Share

CHAPTER 828

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-02-24 18:48:06
Pagdating sa kwarto ni Lolo Li ay kumatok siya nang dalawang beses. Mabilis naman siyang pinagbuksan ng nurse.

Nagulat ito nang siya ang bumungad. “Ano ang ginagawa mo dito, Marise?” nagtatakang tanong nito.

Gusto niya itong supladahan. Kapag sina Elise at Paulette, “Ma’am” ang tawag nito. Pero kapag sila ng mama niya, first name lang ang tawag. Wala ba silang karapatang tawaging Ma’am?

Palibhasa ay pangit na ang first impression ng mga ito sa kanilang mag-ina. Hindi niya rin naman masisi dahil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Erlinda Malabega
wahkang magtiwala sa babaeng yan
goodnovel comment avatar
Acinorev C Yalilam
To short chapter
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 982

    Kinabukasan ay bumiyahe na sila nina Tessa kasama ang kaniyang mama papuntang Quezon Province. Kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdan dahil makakapagbakasyon siya kahit sandali.Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumokontak si Nicolas sa kanya. Unti-unti na niyang tinatanggap sa sarili na baka nagbago na talaga ang isip ng lalaki. Iyon na lang ang iniisip niya para hindi gaanong masakit. Habang maaga pa, kailangan na niyang tanggapin na baka hindi talaga sila para sa isa’t isa.Pagdating nila sa mansion ng mga Flores, malayo pa lang ay nakaabang na agad sa kanila ang pamilya nina Ate Elise. Kasama nito ang asawang si Gov. Felix. Si Mayor Elijah naman ay nakayakap sa asawa nitong si Paulette habang marahang hinihimas ang malaki nitong tiyan. Malapit nang manganak si Paulette samantalang siya ay magdadalawang buwan pa lamang.Sandali siyang natigilan. Hindi naman sa naiinggit siya, pero noong mga panahong crush pa niya si Mayor Elijah, minsan ay pinangarap din niyang magkaroon n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 981

    “It’s been three days pero hindi pa rin umuuwi sina Lolo Li, Kuya Noah, at Nicolas. Miss na niya ang ugok na iyon. Sa tatlong araw na nasa Cebu ito, ni isang tawag o text man lang ay wala para kamustahin siya.Samantalang si Kuya Noah, palaging tumatawag kay Tessa. Alam naman niyang magkasama lang ang dalawa.“Hmp! Ginagalit talaga ako ng lalaking ’yon! Makikita mo, pag-uwi mo rito hindi kita papansinin. Manigas ka!”“Ano’ng sinisimangutan mo diyan, Marise?”Nagtatakang tanong ni Tessa habang nasa bahay sila. Hindi muna siya pinagtatrabaho ng kanyang mama sa grocery store para makapagpahinga nang lubusan. Ngayon, dalawa na silang buntis ni Ate Tessa, isang bagay na hindi niya kailanman inakalang mangyayari.“Tumawag na ba si Kuya Noah sa’yo, Ate?”“Oo naman. Bakit?”“Kailan daw ang balik nila dito sa Manila?”“Wala pa siyang sinasabi, pero kapag pabalik na raw sila tatawag siya agad.”Napasimangot siya.“Bakit? Hindi ka ba tinatawagan ni Nicolas?”“Hindi nga, eh. Pero wala akong pakia

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 980

    Napatitig siya kay Anthony na masama ang tingin sa kanya.“Bakit mo ginawa ’yon sa pamangkin mo, Nicolas? Wala ka na bang hiya?” galit na saad ng kanyang kuya, ang ama ni Anthony.“Ako sana ang magiging apo ni Mr. Li ngayon!” singit agad ni Anthony habang nagngangalit ang mukha. “Ako sana ang papakasalan ni Marise. Pero dahil naiinggit si Uncle Nicolas at gusto niyang mas lalong lumakas sa negosyo, inagaw niya sa akin si Marise dahil apo siya ni Mr. Li!”Hindi niya pinansin ang mga bintang nito. Sa halip ay kampante lang siyang sumandal sa sofa.“Hindi ba sinabi ko sa’yo? Matagal ko nang nobya si Marise bago pa kayo nagkakilala?” malamig niyang sagot. “At kung naging mabuti ka lang sanang nobyo sa kanya, baka hinayaan pa kitang mapunta siya sa’yo.”Kasunod noon ay mapakla siyang napangiti dahil hindi totoo iyon. Hindi niya ipapaubaya si Marise dito kahit anogn mangyari. “Pero sinabi mo rin ba sa daddy mo na may nabuntis kang ibang babae habang kayo pa ni Marise?” dagdag niya“What?

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 979

    NICOLAS POV:Hindi niya mapigilang ngumiti. Mabuti na lang at nakinig siya sa kanyang lola na magpakatapang at harapin si Marise. Kung hindi, baka nasa kwarto pa rin siya ngayon, nagpapakalunod sa alak. Hindi niya sana malalaman na buntis si Marise… at siya ang ama.Masama siyang tiningnan ni Marise habang magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Kasalukuyan silang pauwi sa mansion ng pamilya Li.“Ano’ng nginingiti-ngiti mo diyan?” sita nito.Napakamot siya sa ulo. “Wala… masaya lang ako.”Mas lalo lamang tumalim ang tingin nito sa kanya, pero ayos lang iyon sa kanya. Alam niyang balang araw, mapapalambot din niya si Marise, lalo na’t ramdam niyang boto sa kanya ang pamilya nito, lalo na si Mr. Li.“Nicolas…”Napalingon siya kay Mr. Li na nasa front seat.“Bukas, babalik kami ni Noah sa Cebu. Maaari mo ba kaming samahan? May mga aasikasuhin kami roon tungkol sa negosyo.”Bahagya siyang nagulat. “A-ah… pwede po akong sumama, Mr. Li?”“Oo naman,” sagot ng matanda na may ngiti. “Magiging apo

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 978

    Napapikit siya sa sinabi nito. Hindi naman ganoon kahina ang boses ni Tessa kaya malinaw na narinig iyon ng lahat sa loob ng silid.“Tessa…” saway ng kanyang mama habang napapailing, ngunit tila walang balak magpigil.“Seryoso ako!” bulong ulit nito ngunit mas lalo lamang lumakas. “Hindi ka ba nanghihinayang? Di ba ilang araw mo na siyang iniiyakan? Siya pa nga ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin sa Quezon di ba? para pagtaguan siya?”Halos maramdaman niya ang init na umakyat sa kanyang mukha. At mas lalo siyang nahiya nang makarinig siya ng mahinang tawa mula kay Noah. Maging ang kanyang mama ay napailing na lang habang si Lolo Li naman ay tila pinipigilan ang sariling mapangiti.Siya naman ay hiyang-hiya dahil binuking na siya nito“Sige ka,” patuloy pa ni Tessa habang pasimpleng sumisilip kay Nicolas. “Kapag napunta ’yan sa ibang babae, magsisisi ka talaga!”Agad siyang umiwas ng tingin. Hindi niya kayang titigan si Nicolas nang matagal. Lalo na ngayong nakatingin lang ito sa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 977

    “H-Huh?” Parang tumigil ang mundo niya, nanlaki ang kanyang mga mata. “Buntis ako?”Hindi agad nagsink in sa kanya ang sinabi nito. Paano siya mabubuntis? Isang gabi lang naman may nangyari sa kanila ni Nicolas, at hindi na iyon nasundan.Ngunit nang maalala niya ang gabing iyon ay biglang uminit ang kanyang mukha... Ilang beses nga ba silang nagtalik noon? Hindi na niya maalala, paulit-ulit siyang inangkin ni Nicolas na parang sabik na sabik itong bawiin ang lahat ng panahong nawala siya rito. At siya man ay hindi rin nagawang tumanggi.Napapikit siya. Paano na ngayon ito? Para kay Nicolas, isa lang talaga siyang bagay na nagbibigay saya rito... Isang sex object. Biglang kumirot ang kanyang dibdib sa isiping iyon.“Sino ang ama ng dinadala mo, Marise?” matigas na tanong ng kanyang lolo. Tahimik lamang ang kanyang kuya at mama. Parang hinayaan na nilang si Lolo Li ang kumausap sa kanya.Unti-unting nanlabo ang kanyang paningin dahil sa namumuong luha. Kung sasabihin niyang si Nicolas

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 317

    BELLE'S POV:Palipat-lipat siya ng tingin sa dalawang lalaki sa harap niya. Naniniwala siyang daddy niya ang nagsasalita. Magaan ang loob niya dito.Pero ang lalaking nagpakilalang nobyo niya ay may kakaiba siyang nararamdaman at hindi niya iyon ma-explain kung ako.Sinasabi ng daddy niya na nakata

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 310

    Nagising siya kinabukasan nang maramdaman ang mumunting halik sa kanyang mukha.“Good morning, lover boy...” bulong ni Belle sa tenga niya. Napangiti siya at niyakap ito.“Hmm... what time is it?”“Oras na para gumising ka diyan... Eto na ang pagkain mo.”Minulat niya ang mga mata at nakitang may n

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 323

    Nang sa maramdaman niyang handa na si Caleb ay agad siyang bumalik sa pagkandong dito."Ah babe..." nagulat ito at napaahon sa pagkakahiga pero pinigilan niya."Let me do the work, babe... ako ang bahala," wika niya saka hinawakan ang alaga nito saka kiniskis sa kanyang basang hiyas. Napapikit siya

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 318

    "Best friend mo ang kapatid kong si Yassy, kaya through her ay nakilala kita and that’s where I fell in love with you." patuloy nito sa pagkwento.Kinilig siya... Makulay pala ang kanyang lovelife. Gusto niya tuloy makita ang sinasabing kapatid nito na best friend niya.“W-Where is Yassy?”“Andito

    last updateLast Updated : 2026-03-24
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status