Share

LSO 5

Madaling araw na nakarating sa kaniyang destinasyon si Logan. Eksaktong ala-una na ng madaling araw ang isinasaad na oras ng relo sa kaniyang pulsuhan. Nang bumaba siya mula sa yate na naghatid sa kaniya sa isla na iyon ay sinalubong kaagad siya ng isang matandang babae at isang matandang lalaki.

"Maligayang pagdating ho sa islang ito, Sir Logan," magalang na pagbati sa kaniya ng matandang lalaki.

"Ako ho si Marita, at ito naman ho ang asawa kong si Saul. Kami ho ang tagapangalaga nitong isla," nakangiti namang sabi ng matandang babae na nagpakilala bilang Marita.

"Tulungan ko na ho kayo, Sir Logan," muling sabi ng matandang lalaki.

"Ah, salamat ho," sabi niya nang kunin ni Tatay Saul ang ilan sa mga bitbit niya.

"Gusto niyo ho bang kumain, Sir?" Muling sabi ni Nanay Marita.

"No need, Nanay Marita. I'm kinda tired. I just want to sleep," magalang na sagot niya.

Mukha namang mabait ang dalawang matanda at makakasundo niya ang mga ito. Huwag lang sana gumana ang kawalang-hiyaang taglay ng ugali niya sa mga susunod na araw. Has has to be patient and hide away his nasty temper for the mean time.

Kumunot ang noo niya. Wala roon ang magiging kliyente niya. Hindi nag-abalang salubungin man lamang siya. Sabagay, ano pa ba ang bago roon? Bakit pa ba siya nagtaka, gayong ganoon din naman ang ugali ng mga nauna na niyang kliyente. This is not the first time that it happened. Hindi ito ang kauna-unahang beses na hindi man lamang nagbigay ng kaunting oras ang kliyente niya upang salubungin man lamang siya. Lahat ng kliyente niya dati, ganoon ang ugali. They just want sēx, and they only time for sēx.

At sigurado siyang ganoon din ang hanap ng kliyente niya ngayon. Afterall, iyon lang naman din ang kaya niyang i-offer kahit gaano karaming pera pa ang ibayad nito.

Lahat sila, pare-pareho.

"Sige ho, Sir. Puntahan na natin iyong magiging kuwarto ninyo."

Mataman na lamang siyang sumunod nang magpatiuna sa paglakad ang mga ito. Hindi naman ganoong kalakihan ang isla, hindi tulad ng mga islang pang turismo. Maliit lamang ang pribadong isla na ito. Mabababa lamang ang mga puno ng niyog kaya naman kita kaagad niya mula sa kanilang nilalakaran ang malaking bahay sa gitna ng isla.

Kahit ang liwanag ng buwan at liwanag na nanggagaling lamang sa bahay ang nag-iilaw sa paligid, kitang-kita niya ang ganda ng bahay. It is a gray, two-storey house, at pang Victorian era ang estilo niyon. Maraming nakatanim na yellow strelitzia sa labas ng bahay at blue plumbago naman sa veranda. It is like a blue and yellow paradise. Kahit tila mukhang pang horror movie ang bahay na iyon, pinaganda naman iyon ng napakaraming bulaklak sa labas.

Ngunit kung gaano iyon kaganda sa labas ay doble pa ang ganda niyon sa loob. It is like an 1830's house straight from an old British movie. Almost everything is made from wood with beautiful carvings. The whole place is just beaming with grace and elegance.

"The house is beautiful," hindi niya mapigilang komento habang patingin-tingin sa paligid.

"Ah, mahilig po kasi si Ma'am Rebecca sa ganitong tema. Kahit ang mga damit niya, Victorian style pa rin."

Umangat ang isang kilay niya. "Really?" Now he's curiosity is elevated. "So, she still wears heavy dresses?"

Tumango-tango lamang sa kaniya ang matandang babae. Ilang minuto lamang ang lumipas nang marating na nila ang kuwarto niya.

"Salamat ho, Tatay Saul," aniya matapos ibaba ng matandang lalaki sa may pinto ang ilan sa mga gamit niya.

"Walang anuman ho, Sir Logan."

"Magpahinga na ho kayo, Sir. Bukas ho ay kakatukin ko na lamang kayo."

"Sige po, Nanay Marita."

Isinara na niya ang mabigat na kahoy na pintuan na napakaganda rin ng disenyo. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Ibang-iba iyon sa nakasanayan niya. Talagang nagsusumigaw ng pagka-Western style ang buong kuwarto. Mula sa furnitures, disenyo ng pader, at mga makakapal na kurtina. Mosaic parquet ang pattern ng sahig na may gray na carpet. May single-seater na sofa din malapit sa malapad na bintana at isang mababang bookshelf.

Ang banyo naman ay fusion ng Modern at Victorian. May kulay gold na ribcage shower doon na may kulay brown na kurtina. Gold din ang kulay ng clawfoot bathtub. Isa pa sa napansin niya ay maraming flower vase doon na may blue plumbago. Mayroon sa ibabaw ng bookshelf, sa mababang mesa, at maging sa loob ng banyo. Mukhang mahilig doon ang kliyente niya.

Overall, everything feels cozy.

Now, it made him wonder even more. Kung ganito kaelegante ang kliyente niya, bakit nito kukunin ang serbisyo nila? Halata naman ang yaman nito. Kaya nitong bilhin ang kahit ano. Kahit magbayad pa ito ng isang damakmak na male hooker, magagawa nito. Why would she pay a million just for one?

Because she wants to? Siguro. Siguro nagwawaldas na lamang ang kliyente niya ng pera.

Hinubad niya ang pang itaas na kasuotan at pinalitan naman ng pajama ang pang ibaba. He threw himself on the bed. He's tired. Bukas na lamang niya ia-unpack ang mga gamit niya. Bukas na lamang niya iisipin ang kliyente niya.

Afterall, nandito lang naman siya para makipag-sëx. And servicing sëx isn't that difficult.

***

TATLONG ARAW.

Tatlong araw na ang nakalipas ngunit miski anino ng babaeng nagngangalang Rebecca Watkins ay hindi pa rin niya nakikita. At wala namang kaso iyon kay Logan. Magmula noong araw na dumating siya roon ay wala siyang ibang natanggap kundi pag-aasikaso mula sa mag-asawang Marita at Saul.

He was served delicious foods, he was always asked if he's comfortable, and most importantly, if he needs something from the town, Nanay Marita and Tatay Saul will bring it right away. May isang bangka raw kasi na nagpupunta roon tuwing Linggo upang maghatid ng mga supply mula sa kabayanan.

It was like he is just taking a vacation. Parang hindi siya nagpunta roon upang magtrabaho. Bagkus, iyon ang bakasyon niya. Napakatahimik ng lumipas na tatlong araw. Malayo sa gulo ng Maynila. The sea breeze is just calming. Dahil tuloy doon, parang gusto na niyang bumili na rin ng sarili niyang isla. Parang gusto niyang mag-invest sa ganoon. Para naman may matatakbuhan siya kapag sawang-sawa na siya sa ingay ng lungsod.

I will consider that. Makabalik lamang siya sa Maynila, aasikasuhin na kaagad niya ang pagbili ng sarili niyang isla.

Ilang beses na rin siyang lumangoy sa dapat. Minsan, kahit gabi, naliligo siya sa dagat kapag naisipan niya. He is also exploring the island little by little. Puro ganoon lamang ang ginagawa niya sa nakalipas na tatlong araw.

No woman in a victorian gown. No Rebecca Watkins. Nothing. Yet. And he must say, it is stirring up his curiosty even more. Wala pa rin bang balak magpakita sa kaniya ang kliyente niya?

What the hell is happening here?

"Nanay Marita, may I ask you something?" Hindi na niya napigilan ang sarili.

Napatingin sa kaniya ang matandang babae na abala sa pagluluto ng tanghalian. Kasalukuyan silang nasa veranda. Nalililiman iyon ng anino ng mga puno ng niyog. Nag-iihaw ang matandang babae ng isang malaking tilapia na pinalamanan ng maraming luya, kamatis at sibuyas. Samantala si Tatay Saul naman ay nagsisibak ng kahoy sa hindi kalayuan.

"Ano ho iyon, Sir Logan?"

"You do know that I was hired to... to do something here. But I still haven't seen my client, your Ma'am Rebecca, and it's been three days. Why's that?"

Alanganing ngumiti sa kaniya si Nanay Marita. "Bakit ho, Sir? Nabo-bored na ho ba kayo rito sa isla?"

"Oh no. No, Nanay. This actually felt like a vacation I never had before. But this is not supposed to be a vacation. This is supposed to be a kind of..." saglit siyang natigilan, "...of special job, I would say. I was paid to be here. In advance. So I was wondering why Miss Rebecca still hasn't discuss anything about it. I want to talk about this business with her." Ni hibla ng buhok nito, ayaw yatang ipakita sa kaniya. Why did she contacted the Services in the first place then?

Nagkatinginan naman ang mag-asawa dahil sa sinabi niya.

"Naku, pagpasensyahan niyo na ho, Sir. Mahiyain ho kasi iyong alaga namin. Mahilig magkulong sa kuwarto niya," sabi ng matandang lalaki na napatigil saglit sa pagsisibak ng kahoy.

Mahiyain? Really? His mind is utterly being sarcastic. But the woman contacted a sëx delivering company and paid a million for a service. He wants to laugh. Gustong-gusto niyang matawa. Kung hindi nga lamang niya sinusubukang pigilan ang paglabas ng malademonyo niyang ugali sa harap ng mababait na matanda, baka kanina pa siya humahalakhak.

"Hayaan niyo, Sir Logan. Kakausapin ko ho uli si Ma'am Rebecca. Sasabihin ko ho sa kaniya ang concern ninyo," sabi ng matandang babae bago ibinalik ang tingin sa iniihaw nito. Nagpatuloy na rin sa pagsisibak si Tatay Saul.

Hindi na siya nagkomento roon. At least he's sure that Rebecca Watkins is in the island. Kung gusto nitong magtagu-taguan ng ilan pang araw, it is certainly fine by him. Sisiguraduhin niya susulitin na lamang niya ang 'bakasyon' na ito.

ALAS-TRES ng madaling araw. Nagising si Logan dahil sa panunuyot ng kaniyang lalamunan. Even after indulging himself in the beach all day, pakiramdam niya ang loob naman ng katawan niya ang kulang na kulang sa tubig.

Pupungas-pungas siyang bumangon upang pumunta sa kusina. Hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng t-shirt dahil mukhang wala namang ibang gising ng ganoong oras bukod sa kaniya. He made sure not to create any noise. Nakakahiya naman kung makabulabog siya. Medyo mabigat pa naman ang mga yabag niya at bahagya ring umiingit ang hagdan.

Patay ang ilaw sa buong kabahayan, at maliit lamang ang liwanag na nagmumula sa ilang bukas na mga antigong nordic-style lamp sa dingding. Kaya naman nagre-rely lamang siya sa linaw ng kaniyang mga mata upang makita ang paligid. He could almost feel his pupils dilating to see better in the darkness.

Pero nasa pintuan pa lamang siya ng kusina nang magising ang diwa niya. Namilog ang mga mata niya. Paano ay bukas ang pinto ng refrigerator, at nakatayo sa tapat niyon ay isang babaeng nakasuot ng napakahabang puting kasuotan. Nakatagilid ito mula sa direksyon niya. Napakahaba rin ng may pagkakulot na buhok nito na tumatakip sa mukha nito.

Talaga namang natulos siya sa kaniyang kinatatayuan.

Agad na bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Namamalik-mata ba siya? Oo nga pala, devil's hour ngayon. Malamang lumalabas na ang mga masasamang ispiritu ng ganitong oras. Unti-unting tumingin sa direksyon niya ang babae. And that was the first time he ever felt scared for his life. Para siyang naging isang bida sa horror na pelikula. Gusto niyang mapasigaw nang makita ang namumuti nitong mukha at namimilog at pulang-pula na mga mata.

Tila doon lamang muling gumana ang mga paa niya. Kumaripas siya ng takbo.

"Fvck! Fvck!" Sunud-sunod ang pagmumura ni Logan habang tumatakbo papunta sa kaniyang kuwarto. At nasa kalagitnaan na siya ng kahoy na hagdan nang madulas siya at gumulong pababa!

Parang saglit siyang nakakita ng liwanag. Mukhang saglit na nagbukas ang langit para sa kaniya at sinilip siya ni San Pedro kung bahay pa siya. Pero parang wala lamang iyon.

"Put*ng-ina! Huwag niyo muna po akong kunin Lord!" Wala sa sarili niyang nasabi habang nagdadasal ng Ama Namin. Nagmamadali siya bumangon na ang tanging nasa isip ay ang makalayo sa sadakong iyon na tila sa ref yata lumabas imbes na sa telebisyon.

Nang makarating siya sa kuwarto ay nagmamadali niyang ini-lock iyon at iniharang pa ang isang drawer doon. Halos madapa-dapa niyang tinakbo ang kama at saka ibinalot ang sarili niya sa kumot.

Jesus Christ! What the freaking hell was that? There was a fvcking ghost in the kitchen!

"T*ng-ina," he muttered. "T*ng-ina ka, Shan. Papatayin talaga kita makabalik lang ako ng buhay sa Maynila." Kalaki-laki ng katawan niya ngunit para siyang isang bata na pinalilibutan ng unan ang buong paligid niya.

Mukhang sa isang haunted house pa yata siya pinadala ng lalaking iyon. Hindi nga siya papatayin ng kliyente niya, papatayin naman siya ni Sadako!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status