Share

Chapter 21- OLD COLLEAGUES

KAUUWI lang ng bahay ni Leopold nang marinig niya ang tunog ng doorbell. Napapakamot na lang siya sa ulo dahil dis-oras na ng gabi ay mayroon pa ring bumibisita sa kaniya.

Natigilan naman siya nang mapagtanto ito. Wala ni isa man sa mga kakilala niya ang nagtatangkang magtungo sa kaniyang tahanan ng dis-oras ng gabi.

Mabilis niyang kinuha ang baseball bat na nasa tabi ng shoe rack at sumilip sa peep hole ng pinto.

Bumungad sa kaniyang mga mata ang pigura ng isang lalaki ngunit hindi niya makilala ito dahil nakasuot ito ng jacket na may hood.

Kahina-hinala ang ikinikilos ng lalaki dahil palinga-linga pa ito sa paligid na para bang natatakot itong may makakita sa kaniya sa lugar.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Leopold sa baseball bat nang sumagi sa isip niya ang hitsura ng lalaking umatake sa kanila ni Lia noong nakaraan.

Nagulat pa si Leopold nang marinig ang pag click ng lock, indikasyon na nagawa itong buksan ng lalaki mula sa labas. Napat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status