********************
YASMIN THERESE LEDESMA POV: Napailing siya nang muling maalala ang huling tapak niya doon sa probinsiya nila sa Quezon Province. Inayos ni Yassy ang dark sunlasses habang nagda-drive pauwi. It's been three fucking years since she came back to this place. Binuksan niya ang bintana ng kotse at dinama ang lamig na simoy ng hangin. Hinayaan niyang liparin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Napakasarap iyon sa pakiramdam... para siyang dinuduyan. Huminga siya ng malalim at pinuno ng malinis na hangin ang baga niya... ang sarap sa pakiramdam. Ibang-iba ang simoy ng hangin sa probinsiya kumpara sa Manila. Aaminin niyang na-miss niyang umuwi doon, pero hangga’t maaari ay ayaw na niyang tumapak sa lugar na iyon. Kung hindi lang dahil sa pamimilit ng papa niya ay baka hindi na siya tatapak doon kailanman... kahit pa gustuhin niya. Nasa harap na siya ng hacienda nila. Pinasok niya ang kotse sa gate. Binuksan iyon ng katiwala nilang si Mang Dencio. Ngumiti pa ito ng makita cya. Parang inaasahan na ng lahat ang pagbabalik nya. Puno ng mga kahoy ang hacienda nila. May taniman sila ng mga puno ng niyog at mangga. Nakita niyang naghihintay na ang papa at mama niya doon sa veranda. Imbes na matutuwa ang mga ito sa pagdating niya ay tila kabaliktaran iyon... sinusundan ng masamang tingin ng mga magulang nya ang sakay nyang kotse. Napabuntong-hininga na lang siya, alam na niya kung ano ang ikinagagalit ng mga ito. Paglabas niya ng kotse ay dumiretso agad siya sa mama at papa niyang nakapamaywang at naghihintay sa paglapit niya. Akmang hahalik siya sa pisngi ng mga ito pero umiwas sila. “What are you thinking, Yassy? Are you out of your mind? Gagawa ka na nga lang ng kalokohan, sa abroad pa? Pinahiya mo ang pamilya natin! Ang akala ko pa naman ay matino ka doon. Puro katomboyan lang pala ang gagawin mo doon?” galit na wika ni Papa.Napabuntong-hininga na lang siya. Kahit pa mag-explain siya ay alam niyang wala namang maniniwala sa kanya. Lumabas sa internet ang malalaswang picture nila ni Phoebe. ‘Yun ang ikinakagalit ng mga magulang niya. Umupo siya sa sofa na parang pagod na pagod. Alam niyang mangyayari ito dahil ito naman ang dahilan kung bakit siya pinauwi sa Quezon Province... para pagalitan.
“Pinayagan ka naming pumunta ng London dahil sabi mo mag-aaral ka, pero ano ang ginawa mo?” tanong ni Papa. “Dad, nag-aaral ako doon, matino ako! Napagtripan lang ako ng mga akala kong kaibigan, pero wala akong kasalanan!” pilit niyang ipinaliwanag sa kanila ang nangyari. Naipaliwanag na nya ito over the phone, tinawagan agad cya ng Papa nya ng makita ang mga kumakalat ng litrato nya sa internet pero sarado na ang utak ng mga ito. “So paano mo ipapaliwanag ang mga nagsilabasang picture sa internet? Sa tingin mo ay paniniwalaan ka ng mga tao?” “Wala akong pakialam sa kanila kung ayaw nilang maniwala sa akin! Basta ako, wala akong ginagawang masama!” pasigaw niyang sagot, nawawalan na din cya ng pasencya. "Don't you dare raise your voice at us! From now on, hindi ka na aalis ng Pilipinas! Hindi mo na tatapusin ang pag-aaral mo sa London at dito ka na sa Quezon para mabantayan namin ang katigasan ng ulo mo! Go to your room!” sigaw ng papa niya. Nagulat sya sa sinabi nito. “You can’t do this to me, Pa! Hindi ko maaaring i-give up ang pagme-medisina ko! Isang sem na lang at ga-graduate na ako!” Napatayo cya para salungatin ang desisyon ng Papa nya. “Bahala ka sa buhay mo! Magtanim ka ng niyog at mangga dito, pero hindi na kita papayagang bumalik doon at magpapaka-tomboy! Look at yourself, kaganda-ganda mong babae pero ganyan ka manamit?! Kung dati ay hinayahaan ka lang namin, ngayon ay puputulin na namin ang sungay mo!” Naluha siya sa sinabi ng ama. Sarado na ang utak nito at tila naniniwala talaga sa mga lumalabas na litrato. Kung tutuusin ay kapani-paniwala naman talaga pero alam niya sa sarili na walang nangyaring ganun! “Go to your room!” pagtataboy nito sa kanya. “Salvador, hinay-hinay lang, baka atakihin ka sa puso...” wika ng mommy niya, tahimik lang ito kanina pa. Hinid nya alam kung saan ito kakampi... sa kanya o sa papa nya. “Ang anak mo na ‘yan ang papatay sa akin! Kung sino pa ang babae ay siya pa ang matigas ang ulo! Bakit di mo gayahin ang kuya Caleb mo?!” muling sigaw nito. Kinokompara na naman sila ng kuya niya kahit pa magkaibang-magkaiba sila. Ayaw kasi ng mga ito ang kurso niya. Ang gusto nilang kunin niya ay ang related sa business dahil marami silang negosyo, pero medisina ang gusto niya. Yun na ang pangarap nya simula pa nung bata sya... ang maging isang doktor. “Ano pa ang hinihintay mo, Yasmin?! Umalis ka sa harapan ko!” dumagondong ang boses nito sa buong mansion. Padabog siyang tumayo mula sa sofa at tumakbo sa kwarto niya. Pagbukas niya ng kwarto ay pabagsak na sumalpak siya sa kama.Biglang tumulo ang luha niya, hindi niya matanggap ang sinabi ng papa niya. Paano na siya ngayon? Hindi na niya maipagpatuloy ang pag-aaral niya? Sa Quezon na siya mabubulok!
Galit na galit siya... sinira lang ni Phoebe na iyon ang future niya! Kaibigan nya si Phoebe, tomboy ito. Matagal na nyang alam na may gusto si Phoebe sa kanya, pero dahil nga magkaibigan sila ay hinayaan nyang umali-aligid lang ito sa kanya kahit pa napagkakamalan na silang mag-jowa. Maganda din si Phoebe pero halata talaga sa mga kilos at pananamit nito ang pagka-tomboy. Kahit anong panliligaw ang gawin nito ay hindi cya interesado dahil hindi sila talo. Totomboy-tomboy lang kasi cya pero may parte sa puso nyang naguguluhan pa.Tumihaya siya ng higa at tumingin sa kisame, tila kumukuha doon ng sagot sa mga katanungan niya. Bakit kasi ito nangyari sa kanya? Parang lapitin siya ng problema. Inalala niya kung ano ang nangyari sa kanya sa London at ang dahilan ng pagpapa-uwi sa kanya....
Maaga pa lang ay ginising na siya ni Fern. Halos hindi pa nga siya nakabawi sa jetlag pero kailangan niyang bumangon. First day sa bagong trabaho, first day din sa bagong buhay.Agad siyang naligo at nagsuot ng kanyang ternong beige pants and blazer. Dapat ay pormal ang kanyang suot sa unang araw sa trabaho. Kailangan niyang magpakitang-gilas. Naglagay siya ng manipis na make-up, ayaw naman niyang maging yagit tingnan ng kanyang mga co-teachers at estudyante. She wants to be confident sa harap ng mga ito.“Ready ka na?” tanong ni Fern na naka-formal na attire dinMedyo kabado siyang tumango. “Oo, friend. Pero kinakabahan ako. Baka hindi nila ako magustuhan.”Ngumiti si Fern at tinapik siya sa balikat. “Don’t worry, mababait ang mga co-teachers natin dito. At saka, trust me, masasanay ka rin.”Pagdating nila sa school ay agad siyang namangha. Ang building ay parang luma pero elegante. Pagpasok nila ay sinalubong sila ng principal, isang matandang Italyana na mukhang strikta pero maba
"Alam mo naman na pupunta na ako dito, di ba? Saka kung kelan naman kasi na aalis ako ay saka siya ang magpo-propose! 31 na ako, Fern! Kung nag-propose sana siya noong mga 25 o 28 ako, di sana wala ako dito ngayon! Kung saan-saan pa kasi siya naghahanap ng girlfriend eh nasa tabi lang naman niya ako!" May halong inis at lungkot ang boses nya. “Yun ba ang dahilan mo? Nagtatampo ka dahil ngayon ka lang niya napansin?” Tiningnan niya ito ng masama at sinamangutan. “Exactly! Alam niyang may gusto ako sa kanya, matagal na, pero binabalewala niya lang ako. Ngayon siya na ang naghahabol sa akin at ako naman ang bumabalewala sa kanya!" “Ngayon, ang tanong... masaya ka ba? Masaya ka ba dahil nasaktan mo si Liam? Eh sa tingin ko nasasaktan ka din eh.” “Shut up, Fern!” “Hahaha.. haay naku. Tagu-taguan kayo ng feelings.” “S-sinabi ko sa kanya na hintayin niya ako pero hindi siya pumayag. It’s now or never daw.” “Well, kung baka hindi kayo para sa isa’t isa. Baka dito ka makahanap ng "The
ALMIRA'S POV: Kakadating lang niya sa Leonardo da Vinci International Airport. Pagod na pagod siya. Almost twenty hours din ang flight niya from Manila to Rome, Italy. Nag stop-over pa kasi ang eroplano sa Dubai bago makarating sa Rome, Italy. Now that she is here ay wala na talagang atrasan pa. Palibot-libot ang mata niya sa paligid. Hindi niya masyadong naiintindihan ang mga tao dahil Italian ang gamit nitong wika. Pero may iba din namang nag-e-English. Habang hinihintay ang kanyang bagahe ay tahimik lang siya doon sa tabi. Susunduin siya ng kanyang kaibigan na si Fern pero hindi niya alam kung andoon na ito sa labas. Ito ang co-teacher niya na pamangkin ng kanilang principal at nag-aya sa kanyang pumunta doon. Si Fern din ang nag-asikaso ng mga papeles niya para mapabilis ang kanyang pag-alis. Habang nakatayo lang siya doon ay namamangha siya sa mga Italyanong mga gwapo at magaganda. Unang punta niya sa ibang bansa kaya medyo aanga-anga pa siya. Maging sa eroplano nga ay fir
LIAM'S POV:“Uhmmm… Almira…”Mahimbing pa rin ang tulog niya, pero unti-unti nang sumasakit ang kanyang ulo sa sobrang kalasingan. Mabigat ang mga talukap ng mata niya, parang binibiyak ang kanyang sentido.Pagdilat niya ay napabalikwas siya, putlang-putla sa nakita. Wala siyang suot na t-shirt, bukas ang pantalon niya at wala siya sa kanyang bahay!Nilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa sala siya ni Celeste! Agad siyang napa-upo at inayos ang suot."What the hell happened?"Kinapa niya ang sarili, mabilis ang tibok ng puso. Wala siyang maalala, maliban sa nagpapakalasing siya sa bar at dumating si Celeste.“Celeste?!” malakas niyang tawag, nanginginig ang boses. Pero walang sumagot.Maya-maya ay nakita niya ang babae na pababa sa hagdan na nakasuot ng silk na robe at mukhang nang-aakit.“Damn it…” bulong niya, halos mapamura sa galit. May pakiramdam siyang masamang balita ang sasabihin nito sa kanya.“Ano ‘tong kalokohan mo, Celeste?”“Kalokohan? Babe, you were here… with me. All n
CELESTE POV:"Now you’re mine, Liam..." Nakangising sabi niya habang nakatingin sa dating boyfriend na walang malay sa kanyang couch. Matagal na niyang alam na may gusto ito sa bestfriend na maestrang Almira na yun. Ano ba ang nakita ni Liam eh wala namang special sa babaeng yun... She is so ordinary!"Pero ngayon, wala nang hahadlang sa atin."Dali-dali niyang hinubad ang pantalon ni Liam at nilabas ang alaga nito.“Hmmm... I miss you, babe...” sambit niya habang hinihimas ang alaga nito.“Ahhh... Almira... Almiraaa...”Naningkit ang kanyang kilay ng si Almira ang sinasambit ni Liam habang pinapaligaya niya ito. "Ang sarap sampalin!" asik niya sa sarili.Pero hindi... kailangan niyang maging pasensyosa kung gusto nyang balikan siya ni Liam.“Shit!” usal niya. Napagod na ang kamay niya sa kaka-jak*l kay Liam pero hindi pa din ito tumatayo. Paano niya ngayon magagawa ang kanyang plano?Kailangan may mangyari sa kanila sa gabing iyon kung hindi ay wala na siyang tsansa.Muli niyang nila
LIAM'S POV:Kasalukuyan siyang nasa bar, nagpapakalasing. Kanina pa siya doon at halos di na siya makatayo. Kanina pa din umalis si Almira. Napakasakit dahil hindi talaga niya napigilan ang pag-alis nito. Kahit pa nag-propose na siya ay hindi man lang nito nabigyan ng importansya. Pakiramdam niya ay naibigay naman niya ang lahat ng posibleng magpapatigil kay Almira na huwag umalis, pero hindi talaga tinanggap ng dalaga. So I guess hindi talaga siya importante.Tumungga siya at inubos ang whisky na nasa baso niya, napangiwi siya sa pait. Siguradong bagsak siya mamaya dahil hindi na kaya ng katawan niya.“Waiter, bigyan mo pa ako dito!” halos hindi na niya masambit ang kanyang sinasabi.“Ah kasi, Consi, sobrang lasing mo na. Baka di mo na kayang umuwi...”“Wala kang pakialam! Basta bigyan mo pa ako dito ng whisky!”“Y-yes po, Consi...” Napakamot na lang ng ulo ang waiter.Kulang pa, nararamdaman pa rin niya ang sakit sa puso niya, kaya kailangan pa niyang uminom. Titigil lang siya kung