LOGINGuys, pasensya na 2 chapters lang po nakayanan ko today, sobrang busy lang talaga. Nagtataka siguro kayo kung anong nangyari sa kubo. Masyado po kasing mahaba ang backstory nila at revelations. Kaya baka matabunan ang kwento ni Dina at Liam. Kaya naman po napagpasyahan akong ibukod ang kwento ng nakaraan at gumawa ng special chapters para mas malinaw kong maipaliwanag doon. Tatapusin ko muna itong kina Dina at Liam. Next week po ay tapos na ito. Kasunod ay ang Special Chapters na tinutukoy ko, ang maikling love story ni Fatima at Papa Kits. Tatapusin ko muna itong kwento nilang magkakaibigang nagmula sa bahay ampunan bago tayo magproceed sa ibang kwento ng mga character na hindi related sa kanila pero minahal nyo rin. Para hindi lahok lahok. Babush and ANG–OSUS–MO… Charot!
“Lolaaaa!”Napalingon ang lahat sa pintuan nang biglang pumasok si Lian sa conference room.“Lian?” Nagulat si Fatima nang makitang patakbong lumalapit sa kanya ang apo. Agad siyang yumuko upang salubungin ang bata at binuhat ito.“Apo, anong ginagawa mo rito?”Sa halip na sumagot, sunod sunod na halik sa pisngi ang ibinigay ni Lian sa kanyang lola.Napangiti si Fatima sa kabila ng tensiyon sa loob ng silid.Si Liam naman ay nagtatakang napatingin sa pintuan. Paano nakarating dito ang kanyang anak?“What is the meaning of this?” galit na tanong ni Valderrama. “This is an important meeting, not a playground for the children of your workers. Only people who have business here should be allowed inside!”Nawala ang ngiti ni Fatima.“Vice Governor, bata ang tinutukoy mo. Hindi mo kailangang magsalita nang ganyan.”Sakto namang dumating si Dina, na halatang nagmamadaling sinusundan ang anak.“I'm sorry po. Bigla po siyang tumakbo papasok.” aniya at lumapit siya upang kunin si Lian kay Fati
Sa munisipyo, hindi ganun kaabala ang araw na yun. Kaya tinutulungan na lang ni Dina ang isang may edad na empleyado na rebisahin ang mga report mula sa mga barangay. “Andeng, may naghahanap sa yo sa labas.” narinig niyang sabi ng isang empleyado. Napatingin siya rito. “Sino raw?” “Atty. de Guzman daw.” Napakunot ang noo ni Dina. Wala naman siyang kilalang Atty. de Guzman. “Sige, salamat.” Iniwan muna niya ang ginagawa at naglakad palabas habang iniisip kung sino ang naghahanap sa kanya. Paglabas niya, nakita niya ang isang lalaking nakatalikod, suot ang isang maayos na black suit. Marahan siyang naglakad palapit dito. “Kayo po ba ang naghahanap sa akin?” magalang niyang tanong rito. Humarap ang lalaki. Natigilan si Dina nang makilala ito. “Tata Erning?” Samantala.., Nakatayo si Liam sa harap ng kanyang sasakyan, sa bakuran ng Hacienda. Ibang-iba na ang ihip ng hangin ngayon kumpara noong paakyat pa lamang sila sa kabundukan. Nagtungo siya doon para sa Hacienda Fatima
BALIKTANAWLabinsiyam na taong gulang pa lamang si Erning noon nang dumating ang isang lalaking hindi niya inakalang magiging malaking bahagi ng buhay nila.Isang araw, habang nangangahoy sila ng kanyang ama sa isang bahagi ng kagubatan, bigla siyang nakarinig ng malakas na tawag.“Erning! Anak!”Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses ng kanyang ama.“Halika! Tulungan mo ako!”Agad niyang ibinaba ang mga kahoy na inaayos at lumapit. Ngunit napahinto siya nang makita ang isang lalaking nakasandal sa balikat ng kanyang ama. Parang walang buhay, at basang basa ng dugo ang suot na damit.“Tay! Sino 'yan?”“Hindi ko kilala. Natagpuan ko sa may kakahuyan. Halika, tulungan mo akong buhatin!”Mabilis niyang inalalayan ang kabilang braso ng lalaki. Maingat nilang dinala ang sugatang lalaki palabas ng kakahuyan. Hindi naging madali ang paglalakad pauwi dahil mabigat at matangkad ang lalaki, lalo na’t mabato ang daan at matarik na bahaging yun ng bundok.Ang nang makarating sila sa bahay,
Sa mga sumunod na oras, pakiramdam ng tatlo ay sumabak sila sa isang laban na hindi nila pinaghandaan. May nagreklamo ng lusl0s, may alm0ranas, at maging ang simpleng alipunga ay ipinagamot din sa kanila.Halos hindi na mabilang ni Leon kung ilang beses siyang nagpahid ng langis, naghilot, at bumigkas ng orasyon. Si Liam naman ay walang tigil sa pagbuklat ng notebook at paghahanap ng mga garapon, habang si Renz ay abala sa pagpila ng mga pasyenteng tila walang katapusan ang pagdating.Pagsapit ng hapon, pagod na pagod na silang lahat.Gutom na sila pero wala pa rin si Tata Erning. Kaya naman si Renz na sanay sa simpleng pamumuhay, ang nagkusang nagluto ng kanilang hapunan gamit ang sinaunang lutuan. Pinakialaman niya ang imbak na pagkaing nakita niya sa kusina na pupwede niyang lutuin.Habang abala siya sa pagluluto, nakatambay din sa labas sina Liam at Leon. Nakaupo sila sa harap ng lamesang kahoy.“How much longer?” tanong ni Leon.“Almost done,” sagot ni Renz habang hinahalo ang
Kinabukasan, nagising si Leon sa pangangati ng kanyang mga hita dahil sa mga kagat ng lamok. Hindi nagtagal, nagising na rin sina Liam at Renz at nagsimulang magbihis. Paglabas nila, nadatnan nilang gising na si Tata Erning. Nasa tabi ito ng kalan na kahoy ang pang gatong, kung saan may kaserolang puno ng mainit na kapeng barako. May nakahanda na ring almusal sa mesa. “O, gising na pala ang mga prinsipe,” bati ng matanda. Napansin nito ang kanilang mga suot at bahagyang kumalog ang balikat saka napangiti. “Mahimbing ba ang tulog?” “Okay naman po,” sagot ni Liam. Si Leon naman ay tahimik pero halatang irita habang nagkakamot.., at hinihila pababa ang kanyang masikip na polo. “Sige na, kumain na kayo. Magsalok na rin kayo ng kape riyan.” anito at itinuro ang kaserola. Umupo ang tatlo sa mesa at kumuha ng kani-kanilang kape. Habang nag-aalmusal, nabanggit ni Tata Erning na ngayon ang araw ng pagtanggap niya ng mga pasyente. Isang beses lamang kada isang linggo siyang tumat
“Kakain na!” malakas ang boses na tawag ni Tata Erning. Nasa labas ito ng bahay ngayon. Inihahanda ang kakainan nila na mesang kahoy sa labas.Habang ang tatlo naman ay nasa loob ng bahay at nagpapalit ng damit.“Tayo na.” sabi ni Liam at naglakad na palabas ng bahay. Kasunod na rin niya ang dalawa.Pagkakita sa kanila ni Tata Erning ay napahinto ito sa kanyang ginagawa. Saka unti-unting umangat ang magkabilang sulok ng bibig.Suot ni Liam ang kupas na polo na may malalaking dilaw na bulaklak. Napunta naman kay Renz ang kulay Lilang polo. Kay Leon ay yung matingkad na kulay orange. Pero lahat ng suot nila ay may malalaking bulaklak na nakadisenyo.Ang pantalon nila ay hanggang kalagitnaan lang ng binti. Na may matitingkad ring kulay.“Hindi ko alam kung paano ako uupo nito nang hindi masisira” mahinang reklamo ni Leon habang hinihila pababa ang kanyang pundiyo.“Eh di, wag ka masyadong huminga.” natatawang sagot ni Renz.Si Liam naman ay tahimik na inaayos ang laylayan ng kanyang po







