Share

288 (Book 2)

Author: Kara Nobela
last update publish date: 2026-06-03 00:09:45
Maya maya ay napansin niya ang tatlong kabataan na tila may kinukuyog na lalaki sa di kalayuan. Mukhang nasa 40’s na ang lalaki at halatang natataranta habang pilit na inaagaw sa kanya ang bag na dala.

Hindi nakatiis si Renz. Binitawan niya ang pagkain at nilapitan ang mga yun.

“Hoy!” saway niya sa mga ito.

Napalingon sa kanya ang tatlong holdaper.

“Ano?” maangas na sabi ng isa sa mga ito habang inilalabas ang kutsilyo.

Samantalang si Renz ay tuloy tuloy pa rin na lumapit sa mga ito. Kaya
Kara Nobela

Thanks for reading...

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Gene Darden
Si Renz na hinubog na panahon... mabuti nalang napunta ka sa mabuting pamilya... Thank you Ms. Kara♡♡♡
goodnovel comment avatar
1015ijdjchase5
ang nkkaiyak na update thank you Ms Kara ◉⁠‿⁠◉ bukas uli (⁠◠⁠‿⁠◕⁠) (⁠✿⁠ ⁠♡⁠‿⁠♡⁠)
goodnovel comment avatar
Juday Berida
subrang naiyak ako
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   288 (Book 2)

    Maya maya ay napansin niya ang tatlong kabataan na tila may kinukuyog na lalaki sa di kalayuan. Mukhang nasa 40’s na ang lalaki at halatang natataranta habang pilit na inaagaw sa kanya ang bag na dala. Hindi nakatiis si Renz. Binitawan niya ang pagkain at nilapitan ang mga yun. “Hoy!” saway niya sa mga ito. Napalingon sa kanya ang tatlong holdaper. “Ano?” maangas na sabi ng isa sa mga ito habang inilalabas ang kutsilyo. Samantalang si Renz ay tuloy tuloy pa rin na lumapit sa mga ito. Kaya naman sumugod ang isa sa mga holdaper habang nakaumang ang kutsilyo. Mabilis pero kalmado ang naging kilos ni Renz at sa isang mabilis na galaw ay agad na nabitawan ng holdaper ang kutsilyo bago malakas na bumagsak sa semento. Napamura ang dalawang kasama at sabay na sumugod upang pagtulungan si Renz. Ngunit ang eksenang ito ay walang wala kumapara sa kung paano siya sinanay upang makipaglaban. At sa isang iglap lang ay nakahandusay na sa kalsada ang tatlong holdaper. Habang si Renz ay balewala

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   287 (Book 2)

    Ilang araw na ay masama pa rin ang loob ni Arah dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Renz. Sobra siyang napahiya. Mabuti na lang pala at hindi pa niya naibibigay dito ang sulat. Kung yung simpleng pakikipagkamay ay tinanggihan siya, eh ano pa kaya kung nagtapat siya ng mararamdaman. Lalo na siguro siyang napahiya.Hindi alam ni Arah kung matutuwa ba siya na hindi na niya muling nakita pa si Renz pagkatapos noon. Dahil simula noon ay hindi na ito bumalik sa school. Isang linggo na lang kasi yun bago ang graduation nila sa high school. Hindi na nagpakita pa si Renz ganun din si Leon. May narinig siyang usap usapan na nasa hospital daw si Leon pero hindi siya sigurado. Wala na rin siyang narinig pa tungkol kay Renz. Valedictorian at salutatorian pa naman ang dalawa. Officially graduate na rin ang dalawa pero hindi sila dumalo ng graduation march.Isang umaga, dinalhan ni Arah ng kape ang kanyang ama. Nasa isang bakanteng kwarto ito sa bahay nila na ginawang opisina. Sanay na si Arah

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   286 (Book 2)

    Hindi na muling bumalik si Renz sa loob ng paaralan. Tumakbo siya nang walang direksyon kung saan siya pupunta. Basta ang gusto lang niya ngayon ay makalayo. Malayo sa Riverdale na nagpapasikip ng kanyang mundo at sinasampal siya ng katotohanan na kahit doon ay hindi rin siya nabibilang.Maya maya pa ay nakita na lang niya ang sarili na nakaupo siya sa gilid ng seawall sa Manila Bay habang nakatanaw sa tubig. Sa kabila ng maingay na hampas ng alon at hangin, maging ang kalsada sa paligid ay parang wala siyang naririnig.Tulala siya at malayo ang tingin. Paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang inosenteng mukha ng Arah. At ang pag-abot ng kamay nito na hindi niya nagawang tugunan dahil naaalala niya ang pulis nitong ama.Napapikit ng mariin si Renz. Kuyom ang kanyang mga palad habang tinatanong ang sarili.Hindi ito tungkol sa dalaga o ang simpleng paghanga sa isang tao kaya siya nagkakaganito. Isa lang yun sa mga nagpapaalala kung kung gaano siya kamalas sa buhay. Ano bang kasa

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   285 (Book 2)

    Isang hapon , nadatnan ni Arah ang kanyang amang si Police Colonel Carlos Reyes na nakaupo sa sofa. Kauuwi lang niya galing sa school. Masaya siyang makita na maaga itong umuwi. Kadalasan kasi ay gabing gabi na ito kung umuwi o kung minsan naman ay ilang araw, dahil sa klase ng trabaho nito. “Dad!” masayang bati ni Arah at yumakap agad sa ama. Gumanti ng yakap si Carlos pagkuway nangumusta ito kay Arah. “Kumusta ang grades mo?” tanong nito. “Okay po.” “Wala pa bang boyfriend sa school?” pagbibiro ni Carlos dahilan para mamilog ang mga mata ni Arah. “Dad!” Malakas na natawa si Carlos. “Oh, bakit ganyan ang reaksyon mo? Wala namang problema sa akin kung magboyfriend ka. Basta kapag may nanligaw sayo, dapat ipakilala mo muna sa akin bago mo sagutin.” Namula ang magkabilang pisngi ni Arah. Nakaramdam siya ng guilt kahit crush lang naman ang merun siya. “Wala po.” mahinang sagot niya. “Sigurado ka ha?” may pagdududang sabi ni Carlos. Ngumuso si Arah sa ama. “Paano naman po mang

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   284 (Book 2)

    Napaka-aga pa kaya wala pa masyadong tao sa hallway ng Riverdale Academy. Napakatahimik at ang maririnig lang ay ang mumunting tunog na nagmumula sa mga nalilinis na utility staff. Sa harap ng magkatabing lockers ay nakatayo sina Renz at Leon. Sila pa lang ang estudyanteng naroon. Kitang kita sa mukha ni Leon na inip na inip na ito. “Ano ba talaga? Ilalagay mo ba o hindi?” natatawang sabi nito habang nakahalukipkip. Samantalang si Renz naman at kanina pang nakatingin sa hawak nitong maliit na card na may lamang love letter. Kita ang pag-aalinlangan sa mukha habang palipat lipat ang kanyang tingin sa hawak at sa locker sa tapat, ang locker ni Arah. Napaapiling na lang si Leon habang nakatingin sa orasan, hinayan na hinayang sa pagtakbo ng oras na wala man lang ginagawa si Renz. Gayung napakaaga nilang dumating para dito. Ang plano nila ay ilagay sa locker ni Arah ang ginawang sulat ni Renz bago pa man magsidatingan ang ibang mga estudyante. Napakadali sana… ipapasok ang sulat

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   283 (Book 2)

    Parehong nakaupo at humihingal sa gitna ng mat floor ang magpinsan habang basang basa ng pawis matapos ang halos isang oras nilang sparring. Muntik mo nang baliin ang balikat ko dun ah.” nakatawang sabi ni Leon. Uminom muna ng tubig si Renz saka umiling. “Ikaw itong sumugod. Kasalanan mo.” Tumawa si Leon saka humiga sa mat habang nakatingin sa kisame. Mula pagkabata ay sinanay na silang lumaban bago pa man sila tumuntong ng paaralan. At bago sila matapos ng elementary ay pareho na silang black belter sa Taekwondo. Bukod doon ay hinasa rin sila sa boxing at iba pang martial arts. Hindi para sa medalya kundi para sa totoong laban. Yung laban na nakataya ang buhay. “Dapat lang na paghusayan mo pa ang training mo. Baka bugbugin ka ng crush mo kapag naging kayo.” pang-aasar ni Leon. Kung dati rati ay iingusan lang siya ni Renz, ngayon ay napailing na lang ito pero may ngiti sa dulo ng labi. “Isa pa, mukhang marami kang makakaribal. Mukhang seloso ka pa naman. Kung di ka lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status