Share

Chapter 19

CALLI

HINDI KO alam kung anong oras akong nakatulog kanina. Tantiya ko ay alas sais na ng umaga at alam kong hindi rin nakatulog si Logan. Alas nuebe pa lang pero nakabihis na siya.

Nasa terrace siya kasalukuyan at may kausap sa phone.

Hindi man lang halata sa hitsura niya na wala pa siyang tulog. Ang gwapo pa rin niyang tingnan.

Hindi niya ako hinayaan na matulog sa itaas. Pagkatapos kong kumuha ng t-shirt niya sa closet ay doon ko sana balak na matulog pero nagtalo lang kami.

Nilapitan niya ako nang napatingin siya sa gawi ko.

Hinalikan niya agad ako sa labi pagkalapit niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Parang ang casual lang ng dating nang pagkakahalik niya.

“Bakit mo ako hinalikan?”

“To brighten up your mood, baby.” He winked at me, and I rolled my eyes.

“Hindi mo ako pwedeng basta-basta na lang na halikan kung kailan mo gusto. Pwede ba Mr. Castillejo, magpreno ka naman sa ginagawa mong paghalik sa akin.”

“I will kiss you anytime I want, Mrs. Castillejo.” He smirk
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status