MAS napadiin pa ang pagkakapikit ni Leopold nang marinig ang pag alingawngaw ng putok ng baril upang ihanda ang sarili sa napipintong kamatayan.Subalit, ilang segundo na ang nakalilipas ay gising pa rin ang kaniyang diwa. Kaya muli siyang nagmulat. Ang nag-aalalang mukha ni Jonas ang bumungad sa kaniya.“J-Jonas?” wala sa loob na tanong niya sa lalaki.“Yeah, and what the fuck were you doing? You almost let the enemy take your life, you bastard!” sermon sa kaniya ng lalaki habang tinutulungan siyang makatayo. “Nakita mo ba ang mukha ng sniper?”Mahinang tumango naman ang binata sa katanungang ito ng kaibigan. Napansin din ni Jonas ang gloomy aura na nanggagalin kay Leopold na siyang ipinagtaka naman niya.“That’s good. We can at least make a sketch and know his profile. Mula doon ay maaari na natin siyang ma-track,” wika pa ni Jonas.“There’s no need to do that.”Napakunot naman ang noo ni Jonas sa tinurang ng binata. “What do you mean?”Namagitan ang saglit na katahimikan sa pagitan
LABIS ang pagkagulat ni Andrea nang makita si Leopold sa event na siya mismo ang nag organisa.“Leopold?” tawag niya sa binata. Nakita niya kung paanong manlaki ang mga mata nito dahil sa pagkabigla.Napatayo si Leopold mula sa pagkakaupo upang harapin ang dalaga. Dahil na rin may kadiliman ang paligid ay mabilis lang na nawaksi ni Leopold ang bumadhang pagkagulat sa kaniyang mga mata.“A-Andrea,” usal ni Leopold.“W-what are you doing here?” Nag-aalangang tanong sa kaniya ni Andrea.Madarama ang awkwardness ng dalawa para sa isa’t-isa ng mga sandaling iyon.“Captain?”Sabay na napalingon sina Andrea at Leopold sa lalaking bagong dating. Si Damian. Napansin pa ni Leopold ang mabilis na pagpulupot ng braso nito sa beywang ni Andrea na para bang hayop na minamarkahan ang kaniyang teritoryo.“Damian,” anas ni Leopold.“What brought you here, Cap?” tanong ni Damian.Agad naman na nag isip ng dahilan si Leopold. Hindi naman niya maaaring aminin sa lalaki na narito siya sa event dahil sa is
“Stop!”Napahinto sa paglapit kay Ms. Filomeno ang mga kalalakihan nang marinig ang mababa at malamig na tinig na nag mula sa likuran ng mga ito.Natuon naman ang mga mata nina Leopold sa lalaking bagong dating. Nakasuot ito ng kulay puting coat na pinapalooban naman ng kulay itim na long sleeve. Nakangiti itong lumapit sa kanila.Hinarap naman ito ni Leopold na habang pinakikiramdaman ang paligid. Habang ang ilan ay tumatawa at nag sasaya sa bawat biro na binibitawan ng emcee sa entablado ay seryoso at delikado naman ang bawat lilipas na segundo sa likuran kung saan naroroon sila Leopold at ang iba pa.“You must be the infamous organization called Crow, right?” the man in white asked.“And you’re from the Golden Circle, aren’t you?” Leopold asked, ignoring the man’s question.Hindi rin sumagot ang lalaki sa kaniyang katanungan. Bagkus ay inilahad lamang nito ang kaniyang kamay sa harap ni Leopold. “Levi Darkson, pleased to meet you.”Nakangiti man sa kaniyang harapan ang nagpakilalan
NAPALINGON si Andrea sa kaniyang likuran. Hindi nga siya nagkamali kung sino ito nang marinig niya ang tinig ng lalaki. Si Leopold. “What?” angil niya sa lalaki. “Can we talk?” tanong ni Leopold bago tanguan si Julie na nakakaunawa namang ngumiti at tumayo mula da kinauupuan upang bigyan sila ng pribadong oras. “We have nothing to talk about. Leave me alone,” mataray niyang tugon sa lalaki. Nag pakawala ng marahas na buntong hininga si Leopold bago muling nag salita. “I’m sorry for this…” Hinaklit niya si Andrea sa kamay na napilitan namang mapatayo. Iginiya niya ang dalaga palabas ng function hall. Nang may makitang likuan sa pasilyo ay iginiya niya roon ang dalaga. Nasa ilalim sila ngayon ng emergency stairs na ginagamit ng hotel sa tuwing magkakaroon ng aberya ang mga elevator. Nakasimangot na pumiksi si Andrea mula sa pagkakahawak ni Leopold. “What the hell is wrong with you? You jerk!” “I’m sorry. But this is the only way I can talk with you in private,” ani Leopold. “At
NAALARMA sina Jonas at Julie sa ginawa ni Leopold kaya naman bago pa pumutok ang laban ay nagawa nilang lapitan at tabihan si Leopold. Hindi naman sila nagkamali nang ginawa dahil kasalukuyan nang nakatutok sa binata ang dalang baril ni Krishmar habang nasa leeg naman ni Leopold ang kukri knife na hawak naman ni Levi. Wala na rin silang nagawa ng mga sandaling iyon kung hindi itutok sa mga ito ang dala nilang mga armas. Mabuti na lamang at may kaingayan at madilim ang paligid kung saan sila naka-pwesto dahil kung hindi ay kanina pa nakita ng ibang bisita ng event ang mga nagaganap. “Don’t make any move or you will die in here,” babala ni Jonas kay Levi habang nakatutok ang baril sa lalaki. “You too, asshole,” malamig na saad din ni Julie kay Krishmar na lumabas pa ang ugat sa noo dahil sa naging tawag ng dalaga sa kaniya. “You smells good, honey. I believe you taste good as well.” Nakangising wika ni Krishmar. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ni Grizzly na nakatumba pa rin
HALOS huminto ang pintig ng puso ni Leopold nang saksakin ni Bart si Haidee sa likuran nito. Ang masakit pa rito ay makailang ulit niya pa itong ginawa.Kitang-kita nila Leopold ang ekspresyon nang paghihirap sa mukha ni Haidee dahil sa magkakasunod na saksak na tinamo nito mula kay Bart. Napaubo rin ito ng dugo malamang dahil sa shock na tinamo ng katawan nito.“No… stop…” wika ni Leopold ngunit tanging siya lamang ang nakakarinig.Lalo siyang nanigas sa kinaroroonan nang makita kung paanong unti-unting mapapikit si Haidee habang nakangisi namang nakatingin sa kaniya si Bart. Ang tingin niya sa lalaki ngayon ay isang demonyong nagbabalat kayo bilang tao.Pilit na tumayo si Leopold sa kabila ng kaniyang panghihina upang sana’y pagbayarin si Bart sa kaniyang ginawa. Subalit bago pa man siya makalapit dito ay binitawan nito ang nag hihingalong si Haidee.Kaya naman sa halip na si Bart ay si Haidee ang agad niyang tinungo. Mabuti na lamang at nagawa niya itong masalo sa tamang oras.Agad
PATAKBONG pumasok sa medical facility ng Crow si Leopold. Parang tambol sa lakas ang pag kabog ng kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.Ni hindi na nga niya nahintay pang matapos ni Atlas ang hatid nitong balita kanina. Dahil base pa lang sa hitsura kanina ng lalaki ay hindi mabuting balita ang hatid nito sa kaniyang tahanan. Pakiramdam pa nga niya ay ang oras na mismo ang kalaban niya ng mga sandaling iyon.Wala siyang kinatatakutan. Kahit nga si kamatayan ay maaaring mahiya na lang sa kaniya dahil hindi na niya ito kinatatakutan. Sa dinami-rami na rin ng mga laban at misyon na hinarap niya ay kabisado na niya kung paano niyang matatakasan ang taga-sundo ng mga kaluluwa.Pero para sa kaniya ay naiiba ang mga sandaling ito. Hindi man siya naniniwala sa mga Diyos na sinasamba ng mga tao ay pakiwari niya ay luluhod sa kahit na saang simbahan, mosque o templo ng mga ito para lang humiling na huwag munang bawiin ang pinakamamahal na anak.Naging kapansin-pansin para sa kaniya na wala ni
PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le