CHERRY'S POV
Alas singko ang uwian namin. Pagkatapos ng klase ay gumayak kami para pumunta sa bar.Kinakabahan man ako ay sumama pa rin ako. Bumili kami ng mga cardigan para matakpan ang suot naming uniform."Hindi tayo magtatagal doon ha," sabi ko sa kanila para sigurado akong susunod sila sa napag usapan namin."Opo, Relax ka lang Cherry." Sabi sa akin ng kaibigan ko."Mag-enjoy tayo kahit sa maiksing oras lang," sabi nito sa akin."Okay," tipid na sabi ko sa kanila.Sobrang excited nila samantalang ako sobrang kabado. Hindi ko alam kung magiging masaya rin ba ako katulad nila.Nag-abang kami ng masasakyan. Sobrang ingay nila, ako naman ay tahimik lang."Bakit ang tahimik mo?" Tanong sa akin ni Chemma."Kinakabahan kasi ako," pabulong na sagot ko sa kanya."H'wag kang kabahan dapat mag-enjoy ka," sabi niya sa akin.Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko na lang sila pinansin. Sumakay kami sa jeep nang makarating kami ay sobrang excited na nila.Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. Binasa ko ang pangalan ng bar.MAHAROT CLUB ang sagwa naman ng pangalan ng bar na 'to."Kristel, bakit ganyan pangalan ng bar na 'to?" Tanong ko sa kanya."Hahaha ito lang kasi ang afford ng budget natin," tumatawang sabi niya."Guys uuwi na lang ako," sabi ko sa kanila."Ano ka ba walang uuwi. Tara na pumasok na tayo," sabi nila sa akin."Guys, dito na lang ako.""Cherry 'wag kang KJ d'yan. Tara na," sabi sa akin ni Bambie.Hinihila na talaga nila ako. Wala na akong nagawa kundi pumasok. Napaubo pa ako pagpasok namin dahil amoy na amoy ang usok ng sigarilyo.Kung hindi lang nila kami hawak ay kumaripas na ako ng takbo palayo sa kanila. Ang daming taong nagsasayawan.Nag-iinuman at halos mga matatanda na 'yung iba na nandito. Jusko bakit ba ako napadpad dito."Guys, magkita na lang tayo mamaya sa labas." Sabi sa akin ni Kristel."Hoy! Saan kayo pupunta? H'wag niyo akong iwan dito!" Sigaw ko sa kanila."Enjoy Cherry, bye!" Sigaw sa akin ni Chemma."Kung alam ko lang na ganito gagawin niyo hindi na sana ako sumama!" Sigaw ko sa kanila.Kakapasok lang namin pero bakit biglang dumami na ang mga tao. Medyo naging siksikan na sa kinatatayuan ko."Makikiraan po," sabi ko sa bawat nadadaanan ko. Pero lalo silang naghiyawan nang magsimula ng magpatugtog ang DJ.Nagsimula ng umindak ang nasa dance floor. Kakasimula pa lang ng gabi pero marami na ang lasing."Miss sayaw tayo," alok sa akin ng matandang lasing."Naku manong pasensiya na po kayo uuwi na po ako," sabi ko rito."Sayaw muna tayo Miss," pagpupumilit niya sa akin.Mabilis akong umalis doon sa puwesto ko at naghanap ng lugar kung saan ako mapapabilis sa paglabas.Sinuong ko ang siksikan ng mga tao. Nang malapit na ako ay nagulat ako ng may sumigaw."Walang lalabas Raid ito!" Sigaw ng isang pulis.Kinabahan naman ako at pinipilit kong makalabas sa may exit ng bar. Pero nagulat ako no'ng may biglang naglagay ng posas sa kamay ko."Huwag ka ng tumakas!" Galit na sabi niya sa akin.Tumingala ako at nakita ko ang lalaking nakasumbrero. Sa tingin ko ay pulis ito."H'wag kayong kikilos mga pulis kami!" Rinig kong sigaw ulit ng lalaking nakasumbrero."Miss sumama ka sa amin. Napakabata mo pa dito ka pumupunta," saad nito sa akin."Po? Kakarating ko lang po dito at sinama lang po ako ng mga kaklase ko. Katunayan ay uuwi na po talaga ako," sabi ko sa kanya."Wala akong pakialam kung sinama ka o kung sino man ang kasama mo!" Sigaw niya sa akin. Medyo nainis rin ako pero ikinalma ko ang sarili ko."Parang awa niyo na po pauwiin niyo na po ako," pagmamakaawa ko sa kanya na kahit ayaw kong gawin ay ginawa ko para makauwi na ako."Sorry Miss pero kailangan ka naming hulihin. Mas mabuti pa tawagan mo mamaya ang nanay mo," masungit na sabi niya."Kailingit ka nga lalaki ka kalaw-ay man lang sa imo. Indi ka gid madala sa pakiusap,"(Nakakainis kang lalaki, pangit ka lang naman. Hindi talaga pwede makiusap sayo) napapailonggo na tuloy ako sa kanya."What are you saying? Magtagalog ka nga," gigil na sabi niya.Grabe talaga pagiging arogante ng lalaking ito. Malambing na nga ako magsalita pero galit parin siya. Pulis ba talaga siya."Sige hulihin niyo na lang ako mamang pulis," inis na sabi ko sa kanya.Hinawakan naman niya ang kamay ko. Bigla ko itong binawi dahil para akong nakuryente sa hawak niya."Akala ko ba nagpapahuli kana. Bakit mo nilayo ang kamay mo?" masungit parin na sabi niya."Ito na oh! Puwede naman akong maglakad ng hindi mo hawak ang kamay ko. Takot ka ba? Baka kasi tumakas pa ako. Nakakainis to!" Saad ko sa kanya sabay irap sa kanya."Baka gusto mo dagdagan ko kaso mo. Dahil sa hindi mo paggalang sa propesyon ko," pagbabanta nito sa akin."Gawin mo ang gusto mo! Blah blah blah!" Iniinis ko talaga siya lalo."Tara na nga! Bago pa ako mawala sa sarili at kung ano pa ang magawa ko sayo," galit na sabi niya."Hoy mamang pulis! Napapansin ko na bakit ba galit na galit ka sa akin? At ano naman ang gagawin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya."Bakit ako galit? Dahil ang mga kagaya mo na pinag-aaral ng magulang nila ay mas gusto pang pumunta sa ganitong lugar kaysa mag-aral ng mabuti." Sagot niya sa akin."Ilang ulit ko ba sasabihin na ito ang unang beses na pumunta ako dito. Pulis ka ba talaga at hindi ka nakakaintindi?!" Sigaw ko sa kanya.Hindi na niya ako pinansin at hinila na lang pasakay sa patrol. Halos umusok na ang ilong ko sa galit sa kanya.Gusto ko maiyak dahil baka magalit sa akin si ate Caye. Natatakot ako sa posible niyang isipin at sabihin sa akin.Pinababa nila kami nang makarating na kami prisento. Masamang tingin ang pinukol ko sa aroganteng pulis.Ipinasok kami sa selda. Maya-maya lang ay tinanggal niya ang sumbrero niya. Gwapo pala ito pero walang epekto sa akin dahil galit ako sa kanya. Habang ang mga katabi ko ay kinikilig pa sa kanya."Kung ganito ka gwapo ang pulis dito, magpapakulong na lang ako." Rinig kong sabi nang isang babae.Napaubo naman ako dahil para akong nasamid sa sarili kong laway sa narinig ko sa kanila. Seryoso ba sila. Hanep talaga lumandi ang mga ito, ani ko sa isipan."Mamang pulis pauwiin muna ako!" Sigaw ko sa kanya."Can you please shut up!" Gigil na siya ngayon at nababakas iyon sa gwapo niyang mukha.Tumigil ka Cherry hindi siya gwapo. Pangit siya pangit, paulit-ulit na kontra ko sa sarili."Mamang pulis naman eh!""Stop calling me mamang dahil bata pa ako!" This time galit na talaga siya.Kaya napangiwi na lang ako."Matanda naman na talaga. Ayaw pa aminin," pabulong ko na sabi."Narinig kita," saad nito sa akin.Tinalikuran ko na lang siya at pumunta sa pinakasulok. Matutulog na lang siguro ako dito kaysa tawagan ko si ate."Magkano kaya ang piyansa dito?" Tanong ko sa sarili.Naisip ko kasi baka umabot ang ipon ko at ng makauwi na ako. Tumayo ako at tinawag ko ulit siya."Mamang pulis magkano po ba ang piyansa ko?" Tanong ko sa kanya.Nakita kong kumunot ang noo niya."Bakit may pera ka?" Tanong niya sa akin."Meron," proud pa ako sa sagot ko.Huminga muna ito ng malalim pagkatapos ay kinuha ang log book."Pangalan? Edad?" Tanong niya sa akin."Hindi ka ba pwedeng magsalita ng hindi naiinis o pagalit? Para namang ang laki ng kasalanan ko at ganyan mo ako kausapin?" Saad ko sa kanya."Sagutin mo na lang ang tanong ko," gigil na sabi niya."Wala!""Anong wala?" Kunot noo na tanong niya sa akin."Wala akong pangalan," sagot ko sa kanya."May tao ba na walang pangalan. Kung ayaw mo ibigay 'wag kang umasa na makakauwi ka," supladong saad niya sa akin at sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya."Whatever?" Saad ko sa kanya. Hindi ko na talaga maiwasang hindi magtaray sa kanya. Napakasuplado naman kasi kaya bagay lang sa kanya 'yun.Umupo na lang ulit ako doon sa puwesto ko. Kung ako naiinis sa pulis na 'yon. Iyong mga katabi ko naman ay kilig na kilig pa rin sa kanya.Hindi ko alam kung ano oras na pero sigurado ako na gabing gabi na. Hindi ko naman puwedeng gamitin ang phone ko. Dahil nasa kanila ito."Wala ka bang balak na ibigay ang pangalan at kung sino ang puwedeng pumunta dito? Bahala ka diyan," naiinis na sabi niya sa akin.Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong nakaupo."Santos kayo na muna ang bahala dito. Kailangan ko ng umuwi," sabi niya sa mga kasamahan niya."Yes Chief," sagot naman nito.So Chief pala siya. Nakikita ko na nakatayo pa rin ito sa harapan.Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang selda at pumasok ito.Hinila na lang niya bigla ang kamay ko. "Napakapasaway mo!" gigil na naman siya."Kayo na ang bahala dito," saad niya bago kami lumabas ng prisento. Pero narinig ko naman ang pagsipol ng mga kasamahan niya."Saan ang bahay niyo?" Tanong niya sa akin."Bakit mo tinatanong? Teka nga! Bakit mo ako pinalabas?" Pagtataray ko sa kanya kahit sa loob ko ay tuwang tuwa ako. Siguro kung hindi lang ito masungit ay niyakap ko pa siya sa sobrag tuwa ko."Bakit gusto mo ba magstay doon? Pwede naman kita ibalik," kalmadong sagot niya.Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako. Nakamotor ito kaya panay sunod ito sa akin."Puwede ba 'wag kang sunod ng sunod!" Bulyaw ko sa kanya."Saan ka nga kasi nakatira?" Naiinis na tanong nito sa akin."Sa Iloilo," sagot ko sa kanya."F*ck! Sumasakit na ang ulo ko sayo.Diyan kana nga! Thank you ha!" Saad niya bago ako iwanan.Binalewala ko ito, bahala siya.Tumigil ako sa tabi para mag-abang ng masasakyan. Mabuti at may mga jeep pa kaya nakasakay ako kaagad.Pasalamat din ako dahil hindi nagalit sa akin si ate Caye."Cherry, nakauwi kana pala. Kumain kana ba?" Tanong sa akin ni ate Caye."Opo ate, pasensiya na po kayo kung ginabi po ako," saad ko sa kanya."Nag-alala ako sa 'yo," sabi sa akin ni ate kaya nakonsensiya naman ako."Sorry po ulit ate," paghingi ko sa kanya ng pasensiya."Sige na pumasok kana sa silid mo at magpahinga kana," nakangiting sabi niya sa akin.Pagpasok ko sa kwarto ko ay humiga kaagad ako sa kama ko. "Nakakainis!" sigaw ko.Naiinis talaga ako kapag naalala ko ang mukha ng Chief na yon. "Chief daw bwesit!"Ang malas ng araw ko. "Humanda kayo sa akin bukas," gigil na bulalas ko. Malalagot talaga iyong mga kaklase ko na pahamak sa buhay ko.At sa'yo mamang pulis. "I HATE YOU!!" Hinihiling ko na hindi na kita makitang muli.WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih
CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala
CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko
RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya
CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a
WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw