로그인"Ikaw ang sinasabi ni Daliah na dadalhin niya rito para mamasukan?" bungad sakin ng lalaki na nakaunipormeng pang gwardya. Tila nagtataka siguro ito dahil napakaganda ko para maging katulong HAHAHAHA syempre joke lang yun.
"Ahh opo, ako nga po. Ako po si Sunshine, Shasha na lang po" nakangiti ko namang sabi. "Ilang taon ka na Miss?" tanong naman ng isa medyo bata ito kung titignan sa isang guard... "20 po" maikli kong sagot habang ilang na ngumiti. Medyo creepy naman kasi ng ngiti nitong loko, or cringe? nakakapangilabot kasi. "Ay, 20 ka na pala... ako nga pala si—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang busalan sa bibig ng pandisal ng isang guard. "Pffft!" di ko na napigilan ang matawa dahil sa itshura nito, pakadaldal kasi. "Pagpasensyahan mo na itong si Jack... Halika at pumasok ka na, malamang ay naghihintay na si Nay Emmy. Nga pala ako naman si Jhong. Kuya Jhong na lang ang itawag mo sakin" saad nito. Mukhang mabait naman si Kuya Jhong, habang ung Jack naman eh okay naman, mukhang madaldal. Hinatid ako ni Kuya Jhong sa main door ng mansion, at halos malula ako sa laki ng p***o at lawak nito—bale, double door siya, basta para siyang tarangkahan ng palasyo HAHAHAHA. Nang makapasok kami ay bumungad agad ang isang matandang babae samin. Sa pakiwari ko sa edad niya ay parang nasa 60 na ito pero halatang malakas pa rin. "Oh ayan pala si Nay Emmy... Nay Emmy, ito po ung sinasabi ni Dahlia na bagong kasambahay..." tuwnag sabi ni Kuya Jhong. "Ikaw si Shasha?" tanong ni Nay Emmy sakin. "Opo ako po" masaya kong sagot, pero nawala ang ngiti ko ng mapansin ko ang tingin ng matanda sakin... Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. "Sige na Jhong balik na sa pwesto mo, ako na bahala rito" saad naman nito kaya agad na umalis si Kuya Jhong. Medyo napahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng sako bag ko dahil sa kaba at pagtataka. "Sigurado ka ba ineng na gusto mong magtrabaho bilang katulong?" tanong nito sakin. "B-bakit po? Mukha po bang di ko kayang gumawa ng trabaho?" deretsya kong tanong at halata ko sa biglaang pagpitik ng kilay niya na nabigla siya sa sagot ko. "Hindi naman sa ganon... napakaganda mo kasi at ang kinis ng balat mo para maging katulong" sagot nito... at hindi ko alam kung papuri ba iyon o ewan huhu. "Ay! H-hindi naman po siguro hehe" nahihiya kong sabi at bahagyang iniligay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "Aynako! Sige na halika at ipapakilala kita sa mga kasamahan ko." natatawa na nitong sabi. Mukhang sinusubukan lang niya ako kanina kung madadala ako sa parang pagsusungit niya kanina, di niya alam na batak ako sa mga ganoong pag uugali. Yun ngang tindahan na inuutangan namin ni Nanay ng ulam eh, usapan sabaduhan ang bayad tapos gusto niya biyernes pa lang magbabayad na kami! Ano siya hilo? Syempre magbabayad pa rin kami edi hindi na kami nakautang ulit? HAHAHAHA pero sa totoo lang, kahit magsungit ng magsungit ang tao sakin, dinadala ko na lang sila sa pagiging makulit ko kaya ending nakakaclose ko sila. "Dito ang quarters natin. Ito si Osang at si Denden. Ikaw na bahala kung anong gusto mong itawag sakanila, basta wag lang madam." natatawang sabi ni Nay Emmy kaya napairap naman iyong Denden habang umiiling iling... Siguro mga close na talaga sila sa isa't isa? ilang taon na kaya silang namamasukan sa mansion na ito? Tsaka, sa laki ng mansyon, bakit tatlo lang sila? I mean apat? kasama na ako. "Hello po Ate Osang, Aling Denden" magalang kong bati na ikinatawa naman ni Ate Osang at Nay Emmy na ipinagtaka ko. May mali ba sa sinabi ko? si Ate Osang kaya Ate ang tinawag ko dahil mukhang hindi pa naman siya ganoon katanda? siguro nasa trenta pa lang siya? habang si Aling Denden naman ay halatang basa kwarenta na. "Osya sige na, kung yan ang gusto mong itawag samin... sakin" ani Aling Denden kaya napangiwi ako at bahagyang napakamot sa batok ko. "Sige na sige na... Tulad nga ng sinabi ko, tayo tayo lang dito... Iba ibang trabaho ang nakatoka sa atin, rotaition lang. Wag kang mag alala, di naman natin kailangan linisin ang buong mansion. Ang gusto lang ni Don Arthur ay tahimik ang mansyon, walang makikitang pakalat kalat sa atin, at lalong ayaw niyang may pumapasok sa study room niya. Kung may maglilinis man doon, dapat mang gagaling muna ang utos sakaniya" litanya ni Nay Emmy. Nakikinig lang kami—ako sakaniya, dahil paniguradong sila Ate Osang at Aling Denden ay alam na ang patakaran na iyon. "Sa labada naman, walang ibang gumagawa no'n kundi si Denden lang. Ayaw ni Don Arthur na may ibang maglalabas aa mga damit, bedsheet at kung anu-ano pa na personal na gamit niya. At ayaw rin niya na habang kumakain siya ay may nakatayo malapit sakaniya. Dapat kung mag aalmusal, ihahain lang ang pagkain tapos balik na sa kusina. Ganoon rin sa Tanghalian at hapunan." pagpapatuloy ni Nay Emmy. "At!" biglang sabat naman ni Ate Osang kaya nabaling ang tingin namin sakaniya. "Kapag magpapatimpla siya ng kape, ayaw niya ng may asukal! dapat puro lang! ayaw niya yung umaapaw sa bibig ng tasa at may t***n sa platito" ani Ate Osang. "Grabe, pait pala ng buhay ni Don Arthur?" walang preno kong sabi dahilan para mapahagikgik si Aling Denden. "Gaga ka, wag na wag mong ipaparinig kay Don yan aynako! S***k ka talaga sa trabaho" ani Aling Denden kaya napalinga linga ako kasi baka nakikinig na pala si Don Arthur ng di namin nalalaman. "Okay! wala na po bang dapat gawin at hindi dapat gawin?" tanong ko. "Pinakahuli..." bumuntong hininga si Nay Emmy at pinasadahan ng tingin si Ate Osang at Aling Denden. "Wag na wag mo siyang kakausapin kung hindi ka naman niya kinakausap." dagdag nito at nagpatango tango naman si Ate Osabg at Aling Denden, tila sang ayon sa sinabi ng matanda. "Ah! Ayaw niya sa papansin?" saad ko dahilan para mapatampal na lang sa noo sina Ate Osabg at Aling Denden. May mali na naman ba sa sinabi ko? "Sige yun na lang kung yun ang sa tingin mong tamang sabihin." ani Nay Emmy na tila stress na agad sa akin. "Sige na! mag umpisa na sa trabaho, maya maya lang ay bababa na si Don Arthur. Ikaw Shasha kunin mo na lang iyong uniform mo doon sa higaan mo. Niready na yun kanina ni Osang." ani Nay Emmy at agad naman kaming kumilos. Hays, bakit ba parang ang daming rules sa mansion na 'to? tapos parang takot sila lay Don Arthur, Well gets ko naman, syempre pag nagalit yun for sure tanggal sila sa trabaho. At gagawin ko naman ang lahat para manatili rito.SHASHA'S POV...“Shasha!”Napalingon ako kay Nay Emmy na kasalukuyang abala sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina. “Opo, Nay Emmy?”“Pakidala na nga itong almusal ni Don Arthur sa study niya. Nag-message kasi kanina na roon na lang daw siya kakain. May inaasikaso si Denden sa laundry, tapos may ginagawa rin si Osang sa pantry. Ako naman, kailangan kong tapusin itong mga ihahanda para sa tanghalian.”Agad kong nilapitan ang mesa at tiningnan ang tray na nakahanda na. May mainit na kanin, scrambled eggs, ilang hiwa ng bacon, toasted bread, at isang tasa ng kape. Mayroon ding maliit na mangkok ng hiniwang prutas sa gilid.“Bakit po parang pang-isang barangay ang almusal ni Don?” napatanong ako habang maingat na inaayos ang pagkakalagay ng mga kubyertos.Napatawa si Nay Emmy. “Hindi naman niya uubusin lahat iyan. Pero mas mabuti nang kumpleto kaysa may hanapin pa siya. Alam mo naman ang amo natin, ayaw na ayaw niyang may kulang.”“Noted po. Baka pati plato, bilangin bago kumain,” biro ko, d
DON ARTHUR'S POVAlas-dose na ng madaling-araw, pero gising pa rin ako.Ilang beses na akong nagpalit ng posisyon sa kama, ilang beses na ring tumingin sa orasan, ngunit ni katiting na antok ay wala akong maramdaman. Nakapikit man ako, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang eksenang nakita ko sa garden kaninang hapon. Ang malakas na tawanan ng mga staff, ang ngiti ni Shasha, at higit sa lahat, ang kamay ni Poks na nakahaplos sa likuran niya habang tinutulungan siyang makabawi sa pagkabulon.Napadilat ako at napabuntong-hininga.For heaven's sake, Arthur. It's just a hand on her back.Ilang oras na ang lumipas, pero bakit parang sariwa pa rin sa isip ko ang eksenang iyon? Hindi ko naman nakita si Poks na gumawa ng anumang bagay na dapat ikagalit ko. Tinulungan lang niya ang dalaga. Kung may ibang empleyado man ang gumawa noon, malamang ay hindi ko na iyon pinag-isipan pa.Pero dahil si Shasha ang sangkot, tila hindi ako mapakali.Bumangon ako at sumandal sa headboard, saka pinisi
DON ARTHUR'S POVHindi ko alam kung bakit ako napunta sa balcony nang marinig ko ang tawanan mula sa garden. Kanina pa ako nakaupo sa study, abala sa pagbabasa ng mga dokumentong kailangan kong lagdaan bago matapos ang araw, pero ilang minuto na rin akong hindi makapag-concentrate. Sa tuwing susubukan kong mag-focus sa binabasa ko, may maririnig akong malakas na halakhakan mula sa labas. Sa una ay binalewala ko lang iyon, hanggang sa tuluyan akong tumayo at naglakad papunta sa balcony upang alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga staff.At doon ko sila nakita.Halos lahat ay nagtipon-tipon sa garden, nakaupo sa paligid ng mesa habang kumakain at nagkukuwentuhan. Naroon sina Emmy, Osang, Denden, Poks, at maging ang ama ng huli. Wala naman akong problema sa paglalaan nila ng oras para magpahinga. Alam kong hindi madali ang trabaho sa mansyon, at wala akong balak na ipagkait sa kanila ang ilang minutong pahinga pagkatapos ng mga gawain nila.Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit s
Tahimik ang mansyon tuwing hapon, lalo na kapag nasa kani-kanilang gawain ang mga staff. Pero kapag oras na ng merienda at nakapagpahinga na ang lahat mula sa mga trabaho nila, parang ibang lugar ang garden. May mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa sa ilalim ng puno, may nakahandang tinapay at kakanin, at may pitsel ng malamig na juice na agad dinudumog ng mga uhaw na katulad ko.“Hoy, Shasha, dahan-dahan ka naman sa pagkuha. Hindi naman tatakbo ang tinapay,” natatawang saway ni Ate Osang nang makita akong kumuha ng pangatlong piraso ng pandesal. Nakataas pa ang kilay niya habang nakatingin sa hawak kong plato, na para bang nahuli niya akong nagnakaw sa kusina.Ngumunguya muna ako bago siya sinagot. “Ate, ang tawag po rito ay paghahanda. Malay mo, biglang may ipagawa sa akin si Don Arthur mamaya. At least, may energy ako.” Inayos ko pa ang pagkakaupo ko at buong yabang na itinaas ang pandesal. “Tsaka sayang naman kung hindi ko titikman. Baka mamaya, ito na ang huling merienda ko ri
Mas naging normal na ang pagpasok ko sa study ni Don Arthur pagkatapos ng unang pagkakataon. Hindi na ako kasing kaba gaya noong una, siguro dahil dalawang beses na akong nakapasok doon at wala naman namang nangyaring masama. Trabaho lang talaga. Iyon ang lagi kong ipinapaalala sa sarili ko tuwing may ipinapadala sa akin si Nay Emmy roon, lalo na kapag alam kong nandoon si Don Arthur.That morning, abala ako sa pag-aayos ng ilang documents na kailangang dalhin sa kaniya. Maingat kong pinatong ang mga papel sa isang folder bago ako naglakad papunta sa study. Kakatok na sana ako nang marinig ko ang boses niya mula sa loob.“Yes, I understand. Send it to my office and I'll review it myself.”Napahinto ako at umatras nang kaunti. Mukhang may kausap siya sa phone, kaya naghintay muna ako sa labas hanggang sa matapos ang conversation. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto mula sa loob at nakita ko siyang nakatayo roon habang hawak pa rin ang phone.Nagkatinginan kami bago siya bahagyang tum
Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad pabalik sa kitchen. Kape lang naman ang dinala ko kay Don Arthur, at ilang minuto lang naman kaming nag-usap sa study niya. Wala namang nangyari. Hindi rin naman siya nagsabi ng kahit anong kakaiba, pero habang inaayos ko ang mga baso sa counter, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sinabi niya.You look tired.Napailing ako at mas pinagtuunan ng pansin ang ginagawa ko, pero lalo lang akong nainis sa sarili ko nang mapansin kong ilang segundo na pala akong nakatitig sa isang baso na hawak ko. Wala naman akong nililinis doon. Hawak ko lang talaga at parang nakalimutan ko kung ano ang susunod kong gagawin.“Shasha?”Napalingon ako kay Ate Osang na nakaupo malapit sa counter. Mas maayos na ang itsura niya kaysa kanina, kahit may bakas pa rin ng pagod sa mukha niya. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin, kaya agad kong ibinaba ang baso at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng ibang gamit. “Bak







