Share

CHAPTER 308

Penulis: dyowanabi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-10 23:05:27

"Sorry, Chantal, but I'm busy… uuwi pa ako sa Quezon ngayon."

"Huh… akala ko ba ay aaasikasuhin mo na ang kaso ko?"

Lumapit si Chantal sa law firm nila para magpatulong sa kaso nitong kinasasangkutan. Na-scam ito ng isang malaking kumpanya. Kinuha ito'ng model ng isang beauty product at sa huli ay hindi binayaran.

"Nakakapagdesisyon na akong si Attorney Kian Singson na lang ang hahawak ng kaso mo. Ikakasal na ako at kailangan ako ng fiancé ko sa pag-prepare ng kasal namin." Malamig na sambit niya sa dalaga. Hindi niya lang masabi na paaraan niya din iyon para sa paglayo sa tukso.

"Pero ikaw ang gusto kong maging abogado ko! I’m paying at karapatan ko naman sigurong mamili ng abogado, di ba?"

"Attorney Kian is as competent as me. Hindi ka namin bibiguin. Ipapapanalo namin ang kaso mo." sambit nya sa dalaga.

"Wala akong pakialam Caleb! Ang gusto ko ay ikaw ang abogado ko!"

Humogot cya ng malalim na hininga sa kakulitan ni Chantal. "In that case, baka maghanap ka na lang ng ibang law f
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Rochellevi
Ingat ka Caleb.. ika nga Ang isda ay nahuhuli sa bibig, baka sa gitna ng babe time nyo eh mabanggit mo ang pangalan ni Chantal. Wala kang lusot dun at panigurado sira ang tiwala sayo ni Belle at mahihirapan ka namang ibalik yun baka maglaslas ka naman nyan
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Sana Caleb hwag Ka munang bumalik SA Manila hanggang hnd pa kayo kasal ni Belle iwas Higad LNG Baka tuluyan Ka Ng magkasala at Kung lambingin mo si belle Sana hnd ang Higad ang NASA isip mo
goodnovel comment avatar
H i K A B
Naku Caleb! Mabuti at nakaiwas ka, pero sa ugali ni Chantal baka di ka nya titigilang akitin. Kaya dapat mawala yang ganyang pakiramdam mo sa kanya. Pero huwag mo sanang gagalawin si Belle ng si Chantal ang naiisip mo. Napakasakit din noon.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 250

    BELLE'S POVKasalukuyan siyang nasa kwarto niya sa bahay nila sa Manila. It’s been two years mula nang makauwi siya ulit... ang this time ay kasama na niya ang mommy at daddy niya.Nakahiga lang siya, nakaunan sa kamay habang nakatingin sa kisame. Pagkatapos ng kanyang pag-alis noon, hindi na niya alam kung ano pa ang babalikan sa Pilipinas. Hindi na siya sanay dito, lalo na’t tinalikuran na niya ang lahat ng koneksyon niya sa Pilipinas. Maging ang best friend niyang si Yassy, pinutol na rin niya ang ugnayan.Ngayon, narito sila muli sa Pilipinas, at pinipilit siya ng daddy niyang makipagsalamuha ulit sa mga kaibigan niya. How can she do that? Hindi niya alam kung matatanggap pa siya ng mga ito. Oo nga’t siya ang umalis dahil siya ang nasaktan, pero hindi rin niya maipagkakaila na nasaktan din niya si Caleb.Napag-alaman niya na itinuloy pa rin ni Caleb ang reception at sa simabahan kahit pa hindi nito alam kung sisipot siya. He prepared everything... at sa araw ng kasal nila, hindi s

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 249

    Nasa gitna ng Makati ang Tambayan Restobar, kung saan napapalibutan ng mga buildings, kaya puntahan ang bar nila lalo na kapag Friday, Saturday, and Sunday. Mga celebrities din ang mga customers nila doon, kaya hindi basta-basta ang restobar nila.“Tambayan huh?” Napangiti si Senator habang tinitingnan ang pangalan ng kanilang restobar.“Yeah... literal na tambayan namin ito kaya Tambayan na din ang pinangalan namin.” paliwanag nya“Hmm... very witty... very catchy and cozy vibes... I’m impressed,” komento ni Senator nang pumasok na sila sa loob.“Maiiwan ko muna kayo, Senator. Tatawagin ko lang sila. I’m sure nasa office sila.”“Sure, iho.”“Greg... paki-assist si Senator,” utos niya sa waiter.“Good evening po, Senator. Dito po tayo,” magiliw na sabi ng waiter niya.Dumiretso na siya sa office. Kailangan niyang ipaalam sa mga kaibigan na andoon si Senator Benigno at balaan ang mga ito na ‘wag na ‘wag magbanggit tungkol kay Belle. As much as possible ay ayaw niyang magkaroon ng ano m

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 248

    Pinindot niya ang intercom na nakakonekta sa office ng sekretarya niya.“Umalis na ba si Senator?” tanong niya nang sinagot nito ang tawag.“Kakaalis lang, Attorney.”“Pwede mo bang ihatid dito ang mga dokumentong iniwan niya?”Hindi naman nagtagal ay dumating na si Tracy, dala ang dokumento ni Senator."Ang iba daw na mga papeles ay ipapahatid na lang niya."Tumango siya saka isa-isang tiningnan ang mga papeles. Napunta ang mata niya sa address na nakalagay sa profile ni Senator... sa UK na pala ito nakatira.Nandoon din kaya si Belle? Kaya pala hindi niya mahanap ang nobya. Doon pala nakatago sa ibang bansa kasama ang mommy nito.Matatandaang sa UK naninirahan si Tita Lourdes. Doon din nagtago ang ginang noong may banta sa buhay nito dahil sa pambababae ni Senator.Humugot siya ng malalim na hininga. “Ang tindi talaga ni Belle... ang bilis na lang sumuko.” Sa loob ng dalawang taon ay wala man lang paramdam kahit ano. Tuluyan na talaga siyang kinamuhian nito.Well... sila lang ba ang

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 247

    "K-kamusta ka na, Senator?" muling tanong nya“You see, I’m looking great, Caleb!” nakangiting sabi ni Senator.Pinagmasdan nya ang ginoo. Halatang masaya nga ito kung ano man ang dispusisyon nito. “Oo nga po... Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong niya.Pinigilan niyang tanungin ang senador tungkol kay Belle... kung may asawa na ito, o kung nasaan na siya ngayon. Ayaw niyang marinig ang sagot, baka masaktan lang siya lalo kapag nalaman niyang naka-move on na ito… samantalang siya, still holding on.“Pumunta ako dito dahil may ipapaayos akong legalities namin ni Lourdes,.” tugon ng senador.“Nagkabalikan na po kayo?” masayang tanong niya. Kahit paano, natuwa rin siya para sa senador.“Yes. Nagkabalikan na kami. Yun din ang pinunta ko rito. Alam mo naman, sa’yo lang ako may tiwala. Ikaw lang palagi ang inaasahan ko sa mga legal na bagay.”Lihim siyang napangiti. Kahit matagal na pala silang hindi nagkita, hindi pa rin nawawala ang tiwala nito sa kanya.“Ano po ba ang kailanga

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 246

    *****Lumipas pa ang mga araw at muli na naman siyang naging abala. Nagpapasalamat siya dahil ang restobar na itinayo nila ay hindi lang sa opening maraming tao... halos gabi-gabi ay napupuno ang bar nila. Iba din kasi talaga kapag hands-on ang mga may-ari sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa dami ng negosyo nila, natutunan na rin nila ang pasikut-sikot sa larangan ng pagnenegosyo.Hindi pa nga siya nakakauwi sa Quezon Province at hindi pa rin niya natutupad ang pangako niya kina Almira at sa kaibigan nitong bibisitahin niya sa school at ililibre ng snacks.Aaminin niyang nami-miss na niya ang magandang mukha ni Gail. Wala rin siyang contact number nito. Sinadya niya talagang hindi kunin dahil alam niya sa sarili na hindi pa siya handa. Abala rin siya sa pagpapatakbo ng negosyo kaya alam niyang mawawalan din siya ng oras kung sakali. Ayaw niyang paasahin ang dalaga. Di bale, susurpresahin na lang niya ito kapag naka-uwi siya.Kasalukuyan siyang nagbibiyahe papunta sa kanyang law firm. Tuma

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 245

    "Why don't you join us here, girls?" Aya niya. Ang dalawa ay excited agad, pero si Gail ay mukhang nahihiya pa. Tiningnan niya ito at nginitian. Agad namang namula ang dalaga. Tila naramdaman naman ni Almira na mukhang interesado siya kay Gail kaya tinulak nito ang kaibigan at doon umupo sa tabi niya."You guys drove all the way to Quezon to be here?" tanong niya nang makaupo na ang mga ito."Ah, hindi, Atty. Ledesma...""Call me Caleb, please..." nahihiyang sabi niya. Muli na namang kinilig ang mga ito."Sumabay po kami kay Conci Liam. Ininvite kami ni Almira na pumunta dito." sagot ni Faith. Ito ang pinaka madaldal sa tatlo"Thanks for coming, ha... kayo ang magigiting na teacher ng ating lungsod.""Hahaha.. Kuya, maestra din naman ako pero bakit hindi mo sinasabi sa akin 'yan?" kunyaring inis na wika ni Almira."Ewan ko ba sa 'yo kung bakit ka naging maestra. Hindi ko nga lubos maisip kung ano ang tinuturo mo sa mga estudyante mo, eh puro kalokohan lang naman ang alam mo.""Huy, hi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status