Share

CHAPTER 974

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-05-15 14:34:41

Napatayo agad si Marise sa sobrang gulat. Halos muntik pang matumba ang baso ng tubig sa kanyang harapan dahil sa biglaang pag-angat niya.

“A-anong ginagawa niya rito?” mahina ngunit nanginginig niyang bulong habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking nasa pintuan.

Samantalang si Nicolas ay nananatiling nakatayo roon, hawak ang napakalaking bouquet ng dilaw na rosas. Ngunit kakaiba ang aura nito ngayon. Wala ang dating yabang, wala ang pamilyar nitong mapang-asar na ngiti. Para i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Angelene Mique
more miss A
goodnovel comment avatar
miss.leii
more updates.........
goodnovel comment avatar
Jenalyn Dulay
more update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 974

    Napatayo agad si Marise sa sobrang gulat. Halos muntik pang matumba ang baso ng tubig sa kanyang harapan dahil sa biglaang pag-angat niya.“A-anong ginagawa niya rito?” mahina ngunit nanginginig niyang bulong habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking nasa pintuan.Samantalang si Nicolas ay nananatiling nakatayo roon, hawak ang napakalaking bouquet ng dilaw na rosas. Ngunit kakaiba ang aura nito ngayon. Wala ang dating yabang, wala ang pamilyar nitong mapang-asar na ngiti. Para itong isang estudyanteng pinatawag sa guidance office, halatang kinakabahan at hindi malaman kung paano magsisimula.“G-good evening po…” pilit nitong bati habang bahagyang yumuyuko.“Good evening iho. Pasok ka,” kalmadong sagot ni Lolo Li.Napalingon agad siya sa matanda, halatang hindi makapaniwala. Ito ba ang nagpapasok kay Nicolas?“Lolo!… bakit andito siya?” halos pabulong ngunit puno ng reklamo niyang tanong.Nagkibit-balikat lamang ang matanda habang mahinahong umiinom ng tsaa.“Tinawagan

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 973

    MARISE POV:Nasa loob lang siya ng kanyang kwarto habang walang gana na nagbabasa ng magazine. Maaga siyang umuwi mula sa grocery dahil simula pa kanina ay masama na ang kanyang pakiramdam. Parang umiikot ang paligid at may kung anong bigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.Ilang araw na rin ang lumipas mula nang muli silang magkita ni Nicolas sa party. At simula noon, hindi na siya ginulo ng lalaki. Mukhang epektibo ang pananakot ng kanyang lolo rito."Hmp! Mahinang nilalang!" iritadong sambit niya. "Konting pananakot lang, hindi man lang ako sinubukang suyuin?.. Eh di huwag!"Hindi rin niya inakalang si Nicolas pala ang lalaking gustong ipakilala sa kanya ng kanyang lolo. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magbusiness partner ni Noah at si Nicolas Monteverde. What a small world.“Ma’am Marise, pinapatawag na po kayo ni Sir Li. Dinner na raw po.”Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang boses ng kanilang katulong.“Okay, Manang,” mahina niyang sagot.Napabuntong

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 972

    Nagdaan ang mga sumunod na araw na parang bangungot para kay Nicolas. Hindi na siya lumalabas ng silid at hindi na rin pumapasok sa kompanya. Hinayaan niyang magulo ang lahat sa opisina dahil sa pagkawala niya… pero wala siyang pakialam.Magulo rin ang kanyang kuwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig, ang iba’y wala nang laman, ang iba nama’y kalahati pa lang. Nakaupo siya sa malamig na sahig habang nakasandal sa gilid ng kama, hawak ang isang bote ng whiskey.Buong araw siyang lasing, at buong araw ding paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Marise… ang mga luha nito, ang sampal nito, at ang malamig nitong tingin na parang wala siyang halaga.Mariin siyang napapikit. Para bang may kamay na paulit-ulit na dumudurog sa dibdib niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto.“Leave me alone!” sigaw niya nang hindi man lang tumitingin.Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas pa rin ang pinto kahit wala siyang pahintulot. Napailing siya bago dahan-dahang napatingin doo

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 971

    “Shut up, Anthony!” madiing putol niya habang nagdidilim ang mukha. “Hindi na makikipagbalikan si Marise sa’yo. Asikasuhin mo na lang ang buntis mong girlfriend.”“But I said I don’t love her!”Kita niya ang desperasyon sa mukha ng pamangkin. Halos mabaliw ito habang palipat-lipat ang tingin kina Marise at Mr. Li.Pagkatapos ay bigla itong natawa. Mahina, pero puno ng pangungutya.“Oh… yeah. I get it now...” Tumitig si Anthony sa kanya. “Ayaw mong bumalik si Marise sa akin dahil gusto mo siya para sa sarili mo, hindi ba, Uncle?”Namilog ang mga mata ng ilang taong nakarinig.“At oo nga naman,” patuloy ni Anthony habang natatawang umiling. “Kapag nakasal na kayo, lalo kang lalakas dahil nakakabit na ang pangalan mo kay Mr. Li. Tama ba ako, Uncle?”“Shut up, Anthony!” mariing sigaw niya.Napatingin sa kanya si Marise. Mariing humigpit ang kamao niya. Hindi niya alam kung galit ba ang nangingibabaw o takot.“Magkakilala na kami ni Marise bago pa man kayo magkakilala…” garalgal niyang sab

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 970

    NICOLAS' POV:Halos mabasag ni Nicolas ang basong hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak doon habang nakatingin kay Marise na papalapit sa kanila.Totoo nga ang hinala niya... Si Mr. Li ang bagong may hawak kay Marise. ito ang DOM na matagal na katanungan sa kanyang utak. .At mas lalong kumulo ang dugo niya nang makita ang tuwang-tuwa nitong mga kamag-anak. Halatang ipinagmamalaki ng mga ito si Mr. Li na para bang naka-jackpot sa buhay. Nakangiti at magaan ang mga mukha. Para bang isang malaking biyaya ang pagdating ng matanda sa buhay ng pamilya ni Marise.Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat na pakiramdam ang sumiksik sa kanyang dibdib.“Marise, come here. Bakit ba ang tagal mong maglakad?” inis na saad ni Noah.Napatingin siya rito. Mukhang napapansin din ni Noah ang tensyon kay Marise. Tahimik ito habang naglalakad, parang nag-aalangan. At kahit pilit nitong itinatago, kita niya ang pagkairita sa mukha ng lalaki.Is it because of Mr. Li? Dahil ba may rela

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 969

    MARISE POV:Nanginig ang buo niyang katawan nang muling makita si Nicolas. Parang biglang bumalik lahat ng pilit niyang tinakasan sa loob lamang ng isang iglap.Dalawang linggo... dalawang linggo siyang nawala at hindi nagparamdam. Dalawang linggo niyang pilit inayos ang sarili at pinilit kumbinsihin ang sariling kaya niyang umiwas dito.Pero heto siya ngayon, sa mismong gabing akala niya ay magiging maayos, at sa mismong lugar pa kung saan hindi niya inaasahang makikita ang lalaki.Party iyon ng kuya at lolo niya. Paanong napunta roon si Nicolas?Ngunit agad din siyang natauhan. Business launch iyon, natural lang na naroon si Nicolas. Isa ito sa mga taong palaging nasa sentro ng ganitong klaseng mundo sa negosyo. Dapat noon pa niya naisip iyon.Mariin siyang napapikit habang pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng dibdib niya. Ano na namang gulo ang dala ng lalaking iyon?Kanina lang ay halos durugin siya nito sa mga tingin at salitang binitiwan. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 600

    Pagdating niya sa munisipyo ay nakaabang na si Liam sa opisina niya.“What have you done, cuz?”Ito agad ang bungad sa kanya. Di man lang nangumusta, eh buong weekend silang hindi nagkita.“Done what?”“Ano itong mabalitaan ko na nakipag-trouble ka daw sa resto-bar? Bakit?”Sinimangutan niya ito. “

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 592

    Nagdaan pa ang mga araw ay hindi naman sila nakapag-usap ni Elijah. It’s been 2 days at puro lang message kung kumain na ba siya. “Ingat ka.” Yun lang ang mga usapan nila.Ok naman sana. Naiintindihan naman niya na busy talaga ang nobyo niya. Pero dahil sa pagsugod ni Gov. Felix sa kanya at pinagba

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 571

    ELIJAH'S POV:Masakit ang ulo niyang nagising kinaumagahan. Hawak niya ang kanyang ulo at dahan-dahang bumangon sa kama. Suot pa din niya ang kasuotan niyang damit bilang best man. Ni hindi niya alam kung bakit siya napunta sa kwarto niya, sino ang naghatid sa kanya?Sandali siyang tumahimik at ina

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 604

    “Ang daddy ko ay nagkaroon ng kalaguyo na pinay at gustong mawala ang mommy para masolo ang lahat na mamanahin ni mommy at magsama na sila ng kanyang kabit. Alam ko kung anong hirap ang dinanas ni mommy sa daddy, sinasaktan niya si mommy ko. May muwang na ako noon kaya nasaksihan ko ang lahat. Wala

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status