Nasaan ba si Tito Fernand?" 

Napaiwas si Trixie ng tingin nang itanong ng kaibigan ang tungkol sa Papa niya. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob ni Trixie sa itinuring na ama dahil hindi niya man lang siya pinuntahan sa ospital. Akala ni Trixie ay hindi siya matitiis ng ama at isasalba siya nito ng anak niya sa gitna ng malamig, madilim, at umuulan na gabi ngunit hindi. Pinabayaan lamang siya ni Fernand, pinabayaan niya sila.

Hindi niya namalayang tumutulo na naman ang luha kaya agad niya itong pinunasan.

"Hindi kita pipiliting magkwento, pero kapag handa ka na, makikinig ako," mahinahon na wika ni Dara.

Tiningnan siya ni Trixie sa mga mata. Mabuti pa ang kaibigan niya, kailan man ay hindi siya nito kinalimutan. Niyakap siya ni Trixie at binuhos nito ang lahat ng luha sa balikat ng kaibigan. Napaka swerte niya pa din at may taong handang tumanggap sa kanya ng buong-buo, kahit na sobrang dami na nitong pagkakamali ay heto siya at dinadamayan pa din si Trixie.

-End of flashback-

Madami siyang in-apply-an na mga trabaho ngunit walang tumatanggap sa kanya dahil hindi ito nakatapos ng college. Graduating na sana si Trixie noon ngunit nabuntis siya ng boyfriend nito. Akala niya ay pananagutan siya ng nobyo ngunit naglaho na lang ito na parang bula. 

"Dara, naniningil na ba si Manang Vicky ng renta?" tanong ni Trixie habang naghuhugas ng plato. Kakatapos lang nilang maghapunan.

Ang tinutukoy niya ay ang landlady ng inuupahan nilang apartment.

"Naku! Hayaan mo na nga 'yong matandang ugod-ugod na 'yon. Tumawag nga kanina, naniningil na naman, eh wala pa nga sa katapusan ng buwan."

Nagpunas siya ng kamay at saka tinabihan ang kaibigan sa couch. Abala si Dara sa panonod ng TV.

"Ako na ang magbubuno ng kalahati sa renta. May naipon naman akong pera galing sa pagtitinda ng puto."

"Trix, 'wag mo na ngang alalahanin 'yon. 'Yang pangangailangan ng anak mo ang paggastusan mo. Ako na ang bahala sa bayarin sa renta."

"Pero, Dara—"

"Hep! Trixie, ilang beses ba nating pag-uusapan ito? Okay lang talaga, ipunin mo na lang 'yang mga kinikita mo para sa kinabukasan ng anak mo. Hindi naman ako nagrereklamo na dito kayo tumitira."

Sa huli ay nagpakawala na lamang siya ng buntong-hininga at saka dahan-dahang tumango. Hindi talaga siya manalo-nalo pagdating kay Dara. 

"Salamat talaga, Dara. Hayaan mo, susubok ulit akong maghanap ng trabaho tapos babayaran kita."

"Oo na, sige na, magpahinga ka na at may hinihintay lang akong tawag galing sa boss ko." 

Nagtatrabaho si Dara sa isang boutique at sapat lamang ang kinikita niya para sa gastusin nilang tatlo sa pang-araw-araw.

Pumanhik na si Trixie papasok sa kwarto nila ng anak. Mahimbing na natutulog si Marga kaya naman tinabihan siya ng ina at saka hinalikan sa noo. 

"Goodnight, Marga."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kung Pwede Lang   ENDING

    Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p

  • Kung Pwede Lang   KPL 55

    Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok

  • Kung Pwede Lang   KPL 54

    Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k

  • Kung Pwede Lang   KPL 53

    Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb

  • Kung Pwede Lang   KPL 52

    Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya

  • Kung Pwede Lang   KPL 51

    Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status