Share

LSO 2

Ipinarada ni Logan ang sasakyan na partikular niyang ginagamit kapag pumupunta sa bahay ng kliyente o sa kahit saang meeting place na ni-request ng mga ito. Ginabi na siya ng uwi dahil malayo SDS base sa bahay niya.

Ang mga sasakyan na ginagamit nila sa trabaho ay nakarehistro sa fake identity ni Shan. Kaya kahit maisipan ng kliyente na ipa-trace iyon, mawawalan lamang iyon ng silbi. Shan had already planned everything even before the Services was established. Sa pagkakatanda niya, kinse anyos pa lamang si Shan nang pagplanuhan nito ang pagtatayo sa SDS. At nagkakilala silang dalawa, dalawampu't isang gulang na ito, samantala labinsiyam naman siya. Which exactly means six years of Shan's life was dedicated to plan out everything.

Their main goal? Money, of course. Bonus na lamang ang s*x doon. Lahat silang miyembro ng SDS ay minsang nasadlak sa lusak at kinailangang kumapit sa patalim. However, Shan was a different case. Galing na ito sa mayamang pamilya. Hindi ito nakatikim na mapunta sa laylayan miski isang beses sa buhay nito, kaya hindi niya alam ang dahilan kung bakit nito naisipang buuin ang SDS.

Ngunit kung ano man ang dahilan ng lalaki, wala nang pakialam si Logan doon. Because of the Services, he was able to get to where he is right now. Although he was years late, he was still able to finish his studies. And of course, he was able to save his sister... Kung hindi siya napunta sa Services, malamang ay hindi siya nakatakas sa mahigpit na hawak ng kahirapan sa kaniyang leeg.

Kaya kung sinuman ang nagsabi na hindi kayang bilhin ng pera ang lahat nang bagay sa mundo... kung sinuman ang nagsabi na madaling kitain ang pera, sana ay sumama na kay satanas sa impyerno. Lahat ay kayang bilhin ng pera—material things? S*x? Money can give you a whole damn life. Kayang-kayang baliktarin ng pera buong buhay isang tao. At iyon ang nangyari sa kaniya.

Now, he is building his own empire. Gamit ang lahat ng naipon niya sa Services ay nakabili siya ng sariling bahay at lupa. He was able to buy his own car; na ngayon ay umabot na sa lima. Nagtayo siya ng negosyo, at sa tulong ng koneksyon ni Shan sa industriya at ng iba pang miyembro ng SDS, nakilala iyon. His wine business rose to fame. Ngayon, maraming bigatin na personalidad na ang kumilala, nag-promote, at gustong maging partner ng negosyo niya.

With no doubt, maganda na ang buhay niya. He can buy whatever the hell he wants, and go to wherever on earth anytime he wants.

So why is he still in the Services, if you will ask? It is simply because of his loyalty to Shan and to the other members whom he called friends. Maaari ngang hindi maganda ang pananalita niya o ang malaking parte ng kaniyang pag-uugali, alam niya kung paana maging tapat at mabait sa mga taong tapat at mabait rin sa kaniya.

"Good evening ho, Sir Logan." Bati sa kaniya ni Manang Alberta. Ito ang nag-iisa nilang kasambahay.

"Good evening, Nang Alberta," bati niya habang inaalis ang kaniyang neck tie. "Where's Clarylaine and Claude?"

"Tulog na ho si Claude, Sir. Excited nga ho sa pagpasok bukas." Unang araw kasi sa high school ng pamangkin niya. Malamang ay excited itong makakilala ng ibang tao. Afterall, high school is the happiest part of a student's life.

"Really? Ang Ma'am Laine mo?"

"Nasa opisina niya ho, Sir. Doon na nga ho kumain dahil tambak daw ho ang trabaho niya." Saglit siyang natigilan. His sister is overworking herself again.

"Ipaghahain ko po ba kayo, Sir?"

Umiling-iling siya. "No need, Manang. I'm tired already. Magpapahinga na ako. Pakisabi mo kay Tatay Omeng na bukas na ihatid sundo niya si Claude ah." Si Tatay Omeng ang asawa ng matandang babae at ang driver nila. Stay-in sa kanila ang mag-asawang ito at umuuwi lamang tuwing day-off. Malaki na rin ang naitulong ng mga ito sa kanila, lalo na kapag pareho sila ni Clarylaine na wala sa bahay.

"Sige ho, Sir. Ako na ho ang bahala."

"Thanks. Good night, Nang."

"Good night ho, Sir!" Narinig pa niyang pahabol nito habang paakyat siya ng hagdan.

Ang isang buong palapag ng bahay na iyon ay halos sa kaniya lamang. Malaki ang kaniyang kuwarto dahil naroon na rin ang kaniyang opisina. Pagpasok niya sa kuwarto ay agad siyang sinalubong ni Kint at ni Sugi; his two cats. Kint is a male one while Sugi is the female one. Magkapatid ito na pareho niyang nakuha sa isang animal welfare center. They were actually lined up for euthanasia. Wala naman kasing gustong mag-ampon sa dalawa dahil sa hitsura ng mga ito.

Kint almost lost one of his legs. May malaking peklat malapit sa naputol nitong buntot. While Sugi has a huge scar on her face. Wala na ang isang tenga nito at bulag na ang isang mata. Ayon sa animal center, survivors sa sunog ang dalawang pusa. Dati itong pagmamay-ari ng isang mayamang pamilya, ngunit dahil sa naging hitsura ng mga ito pagkatapos ng aksidente ay ipinamigay na ang mga ito.

Ngunit iba ang tingin niya. He likes disfigured things, and to his eyes, his cats are like his symbol of hope and new beginning. To him, they are two beautiful creatures. In a way, nakikita niya ang sarili sa mga ito. Scarred yet brave. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na ampunin ang dalawa.

Dumiretso siya sa banyo pagkatapos salinan ng pagkain ang bowl ng mga ito. Hinubad niya ang lahat ng kaniyang saplot, at saka itinapat ang kaniyang katawan sa ilalim ng maligamgam na tubig na nanggagaling sa shower. Ilang minuto siyang nakatayo lamang doon, parang isang estatwa na hinihintay matangay ng rumaragasang tubig.

Noong mga unang beses niyang makipagtalik sa mga kliyente, diring-diri siya pagkatapos. Sa tuwing maliligo siya sa luma nilang barung-barong ay hindi magkandamayaw ang pagkuskos niya sa sariling balat. Kinukuskos niya iyon hanggang sa animo'y matatanggal na mismo ang balat niya sa katawan. Ngunit ngayon, parang wala na lamang iyon sa kaniya.

At a young age, he came to understand how the world revolves around s*x and money. People need pleasure and money gives that to them. No wonder, money is really the king of the world. People go crazy with a sight of a few colored papers.

Nang magtagal siya sa industriyang ito, iba't ibang klase, amoy, at hugis na ng mga katawan ng babae ang dumaan sa kaniya. Hindi na niya iyon mabilang. Sa dami ng mga iyon ay nasanay na siya. Habang umiinit ang pisikal niyang katawan ay patuloy naman sa paglamig ang kaniyang damdamin. He lost all of the spark inside him. Pakiramdam niya, butas na ang puso niya.

Ah, does he want to stop? Does he want to leave the Services? He's already stable now, may negosyo, at kaya nang magpaikot ng sarili niyang pera. He does not need to worry too much about his sister nor his nephew anymore. But how can he tell that to Shan? To the other members?

Isa pa, iisa lamang ang paraan upang umalis sa SDS: iyon ay kung nakapag-asawa na ang miyembro niyon. Iyong hindi lamang basta asawa, kundi iyong babaeng handa pa ring magpakasal pagkatapos malaman ang sikreto nila. Which is a thing next to impossible. Shan made it that way because he knows that it will be hard for them to get a spouse. Afterall, who would want a husband who already tasted all the woman in town?

No, who would want a husband that was fvcked by all the woman in town for a few bills. A male whōre. Who would want a male prostitute as a husband?

A true love? Love at first sight? Oh, for Pete's sake, this is the twenty first century. All people are selfish and judgemental. All people are user and money-centered. By setting that rule, Shan basically tells them that no one will love them; that no one will accept the likes of them.

Of course, he still wants to be able to settle down in the future. He just turned thirty two this year. Hindi naman siya pabata. Gusto rin niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya. Iyong pamilya na makakasama niya hanggang sa tumanda siya.

Humugot siya ng isang marahas na buntong-hininga. B*llshit. All of these ideas are tiring him. Ni hindi niya alam ang pumasok sa isip niya at ang ideya ng pag-alis sa Services at pag-aasawa ang naglalaro doon.

Mukhang talagang bored na bored na siya sa nangyayari sa buhay niya lately. Wala na siyang maramdaman na init sa lahat ng babaeng nakakasama niya sa kama. He could not ejaculate even if he wants to. He could not even get aroused for pete's sake! Mas mabuti pa nga yatang magmariang-palad na lamang siya.

Ipinilig niya ulo upang alisin na roon ang mga walang katuturang ideya. Mabilis siyang kumilos. Tinapos ang kaniyang paliligo at nagsuot ng kumportableng pajama at t-shirt. Pumasok sa kaniyang opisina at sinimulang basahin ang lahat ng mga dokumentong ipinadala sa kaniya ng kaniyang sekretaryo. May separate na pintuan ang opisinang iyon sa loob ng kaniyang kuwarto. Siniguradong ni-review at napirmahan ang lahat ng dokumento kailangan niyang pirmahan. It's been a while since he last visited the company.

Nito kasing nakalipas na buwan at sunud-sunod ang pagpasok ng kliyente sa SDS. Ang iba pa nga sa mga iyon ay nasa malalayong lugar. Kinailangan pa niyang bumiyahe upang puntahan ang kliyente sa desired meeting place ng mga ito. Afterall, their motto is to deliver a mind-blowing s*x anywhere. Karamihan sa mga ito ay mas gusto makipagkita sa malayong lugar dahil mas convenient iyon, lalo na iyong mga kilalang personalidad at may image na pinoprotektahan. Yes, he even had s*x with few celebrities.

Ngunit kahit na ganoon, hindi niya pinapabayaan ang mga trabaho sa kaniyang negosyo. Isa pa, Allanic is there, ang pinakapinagkakatiwalaan niyang empleyado. Ito ang nagma-manage ng kumpanya habang wala siya.

Pagkatapos ng ilang oras na pag-abala niya sa sarili sa pag-aasikaso sa loob ng opisina ay dinalaw na siya ng antok. Hinubad niya ang suot na reading glasses at nahilot ang nananakit niyang sentido. Niligpit na niya at pinagpatung-patong ang mga papel bago siya lumabas mula sa opisina. At nng ibagsak niya ang pagod na katawan sa kama ay iisa lamang ang nasa isip niya:

Tomorrow is another day to 'service' someone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status