Share

LSO 6

"Shan, you fvcking dimwit! Answer your goddamn phone!"

Kulang na lamang ay madurog ni Logan ang maliit na de-keypad na cellphone na iyon sa kaniyang kamay.

"Fvck it!" Gigil na gigil niyang sabi. Kasalukuyan siyang nasa loob ng banyo, partikular sa tapat ng malaking salamin.

Puro ring lamang ang narinig niya. Nang walang sumagot ay muli niyang tinawagan ang eksklusibong numero nito para sa trabaho.

Nakailang bigkas siya ng mura. Inamba niyang ibabato ang cellphone ngunit hindi niya magawa. Kahit gigil na gigil na ay ibinaba niya ang cellphone. Napabuntong-hininga na lamang siya. Kahit gaano siya kagalit, hindi niya wawasakin ang cellphone na iyon. If the phone gets destroyed, mas madadagdagan pa ang problema niya. That is his only way of communication to the outside world.

Yeah, right. The only means of  communication, and no one is fvcking answering!

Hindi lamang si Shan ang tinawagan niya. Sinubukan na rin niyang tawagan ang lahat ng miyembro ng Services ngunit halos lahat ng mga ito ay out of coverage. Well, except for Rider and Colter. Those twins share another trait aside from having the same face, at iyon ay ang laging paglimot sa mga cellphone nito.

He wants to get out of this freaking island. Hindi siya pinatulog ng nakita niya kagabi. Ang lalim ng mga mata niya dahil buong magdamag iyong nakabukas. Naging instant panda siya matapos dalawin ng multo kagabi. That was the scariest sh*t he freaking encounter all his life. Mas nakakatakot pa iyon kaysa sa kliyente niyang mahilig sa dugo na akala niya ay iyon na ang tatapos sa buhay niya.

Matapos niyang kumaripas ng takbo pabalik sa kaniyang kuwarto kagabi at magtago sa ilalim ng kumot, nakarinig pa siya ng mga pag-ingit; na para bang may umaakyat sa hagdan. Pagkatapos niyon ay nakarinig naman siya ng mga yabag. Right outside of his fvcking room!

Para siyang mamamatay sa kaba ng mga oras na iyon. At nang ipunin niya ang lahat ng kaniyang lakas ng loob upang sumilip sa may kumot, nakita niyang may mga anino ng paa sa tapat ng kaniyang pintuan. Nakita niya iyon sa maliit na siwang niyon sa ilalim. Ilang minutong may nakatayo sa labas ng kuwarto niya, bago iyon tuluyang nawala.

Ngayon, kahit mataas na ang sikat ng araw ay hindi pa rin siya lumalabas ng kuwarto. Nakailang katok na rin si Nanay Marita sa pinto ng kaniyang kuwarto, nakailang tawag sa kaniyang pangalan, ngunit kahit naririnig naman niya iyon ay hindi siya sumagot. He just wants to get out of this goddamn place as soon as possible. He will just return that freaking money. Kahit doblehin pa niya, makaalis lamang siya rito.

Iyon nga lamang, kahit gustuhin niyang umalis, wala naman siyang magawa! No one is answering their phones. Everything is just utterly bullsh*t. This is the reason why he does not want to accept any clients from outside Manila anymore! Mukhang hindi na talaga siya magkakaroon ng sariling pamilya. Dahil dito pa lamang sa bahay na ito ay mababaliw na siya.

"Sir Logan? Gising na po ba kayo?"

Narinig na naman niya ang boses ni Nanay Marita at ang mga pagkatok nito sa pintuan. Ibinalot niya ang sarili sa roba bago lumabas ng banyo. Tinungo niya ang pinto at nang buksan niya iyon, natigil ang kamay ni Nanay Marita sa ere. Ang isang braso nito ay may bitbit na tray ng pagkain.

"Naku, Sir Logan? Okay lang po ba kayo? Ang lalim ho ng mata niyo."

"I'm okay, Nanay. I just did not get enough sleep, so I'm don't feel really well today," he said, expressionless. He didn't mean to be cold. Wala lang talaga siya sa mood ngayong araw.

"Naku. O ito, kumain ka muna. Hindi ka bumaba kanina para mag-umagahan e." Inabot nito sa kaniya ang tray ng pagkain. "Hindi ka ba kumportable sa kama mo? Gusto mo ba ng gamot? Dadalhan kita."

"Hindi na kailangan, 'nay. I'll just sleep. I think that's all I need."

Kita sa mukha ng ginang ang pag-aalala. "Sigurado ka ba?" Alanganin nitong tanong.

Tumango-tango siya bilang sagot.

"O sige, 'nak. Magpahinga ka na. Babalikan ko na lang iyang tray mamaya."

"Ako na lang ho ang magbababa. If that's okay."

"O sige. Magpahinga ka na."

"Thank you, 'nay." Isasara na sana niya ang pintuan nang biglang may maalala. "Ah, Nanay Marita..."

"Bakit ho, Sir?"

"I don't think I will be able to speak with Miss Watkins. Please tell her that I will leave the island tomorrow. My manager will handle everything including the compensation for any damages and breach of contract."

"Ho?" Halata ang pagkagulat sa ekspresyon ng ginang. "Ay naku, Sir. Bakit ang bilis naman ho 'ata? E hindi pa ho kayo nagkikita ni Ma'am Rebecca."

"Exactly, Nanay Marita. It has been four days, but our business is still not being discussed."

Mas mabuti pang asikasuhin na lamang niya ang kumpaniya niya at kausapin si Shan tungkol sa pag-alis niya sa Services, kaysa ipagpatuloy niya ang kabaliwan sa islang ito. Nasasayang lamang ang oras niya.

"Sir, baka naman ho pwedeng bigyan niyo muna ng pagkakataon na makilala iyong alaga ko. Mabait naman iyon e, mahiyain lang talaga. Matagal-tagal na rin kasing nakikitang bagong mukha iyon e."

Nanay Marita and Tatay Saul have been nothing but helpful and accommodating this past four days.

"Huwag ho kayong mag-alala, kakausapin ko ho uli si Ma'am Rebecca na harapin na kayo ngayong gabi. E sana, magbago pa ho ang isip ninyo."

***

Sunud-sunod na pagkatok ang ginawa ni Nanay Marita sa pintuan ng attic.

"Anak, nagdala ako ng tanghalian mo," sabi ng ginang.

Walang sumagot mula sa kuwarto, pero alam ng ginang na gising na ang may-ari niyon. Dinig niya ang maliliit na yabag mula sa loob niyon, at isa pa, alam niyang nagtatampo sa kaniya ang dalaga. Paano'y nakasimangot ito nang dalhan niya ito ng pagkain kaninang umagahan.

"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong ng ginang.

Noong isang araw pa kasi ito nagtatampo sa kaniya. Maling pipino kasi ang naibigay niya rito nang minsang manghingi ito ng pipino para mabawasan ang eyebags sa ilalim ng mga mata nito, na dulot ng pagpupuyat dahil sa pagbabasa ng libro. Binigyan naman niya ito, ang problema, hindi niya napansin na iyong pipino na kakababad lamang sa suka pala ang naibigay niya rito. Eksakto kasing gumagawa siya ng ensalada noong araw na iyon.

Hindi naman niya ito masisi. Nagkaroon kasi ng problema sa pang-amoy ang dalaga dahil sa isang insidente. Mahina at paminsan-minsan ay sensitibo ang pang-amoy nito kaya hindi nito naamoy ang suka.

Iyon dahilan kung bakit isa at kalahating araw pulang-pula ang mga mata nito. Imbes na makatulong ang pipino ay mas lumala pa iyon. Mabuti na nga lamang at bumuti na ang lagay ng mga mata nito kaninang umaga.

"Becca?" Kumatok muli ang ginang, ngunit tulad kanina, wala uli itong nakuhang sagot. Pero alam na alam niya kung paano makakakuha ng sagot mula sa dalaga. "Oo nga pala. Aalis na daw bukas ang binata. Iyong manager na lamang daw niya ang kakausap sa iyo at magse-settle ng lahat."

Doon biglang bumukas ang pinto at bumungad sa ginang ang nag-aalalang mukha ni Rebecca. Pinigilang mapangiti ng ginang. Hindi man lamang umabot ng ilang minuto nang buksan kaagad nito ang pinto. Nakasuot pa rin ito ng pantulog at nakaladlad sa balikat ang mahabang kulot na buhok.

She fidget. Bumukas ang labi nito na tila may gustong sabihin, ngunit kaagad din iyong sumara nang walang salita ang lumabas doon.

Nagmamadaling tumakbo ang babae papasok sa kuwarto, may hinanap doon, at saka bumalik sa pinto. Dinig na dinig ng ginang ang tunog ng pagsulat ng erasable marker nito sa maliit nitong whiteboard, pagkatapos ay ipinakita iyon ng dalaga sa ginang.

He can't leave. Iyon ang nakasulat sa whiteboard nito.

Inabot ng ginang sa dalaga ang tray ng pagkain.

"Kaya nga kung ayaw mo siyang umalis, makipag-usap ka na sa kaniya. Aba, ay apat na araw na ring naghihintay iyon na makausap ka," sabi ng ginang.

Ibinaba ng dalaga ang tray sa may maliit na mesa, at saka muling nagsulat sa whiteboard nito.

No.

"Becca naman. Paano bubuti ang kalagayan mo niyan kung hindi mo susubukan?"

Hindi sumagot ang dalaga. Basta't humigpit lamang ang pagkakahawak nito sa whiteboard. Ang mga mata nito ay nakatutok sa sahig na tila pinag-iisipan ang sinabi ng ginang. At ilang segundo lamang ang lumipas, nang magsulat ito at ipakita muli iyon sa ginang.

Okay, I'll try.

***

Gabi.

Hindi mapakali si Logan habang inaayos ang kurbata niya. Nakailang balik na rin siya sa harap ng salamin upang tingnan kung maayos na ang hitsura niya. He looked so dazzling in his navy blue suit, yet he's still unsatisfied. Ni hindi niya alam kung bakit unsatisfied pa rin siya sa hitsura niya gayong pwede na siyang maikumpara sa isang modelo.

You might be asking what's the occasion? Well...

Pagkatapos kumain ni Logan ay umidlip siya. Hapon na nang muli siyang magising sa sunud-sunod na pagkatok ni Nanay Marita sa pintuan ng kaniyang kuwarto.

He checked the time on the digital clock at top of the bedside drawer. Mag-aalas kuwatro 'y media na ng hapon. Pupungas-pungas pa siya nang pagbuksan niya ng pinto ang matandang babae.

"Nanay Marita?"

"Ah, Sir Logan, pasensya na ho kung naistorbo ko ang pagtulog ninyo."

"No, it's okay. Do you need anything?"

"Uh, kasi Sir, pinapasabi ho ni Ma'am Rebecca na magkita raw po kayo sa study hall ng alas siyete 'y media mamaya."

Tila nagising ang diwa niya dahil sa sinabi ng matandang babae.

"Ho?" Para siyang nabingi. "Talaga ho?"

"Opo, Sir Logan. Nakumbinse ko na ho siya." Nakangiting sagot nito. Ito na ang kumuha ng tray ng pagkain na ginamit niya na sinabi niyang siya na ang magbababa.

Napatingin siya sa orasan sa pader. He still has three hours to get ready. "Salamat ho, Nanay Marita," aniya.

"Sige ho, Sir." Muli niyang isinara ang pinto pagkatapos niyon. Mabilis na mabilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa hindi maipaliwanag na excitement.

Kaya naman heto siya ngayon, hindi mapakali sa harap ng salamin. Hindi niya makalilimutan ang sinabi sa kaniya ni Nanay Marita na mahilig si Rebecca sa Victorian Era na tema. Kaya gusto niyang siguraduhin na pasok sa panlasa nito ang suot niya ngayon.

Natigilan siya. Why the fvck am I doing this again? tanong ng kaniyang isip. Ano naman kung magustuhan o hindi ng babae ang suot niya? Why the hell does that even matter? He must be getting crazy.

Inis niyang inalis ang neck tie niya at itinapon iyon sa ibabaw ng drawer, at hinayaang nakabukas ang butones sa leegang bahagi ng suot niyang polo sa loob. Mula sa pormal na hitsura, mukha na siya ngayong isang badass na modelo. This suits him better.

He took his way to the study hall. Maaga siya ng tatlumpung minuto. Alas siyete pa lamang ay lumabas na siya sa kuwarto. His heart is beating loudly. Maybe because this is his first time meeting a client without his mask. He feels bare.

Napagkasunduan na nila ni Shan iyon bago pa man siya bumiyahe pa-El Nido; na hindi siya magsusuot ng mask. At first, he refused. Of course, he does not want anyone to know that a billionaire like him is actually a male hooker. Ngunit nang ipaliwanag iyon sa kaniya ni Shan ay pumayag na rin siya. Shan told him that the island is actually a remote place, na napag-iwanan na ng sibilisasyon. It is as if Rebecca Watkins purposely isolated herself from the rest of the world. Sinigurado ni Shan na walang sinuman sa labas ng islang iyon ang makakaalam ng totoong pagkatao niya.

At napatunayan naman niyang lahat iyon noon pa lamang unang pagtuntong niya sa islang iyon. Halos makaluma ang mga gamit, walang ibang means upang magkaroon ng komunikasyon sa kabayanan maliban sa maliliit na bangka, at walang ibang tao bukod sa dalawang matanda at sa kliyente niya.

Hindi na siya nag-abalang kumatok sa mataas na pinto ng study hall dahil alam naman niyang wala pang tao roon. Girls are typically slow especially in getting ready.

Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita ang isang babae na abala sa pag-abot ng libro ang nakatalikod mula sa direksyon niya. And when she looked at his direction, his heart almost drop. There is a princess standing right in front of him.

No, she isn't a princess. She is a goddess. She is beaming with grace and elegance. Isang kulay dark green na velvet dress ang suot nito. Abot sa sahig ang haba niyon kaya hindi niya nakikita ang mga paa nito. Hindi niya alam kung nasauot ba ito ng mataas na sapatos. Basta ang alam niya, may katangkaran ang dalaga. Pa-flare ang style ng mahabang sleeves niyon, pa-square ang leegang bahagi, at talaga namang na-emphasize ang maliit na bewang ng dalaga.

Mas lalong pina-stand out ng kulay ng buhok nito ang complexion ng dalaga. Mahaba ang natural na kulay ginger nitong buhok. Naka-braid iyon at napatong sa balikat nito. Ang dulo niyon ay may kulay dark green din na malaking ribbon. She's like a royal character straight from an old british book.

At talaga namang hindi niya maialis ang tingin dito. Hindi rin maitago ng babae ang pagkabigla nang makita siya. Nabitawan nito ang makapal na libro na kakakuha lamang nito mula sa shelf. Lumikha iyon ng malakas na ingay.

Namimilog ang mga mata nito nang mapaatras.

Shît. Alam naman niyang maganda ang babae dahil nakita na niya ang larawan nito sa confidential folder nito. Ngunit hindi niya inasahan na ganito ito kaganda!

"O, Sir Logan? Ang aga ho ninyo."

Napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig doon ang boses ni Nanay Marita. May dala itong tray ng tsaa.

Nagpatiuna ang matanda patungo sa lamesa sa hindi kalayuan. Pagkatapos ay nakita niyang lumapit ito sa magandang babae na hindi na nagawang pulutin ang nalaglag na libro.

"Rebecca, anak? Ayos ka lang?" Masuyong tanong ng matandang babae.

Tumango-tango naman ang babae. Saglit na sumulyap sa kaniya at agad ding nag-iwas ng tingin. Para bang hindi ito makabasag-pinggan. What's with this woman? Ito ba talaga ang babaeng kumuha ng kanilang serbisyo? Ibang-iba ito sa inaasahan niya.

Tila may sinasabi pa rito ang ginang ngunit hindi niya iyon masyadong marinig. Puro tango lamang din ang isinasagot ng babae. Paminsan-minsan ay sumisenyas ang mga kamay nito ngunit hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon.

Ilang segundo ang lumipas nang iginiya na ng ginang ang dalaga patungo sa lamesa. Ito pa mismo ang naghatak ng upuan para sa dalaga kahit na kayang-kaya naman iyong gawin ng huli. Lihim siyang napaismid. She is certainly living her best life here, isn't she? May taga-hatak pa ito ng upuan.

Kaparehas pa rin ito ng iba. Kahit gaano pa ito ka-timid o ka-reserved kumilos, nananalaytay pa rin sa dugo nito ang dugong pang mayaman. Isa pa rin ito sa mga taong hindi mabubuhay nang walang katulong. Tss, mayayayaman nga naman.

He shouldn't be deceive of her looks.

"Sir Logan," tinawag ni Nanay Marita ang atensiyon niya. "Upo na po kayo."

Lumapit naman siya sa mga ito, naghatak ng upuan sa tapat ng dalaga, saka naupo doon. Ipinagsalin sila ng ginang ng tsaa.

"Maiwan ko na po kayo," sabi ng ginang. At nang papaalis na ito ay pinigilan ito ng dalaga sa pamamagitan ng paghawak sa braso ng matandang babae.

Kita niya sa mukha ng dalaga ang pagsusumamo na huwag umalis ang ginang. Halatang ayaw nitong maiwan sa silid na iyon nang siya lamang ang kasama. Kahit hindi ito magsalita, her expression says it all. Isang encouraging na ngiti naman ang ibinigay dito ng ginang.

"Kayang-kaya mo na iyan, anak."

Binigyan siya nito ng isang magalang na ngiti bago ito tuluyang lumabas mula sa silid na iyon.

Agad silang binalot ng nakabibinging katahimikan pagkaalis ng ginang. Ni hindi siya sinusulyapan ng babae. Ang mga mata nito ay nakatuon sa maliit na baso ng mainit na tsaa.

"Should we start by exchanging our names?"

Doon napatingin sa kaniya ang dalaga.

Her bluish-gray eyes almost made his heart stop. It's expressive. Ngayong nasa harap na lamang niya ang dalaga, mas napagmamasdan na niya ito. Ngayon lamang niya napansin na wala itong kahit anong kolorete sa mukha. Her straight nose compliments the shape of her lips. Kulay pink din ang magkabilang pisngi nito.

Fvck. This must be his first time staring this intense at someone. Sa ginagawa niya, makakabisado na niya ang mukha nito.

He cleared his throat before speaking. "I'm Logan. Though I know you might know it already."

Inilahad niya ang palad dito. Ngunit tinitigan lamang iyon ng babae. Mukhang hihintayin pa yata nito na mangalay ang kamay niya. Kumunot ang kaniyang noo nang imbes na tanggapin ang nakalahad niyang palad ay naglabas ito ng sticky note at ballpen. Saglit itong nagsulat doon. Pagkatapos ay idinikit nito ang sinulatang sticky note sa palad niya.

"What's this?" tanong niya bago kinuha ang sticky na nakadikit sa may palad niya at binasa ang nakasulat doon.

Hello, Logan. I'm Rebecca.

Napatingin siyang muli sa babae. Confusion is written all over his face. At alam niyang napansin iyon ng babae. Muli itong nagsulat sa sticky note at idinikit iyon, this time sa braso naman niya.

Watkins. Rebecca Watkins.

Napatitig lamang siya rito. Tila isa itong walang kamuwang-muwang na bata habang nakatingin din sa kaniya. Sulat sa sticky note, dikit muli sa braso niya.

Nice to meet you.

Mas lalo pang lumalim ang gatla sa noo niya. Isang tanong lamang ang nagsisirkulo sa kaniyang isip.

Hindi ba... nakakapagsalita ang babaeng ito?

Tila nabasa naman ng babae ang tanong sa isip niya base sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Muli itong nagsulat. Ilang minuto ang itinagal nito. This time, sa mesa idinikit ng dalaga ang sticky note nito.

I am not mute. I just have a little problem in communicating, and I hired you to help me on that matter.

Matagal siyang napatitig dito bago sumagot. Agad na nawala ang lahat ng ekspresyon sa kaniyang mukha. "No."

Tumayo siya at iniwang mag-isa ang babae sa silid na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status