Third Person's POV
Napaigtad si Derrick nang malakas na hinampas ni Lucas ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya. Kita niya ang galit sa nag-aapoy nitong mga mata simula nang pumasok ito sa pinto ng opisina niya.
"Sales, bagsak. Clients, bagsak. May mga files na hindi mo napirmahan, may mga meeting na hindi ka um-attend and some contracts are terminated. What's happening to you, Derrick?" galit na usal nito at napasintido.
Aligagang kinuha ni Derrick ang mga papeles sa lamesa at isa-isang binasa. Nagpamewang si Lucas at nagpakawala ng buntong-hininga.
"You know what, you need a break."
Natigilan si Derrick at nag-angat ng tingin sa ama. Mukhang nauubusan na ito ng pasensya.
"I-I'm sorry, Dad. Gagawin ko 'to lahat ngayon and I will—"
"No, you need a break. Let Maggie manage that papers," putol niya sa sasabihin ng binata.
(Continuation of chapter 30)Naramdaman ni Trixie ang paghigpit ng kapit sa kamay niya ng binata. Dahan-dahang naglakad si Fernando papalapit sa kanilang dalawa. Sa likod nito ay ang mga armadong lalaking nakaitim."Saan mo balak dalhin ang anak ko?""She's not your daughter!" sigaw ni Derrick."Yes she is. I protect her, love her, and take care of her since she was little. I am her father.""Papa, tama na po. Pabayaan niyo na po kaming maging masaya parang-awa niyo na." Tigmak na ang luha ni Trixie sa mga mata nang tingnan ang ama.Tila walang narinig si Fernando at nanatiling nakatutok ang baril sa direksyon ng lalaki."Bitiwan mo siya," maawtoridad niyang banggit."I won't!" pagmamatigas ni Derrick."Okay, it's either you let go of my daughter or I will kill you. Your choice."
Third Person's POV"Palabasin niyo 'ko dito!" Patuloy sa paghampas ng pinto si Trixie habang umiiyak.Ikinulong kasi siya ni Fernando sa kwarto niya matapos ng nangyari kagabi. Alam niyang may nagbabantay ding mga tauhan mula sa labas.Tuluyan na siyang napasalampak sa sahig nang maramdaman ang pagod at uhaw. Mayroong tubig na iniwan sa side table niya ang mga katulong ngunit ayaw niya itong galawin.Kaagad siyang bumangon at tinakbo ang mga bintana. Ngunit bumagsak ang balikat niya nang makitang nakakandado din ito. Nahagip ng mata niya ang isang upuan sa gilid. Kinuha niya iyon at sinubukang ihampas sa bubog ng bintana ngunit napaka tibay niyon.Napasandal na lang siya sa pader dahil sa pagod. Hindi siya pwedeng sumuko, kailangan siya ng anak niya kaya hindi siya pwedeng panghinaan ng loob.Sa kabilang dako ay naroroon si Marga kasama si Fern
Third Person's POVNasa isa siyang madilim at masikip na silid ngunit walang kahit anong gamit maliban sa maliit na bumbilya. Hindi niya alam kung nasaan siya, hindi niya alam kung paano siya napunta doon."Dara! Derrick! Joel! Marga, anak!" sigaw niya ngunit wala siyang narinig na tugon.Mabilis siyang napaharap sa likuran nang makaramdam ng presensya doon. Nanabik siya nang makita si Marga doon habang yakap ang manika niya. Nakangiti ito sa kanya."Mommy, mamamasyal po ba tayo ulit kasama si Daddy?" tanong niya.Naglandas ang mga luha ni Trixie at dahan-dahang tumango. Akmang lalapitan na niya ito nang biglang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril."Marga!" sigaw niya. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang makita niya kung paano bumagsak sa semento ang anak na naliligo na sa sarili niyang d
Third Person's POV"Uminom ka muna ng tubig." Inabot ni Joel ang isang basong may lamang tubig kay Dara.Naririto si Dara ngayon sa condo unit ni Joel. Ito na lang ang naisip niyang maaaring makatulong sa kanya. Hindi na siya nag-abala pang puntahan si Derrick dahil nabanggit nga ni Joel na ikinulong din si Derrick ng ama nito."So, what did you say again?"Huminga ng malalim si Dara bago salubungin ang mga nagtatanong na mata ng binata."Si Trixie, kailangan niya ng tulong. Kinulong siya ni Tito Fernand, at may hinala akong minamaltrato siya ng mag-asawa. I saw her, and she looks miserable," saad niya.Nagpakawala ng buntong-hininga si Joel."What do you want me to do then?""Itakas natin siya."Nabigla naman si Joel sa sinabi ng babae at iiling-iling na lumayo.
Third Person's POVNang makalabas sila ng silid ay kaagad silang naglakad pababa ng hagdan. Nauuna sa kanila si Dara at karga naman ni Trixie ang anak.Napatigil sila sa pagtakbo nang mapansin ang ilang mga armadong lalaki sa bakuran. Nagtago sila sa likod ng pader. Mukhang alam na ng mga lalaki na may nakapasok ng mansyon."Dara, paano tayo lalabas?" bulong ni Trixie na yakap-yakap si Marga.Sunod-sunod na ang paghinga ni Dara ngunit kailangan niyang maging matapang. Sa kanya nakasalalay ang buhay ng kaibigan at pamangkin."Ako'ng bahala, 'wag kayong aalis sa likod ko," tugon niya.Tumango si Trixie ngunit may bahid ng pag-aalala ang mukha. Hindi siya natatakot para sa sarili kundi para sa anak niya. Hindi niya kakayanin kapag si Marga ang mapapahamak.Paglabas ni Dara ay sunod-sunod niyang pinaputukan ang mga lalaki doon. Napas
Third Person's POV"Mga gungong!"Binato ni Fernando ang hawak na baso ng alak at nabasag ito sa pader. Nasa harapan niya ngayon ang lahat ng tauhan niyang nagbabantay sa mansyon."Isang babae at isang bata lang natakasan pa kayo? You're all id*ots!" Napahilamos siya sa mukha at nagpakawala ng buntong-hininga."Sir, may nagligtas po sa kanila," wika ng isa sa mga tauhan ni Fernando.Nakuha nito ang atensyon ng matandang lalaki at saka kumunot ang noo nito."Sino?""Hindi po namin namukhaan, nakasuot po ng maskara." Napatungo muli ang lalaki.Hindi na nakapagpigil si Fernando at hinugot ang baril mula sa bulsa. Pinaputukan niya ang tatlong tauhan na nakahelera sa harapan kasama na ang lalaking nagsalita kanina. Bumagsak ang mga ito sa sahig kasabay ng pagdanak ng masagang dugo sa sahig.
Third Person's POV"Sir, wala po ba kayong balak ipahanap si Sir Derrick?" ani Maggie na nakatayo sa harap ng lamesa ng boss.Napunta ang tingin ni Lucas sa sekretarya. Abala siya sa pagbabasa ng mga papeles ngunit sandali niya itong ibinaba sa lamesa."Why would I? He's a grown man now, alam niya ang ginagawa niya," tugon niya."But, Sir, how about his job here? Sino pong magha-handle no'n?"Nagkibit-balikat ang matanda at saka sumandal sa swivel chair. "Me?"Nangunot ang noo ni Maggie. Kahit kailan talaga'y hindi niya maintindihan ang mga desisyon ni Lucas. Kahit na ilang taon na siyang nagtatrabaho dito ay napaka hirap pa din para sa kanyang basahin ang tumatakbo sa isip ng matanda."Hindi po ba kayo natatakot na baka magkasama na sila ngayon ni Trixie? Nabalitaan ko po kasing nawawala din si Trixie according to Mr. Sandoval."
Third Person's POVNagbuklat si Trixie ng mga kabinet sa kusina upang maghanap sana ng maaaring lutuin para sa hapunan nila. Maglilimang araw na din silang nasa isla at sa awa ng Diyos ay mapayapa pa naman ang naging pamumuhay nila.Napahawak siya sa lababo nang makita ang natitirang apat na delata sa kabinet. Sinarado niya iyon at sakto namang pumasok si Dara ng kusina."Anong lulutuin natin tonight?" tanong niya at saka nagbukas ng ref upang kumuha ng tubig.Nagpakawala ng buntong-hininga si Trixie at sumandal sa lababo."May delata pa naman, kaso…"Napatigil sa pagsalin ng tubig si Dara nang mapansin ang reaksyon ng kaibigan."Kaso?""Sa tingin ko kasi hanggang ngayong gabi na lang 'yong pagkain dito. Wala na tayong stocks, baka wala tayong kainin bukas ng umaga," saad niya at saka lumap