Maging mabait ka kasi Cherry hahahaa. Thank you so much po ❤️❤️❤️
RICO'S POVSa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakilala ng babae na matapang. Noong hinuli ko siya ay may kakaibang damdamin siyang binubuhay sa loob ko. Aminado ako na may mali ako. Dahil halatang nadamay lang ito sa pagsama sa kanya nang mga kaklase niya.Pinalabas ko na lang siya ay hindi man lang niya sinabi ang pangalan niya sa akin. Pero sadyang pinaglalapit kami ng tandhana dahil siya ang bumasag sa side mirror ng kotse ko. Nalaman ko rin na doon pala ito nakatira kila Luke. Mukhang mapapadalas na ang pagbisita ko sa bahay ng kaibigan ko. Medyo nasasaktan lang ako sa mga panlalait niya sa akin. Kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ako pangit. Siguro nasaktan lang ako dahil pinapamukha niya sa akin na matanda na ako. Nandito ako ngayon sa coffee shop para makipagkita sa step sister ko."Kuya, hindi kana umuuwi sa bahay." Sabi sa akin nang step sister ko na si Carmie."Busy lang ako sa traba—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumaan sa tabi ko si Cherry. H
CHERRY'S POV Nagising ako na nasa sariling silid ko na ako. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Siguro ay ihinatd ako ni mamang pulis. Ang ganda na sana ng ngiti ko pero nahagip ng mata ko ang kamay ko. Nawala bigla ang ngiti ko dahil ang bwesit na lalaking 'yon."Arghh! Nakakainis ka! Bwesit ka talaga." Paano ba naman kasi naiwan pa sa kamay ko ang posas. Kamay lang pala niya ang tinanggal niya pero 'yong sa akin ay nandito pa.Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinawagan ko siya. Hindi niya kaagad sinagot kaya nagdial ulit ako. "Pumunta ka dito, ngayon din!" Utos ko sa kanya."Ikaw love ha, gusto mo ako kaagad makita." Napanting ang tainga ko sa narinig ko mula sa kanya."Tigilan mo ako sa kakalove mo! Pumunta ka dito at tanggalin mo ang posas sa kamay ko." Sigaw ko sa kanya.Nagulat na lang ako dahil biglang bumukas ang pintuan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nandito na siya kaagad. Mukhang pinagtitripan ako ng lalaking 'to, ani ko sa isipan ko."Good morning love, mas maganda ka
CHERRY'S POV"Love, I think we need to stop now." Mahinang sabi niya sa akin at timigil na sa paghalik sa akin. Aaminin ko na nawala ako sa sarili ko. Pasimple kong sinuklay ang buhok niyang nagulo.Medyo nahiya naman ako. Nakatingin kasi ito ng diretso sa mga mata ko. Nakikita ko ang kakaibang pagnanasa sa mga mata niya. Pero kaagad rin napalitan. Tingin na para bang ako lang ang nakikita niya. Parang katulad ng tingin ni Kuya Luke kay ate Caye."Tama ka, kailangan na nating tumigil." Mahinang sabi ko sa kanya.Pagkasabi ko ay kaagad niyang pinausad ang kotse. Hanggang sa makarating kami sa tapat nang gate. Akmang lalabas na ako ng pigilan niya ako."Tatawag ako mamaya love, sana sagutin mo." Nakangiting sabi niya sa akin.Parang tumalon naman ang puso ko sa ngiti niya. Ito ang unang beses na hindi kami nagtalo. Pareho kaming mahinahon. Ngumiti ako sa kanya at tumango."Sige, 'wag lang masyadong late. May pasok pa ako bukas. Ingat ka sa pagdadrive," paalala ko sa kanya.Ngumiti naman
CHERRY'S POVAaminin ko nagselos nga ako na naiinis ako. Hindi naman pala malala ang nangyari sa kanya pero hindi man lang niya sinabi sa akin. Pero napaisip naman ako. Sino nga ba ako? Wala naman kaming relasyon para magselos ako sa kanya. Bakit nga ba ako nag-aalala? Mga tanong ko sa sarili ko.Ang totoo hindi naman talaga ako umalis ng ospital. Nakaupo lang ako dito sa may garden. Naisipan kong buksan ang phone ko. Bigla itong nagring at nakita ko na tumatawag si Kuya Luke "Hello po, kuya.""Hello, Cherry where are you?" Tanong sa akin ni Kuya Luke."Nandito po sa ospital kuya," sagot ko naman sa kanya."Nand'yan ka pa rin. Pero ang sabi niya umuwi kana.""Nandito lang po ako sa garden kuya. Babalik rin po ako doon mamaya. Hindi po muna ako uuwi kuya." "Cherry, aminin mo nga sa akin. Gusto mo na ba siya?" Biglang tanong sa akin ni Kuya."Hindi ko po alam kuya," matapat na sagot ko."Okay sige, puntahan mo na kasi kanina pa 'yon nasisiraan ng bait. Panay tawag sa akin dahil hindi k
CHERRY’S POVHindi ako dapat maniwala kay Carmie alam ko naman na hindi totoo ang mga sinasabi niya. Nagbihis ako at nagpaalam kay Ate na aalis ako. Ramdam ko na m*****a ang Carmie na ‘yun. Ako ang puputol sa sungay niya. Wala akong balak na ipamigay ang pulis na ‘yun. Dahil sinabi niya na mahal niya ako kaya panindigan niya.“Love,” hindi makapaniwalang tawag sa akin ni Rico.“Kumusta na ang pakiramdam mo love?” Tanong ko sa kanya. Nakita ko na nagulat ito pero ngumiti lang ako.“Bakit ganyan ka makatingin sa akin love? May dumi ba ko sa mukha?” Tanong ko pa ulit sa kanya.“W-Wala naman love,” nauutal na sagot niya sa akin.“Carmie, puwede kana umuwi. Ako na ang mag-aalaga sa boyfriend ko.” Nakangiting sabi ko sa babaita. Habang ang katabi niya ay parang naenkanto.“Hindi pa naman kayo ah,” saad pa nito sa akin.“Oo-kanina, pero ngayon kami na kasi…. Sinasagot ko na siya. Rico, sinasagot na kita love.” Nakangiting sabi ko sa kanya na may kasamang lambing.Napaubo pa ito dahil hindi ni
CHERRY'S POV "Oh my gosh!" Mapasigaw ako dahil nabangga 'yung snatcher ng motorsiklo.Mabilis ko itong dinaluhan para tulungan. Hindi na kasi iti makatayo."Uy, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa lalaki."Mukha ba akong okay?" Sagot nito sa akin."Karma mo na 'yan. Ba't mo kasi hinablot ang bag ko eh wala naman kayamanan d'yan." Sabi ko sa lalaki."Sana sinabi mo kaagad." aniya sa akin."Siraulo ka rin kasi, akin na nga 'yang bag ko. Anu? Makakalakad ka pa ba? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?" Tanong ko sa lalaki."Grabe ka naman Miss, makakalakad pa naman ako. Saka 'wag mo na akong dalhin sa ospital, wala naman akong pambayad." aniya sa akin."Dapat kasi naghahanap ka na lang ng matinong trabaho," sermon ko sa kanya."Walang trabahong tatanggap sa akin lalo na hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral." Sabi niya sa akin, bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya."Kuya, puwede mo ba akong tulungan na isakay ang lalaking ito sa taxi?" Tanong ko doon sa bumang
CHERRY'S POV"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Love," tawag na naman niya sa akin."Anong ginagawa mo dito? At puwede ba 'wag mo nga akong tawagin na love." Naiinis na sabi ko sa kanya."Love, alam ko nagkamali ako. Alam ko kasalanan ko. I'm here para makabawi sa 'yo. Hindi ko kaya na hindi ka makasama." aniya sa akin."Ang dami mong sinasabi. Mas maayos ako na wala ka sa buhay ko kaya please lang. Umalis ka na lang." Sabi ko sa kanya at kaagad na isinara ang pinto. May nakita akong lungkot sa mga mata niya pero binalewala ko 'yon.Bumalik ako sa pagluluto. Hindi ko na inalam kong nasa labas pa ba siya. Nagulat ako dahil biglang lumakas ang ulan. Nang isara ko ang bintana ay nakita ko siyang nakatayo pa rin sa labas ng pintuan at hinahayaan ang sarili niya na mabasa ng ulan.Sa inis ko ay lumabas ako. Hindi ko rin matiis na makita siyang nakatayo habang hinahayaan ang sarili. Kapag nagkasakit pa ito ay ako rin ang mahihirapan."Bakit ka ba nagpapaulan? Ang tigas talaga ng bungo
CHERRY'S POVAng gaan ng pakiramdam ko pagkagising ko. Kaagad akong tumingin sa tabi ko. Wala na siya. Bumangon na ako at kaagad na lumabas sa aking silid. Unang sumalubong sa akin ang amoy ng mabangong sinangag. Naglakad ako papunta sa kusina at bumungad sa akin si Rico.Abala ito sa pagluluto at hindi niya ako napansin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya."Bakit nandito ka pa?" Biglang tanong ko sa kanya na ikinagulat niya."Ouch!" Napahiyaw ito dahil napaso siya. Napangiwi naman ako dahil alam ko na mahapdi ito. Alam ko na kasalanan ko dahil ginulat ko siya."Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya."I'm fine, love. Good morning," nakangiting bati niya sa akin kahit na halatang nasasaktan siya .Hinila ko siya at hinugasan ko ng tubig ang kamay niya."Dito ka lang bibili lang ako ng yelo." Paalam ko sa kanya."Love, 'wag na okay lang ako." Pigil niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.Lumabas ako at bumili sa tindahan ng yelo. Pagkabalik ko ay binasag ko ito at inilagay sa maliit