"Y-Yassy..." sambit nito.
Nagkatinginan sila, automatikong tumulo ang luha nya. Akmang hahawakan cya nito pero iwinaksi niya iyon at mabilis na tumakbo papunta ng kwarto nya.
Ayaw niya itong makausap. Alam niyang sumusunod si Hunter kaya ni-lock niya agad ang pinto para hindi ito makapasok. Humiga cya sa kama at doon binuhos ang lahat ng sakit ng loob. "Huhuhuh... akala ko pa naman ay importante ako sa kanya!... akala ko pa naman ay mahal niya din ako... yun pala ay pareho lang ito sa ibang mga lalaki na manloloko!" galit na wika nya. Maya-maya ay may narinig siyang katok sa pinto. Napahawak cya sa bibig nya, ayaw nyang gumawa ng ano mang ingay. Tahimik cyang humihikbi. "Yassy, can we talk? It's not what you think, baby!... let's talk please?" nagmamakaawang wika nito. Muli siyang naiyak, huling-huli na siya magsisinungaling pa! Sigaw ng isip niya. Hindi siya gumagawa ng ingay, gusto niyang isipin nito na wala siya doon o di kaya ay natutulog na."Yass, please... I know you're there! Open the door, please bunso?... muling sambit nito pero nagmatigas siya. Kapag pinayagan niya ito ay baka madala lang siya sa mga kasinungalingan nito. Hindi siya sumagot at hinayaan lang ito na kumatok ng kumatok doon... ang sakit-sakit ng puso niya.
Maya-maya naman ay nag-ring ang cellphone niya... it's Hunter again! Tinatawagan siya nito dahil hindi niya pinagbuksan ang pinto. Nilagay niya sa ilalim ng unan ang cellphone para hindi gumawa ng ingay. Gigil na gigil lang itong makausap siya para pagtakpan ang kasinungalingan nito! Nang matapos ang pag-ring ay agad siyang nakatanggap ng message... it's from Hunter again... "Bunso... please talk to me... there's nothing going on with me and Tricia! Please believe me... Talk to me, please!" Yun ang text na natanggap niya mula kay Hunter. Lalong tumulo ang luha niya. Gusto niyang paniwalaan ito pero iba ang narinig niya kanina sa CR. Parang pinipiga ang puso niya, naglalaro sa isip nya kung paano romansahin ni Hunter si Tricia. Katulad din ba ng pagromansa nito sa kanya kanina? Ang mga haplos na pinadama nito sa kanya ay ganun din ba ang pinadama nito kay Tricia? Mababaliw na cya sa kakaisip! Oo, nga't wala naman silang relasyon, pero paano na ang nangyari sa kanila kanina? Halos naibigay niya na ang sarili! Wala lang ba ito sa kanya? Kaya ba naghanap ito ng iba dahil hindi niya naibigay ang gusto nito kanina?Paniwalang paniwala cya. Ang sabi pa nito ay pananagutan cya nito pagdating ng panahon! Hindi na mangyayari ang panahon na iyon dahil ngayon pa nga lang ay napako na ang pangako nito sa kanya. Ang sakit ng dibdib niya. Parang sasabog ang puso niya!
Narinig niya ang mga yapak ni Hunter papalayo mula sa kwarto niya nang walang makuhang sagot mula sa kanya... umalis na si Hunter. Ang kanina pang pinipigilang pag-iyak ay nilabas niya na. "huhuhuh!...." binuhos nya ang lahat ng sakit. Ang sakit-sakit ng puso niya, ngayon pa talaga siya nabigo sa kaarawan niya? "Isinusumpa kita, Hunter!... pagbabayaran mo ang ginawa mo sa 'kin... hinding-hindi na ako padala sa mga buladas mo!... hindi na ako ang dating bunso na kilala mo. Sinira mo ang buhay ko! Simula ngayon ay kakalimutan na din kita. Hindi na kita mahal... tandaan mo 'yan! Huhuhuh..." iniyak na nya ang lahat ng sakit ng dibdib nya, ang akala nyang masayang debut ay magiging bangongot pala. Hindi na siya lumabas sa kwarto kahit pa naririnig niyang masayang nagkakantahan ang mga kaibigan nila. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa bintana. Mula doon ay makikita niya ang mga kaganapan sa baba... dahan-dahan niyang hinawi ang kurtina. Narinig niyang hinahanap siya ng mga kaibigan pero walang makakasagot kung nasaan siya. "Baka tulog na... hindi kasi sanay uminom yun kaya baka nalasing kaagad!" wika ni Kuya Caleb sa mga bisitang naghahanap sa kanya. Nabaling ang tingin nya kay Hunter, umupo ito pero malayo kay Tricia. Mukhang badtrip din si Tricia kay Hunter. Nakita niyang nakatingin si Hunter sa bintana niya mula sa ibaba... parang nagtama ang mga mata nila kahit pa hindi nito alam na andoon siya. May nakita siyang lungkot sa mga mata nito pero hindi siya maaring magpabulag... oo nga't mahal niya ito, pero sinaktan siya ni Hunter! Muli siyang bumalik sa kama at humiga... muli na namang tumulo ang luha niya. Akala niya ay masaya ang ma-inlove... hindi pala!Si Hunter ang first love niya simula pa nung bata cya. Buong childhood nya ay halos magkasama sila. Napakasaya ng kabataan nila... tagapagtanggol nya ito sa mga nambu-bully sa kanya. Si Hunter din ang tagatakip ng kasalanan nya sa tuwing mapapagalitan cya ng mga magulang niya. Naging hero nya si Hunter sa musmus nyang edad. Ganun ito ka importante sa kanya! Pero ang lahat ng iyon ay nawala na parang bula.
Hinayaan nyang tumulo ang kanyang mga luha, she felt so alone. Pakiramdam nya ay nawalan cya ng kaibigan at kakampi.
Pinikit niya ang mga mata at pinilit matulog... dahil na din sa nainom niyang alak ay agad naman siyang nakatulog na may luha sa mga mata.
Maaga pa lang ay ginising na siya ni Fern. Halos hindi pa nga siya nakabawi sa jetlag pero kailangan niyang bumangon. First day sa bagong trabaho, first day din sa bagong buhay.Agad siyang naligo at nagsuot ng kanyang ternong beige pants and blazer. Dapat ay pormal ang kanyang suot sa unang araw sa trabaho. Kailangan niyang magpakitang-gilas. Naglagay siya ng manipis na make-up, ayaw naman niyang maging yagit tingnan ng kanyang mga co-teachers at estudyante. She wants to be confident sa harap ng mga ito.“Ready ka na?” tanong ni Fern na naka-formal na attire dinMedyo kabado siyang tumango. “Oo, friend. Pero kinakabahan ako. Baka hindi nila ako magustuhan.”Ngumiti si Fern at tinapik siya sa balikat. “Don’t worry, mababait ang mga co-teachers natin dito. At saka, trust me, masasanay ka rin.”Pagdating nila sa school ay agad siyang namangha. Ang building ay parang luma pero elegante. Pagpasok nila ay sinalubong sila ng principal, isang matandang Italyana na mukhang strikta pero maba
"Alam mo naman na pupunta na ako dito, di ba? Saka kung kelan naman kasi na aalis ako ay saka siya ang magpo-propose! 31 na ako, Fern! Kung nag-propose sana siya noong mga 25 o 28 ako, di sana wala ako dito ngayon! Kung saan-saan pa kasi siya naghahanap ng girlfriend eh nasa tabi lang naman niya ako!" May halong inis at lungkot ang boses nya. “Yun ba ang dahilan mo? Nagtatampo ka dahil ngayon ka lang niya napansin?” Tiningnan niya ito ng masama at sinamangutan. “Exactly! Alam niyang may gusto ako sa kanya, matagal na, pero binabalewala niya lang ako. Ngayon siya na ang naghahabol sa akin at ako naman ang bumabalewala sa kanya!" “Ngayon, ang tanong... masaya ka ba? Masaya ka ba dahil nasaktan mo si Liam? Eh sa tingin ko nasasaktan ka din eh.” “Shut up, Fern!” “Hahaha.. haay naku. Tagu-taguan kayo ng feelings.” “S-sinabi ko sa kanya na hintayin niya ako pero hindi siya pumayag. It’s now or never daw.” “Well, kung baka hindi kayo para sa isa’t isa. Baka dito ka makahanap ng "The
ALMIRA'S POV: Kakadating lang niya sa Leonardo da Vinci International Airport. Pagod na pagod siya. Almost twenty hours din ang flight niya from Manila to Rome, Italy. Nag stop-over pa kasi ang eroplano sa Dubai bago makarating sa Rome, Italy. Now that she is here ay wala na talagang atrasan pa. Palibot-libot ang mata niya sa paligid. Hindi niya masyadong naiintindihan ang mga tao dahil Italian ang gamit nitong wika. Pero may iba din namang nag-e-English. Habang hinihintay ang kanyang bagahe ay tahimik lang siya doon sa tabi. Susunduin siya ng kanyang kaibigan na si Fern pero hindi niya alam kung andoon na ito sa labas. Ito ang co-teacher niya na pamangkin ng kanilang principal at nag-aya sa kanyang pumunta doon. Si Fern din ang nag-asikaso ng mga papeles niya para mapabilis ang kanyang pag-alis. Habang nakatayo lang siya doon ay namamangha siya sa mga Italyanong mga gwapo at magaganda. Unang punta niya sa ibang bansa kaya medyo aanga-anga pa siya. Maging sa eroplano nga ay fir
LIAM'S POV:“Uhmmm… Almira…”Mahimbing pa rin ang tulog niya, pero unti-unti nang sumasakit ang kanyang ulo sa sobrang kalasingan. Mabigat ang mga talukap ng mata niya, parang binibiyak ang kanyang sentido.Pagdilat niya ay napabalikwas siya, putlang-putla sa nakita. Wala siyang suot na t-shirt, bukas ang pantalon niya at wala siya sa kanyang bahay!Nilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa sala siya ni Celeste! Agad siyang napa-upo at inayos ang suot."What the hell happened?"Kinapa niya ang sarili, mabilis ang tibok ng puso. Wala siyang maalala, maliban sa nagpapakalasing siya sa bar at dumating si Celeste.“Celeste?!” malakas niyang tawag, nanginginig ang boses. Pero walang sumagot.Maya-maya ay nakita niya ang babae na pababa sa hagdan na nakasuot ng silk na robe at mukhang nang-aakit.“Damn it…” bulong niya, halos mapamura sa galit. May pakiramdam siyang masamang balita ang sasabihin nito sa kanya.“Ano ‘tong kalokohan mo, Celeste?”“Kalokohan? Babe, you were here… with me. All n
CELESTE POV:"Now you’re mine, Liam..." Nakangising sabi niya habang nakatingin sa dating boyfriend na walang malay sa kanyang couch. Matagal na niyang alam na may gusto ito sa bestfriend na maestrang Almira na yun. Ano ba ang nakita ni Liam eh wala namang special sa babaeng yun... She is so ordinary!"Pero ngayon, wala nang hahadlang sa atin."Dali-dali niyang hinubad ang pantalon ni Liam at nilabas ang alaga nito.“Hmmm... I miss you, babe...” sambit niya habang hinihimas ang alaga nito.“Ahhh... Almira... Almiraaa...”Naningkit ang kanyang kilay ng si Almira ang sinasambit ni Liam habang pinapaligaya niya ito. "Ang sarap sampalin!" asik niya sa sarili.Pero hindi... kailangan niyang maging pasensyosa kung gusto nyang balikan siya ni Liam.“Shit!” usal niya. Napagod na ang kamay niya sa kaka-jak*l kay Liam pero hindi pa din ito tumatayo. Paano niya ngayon magagawa ang kanyang plano?Kailangan may mangyari sa kanila sa gabing iyon kung hindi ay wala na siyang tsansa.Muli niyang nila
LIAM'S POV:Kasalukuyan siyang nasa bar, nagpapakalasing. Kanina pa siya doon at halos di na siya makatayo. Kanina pa din umalis si Almira. Napakasakit dahil hindi talaga niya napigilan ang pag-alis nito. Kahit pa nag-propose na siya ay hindi man lang nito nabigyan ng importansya. Pakiramdam niya ay naibigay naman niya ang lahat ng posibleng magpapatigil kay Almira na huwag umalis, pero hindi talaga tinanggap ng dalaga. So I guess hindi talaga siya importante.Tumungga siya at inubos ang whisky na nasa baso niya, napangiwi siya sa pait. Siguradong bagsak siya mamaya dahil hindi na kaya ng katawan niya.“Waiter, bigyan mo pa ako dito!” halos hindi na niya masambit ang kanyang sinasabi.“Ah kasi, Consi, sobrang lasing mo na. Baka di mo na kayang umuwi...”“Wala kang pakialam! Basta bigyan mo pa ako dito ng whisky!”“Y-yes po, Consi...” Napakamot na lang ng ulo ang waiter.Kulang pa, nararamdaman pa rin niya ang sakit sa puso niya, kaya kailangan pa niyang uminom. Titigil lang siya kung