Share

LSO 10

Isang malaking ngiti ang gumuhit sa labi ni Rebecca nang matapos niya ang bagong dress na tinahi. Isang buwan na rin ang nakararan nang simulan niya iyong tahiin, at ngayon nga, dahil sa tiyaga at natapos din niya iyon. Long sleeves iyon at hanggang sa paa ang haba. Tumayo siya upang sukatin ang damit. Isa-isa niyang hinubad ang kaniyang kasuotan hanggang sa ang maiwan na lamang ay ang kaniyang panloob.

Wala sa sariling napatitig sa malaking salamin sa sulok ng kaniyang kuwarto. Nahaplos niya ang mga linya-linya ng nakausling gumaling na laman sa kaniyang balat. Puno ng peklat. Kumuyom ang kaniyang mga kamao.

It's hideous. Mukha siyang halimaw.

Nagmamadali niyang isinuot ang dress. Dahil hanggang talampakan ang haba niyon ay natakpan niyon ang buo niyang katawan. As it should. Ugly objects should be hidden forever.

Eksaktong natapos siyang magbihis ay saka niya napansin ang oras. Mag-aalas siyete 'y media na pala ng gabi, ngunit hindi man lamang siya nakaramdam ng gutom. Napatingin si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status