Share

Chapter 55- DOUBT

NAGPALINGA-LINGA si Damian sa paligid upang hanapin si Andrea. Matapos lang ang ilang sandali ay nakita niya na rin ang dalaga. Ngunit nakatalikod ito sa kaniya.

Hahakbang na sana siya papalapit dito nang mapansin kung nakayakap ito sa kung sino. Nag salubong ang kilay ng binata at mabilis na tinawid ang kapirasong espasyong pagitan niya sa mga ito.

Mabilis na sumulak ang dugo ng lalaki. Pakiramdam niya ng mga panahong iyon ay may aagaw kay Andrea mula sa kaniya.

“Andrea!”

Kaagad naman na napalingon sa kaniya ang dalaga. Napatayo si Andrea nang mapansin na magkasalubong na ang kilay ni Damian.

Doon naman nakita ni Damian na si Leopold pala ang kayakap ng binata. Nakita pa niya kung paanong pasimple na pinahid ng binata ang mga luha.

“Captain,” bati niya sa lalaki. Nilapitan niya pa ito upang kamayan. “I’m so sorry for your loss.”

“Thank you, Enriquez.” Malungkot na tugon ni Leopold

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status